Dilaw,

Literary: Palagi

2/14/2020 08:51:00 PM Media Center 0 Comments




Sa bawat araw na lumilipas
Maraming bagay ang nag-iiba
Paligid, oras, panahon
Palaging may nagbabago

Ngunit hindi ang saya na aking nadarama
Sa tuwing nakikita kong maligaya siya
Lalo na ang ginhawang idinudulot
Kapag naririnig ko ang kanyang mga tawa

Hindi rin ang tuwa sa kanyang mga ngiti
O ang kislap sa kanyang mga mata
Tuwing ako'y niyayakap niya
Tila ba ako'y nakauwi na

Wala nang ibang hahanapin pa
Basta't kapiling ko siya
Katumbas ng mahabang pahinga
Kapag nasa tabi niya

Walang permanente sa mundo
Maraming bagay ang nagbabago
Ngunit isang bagay ang hindi
Pagmamahal sa kanya'y mananatili palagi

You Might Also Like

0 comments: