Showing posts with label marco sulla. Show all posts

Buwan ng Wika at Kasaysayan, muling ipinagdiwang


Kaiba sa nagdaang dalawang taon, ngayong 2018 ay nagsanib muli ang Sangguniang Pangwika, Kilusang Araling Panlipunan, Departamento ng Sining ng Komunikasyon–Filipino, at Departamento ng Araling Panlipunan sa pangunguna sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) mula Agosto 14 hanggang Setyembre 21.


Ayon sa Proklamasyon Blg. 1041 na nilagdaan noong 1997 ni dating Pangulong Fidel Ramos, dapat magsagawa ng taunang selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto. Pinagtibay ang proklamasyon dahil ang wika ay pangangailangan sa komunikasyon at kaunlaran ng bansa, at nakatalaga sa ating Saligang Batas ang pagpapahalaga sa ating katutubong wika.


Tema ng pagdiriwang ang “Kasaysayan at Wikang Filipino: Paghubog ng Kamalayan para sa Makataong Lipunan” na layuning palaganapin ang pagmulat, panawagan, at pagpapahalaga sa kasaysayan at wika tungo sa pagsiyasat at pag-aksyon sa mga kasalukuyang isyung panlipunan.


Nagkaroon ng samu’t saring gawain at patimpalak sa bawat grado.


Sa K-2, idinaos ang “Pistang Pinoy” na salusalo ng bawat seksyon sa paraan ng potluck. 


Kinilala rin ng mga mag-aaral ang iba’t ibang salitang Filipino na bago para sa kanila sa “Parada ng mga Salitang Pinoy,” kung saan pumili ng isang estudyante kada seksyon na may pinakamagandang gawa na nametag sa Kinder, sash sa Grado 1, at headgear naman sa Grado 2. 


Nanalo sa Kinder sina Jillian Simangan ng Jasmin, Aninaw Velasco ng Kamia, Travis Antonio ng Magnolia, at Jaime Obias ng Sampaguita. Sa Grado 1 naman ay sina Lucian Quinto ng Agila, Mayie Dela Paz ng Lawin, Chelzy Ofrancia ng Loro, at Frances Cablao ng Maya. At sa Grado 2, nagwagi sina Keisha Ong ng Atis, John Maramag ng Chico, Cian Casis ng Lansones, at Ma. Dañelle Mangundayao ng Mangga. 


Kasabay nito, nagbahagi rin ang mga guro ng mga salitang Filipino bawat linggo para lumawak ang bokabularyo ng mga estudyante sa wikang pambansa.


PARADA. Maayos na nakapila ang mga estudyante ng K-2 suot ang kanilang mga inihandang palamuti para sa parada. Photo Credit: Maria Ysrael Blas at Tina Roisin Linsangan 


Matapos ang parada, isinagawa ang “Ang Galing ng Pinoy” na pagtatanghal ng ilang piling mag-aaral ng musikang Pilipino matapos ang audition na kanilang sinalihan. Ang mga nanalo sa Kinder ay sina Prince Daños ng Magnolia at Daniel Luna ng Sampaguita. Sa Grado 1 ay sina Josel Apdian ng Agila at Sue Gianan ng Maya. Sina Elin Lim, Christian Tamayo II, at isang grupo na binubuo nina Marteena Darantinao, Javick Corpuz, at Arianni Vargas ang nagwagi mula sa 2-Chico, si Mikhaella Mercurio ng 2-Lansones, at si Diane Reyes ng 2-Mangga.

Sa Grado 3-6, nagsagawa ng “Kilos-Awit” ang Grado 3 na kanilang interpretasyon sa “Ako’y Isang Pinoy” ni Florante na pinagwagian ng 3-Lawa. Umangat naman ang 4-Malunggay sa “Sayawit” ng Grado 4 na itinampok ang “Mapayapang Mundo” ni Bayang Barrios. Sa Grado 5, nanalo ang 5-Samat sa “Dulawit” ng “Papel” ni Joey Ayala. Kampeon naman sa pagtatanghal ng Grado 6 ng mga pista mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas ang 6-Ruby sa kanilang interpretasyon ng Panagbenga ng Luzon.


INDAK. Buong husay na ipinakita ng 6-Ruby ang kanilang presentasyon na Panagbenga Festival. Photo Credit: Ezra Bustamante


Sa hayskul, nagwagi ang 7-Venus sa “Sabayang Pagbigkas” ng tulang “Wala Kang Karapatan” ni Ligaya Tiamson Rubin. Iginawad ang unang gantimpala sa “Saling-Awitan” ng Grado 8 sa 8-Honeybee na nagsalin sa Filipino ng “Man in the Mirror” ni Michael Jackson. Nanguna naman ang 9-Iron na inirepresenta ang Mindanao sa “Etnikong Tugtugin” ng Grado 9. At 10-Lauan naman ang kampeon sa “Sayawit” ng Grado 10.


KAHANGA-HANGA. Buong liksing ipinamalas ng 9-Iron ang kanilang presentasyon ng “Singkil” mula sa Mindanao para sa Buwan ng Wika at Kasaysayan 2018. Photo Credit: Marco Sulla


Kaiba rin sa mga nagdaang selebrasyon, ngayong taon ay kasali ang senior high school sa mga patimpalak. Nagpakitang-gilas sa larangan ng “Ekstemporaneong Talumpati” ukol sa tema ang mga kinatawan sa Grado 11 na pinagwagian nina Anne Dela Cruz, Bryant Galicia, Elkan Reyes, Eunice Ruivivar, Alyssa Sapatua, at Myrell Sicat ng 11-Washington Z. Sycip.


“Debate” naman ang naganap sa pagitan ng mga kinatawan mula Grado 12 na pinanalunan nina Emerson Ebreo, Jean Sabate, at Alexandra Arugay ng 12-Karunungan na nagsilbing gobyerno (apirmatibong panig) na ipinaglaban ang pederalismo sapagkat mas mapagtutuunan ng mga rehiyon ang mga kailangan nila at hindi na dedepende sa iisang lugar o sentro lamang.


Bukod sa mga talento sa pagtatanghal, nagpamalas din ng pagkamalikhain ang mga seksyon sa kanilang ginawang mga Advocacy Wall ukol sa iba’t ibang paksa o isyu tulad ng pamilya, kultura, globalisasyon, ekonomiya, at misedukasyon ng mga Pilipino. 


Nagwagi sa Kinder sina Eliana Gabud ng Jasmin, Aiden Sarthou ng Kamia, Samantha Estrada ng Magnolia, at Dakila Brito ng Sampaguita. Sa Grado 1 naman ay sina Sean Eting ng Agila, Zayla Tolentino ng Lawin, Briana Asis ng Loro, at Mary Maraviles ng Maya. At sa Grado 2 ay sina Yuuna Jarme ng Atis, Eunice Torres ng Chico, Reen Lopez ng Lansones, at Iahhel Bufete ng Mangga. Nagkaroon din ng freedom wall na pinagbahaginan ng bawat isa ng mga paraan kung paano maging mabuting mamamayan ng Pilipinas.  


Nanalo naman sa Advocacy Wall sa elementarya at hayskul ang 3-Ilog, 4-Malunggay, 5-Samat, 6-Ruby, 7-Neptune, 8-Honeybee, 9-Iron, 10-Lauan, at 11-Julian A. Banzon. 


Nakibahagi rin ang ilang piling mag-aaral mula sa Grado 7-10 sa “Haraya’t Pagbasa.” Ipinabasa sa mga kalahok ang kuwentong “May Gulong na Bahay” ni Genaro R. Gojo Cruz na ang diwa’y ginawan nila ng orihinal na poster. Nagwagi rito sina Amira Llaneta at Sining Guillermo ng 8-Honeybee. 


Kasabay ng pagdiriwang ang pagkakaroon ng Book Fair na nilahukan ng Adarna House, Anvil Publishing, Inc., at Una Morato sa layong hikayatin ang mga mag-aaral sa pagbabasa ng mga aklat sa wikang Filipino at tungkol sa Pilipinas.


Bilang pagtatapos ng pagdiriwang, sa programa sa hayskul ay iniwan ni Prop. Brenson Andres, puno ng Departamento ng Araling Panlipunan, ang mensaheng “Kung ano man ‘yung magagawa natin mula sa ating sarili para sa ating bansa, gawin natin. Hindi lang sana natatapos dito sa mga performances, hindi lang natatapos dito sa paaralan ‘yung ating advocacy, ‘yung mga layunin na baguhin ‘yung ating bansa at magkaroon ng makataong lipunan.”


Sa panig ng mga guro at kawani, kaiba sa mga nagdaang taon, nagdaos ng kauna-unahang “Sing-Piging” noong Setyembre 21 na layong itampok ang mga kantang Pilipino o OPM at ang talento ng mga kalahok. Binuo ang programa ng “The Singing Bee” na kompetisyon, simpleng meryenda, at videoke. //nina Nica Desierto, Alex Yangco, Geraldine Tingco, Marco Sulla, Bea Jacinto, Keio Guzman, at Angel Dizon


Komemorasyon ng Martial Law, isinagawa sa UPIS



MULAT. Tutok at masusing nanood ang ilang estudyante at guro ng UPIS sa isinagawang film showing ukol sa Batas Militar. Photo Credit: Marco Sulla 
Nagsagawa ang Social Sciences and Humanities Cluster ng film showing bilang komemorasyon sa mga naging biktima ng Martial Law noong Setyembre 21, 2018 sa ganap na 11:00 ng umaga sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) 7-12 Auditorium.

Isa itong pakikiisa sa proklamasyon ni Unibersidad ng Pilipinas (UP) Presidente Danilo Concepcion ng Setyembre 21 bilang UP Day of Remembrance na layong gunitain ang naging papel at sakripisyo ng pamantasan sa pakikibaka laban sa Batas Militar at itaguyod ang mga kalayaang akademiko’t sibil at karapatang pantao.

Nagpalabas sa programa ng serye ng mga dokumentaryo at video tungkol sa mga pangyayari at karanasan ng mga naging biktima ng human rights violations noong rehimeng Marcos. Ilan sa mga ipinakita ay “Horrors of Martial Law,” “Liliosa Hilao, First Detainee Killed During Martial Law,” at “Millenials for Martial Law.”

Nagsilbi itong paalala sa mga estudyante ng UPIS na huwag ibaon sa limot ang parteng ito ng ating kasaysayan.

Bukod dito, bilang partisipasyon ng buong UPIS, binihisan ang tanyag na estatwa na “The Teacher,” o mas kilala na Lorna, ng itim na tela na sumisimbolo sa madilim na nakaraan at pagtutol sa pagrebisa ng kasaysayan. //nina Bea Jacinto at Marco Sulla

Sports: UPIS, sumabak sa Milo Little Olympics



LUSONG. Buong lakas na lumaban si Alonzo Cristobal sa kaniyang event noong Milo Little Olympics. Photo Credit: Marco Sulla

Pinatunayan ng mga manlalaro ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) ang kanilang husay sa palakasan sa 31st Milo Little Olympics National Capital Region (NCR) Leg noong Agosto 25 at 26 sa Marikina Sports Center.

Humataw sa paglangoy si Junior Tanker Maria Consuelo Neri na humakot ng dalawang gold mula sa Girls 4x100m at 4x50m medley relay, isang silver mula sa Girls 100m breaststroke, at dalawang bronze sa Girls 200m freestyle at 200m breaststroke.

Kasama niyang nag-uwi ng sandamakmak na medalya ang swim team. Nakapag-ambag ng isang gold at tigalawang silver at bronze si Joshua Luc Sedurante. Parehong nakakuha ng tig-isang gold at tigalawang silver sina Keanne Nuevas at Rikki Melencio. Isang gold, dalawang silver, at isang bronze naman ang kay Alexa Natividad. Tigalawang gold naman ang nasungkit nina Julia Mapa, Franz Joves, at Angela Claire Torrico. Tig-isang gold at silver naman ang kina Polo Uera at Isabel Baclig. Dalawang silver ang nakuha ni Miguel Diaz. At isang gold ang naiuwi ni Mark Lazaro.

Nakapagkamit naman ng tig-iisang gold ang elementary students na sina Alyssa Sedurante, Lyka Monares, Aleah Halabaso, at Julia Halabaso. At tig-iisang silver naman ang nakuha nina Frances Halabaso at Sherina Abogado.

Samantala, sa track and field, nakasungkit si Junior Dashing Maroon Josh Sabido ng silver sa 5000m run. Isang bronze naman ang natamo ni Kobe Cuerdo sa 400m hurdles.

Lumahok din sina Roni Kessel at ang magkapatid na Alex at Rico Tercio para sa taekwondo ngunit nabigong makakuha ng medalya.

Kung susumahin, 40 ang naiuwing medalya ng UPIS sa dalawa sa tatlong isport na sinalihan nito.

“Hindi ako nakuntento sa aking paglangoy dahil hindi ko napaghanda[an] nang maayos ang nasabing paligsahan. Marami pang pag-eensayo ang kailangan dahil ang naging resulta ng aking langoy ay hindi uubra sa paparating na UAAP,” panayam kay gold medalist Nuevas.

Kahit na dalawa lamang ang nakapag-uwi ng medalya sa track and field, masaya si Sabido na marami sa kanila ang nakatalo sa personal best at doon pa lang ay panalo na raw sila.

Samantala, nagpahayag ng pagkadismaya si Kessel sa pagkatalo sa taekwondo.“Sa tingin ko, ang laro ko sa Milo ay hindi ang pinakamahusay ko. Hindi wasto ang pinili kong game plan.”

Ang Milo Little Olympics ay kasalukuyang kinapapalooban ng 15 isport. Taunang kompetisyon ito na bukas sa lahat ng mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya sa buong bansa.

Sa Nobyembre, sasabak ang Junior Tankers at Junior Dashing Maroons sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 81, habang pinaghahandaan naman ng taekwondo ang National Interschool Taekwondo Championship sa darating na Setyembre 29.//nina Ronnie Q. Bawa Jr., Yanna Reblando, Marco Sulla, at Geraldine Tingco


For 2x9: UPCAT Tips from UPIS Alumni





“Breathe. As much as possible, try to enjoy the UPCAT. Forget the pressure during this time because it won’t help you.
At this point, there’s no use studying/cramming for the UPCAT. Have faith in your stock knowledge or what you know as of now. It’s all you need tbh!
Do something fun or therapeutic before the UPCAT! It helps that you’re happy and relaxed before the test. Watching a feel-good movie or video will go a long way.
More werpa, batch 2018!”
Disa Reyes, UPIS 2014
4th year BS Business Administration, UP Diliman




“Hi Batch 2018! I know you're all scared but they say the UPCAT is the easiest college entrance exam. The thing that makes it hard is the competition. Just a few tips- skip the questions you find hard and go back after everything. Don't spend too much time on one question ‘cause you might not get the chance to even answer the others.
Relax before the exam. Don't stress yourself too much. All you need to know has been taught to you in school for the past few years.
Also, don’t forget to treat yourself after the exam! You guys deserve it! Good luck guys!!! Rooting for all of you!!!”
Chey Abueg, UPIS 2013
4th year B Public Administration, UP Diliman




“Visit your exam centers days before exam. Stay healthy kung ayaw niyo mag-exam na may sakit. Follow instructions!
'Wag kakabahan, tiwala lang sa sarili. Isipin niyong papasa kayo. At magbaon ng maraming confidence. Good luck!"
Bea Zamora, UPIS 2015
3rd year BS Geodetic Engineering, UP Diliman




“Take your time. 'Wag madaliin ang exam, sapat ang binigay na oras. Pero wag din masyado maging kampante. At saka normal lang na kabahan sa simula. Mawawala rin 'yan once na masagutan mo yung unang mga tanong sa exam.”
Macky Barrientos, UPIS 2015
3rd year BS Geology, UP Diliman
Oblation Scholar




“Tsaka ka na mapagod at kabahan uli kapag natapos mo na ang exam, o kaya sa last push’ para grumadweyt na lang, o kaya sa existential crisis period na lang na daranasin mo habang wala pa 'yung resulta kasi tapos na ang UPCAT at wala ka nang magagawa pa at tatanungin mo nalang sarili mo kung ano pa bang purpose at goal mo in life after UPCAT. Joke lang HAHA. Slight HAHA. Sulitin ang mga natitirang sandali ng HS life!"
Michael Basilio, UPIS 2015
3rd year BS Electronics & Communications Engineering, UP Diliman




“Tandaan niyo kapag araw na ng UPCAT kayo ay mag-relax, magdala ng tubig at konting snacks,
magbanyo bago magsimula ang exam at lalung-lalo na magtiwala sa sarili!”
Jaime Mejia, UPIS 2014
4th year BS Civil Engineering, UP Diliman




“I remember how nerve wracking the UPCAT can be, but I just want you to remember to be calm and collected. Make yourself as comfortable as possible this weekend.
Read the instructions and questions carefully, as tempting as it is to use shotgun, keep in mind it’s better to make educated guesses.
Trust that you’ve prepared for this day and believe that you can do it, don’t let stress or pressure get to you. Good luck!!”
Red Rivera, UPIS 2014
4th year BA Speech Communication, UP Diliman




"Kapag di ka sure ano tamang sagot sa multiple choice, try mo muna tanggalin yung alam mong wrong answer talaga hanggang mag-end up ka sa isa lang (if di ka talaga sure, shade mo na lang c lol).
Wag ka na magdala ng maraming food kasi di mo rin makakain, swear!
Wag kang kabahan, dapat chill ka lang pag nagtake ng exam.
Good luck, 2x9!!
Kai Cardoz, Batch 2014
4th year B Public Administration, UP Diliman




“Matulog nang maaga para may energy!!!
Magising rin nang maaga kasi bawal ma-late! Expect heavy traffic. Mas okay nang maghintay kaysa nagmamadali kayo makahabol lang sa oras.
Kumain before the exam pero wag masyadong magpakabusog. After the exam na lang kumain nang marami to celebrate!
Kayang-kaya niyo yan! We’re all rooting for you guys!”
Anna Punzalan, UPIS 2015
3rd year BA Broadcast Communication, UP Diliman




“MAG-ARAL. Syempre, una sa lahat, siguraduhing nakapag-aral nang bonggang-bongga bago ang takdang araw ng UPCAT. (Hindi ito seatwork na pwede i-cram at hindi ka si Macky Barrientos na kayang-kaya pumasa na stock knowledge lang ang dala. Charot. Hi Macky! :p)

MAGHANDA. Ihanda lahat ng kailangan gabi umaga pa lang. Lapis, pambura, test permit, jacket, baon, brain cells at kahit ootd, ‘yan ihanda mo ‘yan!

WATCH. Magsuot ka ng relo para ikaw na mismo magtrack sa sarili mong oras habang sumasagot ka. Alam mo na, para walang gulatan na 5 mins left na lang pala.

CHECK. Laging i-check kung nasusundan mo pa yung numbering sa pagsagot. I-check kung nalagay mo rin lahat ng info na kailangan sa test paper. Check, check, check. Walang masama magdouble check ng sagot.

PRAY. Manalangin o magdasal ka syempre. Bago at pagkatapos ng exam, in between din kung gusto mo.

Siguro, tandaan niyo na lang na UPCAT lang yan, malayo sa bituka. HAHAHAHA. Sabi nga nila, 'yan daw ang pinakamadaling exam na ite-take niyo sa buong UP life niyo, kasi ‘pag nakapasok na kayo sa UP, ‘dun magkakaalaman. Kaya chill lang mga bes. Galingan ninyo at tiwala lang!
Good luck, Batch 2018!"
Quiela Salazar, UPIS 2015
3rd year BS Psychology, UP Diliman




“Hold on to your UPIS education while taking the UPCAT. Focus lang. Don't stress too much about the result right away (there are many ways to enter UP!) but at the same time, be careful when you answer the test items. Taking UPCAT is one thing, finishing your undergraduate degree in this university is another. Marami pa tayong haharapin but always remember to find the joy in the things that we do.
Aim for 100% UPIS Batch 2018! God Bless!”
Shari Oliquino, UPIS 2013
1st year MA Community Development, UP Diliman
UP Student Regent




"1) Nakakatawa mang pakinggan pero huwag kayong masyadong mag-review. Hindi naman kailangang pati scientific name ng langaw alam niyo jusq. Saks na review lang! Ma-buburnout kasi kayo kapag sobra. Pag nangyari yon, ang ending niyo ay pagod at drained huhu (ayaw natin yon).

2) Sleep early!!! Tama na muna ‘yang FB, twitter, tumblr, insta, snap, tinder o kung ano pa man yan. Makakapaghintay ‘yang mga yan, ang UPCAT hindi. Tsaka, gusto nating maganda/pogi tayo kapag mag-tetake ng exam diba? Marami din kasing pogi’t magaganda kayong makakasabay na mag-exam. Kailangan itsura pa lang, palaban na. UPIS represent ganon chz.

3) Pagkain! Magdala kayo ng saktong dami ng snacks. Pero yung light lang (Nung time ko kasi, yung katabi ko may dalang sliced pakwan nkklk huhu) para maiwasan ang paglabas at paggamit ng cr.

4) Dapat alam niyo kung saang college at room kayo kukuha ng exam. Mamaya natapos niyo na’t lahat yung exam pero hindi pala kayo doon sa college/room na iyon assigned. Iyaq.

5) RELAX. As in. Tsaka i-enjoy niyo yung exam.

Alam kong importante sa inyo ang araw ng UPCAT. Alam ko ring ninenerbyos kayo. Pero hindi naman magugunaw ang mundo kapag hindi kayo pumasa. Maraming options na kung saan pwede pa rin kayong makapasok sa UP pag nangyari yon (Pero ‘di ko naman sinasabing maging kampante na kayo and everything. Laban pa rin). May mga certificate courses sa UPD! Meron sa Theater Arts, Music (dance), Malikhaing Pagsulat sa Ingles at Filipino, at syempre sa Fine Arts (na kinuha ko yay). Kailangan niyo lang mag-take ng talent test para makapasok. Tsaka hindi naman batayan ng katalinuhan kung nakapasa ka o hindi sa UPCAT so kebs na!!

Naniniwala ako sa kakayahan at talino niyo at ng iba pang UPIS students! Mayabang mang pakinggan pero i-claim na natin— MAGAGALING TAYO PAK!

Kung hindi mag-wwork ang Plan A, may 25 letters pa ang alphabet bes kaya don’t give up ‘kay?

Break a leg babies! Fierce and love."
Lance Reblando, UPIS 2014
4th year BA Fine Arts - Studio Arts, UP Diliman


Graphics by Marco Sulla