Showing posts with label beyondMC. Show all posts

Literary (Submission): Hanap-hanap*





“Nakilala kita sa di ko inaasahang pagkakataon…”

Kung mayroon akong pinaka-inaabangang araw sa buong taon, ‘yun ay ang birthday ko. Laging special ang birthdays sa pamilya namin. Kahit wala o konti lang ang handa, panigurado meron pa ring simpleng regalo o sorpresa. Higit doon, nararamdaman ko ang pagmamahal ng mga tao para sa ‘kin.

Pinakapaborito ko ring araw ‘yan kasi napansin kong halos lahat ng hilingin ko pag birthday ko—mula sa mga simpleng chocolate cake o strawberry ice cream hanggang sa mga life-changing events kagaya ng pagkuha ng scholarship abroad ng Ate ko at pagbabalikan ng nanay at tatay ko—natutupad. Minsan matagal bago maibigay sa ‘kin o sa pinag-wish ko, pero natutupad pa rin.

Feeling ko nahihiya ang Universe na hindi ako pagbigyan sa araw na ‘yan. Madalas kasi parang pinagtitripan niya ako dahil kung ano ang kabaliktaran ng gusto ko, ‘yun ang nakukuha ko.

Halimbawa, minsan pag gustung-gusto ko ng Milo, ang meron lang kape. Tapos madalas kung ano pa yung pinag-iipunan ko, ‘yun pa ang hindi ko mabibili. Tsaka tuwing excited ako sa summer outing naming magkakaibigan, panigurado hindi matutuloy.

Pero kahit ganyan, matindi pa rin ang paniniwala ko sa Universe. Naniniwala ako sa signs, sa fate, sa destiny. Naniniwala ako na may mga tao at bagay na meant to be. ‘Yun bang kahit ilang beses mo nang iniwasan at ilang beses mo nang tinanggihan at di pinaniwalaan, ‘yun pa rin ang mangyayari sa’yo. ‘Yung mga makailang beses mo nang naiparating sa Universe na hindi ‘yun ang gusto mo, sadyang ‘yun pa rin ang ibibigay sa’yo.

Parang ikaw.

“Nakakabigla, para bang sinadya at tinakda ng panahon…”

Hindi ko malilimutan ang araw na dinala ka ng Universe para gambalain ang buhay ko. Grade 7 Filipino class, binibigay ni Ma’am ang groupings. Ilang araw ko nang hinihiling na maging kagrupo ko sa kahit isang subject man lang si gwapong-swimmer-happy-crush kaya hindi na ko mapakali. Finally! Matutupad na yata ang hiling ko!

Dalawa na lang ang kulang sa second to the last group. Tinawag na ako ni Ma’am tapos… tapos… tapos… tinawag niya si crush!!! Gusto kong magtatalon sa tuwa! Pero………. Tiningnan ulit ni Ma’am ang hawak niyang papel at binawi niya. Sorry raw, nagkamali siya ng tingin. Sa last group raw pala si crush. Ayun…….. ipinalit ka. Hay naku! Biyaya na, naging bato pa.

Mula noon, it’s like you’re everywhere. Katabi na nga kita sa maraming subjects na alphabetical ang seating arrangement, madalas pa kitang maging kagrupo sa projects. Kahit bunutan na ang labanan, nagiging magkagrupo pa rin tayo. Tapos kasama pa kita sa YLO.

Okay naman sa ‘kin ‘yan. Naging close nga tayo agad kasi kwela ka, madaldal, at masayang kausap. Kaya lang, yung mga pasaway nating kaklase at kaibigan, maya’t maya tayong pinapansin.
“Uyyyy… magkagroup na naman kayo!”
“Yiheeeeee… magkatabi na naman sila!”

Tapos nung nalaman nila na magkasunod ang birthdays natin, hindi na tayo tinantanan.
“Yes namaaaaan! Meant to be talaga!”
“OTP! OTP!”
Hay. Kahit ano na lang, basta makapang-asar. Nakakainis!

Kaya dumating tuloy sa point na minsan pag kinakausap mo ako, short answers lang binibigay ko. Kahit sa chat hindi kita masyadong pinapansin. Ayokong lagyan nila ng malisya. Una, baka isipin ni gwapong-swimmer-happy-crush totoo yung mga sinasabi nila. At pangalawa, wala lang. Nakakailang eh.

Aminin mo man o hindi, alam kong ang pag-ilag ko ang dahilan kung bakit nagsawa kang mag-reach out. Kaya minsan man tayo naging close, hindi talaga natin masasabing naging friends tayo.

“Tila agad akong nahulog nang hindi napapansin…”

Kaya lang, makulit talaga ang Universe. Biruin mo, nung sumunod na dalawang taon, hindi tayo magkaklase, hindi rin tayo pareho ng club, pero madalas pa rin tayong nagkikita. Halimbawa sa sakayan o sa Ikot mismo, papunta man sa school o pauwi. Nagkakasabay rin tayong magsimba pag Linggo. Tapos, paminsan-minsan, binibigyan pa tayo ng Universe ng moments.

Nung socials nung Grade 8, nagkataon tayong dalawa lang ang naka-pula kahit kung iisipin ang common naman ng pulang damit. Kaya nung isinayaw mo ako, tinutukso na naman tayo: “Niiiiceeee… couple outfit.”

Nung 15th birthday ko, nag-Enchanted Kingdom kami ng mga pinsan ko. Nandun ka rin pala kasama ang mga kabarkada mo kasi advanced celebration mo naman. Nagkita tayo sa pila ng Space Shuttle.

Nung English Week, yung tula mo ang naibigay sa ‘kin sa poem exchange. Pero hindi ako sigurado kung alam mong ako ang nagsulat ng reply sa’yo.

Nung prom, isinayaw mo ako nung Can’t Help Falling in Love ang kanta. Yun rin ang kanta nung sumasayaw tayo nung socials.

At nung bakasyon, inenroll ako sa voice lessons sa College of Music. Naka-enroll ka rin, sa piano naman. Sabay ang schedule ng lessons natin kaya medyo naging close tayo ulit. Mas nakilala natin ang isa’t isa. Hanggang sa chat nag-uusap tayo. Marami ka kasing kwento. Kung ano ano lang—yung mga nabasa at gusto mong basahing mga libro, yung pangarap mong makasulat ng magandang kanta, yung ex-MU mong lahat pinagseselosan pero nagagalit sa’yo pag ikaw naman ang nagseselos, yung mga naririnig mong pinag-uusapan ng nanay mo at mga amiga niya pag nagzu-Zumba sila sa inyo.

Narealize kong mas okay talaga pag walang nang-aasar sa paligid. Mas nakakapag-usap tayo. Pero narealize ko rin na mahirap pala. Mahirap umilag. Mahirap na hindi ka maging crush. Mahirap hindi ma-fall. Mahirap na hindi bigyan ng meaning ang signs. Lalo na’t ngayong Grade 10, magkaklase na naman tayo at magkasama na naman sa org.

“Pero tadhana ko’y mukhang di tayo pagtatagpuin…”

Kaso ngayon, pag tinothrowback tayo (which is often), di ko maintindihan kung anong reaksyon mo. Minsan sinasakyan mo naman. Minsan parang iniisip mo kung ngingiti ka ba o tatawa o sasagot o deadma na lang. Pero madalas meh, wala lang. Poker face. O kaya sasabihin mo lang “weh” o “hala.”

Samantalang ako, tawa o ngiti ang default setting ko sa mga ganyan. Mabilis pa ko magblush. Mukha tuloy akong kinikilig palagi kahit hindi naman. Medyo lang.

Pero akala ko bilang friends na tayo at mas mature na rin, hindi na tayo apektado ng mga ganito. Kaya lang nabaliktad na yung mundo kasi parang ikaw naman yung umiiwas sa ‘kin. Biglang hindi mo na ko masyadong pinapansin at kinakausap.

“Yan! Di mo kasi pinapansin noon! Hu u ka tuloy ngayon!” tumatawang sabi ng mga kaibigan ko.
Eh ganun talaga ang buhay. Tsaka ganito talaga ko pagtripan ng Universe. Pero okay lang naman kung di mo ko gusto. Akala ko lang kasi friends na tayo.
“Di pa ‘yan naka-move on.”
Sa ka-MU? Okaaaaaaay.
“Ayaw niya sigurong umasa ka.”
Grabe! Haba ng hair? Gwapong gwapo sa sarili? Azar ha.

Pero sa totoo lang, naguguluhan ako. Naguguluhan na ako sa feelings ko, sa mga sinasabi ng mga kaibigan ko, sa mga kalokohan ng Universe, at higit sa lahat, naguguluhan ako sa’yo.

Kaya ngayong taon, alam ko na kung anong hihilingin ko sa birthday ko: ang mawalan ng paki sa’yo.

“Pinili kong lumayo…”

Tumapat sa pangalawang araw ng camping ang birthday ko. Pinagpapartner sana tayo sa isang station ng amazing race. Tumanggi ako dahil bukod sa di ko masyadong type ipagawa ang activity na ‘yun, nakakahiya namang humiling sa Universe ng hindi ko naman gagawin ang part ko.

Sa dami ng ginagawa, matatapos na ang socials (at ang birthday ko) nang maalala kong hindi pa pala ako nakakapagwish. Iniisip ko pa lang kung saan at paano kaya ang gagawin nang tinawag ako ng ilang cadets at niyaya ako sa labas ng Bulwagan.

Nang makalabas… “Happy birthday to you… happy birthday to you…” Kinakantahan ako ng mga cadets habang lumalapit ang best friend ko hawak ang isang mini-version ng paborito kong chocolate cake na may kandila. “Magwish ka na, bes,” sabi niya pagkatapos ng kanta.

Yes! Ang bait talaga ng Universe. Akala ko hindi na ko makakapagwish. “Sana makalimutan na kita,” isip ko at hinipan ko na ang kandila. Pero… ayaw mamatay! Humina ang ningas pero sumindi ulit. Sinabi kong muli ang wish sa isip ko, “Sana mawalan na ko ng paki sa’yo,” at hinipan ko ulit. Ganun na naman!

“Hahaha! Ayaw yata sa wish mo,” biro ng cadets.
“Hahaha. Re-lighting candle, beh, kaya matagal mamatay,” sabi ni best friend. “Isa pa, dali. Pumikit ka na. Bago matunaw yung kandila.”

Isa pa talaga dahil kailangang matupad nito. Pumikit na ko para muling humiling at naisip ko, “Lokong Universe ka! Kampi ka siguro talaga sa kanya! Ano bang gusto mong wish ko? ‘Sana wag na siyang magulo’ o kaya ‘Sana maging okay kami,’ o ‘Sana kasama siya sa surprise na ‘to?’ Gan—”

“Huy haba naman ng wish na yan! Hipan mo na! Tunaw na!” sigaw ni best friend.

“…ngunit pilitin ma’y bumabalik sa’yo…”

Natataranta akong dumilat at hinipan ko ang halos upos nang kandila. Nagpalakpakan ang cadets at ilang senior scouts na hindi ko agad napansing andun pala. “Yiheeeeeee!!!” sigaw nila.

Hindi ko lubos na naintindihan hanggang inangat ko ang tingin ko…… Biglang uminit ang pisngi ko at kung maliwanag lang dito, makikita kung paano namula ang mukha ko.

“Hi,” nakangiti ngunit parang nahihiya mong sabi. Ikaw na pala ang may hawak ng cake. “Happy birthday,” wika mo. “Sana matupad ang wish mo.”

ITUTULOY.


*Inspired by James Reid and Nadine Lustre's Hanap-hanap

Literary (Submission): Tadhana






Tadhana nga ba kung ito’y tawagin:
Sa walang hanggang kalawakan
Dalawang tao’y pagtatagpuin
At mabubuo pag-iibigan natin’

Baligtarin man ang mundo
Nakaplano na ang “tayo”
Nakatali ang dalawang puso--
Sa tamang oras, magkakatagpo.

Ipinanganak pa lamang tayo,
Ikaw na at ako
Magkaiba man ating mundo.
Tayo na hanggang sa dulo

Nakasulat na sa ating kapalaran
Ang pwedeng mangyari kinabukasan
Mga ‘di maipaliwanag na dahilan
Kung bakit tayo ang piniling magka-ibigan.

Mga aksidenteng pilit tayong pagtatagpuin
Marami man ang humahadlang sa‘tin
Maraming di planadong pagkakataon
Malay mo, bukas na ang takdang panahon

Maghihintay ako,
Hanggang sa dumating ka sa buhay ko
Dalawang pusong magkalayo
Pag-iisahin ng pagsuyo.

Literary (Submission): Heaven of Hypothesis






"Cien, my dear, I made the sun as my first gift.
A luminous radiance on a somber midst.
I molded earth to the galaxy's center,
To let light blanket the place where you shelter."

"Theo, good sir, I'm afraid you're wrong
For the Earth is never the chorus of a song.
The sun you speak of is a mere imitation
Of gaseous balls of searing intoxication."

"On nights of qualm and unease,
To shooting stars pray your pleas.
When your voice refuses to speak your doubt,
The streaks of light shall heed you out."

"A falling star's promise, I have never believed.
By its name, I shall not be deceived.
For meteorites grant not a wish;
Only ravage when sparks extinguish."

"Near the flat world are two realms;
Above, euphoric peace and harmony helms.
Below, the netherworld of disarray;
An inferno I will never let you stray."

"The end is through a black hole’s darkness,
Obliterating life into nothingness.
Beware to end up betrayed
By the universe you claim you made."

Comic Strip (Submission): Hello, Rocket






Literary: LDN 57






“To have died once is enough.” - Virgil

Stars begin their lives as dense clouds of gas and dust that were pulled together by gravity. The attraction slowly causes these clouds to acquire mass, thus steadily increasing the gas pressure and the temperature of this protostar’s core. If the protostar gets dense enough and hot enough, a fusion reaction will ignite and the star lights up, turning into a very large, very hot, ball of gas which has hydrogen and helium fusing in the core.[1]

Throughout this process, a battle goes on in the core of the star between gravity trying to collapse the star and temperature-produced gas pressure pushing the material in the star outward. During the life of a star, there is a balance between the gas pressure pushing out and gravity pushing in.[2]

How long a star lives depends on its initial size.[3]

The same is true for the manner in which it dies.[4]

Stars bigger than our own become extremely dense and hot in the core, thus they have very high fusion rates. These large stars use up their fuel fastest, so they live for only short periods of time. “Remember that the biggest, brightest things burn out the fastest-” The size and nature of such stars usually cause them to burn nearby heavenly bodies. “-and their flames burn others around them.” When these massive stars die, they become black holes, shrinking down exponentially in volume while also keeping their huge mass. These dense objects have gravitational pulls so strong that not even light can escape from the body. “When they end, a constant darkness stays, snuffing out any trace of its previous existence.”

Stars smaller than our own live the longest. When these stars begin collapsing, they cool and then grow into only slightly bigger red giants. "Remember to take chances, and make every moment count-” These relatively cold stars then start blowing off their materials into planetary nebulae which dissipates into the interstellar medium, leaving almost nothing left of the star. “-so that once it’s over, you’ll regret nothing.”

A star like our own lives for a fair amount of time. Stars of this size, theoretically speaking, have the highest likelihood of having planets with liquid water, or perhaps even life. “Remember love as something that gives light to things that would otherwise be cold, dark, and barren-" When a star of this size begins to collapse, the core increases temperature to the point that the star can begin to fuse helium into carbon, and the outer portion of the star expands greatly due to the higher temperature. “-something that grows stronger in times when other things go darker." Eventually, the star turns into a supernova, a massive explosion accompanied by emissions of light and matter. Sometimes, a supernova can outshine an entire galaxy. “But ends-” Novae only last until the all the fuel of the star is exhausted. The remaining materials shrink into a white dwarf star. “-and leaves only but a spark-" After a certain period of time, the white dwarf loses energy and cools into a black dwarf. “-that eventually disappears.”

P.S. I am aware of the factual errors, discrepancies, and omissions. I made it that way.


This is my universe.
1. And as nothing did we too once exist, only to be pulled together by something greater than ourselves, until that force became powerful enough to hold us together.
2. What glowed and radiated on the outside hid what was happening on the inside. The constant struggles to understand and to find reason constantly pushed us to our absolute limits, but somehow we kept it all together for a while.
3. I knew. You warned me. You know I listened. I took the risk anyway. So we leapt.
4. And somehow, it all just fell apart, just like you told me. There’s an end to even the best of things.

Literary: Seat






Endless people
On the streets
Not one of them
Is on their seat

For everyday
I sit right here
With no one to watch
Or lend an ear

They seem to walk
And run and skip
But no one wants
To get a grip

I asked the world
For someone to hold
Someone to take away this sadness
That makes everything cold

So what a beautiful thing
It would be to see
A world where everything
Is meant to be

Endless people
On the streets
And one of them
Is finally on my seat

Literary: Gaya ng mga Bituin






Naalala mo pa ba?

Noong nililigawan ka pa niya
Sa tuwing magtatama ang mga mata
Di mapigil ang kilig na iyong nadarama

Sa bawat hawak niya sa iyong kamay
Napupuno ka ng buhay

At noon ngang ikaw at siya ay naging kayo
Naluluha-luha ka pang nagkwento

Sa tuwing pinasasaya ka niya, nandito lang ako, nagiging masaya para sa’yo.

‘Di ako nawala sa iyong tabi,
Gaya ng mga bituin sa malamlam na gabi,
At kapag sumikat ang araw, mga bitui’y nagtatago sa sikat ng umaga
Di ako mawawala, gaya ng mga bituing nagkukubli sa sinag kung umaga

Ngunit dumating ang araw

Na pinaiyak ka niya
Sa tuwing makikita mo siyang may kasamang iba
Ang mga luha mo’y patuloy na pumapatak sa mga mata

Galit na galit kapag naalala mga salitang-
"Ayoko na sa’yo."

At nang gabing iyon ang dating "kayo" ay muling naging ikaw at siya
Umiiyak kang lumapit sa akin para magkuwento

Noong iniwan ka niya niyakap kita nang mahigpit
Sinubukang pasayahin ka,
‘Di kailanman iiwan gaya ng mga bituin sa gabi na iyong hinihilingan.
‘Di kita iiwan, gaya ng mga bituin sa gabi.

Pero minsan ay naitatanong ko na lang
Kailan ka huling nagpasalamat sa isang bituing tumupad ng iyong hiling?
Kailan mo huling hinanap ang nag-iisang bituing nagbigay ningning sa nagdidilim na kaulapan?
Kailan mo huling piniling di matulog sa gabi
Dahil sa takot na mawala na lang bigla ang bituing sa iyo’y laging nakatingin.
Kailan mo kaya ako pipiliin?

Dahil gaya ng mga bituin,
Napapagod rin ako sa pakikinig sa iyong mga hiling na tanging pansarili lamang
Napapagod rin ako sa paggabay sa mga tulad mong tila naliligaw sa dagat
Tila nagpupumilit na bumaba sa dalampasigan

Napapagod rin ako
At maglalaho na ang ningning kong para sa’yo,
Gaya ng mga bituin.

Literary: Aliens






We used to speak our own tongues.
As if stranger beings from worlds beyond,
We spoke in different sorts of dashes and dots.
Mankind would stare at us disapprovingly,
As they try to decode the underlying alien words
Of the language that was only ours.

We had our own dimensions,
Where the time we spent together was relative,
And matter gravitated towards the couch.
The popcorn bowl was at the mercy of our black holes
And the laptop served as our source of light,
While we observed humans through their reality shows.

We used to build worlds together.
Despite the terrain proving to be unfit
For smooth and steady rides,
The foundation that it was built upon
Was sturdy enough to not be shaken
By anyone telling us what we ought to know.

But now I find myself waking up
To mornings without you.
The atmosphere is no longer familiar,
And the couch is now foreign soil.
But the gritty texture from the powder
Of my morning instant coffee
Suited my palate better
Than the bitter truth I had to swallow.

Literary: Sangnilikha





Noon, sinasabi ko palagi sa sarili, “Di na ako muling iibig. Ayaw ko nang masaktan”.

Subalit nakita kita at nagbago ang lahat. Sa isang iglap, binihag ako ng iyong mga matang singninging ng mga tala sa madilim na langit.

Tuluyan nga akong nahulog sa’yo-- ikaw, na inasahan kong makakasama ko hanggang sa dulo ng mundo. Inakala kong ikaw ang buwan; ang liwanag sa mga malulungkot kong gabi. Umasa akong ikaw ang araw na hihikayat sa aking lumapit sa ningning mo-- ang tinitibok ng puso ko.

Ngunit ako’y nagkamali.

Mag-isa akong umasa. Ako lang pala.

Dati rati’y napapaisip din ako. Itinuring kitang mahiwagang bulalakaw na tumama sa puso’t isipan ko. Umasa akong ikaw na ang tunay na pag-ibig na di ko pa nararanasan. Ngunit sa pagkahulog mo sa puso ko’y nadurog mo rin ito. Nagkamali ako.

Sa bawat talang nakikita mo sa langit, akala ko’y ako na ang pinakamaningning para sa’yo. Pero hindi ka man lang pala naakit sa liwanag ko. Pinili mo pa rin ang pinakamadilim at pinakamalayo sa iyong paningin.

Hayaan na natin ang nakalipas. Malinaw na hindi ako ang para sa iyo. At mas lalong hindi ikaw ang para sa akin.

Subalit alam kong hindi dito natatapos ang lahat.

Balang-araw, sa kalawakang puno ng mga bituin, mahahanap ko rin ang papalit sa’yo. Maghihintay ako, kahit gaano katagal; maghihintay sa pagbagsak ng isang maningning na bulalakaw.

Literary: Musings





One sultry April night
We were sipping Tanqueray
Beneath the stars

It’s just you and I
Our backs to the ground
Our faces to the sky

As we bask
In the glory
Of the stars

Wallowing in
The delicate shimmer
Of the moon

The universe seems ours
And you have never
Felt so mine

But then I awoke
In the same spot
As my dream

Same moon
Same stars
But it’s just I

Then I remembered how
It’s been two
Aprils now

Since the night you joined
The very moon and the stars
We so much loved

The pain hit me hard
As I wish again
For rain to come

Hoping somehow
You’d fall back here
As the heavens cry

Literary: Totoo Ba Ito?






Sa pagkagat ng dilim, nagliliwanag ang buwan
At mga bituing nagkikindatan ang masisilayan
Sinabayan pa ng malamig na simoy ng hangin
Naghuhudyat na papalapit na ang pasko sa’tin.

Ikaw at ako nakahiga sa damuhan
Tanaw na tanaw ang mga ilaw sa kalangitan,
Sabay naghihintay ng paglabas ng bulalakaw
At nagbabakasaling sa langit ay matanaw.

Lumalalim na ang gabi
At hindi na ako makapagtimpi,
Ang iyong kamay ay aking hinawakan
Nang walang anumang pag-aalinlangan.

Tinawag ko ang iyong pangalan
Ika’y lumingon at ako’y tiningnan.
Naglakas-loob akong sabihin
Ang inilihim na damdamin.

Mga sunod na pangyayari’y di ko inasahan
Nagliwanag ang aking buong kapaligiran
Ako’y napapikit sa labis na kasilawan
Ang nakita ko’y di mapaniwalaan.

Katawan mo’y biglang lumutang na lamang
Ako’y nagitlaanan at nanlamig buong katawan.
Di ko inasahan na ikaw pala’y ganyan:
May pang-kalawakang katangian.

Literary: Helpless





Isn’t it just unfair
That there’s a whole universe
Yet only one life to live in it?

One life to laugh and to cry
To be free to live, and learn, and love
And watch the people pass us by

In the wake of despair
We say we’ll escape and travel the world
But why are we here and not there?

We’re wasting away, trapped
We’re wrapped up in our own act
We can’t interact, we’re self-reliant
We can’t act, we stay silent

There’s a world we can’t have
Joy that won’t last
Love that won’t stay

And it makes us insane every single day

Life is temporary
This world is immense
And it won’t adjust for us
And I don’t know what to do
Maybe I’ll never know what to do
Until it all ends for me

It makes me stay up all night
Thinking about how
Maybe I never had a chance
The moment I was born into this universe

We never had a chance

We’re limited

Perhaps because we are afraid
Afraid to be happy
Afraid to live, to learn
Afraid to love

Because we know that everything won’t last
Like we won’t last

What should I do?

What would you do?

Literary: Tamang Dimensyon






Sa tuwing nagtatagpo
Ang ating mga mata
Di ko maipaliwanag
Aking nadarama

Parang hinihigop ako
Ng napakalakas mong pwersa
Papunta sa kalawakan
Ng iyong mga mata

Unti-unti akong nahulog
Sa daigdig mo-
Sa iyo

Naguguluhan ako
Ano ba itong nadarama ko?

Ngunit natatakot ma’y
Susugal pa rin ako
Kahit ngayo’y sa iba ang tingin mo,
Nagbabakasakali lang naman ako

Kung dumating ang isang pagkakataon
Sa ibang panahon
Ay magkatagpo na tayo sa
Tamang dimensyon

Literary: My Universe





In your entire galaxy,
I am nothing but a speck of dust.
In your world of stars,
He holds the brightest light.

How would I shine
If you didn’t even know I was there?
How would I shine
If your eyes are already set upon him?

Maybe I’d just watch you amble away
Off to another dimension
Lightyears away from me.

If it is happiness you seek
In this voyage across the stars
To get to his space
Then, I’d be fine

You are my universe
But he is yours
And I can’t do anything about it anymore.

Literary: Déjà Vu






You stand there in front of me
And I stand here, staring at the earth.

I don’t see you, but I know you’re looking at me.

I close my eyes as I remember
That moment in this exact setting
When it just did not feel right.
That moment when I knew the universe
Was telling us nothing but to part.

Nothing moved until
I felt your hands on mine
Sliding onto my arms
Then to the curve of my spine.

And at that moment,
I swore,
I will never
Let the universe take over
Ever again.

Literary: Laissez Faire





Traces of twilight
An evident longing deep within
Reminiscing the evanescent
Then shaking it away
And bidding it goodbye
Trying not to look back once
As my heart I dare defy

For I’d look into your eyes
Just as songs of lovers say
Far from you, I realize
We grow more apart each day

How I wish…
Yet… I must not wish
If you stay
Do it of your own accord
True love was never easy to afford

Parting ways as we cross the sea
Our sails awaiting the breeze
Hoping that by fate, not by chance, I’d see
How time flies fast
Yet my heart’s on freeze

If we wait, we will see
Call it destiny
If it’s you and me
What will be, will be

Literary: Pwersa






Paikot-ikot.
Pasikot-sikot.
Ikaw na nga ba?
Ang saki’y itinadhana?

Sabi nila,
Magtiwala ka,
Sa pwersa ng kalawakan,
Pagkat may malakas daw itong kapangyarihan.

Na paglapitin ang dalawa,
Sa di inaasahang pagkikita,
Kailan? Saan? Paano?
Walang nakakasigurado.

Basta darating at darating siya,
At sa kalawaka’y magpapasalamat ka,
Pagkat dumating siya sa buhay mo,
Sa panahong akala mo lahat ay di sang-ayon sa’yo.

At sa pagdating niya,
Siguraduhing handa ka,
Wag iasa ang lahat sa tadhana at kalawakan,
Dahil kailangang ikaw mismo ang gumawa ng paraan.

Upang ang inyong mga mundo,
Ay sabay na umikot sa mga salitang,
“Ikaw at ako, oo tama tayo!”

Literary: Projection





"What is this?” I asked you with a light chuckle, as we stood in front of a door.

"You'll find out,” you said with a smile as you grabbed my hand and excitedly pulled me into the room.

It was dark and the only source of light was coming from a laptop at the center of the room. You let go of my hand and quickly went over to the laptop and flashed me a smile. There was a projector near the laptop and as you took off its cover, my eyes grew wide.

Stars suddenly surrounded me. Every inch of the room was covered by the luminescence of these distant lights. They looked so real. So...

"How did you d-,” you looked at me with a shrug and I knew you weren't going to tell me. I just smiled as you smiled back at me.

I don't know how long we were in there, just looking at the stars passing by around us as we were lying on the floor, trying to imagine where constellations were. We lost our sense of time, but it felt like it didn't matter at all. We were just wandering in the vast expansion of space and nothing else was important. It was like we were in...

"Our own little universe."

I had whispered to myself, not noticing that a large smile had formed in my face. You nudged me and told me that there was a shooting star and I should make a wish. I gently held your hand.

I didn’t need to. It had already come true.

Literary: In You





I used to believe that you are my world.
No matter what they say and do,
Life, love, destiny pulled us through
It is written in the stars so I just cannot leave you

Like the planets revolving around the sun
It gives me excitement like nothing can
Thinking about you I cannot stop
You're in my mind running a neverending lap

Every night, gazing upon the sky full of stars
I reflect on our moments spent in paradise
Never did I think that all these would pass by.
I didn’t think letting go could make me cry.

Although we are meant to be,
I am not sure if I’m ready to set you free.
If you don’t know how much you mean to me,
Try counting the stars and then you'll see

Now that I know the world is just a fragment,
I look instead at the bigger picture.
Keeping what I learned from every single moment
Will surely have an impact on my future.

Because…
In you, I felt what it’s like.
In you, there’s a reason to take out fright.
In you, I look at problems in reverse.
In you, I see the universe.

Literary: Theory of Strings





We hang upon the threads of the universe
And they're just about ready to break.

We've been spread
So thin
So far
For so long
With so little
To still hold on to.

And yet
We're still here,
Standing in the middle of everything,
Fighting the tides that flow against us.
Our words cling
To the strings of the galaxy
Like stars.
Dead and dying,
But they continue to shine.

We punch holes through time and space,
Defy theories that determine the world
And reject every hypothesis that says
That the planets will never align for us.

And to what end?

For me to love you
In zero gravity?
Where my words merely float around
Because they carry no weight for you?

Maybe we’ve been holding on
To the stardust for so long
That it’s starting to blind our eyes.

My love, how strong we have been
To grapple with the world
And all its follies
But I think
It’s time to cut loose from each other.