Showing posts with label cecilia. Show all posts

Literary (Submission): Numero




Isa, Dalawa, Tatlo
Sa rock bench sa likod ng puno,
Dahan-dahan akong lumapit sa’yo.
Matagal ko nang itinatago,
Gusto kong malaman mong matagal na kitang gusto.

Apat, Lima, Anim
Ako’y namumutla na sa kaba.
Nanahimik ka’t ngumiti bigla.
At sinabi mo sa aking “Gusto rin kita.”
Ang hiling sa wakas ay natupad na.

Pito, Walo, Siyam
Naging tayo at umasa ako.
Kasi ang alam ko mahal kita, mahal mo rin ako.
Umasang ang tayo’y walang hangganan,
Ngunit ang walang hanggan ay nagkaroon ng katapusan.

Sampu
Anong nangyari sa ‘tayo’?
Akala ko ba mahal mo ako?
Ako ba ang may kasalanan?
Ako ba ang nagkulang?

Una, Pangalawa, Pangatlo
Sa rock bench sa likod ng puno,
Nilapitan mo ako.
Sabi mo’y gusto mo ako.

Pang-apat, Pan-lima, Pang-anim
Gusto mo ako’t gusto rin kita.
Sinagot kita.
Hindi para mahalin ka, ngunit para lumigaya.

Pampito, Pang-Walo, Pansiyam
Dumating sa punto na tinanong ko ang aking sarili.
Oo sigurado ka na mahal mo ako,
Ngunit sigurado nga ba akong gusto kong mahalin ang isang tulad mo?

Panghuli
Huli na ang lahat at iniwan kita.
Hindi para saktan ka, ngunit para itama ang mga mali na aking ginawa.
Patawarin mo ako’t huli na ito.

Literary (Submission): Panghalip



Tayo
Noong una tayong nagkita
Hindi maitago ang kasiyahan
Isang araw biglang nagkasalubong
At tayo’y nagkakilala

Ikaw
Ikaw ay aking inibig
Ikaw anglaging kasama
Ikaw ang gusting kausap
Ikaw lang ang laman ng puso

Ako
Sana’y ako rin ang iyong ibigin
Sana ako lagi ang nasa isip mo
Sana ako ay nasa iyong tabi
Sana bukas ay maging tayo

Pinagtapat ang nadarama
Mahal mo rin pala ako
Buhay ko’y sumaya
Buhay ko ay nagkakulay

Isang araw ika’y nakita
Ibang lalaki ang kasama
Ikaw ay nilapitan
At tayo’y nag-usap

Kayo
“Sino siya?” tanong ko
“Siya ang matagal ng tinitibok ng puso ko," sagot mo
Pinaasa mo lang pala ako
Bakit mo nagawa sa akin ‘to

Bakit ako’y pinaasa?
Bakit mo ako iniwan?
Bakit moa ko sinaktan?
Maibabalik pa kaya ang nakaraan?

Tayo
Noong una tayo’y nagkita
Napangiti mo agad ako
Nagpakilala ka sa akin
Nagpakilala ako sa’yo

Ikaw
Di nagtagal naging kaibigan kita
Ikaw lang ang kausap mula gabi hanggang umaga
Kapag may piangadadaanan ikaw ay nandyan
Ikaw ang kaibigang lagging sinasandalan

Masaya ako sa ating pagkakaibigan
Lahat ay maari kong gawin kaoag ikaw ang kasama
Dahil alam kong ito’y walang malisya
Akala ko kaibigan lang kaso hindi pala

Ako
Nagtapat ka ng iyong damdamin
Hindi ko naman ito hiniling
Ayokong saktan ang aking kaibigan
Kaya’t sinabi ko na ika’y mahal rin

Nakita mo akong kasama siya
Ang lalaking gusto ko talaga
Lumapit ka at ako’y hinila
Bakas sa mukha mo ang pagkalito

Kami
“Sino siya?” tanong mo
“Siya ang matagal nang tinitibok ng puso ko.”
Sinubukan kong turuan ang puso ko na mahalin ka
Pero hindi mo matuturuan ang pusong may mahal ng iba