Showing posts with label jaja ledesma. Show all posts

Ask.MC: Tatak UPIS!


Matatapos na ang isang semester ng pagsisikap ng mga mag-aaral at gurong UPIS. Para sa seniors, napakabilis lamang ang takbo ng oras at isang semester na lamang ay makakamit na nila ang Pagtatapos, sila ay graduweyt na! Para naman sa“freshies”, nagsisimula pa lamang ang kanilang paglalakbay. Para naman sa mga guro, ang lahat ng ito ay tila isang walang katapusang siklo hanggang sa mamalayan na lang nilang napakarami nang estudyanteng dumaan at nagging bahagi ng kanilang mga buhay. Ang bawat isa sa atin ay may nakatakdang panahon ng pananatili sa UPIS at tiyak ang bawat isa’y maalala sa iba’t ibang paraan sa paglipas ng panahon.




Ang mga salitang “pag-alis,” “paglisan,” o “katapusan” ay hindi kailangang palaging malungkot. Ika nga nila, ang bawat katapusan ay hudyat ng bagong simula, ang mga estudyante at guro ng UPIS ay nagnanais na mag-iwan ng isang magandang imahe na maaaring tularan ng mga susunod pang henerasyon. //by Jaja Ledesma

Feature: IG-worthy Places In UPIS



Sabi ng matatanda, iba na ang panahon ngayon. Siguro nga totoo. Laganap na ang tweets, vlogs, at pictures, kung saan instant nating naibabahagi ang mga ganap sa ating buhay. At kung sumasabay ka sa tech trend, alam mong sa dami ng apps na pagpipilian ay may nag-angkin na ng trono sa pinakasikat na photo at video sharing app:

ANG INSTAGRAM.

Maraming tao, maging mga taga-UPIS, ang mayroong account dito. At siyempre dahil diyan, palagi kaming naghahanap ng lugar kung saan pwede kaming mga instagram users na magpaka-candid, fierce, artsy o kahit maging amateur high-fashion models. Sa kabutihang palad, puno ng magagandang lugar ang UPIS para sa mga taong nagbabalak na pagandahin o bigyan ng bagong timpla ang kanilang IG feed.

1. BRICKS

Walang estudyante sa UPIS ang hindi pa nakakapagpakuha ng litrato sa lugar na mas kilala natin bilang "bricks" o brick wall. Tampok itong puntahan ng mga estudyante lalo na kung sila'y may mga aktibidad sa paaralan tulad ng UPIS Week, Buwan ng Wika, Culminating Activity sa Musika, at marami pang iba. Nangingibabaw ang kulay ng sinumang pumuwesto roon, sa bricks na medyo mapusyaw ang pagkapula. Dagdag pa rito, hindi ka na mangangailangan pa ng dagdag na pailaw dahil sapat na ang lighting na binibigay ng araw.

2. UPIS SIGNAGE

Pagpasok pa lamang sa ating paaralan, bubungad na ang pagkalaki-laki, pagkaputi-puti, at pagkalapad-lapad na mga letra ng U-P-I-S. Makikita ito sa harap ng eskwelahan, kalapit ng rebulto ni Lorna. Ito'y isa sa mga lugar na palaging nakikita sa litrato ng mga taong bumibisita sa UPIS sapagkat perpekto talaga ito para sa groupfies o group pictures. Dagdag pa diyan, may natural na liwanag, berdeng landscape, at matitingkad na halamang nakapalibot at lalong nagpapaganda sa lugar. Kaya naman huwag na huwag kayong aalis sa UPIS nang hindi kayo nakakakuha ng kahit isang selfie rito!

3. PARKING LOT

Makikita ito sa likod ng Administration Building sa tapat ng parking lot. Ang lakas maka-gubat ng background hindi ba? Aakalain nilang nasa gitna ka ng kagubatan pero ang hindi nila alam ay nasa loob lang ‘yan ng UPIS. Nagbibigay rin ito ng mala-nature lover vibe na babagay sa IG feed ninuman!

4. ROCKMAN

Idagdag mo na rin ang lugar na ‘to sa nature-loving mong IG feed. Matatagpuan ang Rockman sa likod ng Administration Building. Kaunting sakripisyo’t pasensya lang sa mga naka-slacks o palda sa pag-upo sa maputik at makating damuhan dahil sulit naman ang inyong IG-worthy post.

5. HALLWAY SA TAPAT NG CLINIC

May three-point perspective kayong makikita at samahan mo lang ng magandang pose ay talagang mapapa-#feedgoals ka na sa IG! Iba talaga ang istruktura ng mga lugar dito sa UPIS sapagkat nailapat pa nila ang ilang aspeto sa arkitektura at sining. Ang lakas maka-artsy, hindi ba?

6. UPIS GYM

Pangalawa sa huli ay ang pinakabago’t pinakamalinis na UPIS gymnasium! Maraming parte ng gym ang magandang pagkuhaan ng larawan at isa na rito ang mga pintuan nito. Kaunting side-view lang at tamang anggulo ang kailangan o ‘di kaya pwede ring gawing background ang mga pintuan dahil sa simple ngunit malakas na datingan ng disenyo nito. Tingnan natin kung hindi mapa-wow ang followers mo at hanapin kung saan ka nagpapicture.


7. HAGDAN

Madalas itong dinaraanan ngunit hindi nakikita ng marami ang kagandahan ng hagdang ito ng UPIS. Ito ang bubungad sa inyo papasok ng Academic Building. Kasimplehan, malawak na espasyo, at dagdag na levelling o blocking ang naibibigay nito para sa mga taong gustong magpakuha ng litrato. Kalimitang ginagamit ito ng malalaking grupo tulad ng varsity teams ng Track and Field at Swimming, pero pwede pa rin itong gamitin ninuman lalo na ng mga gustong magdagdag ng mas kakaibang anggulo sa kanilang litrato. Pagdating sa IG-worthy posts, hindi kayo bibiguin ng natural aesthetic look na nabibigay ng mga halama’t bulaklak na pumapaligid sa lugar.

Sa pagkalaki-laki ng mga gusali at sa lawak ng lupain ng buong UPIS, hinding-hindi kayo dapat malimitahan sa walong lugar na inilista namin. Paganahin niyo lang ang inyong imahinasyon upang magkaroon pa ng mas maraming ideya para sa susunod ninyong photoshoot. Tandaan, walang mas gaganda at mas dadami pa ng likes sa posts na bunga ng inyong pagkamalikhain! //nina Jaja Ledesma at, Jo-ev Guevarra

Feature: The Best of UPIS: AY 2016-2017



Lumilipas ang panahon…

Lumipas na nga ang isang taong puno ng hindi matatawarang mga sandali, mga hinding-hindi malilimutang alaala. Kaya naman bago tayo mag-vacation mode, balikan muna natin ang lahat ng nangyari sa loob ng isang taong lumipas.

525,600 minuto ng pagkatuto…

1. Bagong Simula ng Pasukan! (Calendar Shift, Agosto 4, 2016)
Simula pa lang ng taon, marami nang bago. Para bang nag-adjust ang body-clocks nating lahat simula nang malipat ang pasukan ng Agosto. Pero kahit ganoon, nakakamiss din palang pumasok sa eskwelahan, pagkatapos ng limang buwang bakasyon. Kasabay nito, unang sumabak ang Batch 2018 sa bagong K-12 program kung saan naging anim, imbis na apat na taon ang ating buhay-hayskul.

8760 oras ng samu’t saring alaala…

2. UPIS Upgrades

UPIS Gym (Marso 26, 2016)

Photo Credits: UPIS Media Center


Dagdag sa isang panibagong simula, magkakaroon na rin ng bagong palaruan ang mga basketbolista at volleybolista ng ating paaralan. Sandaling hintay na lang at may sarili na tayong gym!


UPIS 3-6 Canteen (Agosto 2, 2016)

Photo Credits: UPIS Media Center


Kung ang 7-12 Building ay may bagong palaruan, siyempre hindi magpapahuli ang 3-6 Building na may bago namang canteen! Doon din nakapwesto ang pinakaminamahal nating si Aling Norms na mula noon hanggang ngayo’y saksi na sa patuloy na pag-unlad ng ating eskwelahan.

365 araw ng dangal at husay…


3. Marcos Not a Hero (Nobyembre 18, 2016)

Photo Credits: UPIS Media Center


Bilang mga iskolar ng bayan, hindi lang basta puro laro ang pinagkakaabalahan natin. Nakibahagi rin tayo sa makasaysayang pagtutol sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Pinatunayan natin noong mga sandaling iyon na matatag din ang boses ng kabataan, mulat tayo sa realidad, at handa tayong makiisa sa ating bansa.

52 linggo ng sipag at tiyaga…


4. UPIS Celebrations: UPIS Grand Home Coming at UPIS Week (Disyembre 10, 2016)


Photo Credits: UPIS Centennial Homecoming Facebook page


Punong-puno nga ng selebrasyon ang taong nagdaan! Noon nga lamang Disyembre 10, 2016, muling napagkaisa ang mga alumni mula sa UP High, UP Elem, UP Prep at UPIS sa UPIS Grand Alumni Homecoming, kasabay ng selebrasyon ng sentenaryo.

Photo Credits: UPIS Media Center

Para naman sa mga estudyante, ginanap ang UPIS Fair na may temang IdealISKO. Tulad ng dati, hindi nawala rito ang pasiklaban na pinaghandaan ng bawat batch, ang Powerdance. Nariyan din ang ibang aktibidad tulad ng Club Wars, ACLE, Christmas Party, at Variety Show, habang nagkaroon naman ng intersection intrams ang Grado 11.

12 buwan ng patuloy na pagtibay…

5. Tambalan ng mga Bago: Logo at Summer Uniform (Marso 21, 2017)

Photo by: University of the Philippines Integrated School


Opisyal na ring inilabas ngayong akademikong taon ang bagong logo ng UPIS. Kasabay nito ang bagong summer uniform ng mga estudyante bilang tugon sa panahon ng tag-init. Permanente na ang bagong logo at gagamitin na rin ito sa susunod pang mga taon. Unang makikita ang logo sa bagong uniform, na isang puting t-shirt kumpara sa dating polo. Talaga ngang new na new ang taong ito— new logo, new look!

1 espesyal na taon…

Tunay ngang espesyal ang dumaang taon na ito. Simula pa lang ng school year ay mayroon nang malaking pasabog— Agosto na ang pasukan at mayroon na ring dagdag na Grade 11 students sa 7-12 building. Sinamahan pa ito ng pagpapatayo ng mga panibagong pasilidad at pakikilahok ng mga estudyante sa isang pambansang pagkilos. Idagdag mo pa riyan ang taunang UPIS Week na sinamahan ng enggrandeng Centennial Homecoming. Matapos ang ilang buwan, may inilibas pang bagong logo at summer uniform. Sadyang UPIS lang talaga ang may ganito karaming ganap sa loob ng isang taon!

Sa patuloy na pagtibay ng institusyong UPIS sa mga nagdaang taon, sana’y sa panibagong pang-akademikong taon ay magiging lalong makabuluhan at masaya ang tatahakin nating landas bilang isang paaralan. // Ni Jaja Ledesma

Batch 2019 holds UPIS Job Fair 2016-2017



Batch 2019 held the UPIS Job Fair 2016-2017 at the UPIS 7-12 ramp area last May 16.

JUST BUSINESS. Grade 10 students apply for jobs, interview applicants, and wait in lines for their turn. Photo Credit: Media Center 2018

The activity was done as a practical application of the lessons taught in their CA English 10 Business Communication class, particularly writing business letters and resumes, conducting and preparing for job interviews, and sending acceptance and rejection messages.


WANTED EMPLOYEE. Interviewers of the Saranghaeyo Jagiya evaluate an interested applicant in a one-on-one interview. Photo Credit: Media Center 2018
Awards were given to selected students and booths per section. Frequency, Sik-Love, and Oshop Peace were awarded as best booths for 10-Lauan, 10-Molave, and 10-Yakal respectively. Kobe Rivera and Chesca Joves of 10-Lauan, Jean Sabate and Telet Papa of 10-Molave, and Gian Palomeno and Yssa Luna were chosen as best dressed for each section.

The activity was hosted by Hannah Manalo and Fiel Delos Reyes of 11-GL Jaena.// By Cedric Jacobo, Layla Wadi, Jaja Ledesma and Forth Soriano

Feature: Me, Myself, & I & Self Love



Ang pagmamahal ay hindi para lamang sa iba, meron ding para sa ating mga sarili. At siyempre bago ka magmahal ng iba, dapat matutunan mong mahalin muna ang sarili mo. Sabi nga nila, “you can’t give what you don’t have.” Sa kasamaang palad, marami sa ating nahihirapang magpahalaga sa sarili. Kung isa kayo sa mga ito, huwag magpa-stress at sundin lang ang mga sumusunod na payo:

1. Flaunt it.

Photo credit: https://www.google.com.ph/search?q=daehan+minguk+manse+laughing+gif&source=lnms&tbm=isc

Tandaan na hindi nakasalalay sa ibang tao ang katauhan mo. Hindi uso ang salitang insecure sa self-love. Huwag i-kumpara ang sarili sa iba, dahil lahat tayo ay may sari-sariling imperfections at mga problema. Kung deep kang mag-isip, kung tahimik ka, kung madaldal ka, kung masiyahin ka, lahat na ng adjective na meron ka, ipagmalaki mo! Wala kang dapat ikahiya sa kung sino ka man. Flaunt it, ipagmalaki mo kung sino ka!
Siyempre hindi rin uso sa self-love ang pagpigil sa self-love ng iba. Huwag gagawa ng mga bagay na makakaapak sa ibang tao, dahil hindi ito self-love, kundi ego. Ito ang magiging daan upang mabuo ang sarili, ang patuloy na self-discovery at pagiging willing to learn 24/7.

2. Cut it.

Photo credit: http://www.fanpop.com/clubs/korean-dramas/images/39974992/title/legend-blue-sea-fana

Hindi naman siguro maiiwasan ang mga taong “toxic” kung tawagin. Maaring nasaktan ka nila mapa-pisikal man o ‘di kaya emosyonal. Sila ang mga taong maaaring magdulot ng depression sa’yo o kaya maging sanhi ng pagkakaroon ng anxiety. Huwag nating hayaang humantong sa ganoon ang mga problema. Kaya nga mayroon tayong tinatawag na cut the cord, ang pag-putol ng koneksyon sa mga toxic na tao. Sa halip na sila ang isipin, pagtuunan mo nang pansin ‘yung mga taong nagbibigay ng kasiyahan sa’yo at alam mong mabubuting impluwensya. Kapag sila ang pinaggugulan mo ng oras, siguradong liligaya ka.

3. Accept.

Photo credit: https://www.google.com.ph/url?sa=i&rct=j&q=&esrc=s&source=images&cd=&ved=0ahUKEwjrrvWQuvHTAhUIEbwKHbS-ATEQjRwIBw&url=http%3A%2F%2Fsarangfan.tumblr.com%2Fpost%2F97047713364%2Fj2ster-her-smile-is-one-of-the-cutest-things&psig=AFQjCNEOHJg6DRXHkd5VEj1VStoyYwbs1A&ust=1494922357329152

Kung ang pagmomove-on sa isang relasyon ay may acceptance stage, ganyan din sa pagmamahal sa sarili. Dapat mong matutunang patawarin ang iba. Pagpapalaya ito sa iyong sarili mula sa mga bagay na nagdulot ng matinding sakit. Nagpapatawad ka dahil tinatanggap mo na ang mga nangyari, mabuti man o hindi. Gusto mo na lang ulit magsimula ng panibago kung saan wala kang iiwang pasanin mula sa iyong nakaraan. Sa kabila nito, alalahanin din na ang pagpapatawad ay hindi katumbas ng paglimot. Gamitin itong patunay na kaya mong lampasan ang anupamang pagsubok na darating sa iyong buhay.

4. Laugh it all out.
Photo credit: https://www.tumblr.com/search/kim%20bok%20joo%20gif

Ngitian at tawanan na lamang ang mga problema. Masakit, tawanan mo. Nakakaiyak, tawanan mo. Sabi nga “Laughter is the best medicine.” Ang pagtawa ay pinakamabisang pangunang-lunas, ngunit pansamantala lamang din. Ang mga problema ay dapat sinosolusyonan at hindi tinatakasan. Pinapaalala lamang ng pagtawa na maraming bagay sa buhay natin ang dapat pa ring ipagpasalamat, sa kabila ng mga problema. Bigyang-pansin at pasalamatan ang mga bagay na nagbibigay ngiti sa’yo. Mas maraming bagay ang nag-iiwan ng masasayang alaala.

Proud ka sa sarili mo. FLAUNT IT. Lumampas ka na sa boundaries mo. CUT IT. Nakaget-over ka na o naka move –on ka na. ACCEPT IT. Nasaktan ka. LAUGH IT ALL OUT. Ang self-love ay hindi pagiging narcissist. Isa itong pagkilala na kailangan mo rin ng pagmamahal at ng kaligayahan, tulad ng iba. Maliban sa pagmamahal na nakukuha mo sa ibang tao, mahalagang mahalin mo rin ang iyong sarli. Kaya sa lahat ng self-lovers out there, give yourselves a big hug! //ni Jaja Ledesma


Feature: Sa Likod ng Eksena: Isang Araw sa Buhay ni Ate Elmira



MEET ATE MIRA. Sa likod ng malinis nating paaaralan, nariyan si Ate Mira at ang iba pang custodial workers na hindi matatawaran ang dedikasyon sa kanilang trabaho. Photo credits: Paola Pagulayan

Dumaan ka sa corridor at nakita mong sobrang gulo ng isang kuwarto. Pagkatapos ng klase ninyo, dumaan ka ulit doon at parang biglang hinigop ng hangin ang lahat ng kalat! Hindi ba nakapagtataka, na sa tuwing pumapasok tayo sa ating paaralan ay kay linis at kay kintab ng mga sahig at maayos ang mga silya at mesa? Dahil ‘yan kina ate at kuya, ang masisipag na custodial workers ng UPIS. Isa na sa mga huwarang custodial worker ng UPIS si Ate Elmira Dacuya, 45 taong gulang na 10 taon nang nagtatrabaho bilang isang custodial worker at nakatalaga sa Administration Office ng paaralan.

Daily Routine

6:00AM – Pagdating niya sa umaga, una siyang tutungo sa Guidance Office at lilinisin ito. Pagkatapos ay agad-agad niyang lilinisin Clinic at isusunod ang Office of Research, Development and Publication.

8:00AM - Lilinisin naman niya ang mga banyo sa Admin office. Magwawalis at magpupunas ng sahig sa buong lobby at hallway.

10:00AM – Magpapahinga na siya matapos maglinis sa Admin Office dahil oras na para sa isang coffee break. Siklo ang gawain ni Ate Mira, babalikan niyang muli ang mga lugar na kanyang nalinis na upang siguraduhing mananatili ang kalinisan sa mga lugar na ito.

12:00PM - Ito na ang oras para sa tanghalian, sasabay siyang kakain kasama ang mga katrabaho niya.

1:00PM - Pagkatapos niyang mabusog sa kanyang masarap na pananghalian. Babalik na siya sa pagtatarabaho. Ngayon maglilinis naman siya sa CR ng mga babae sa Academic Building mula sa unang palapag hanggang ika-apat na palapag.

3:00PM – Pagsapit ng alas tres, matatapos na ang kanyang mga gawain. Imomonitor na lamang niya ang mga ito. Huli niyang gagawin ang pagtatapon ng mga basura.

5:00PM - Nagtatapos ang kanyang araw sa paaralan at uuwi siya sa kaniyang mahal na pamilya.

Memorable Moments sa Kanyang Trabaho

Hindi lang naman puro trabaho ang ginagawa ni Ate Mira. May mga pagkakataong lumalabas din siya siklo ng kanyang mga gawain. Ito ang mga hindi niya malilimutang pangyayari sa kanyang trabaho. Halimbawa na lamang ay ang programang “Day-Off” na inorganisa ng Kamag-Aral noong Marso, 2016. Isa ito sa pinakatumatak sa kanyang pagtatrabaho dito sa UPIS. Isa raw kasi itong selebrasyon kung saan parang bumalik daw sa pagkabata ang staff at custodial workers dahil sa kasiyahan ng mga laro at sa sarap ng mga handa sa salo-salo.

Alam niyo bang nagtrabaho rin si Ate Mira noon sa Bureau of Internal Revenue?! Bukod daw sa UPIS, ang pagtatrabaho niya roon ang isa pa sa memorable moments niya sa labas ng paaralan. Tuwing Biyernes ay nakatatanggap sila ng allowance na hiwalay pa sa kanilang mismong sweldo. Kaya naman sabi ni Ate Mira, “Ang sipag ko doon kahit pagod na hehe.”

Mga Hilig at Interes

Hindi lang din naman sa trabaho umiikot ang buhay ni Ate Mira. Inaabangan rin niya ang iba’t ibang palabas at mahilig siya sa foreign TV series tulad ng Game of Thrones at The Walking Dead. Tuwing Sabado’t Linggo, nag-eehersisyo siya o kaya’y sumasali sa zumba sessions sa QC Circle. Minsan naman, nagbabadminton siya kasama ang kanyang pamilya para makapag-bonding sila. Hilig niya rin ang pagluluto ng mga panghimagas o mga dessert tulad ng Maja Blanca.

Para Kanino ang mga Pagsisikap

Magulang din si Ate Mira at mayroon siyang apat na anak. 26 taong gulang ang kanyang pinakamatanda habang 15 naman kanyang ang bunso. Kaya’t nang itanong kung para kanino siya bumabangon, ang unang pumasok sa kaniyang isipan ay walang iba kundi ang kaniyang pamilya. “Para sa mga anak ko,” sagot ni Ate Mira.

Si Ate Mira ay maituturing na huwarang manggagawa ng ating paaralan. Mahal niya ang kanyang trabaho tulad ng pagmamahal niya sa kanyang pamilya na kanyang inspirasyon upang magpatuloy sa pagtatrabaho. //nina Jaja Ledesma, Layla Wadi, Paola Pagulayan

Spoof Feature: Kim Bok Teng Sweeeg!



Si Kim Bok Teng ay isang student-athlete sa UPIS, na kilala sa kanyang 5 pirasong bangs at maiksing buhok. Ang paborito niyang asignatura ay Filipino at hindi siya nahuhuli sa kanyang mga klase kahit nasa malayong lugar ang kanyang tirahan. Siya’y nanggaling sa pamilya ng mga kargador at naimpluwensiyahan ng mga matatalik niyang kaibigan na sina Shee Nan at Seon Oks.

Marami na siyang napatunayan sa kanyang mga kompetisyon, tulad ng pagkakapanalo niya ng “Rookie of the Year” award noong UAAP Season 29. Siya ang kasalukuyang may hawak ng record ng may pinakamabigat na nabuhat sa UPIS. Nanalo rin siya sa NCR Buwan ng Weightlifting sa ikaanim na sunod-sunod na taon, at dito nakilala ang kanyang signature pose na naka-pamewang at umuubo pagtapos niyang ibaba ang barbell. Sa oras na naibaba na niya ang barbell, kailangan itutok na agad sa kaniya ang 3 malalaking electric fan upang hindi siya kapusin ng hininga. “Sana nga makasama ko si Heidelyn Diaz,” wika niya sa kanyang talumafterparty.

Kamakailan lang ay nanalo siya bilang pambato ng UPIS sa Ovaltine Big Olympics na ginanap sa hindi pa natatapos na UPIS Gymnasium. Sa kanyang panayam ay di maiwasan ni Kim Bok Teng na maiyak sa kakaubo dahil nagkaron pala siya ng tuberkuliti. Ganun pa man ay nagkamit siya ng gintong medalya sa event na “Weightliftalumpati”, kung saan kailangan magpakita ng dinamismo at iba pang aspeto habang nagbubuhat. Bilang premyo, nag-uwi siya ng sandamakmak na pakete ng “Ovaltines”. “Aigoo! Pag may tiyaga, may Bok Chicken. Aigoo!” sinabi ni Bok Teng habang umuubo at ngumunguya ng kendi. Proud na proud ang buong UPIS sa kaniya.

Sa paparating na Sabayang Pagbuhat, siya’y nagsimula nang mag-ensayo sa kanyang weightlifting dahil bumigat siya at lilipat sa mas mataas na weight division. Ang Sabayang Pagbuhat ay isang kompetisyon kung saan sabay-sabay na magbubuhat ang mga manlalaro habang nagmomonologo. Ayon sa kaniya, ang bibigkasin niya ay ilang kabanata mula sa Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal.

Syempre hindi papahuli, ang tagasuporta ni Kim Bok Teng at kaniya ring oppa na si Mang Joon Hyoong. Siya ang tagapaghintay ni Bok Teng pati na rin ng buong UPIS. Hindi siya umuuwi hangga’t nandito pa si Bok Teng. Tuwing natatapos ang training ni Bok Teng, sabay silang kumakain ng Bok Surprise. Pero kahit ganito, ayaw niyang pumupunta si Mang Joon Hyung sa kaniyang mga kompetisyon. Buong akala ni Kim Bok Teng ay may pagtingin sa kanya si Mang Joon Hyoong, ngunit OJT lang pala ni Mang Joon Hyoong ang paghihintay sa lahat na makauwi bago isarado ang school.

Kaakibat ng kanyang natamong mga medalya ay mga pagsubok na paparating pa lamang. May mga pagkakataong nagkakasakit na siya at nagkakaroon ng malalang ubo, kaya naman lagi niyang dala ang supply ng kendi at ang kaniyang pangmalakasang pamaypay na tinalo pa ang number 3 sa ordinaryong electric fan. Kahit na may pinagdaraanan, nagttraining pa rin siya nang buong puso at buong lalamunan. Fighting! // nina  Jaja Ledesma, Paola Pagulayan at Layla Wadi

Feature: Hot Topic: Setting the UPIS Vlogging Trend


Hey, hey, hey! Is there anything you need? A place to go this weekend? The latest millennial trend to try? Or challenges to do with your friends? Maybe these 3 Vloggers from UPIS can help you with your problems.

SWIM. SHOOT. SLAY.

First up is Suzy Mariella Uy, a Grade 11 student, a swimmer and an artist of the UPIS Media Center. She started her channel last year, and aired her first episode on November 26, 2016. The content of her channel mainly consists of travelling, music, film, photography, and current events in her life. She explained that she uploads her videos because it is easier for her to share her ideas and express her feelings.



Her main goal for her channel is to share and improve her skills in filmmaking and Photoshop. She is also using the experience as part of her training to pursue her dream college course: Multi Media Arts. The channel will also serve as part of her portfolio for it. With her fearlessness, she’s gaining viewers little by little and that’s what keeps her filming and making new videos.

STORY OF HER LIFE

Fatima Wadi, a student from Grade 10-Yakal, would like to thank her subscribers for making memories with her and her channel: Pizza & Lemonade. She loves photography but since she wanted to level it up, she tried to edit her own videos so she made this channel late 2014 but uploaded her first video on October 2015, entitled “Vlog: Chill Sunday|2,” sharing a tidbit of her life with us viewers. She treats her channel as a diary, as it is something she would like to keep forever, not just on the internet, but also in her heart.

Fatima’s videos are all about showcasing her talents like baking, drawing, painting and performing guitar covers. Sometimes she features her sisters Hannah and Cay, both UPIS students, for cameos or challenge videos. Hannah, a Grade 2 student, even has her own segment on Pizza & Lemonade, reviewing her toys like Baymax and My Little Pony.



Fatima also featured this year’s UPIS Fair including Powerdance 2016 where her batch (2019) won first place.

ALL AROUND THE WORLD

Anne Therese Papa or Telet is another Grade 10 student who has now taken part in the vlogging world. Her channel called Helicoptherese is all about her travels and experiences not just in the Philippines but also around the world. She’s been to Palawan, Cebu, Baler, Puerto Galera, Cambodia and many more!



Other videos on her channel include her experiences with bath bombs, C.A.-EMA’s Literally Literary Day, and their recent JS Prom, Lumine 2017. Sometimes, Telet creates Do-It-Yourself videos but she’s not confident enough about it, so she posts it privately. She made Helicoptherese because she loves editing videos and re-watching memories.

Telet’s goal is to have more viewers for her to interact with her subscribers because she loves to read their feedback on her videos. Her subscribers are important to her because they spend their precious time watching her videos. She hopes that they learn something from her channel.

If these sound interesting for you, visit their channel, hit like, subscribe, and leave comments on their videos. Who knows, maybe you’ll even get inspired to start your own vlogging channel! //Hanna David, Jaja Ledesma

Feature: Ang Pagbabalik Lupa


Kasabay ng selebrasyon ng UP Diliman Month 2017 na may temang Saysayan: K’wentong Bayan, Kaalamang Bayan, ipinagdiriwang din ang National Arts Month sa Diliman sa pamamagitan ng Sansinukob: Isang Art Installation na Eksibit na makikita sa Amphitheatre, UP Lagoon at sa CMC Hill sa buong buwan ng Pebrero.

SANSINUKOB. Ipinagdiriwang ang National Arts Month sa pamamagitan ng paglulunsad ng isang Art Installation  kasabay ng pagdiriwang ng UP Diliman Month 2017.
Photo credit: UPD Office for Initiatives in Culture and the Arts
Makikitaan ang nasabing eksibit ng anim na artworks na likha ng pitong magagaling na artist. Kasama na dito ang obra ng tinaguriang Iron Man ng UPIS na si Sir Anton Del Castillo. Ang kanyang artwork na "Ang Pagbabalik Lupa” ay sumisimbolo sa Lupa-on na hango sa kwentong “The Depature of Gods” ng mga Kalinga. Ito ay nagpapakita ng hati sa pagitan ng mga Diyos at sangkatauhan sa pamamagitan ng isang babaeng puno ng pangamba habang pababa ng hagdanan. Mayroon itong taas na 18 na talampakan at may lawak na 5 na talampakan. Gawa ang hagdan sa bakal habang ang istruktura naman ng babae ay gawa sa fiberglass. Sinisimbolo ng babaeng balot sa tela ang katawan sa harap ng hagdan ang “act of shamelessness”, siya ay babagsak sa lupa ng nakahiga at unti-unting tatayo. Nakamamanghang isipin na nagawa ang likhang ito sa loob lamang ng apat na buwan.

ANG PAGBALIK SA LUPA. Ang obrang ito ay likha ng guro at artistang si Anton Del Castillo na tampok sa  “Sansinukob: Isang Art Installation." matatagpuan sa harap ng Amphitheatre. Photo credit: Anton Del Castillo
Ngunit bukod kay Del Castillo at ang kaniyang “Ang Pagbabalik Lupa” makikita din ang “Mebuyan sa Idalmunon “ ni Rita Badilla-Gudino, “Agtabayon” ni Leeroy New, “Langit-non” ni Reg Yuson , “Kahanginan” ni Leo Abala at “Emptiness” nina Junyee at Gerry Leornardo, sa nabanggit na eksibit.
Kilala sa UPIS dahil sa kaniyang istrikto ngunit masayang pagtuturo si Sir Anton, na simula pa noong 2001 ay nagtuturo na Art sa UPIS. Ayon sa kaniya, maituturing na “Destiny” ang pagtuturo niya dito sapagkat hindi niya naman ito inaasahan at bigla na lamang dumating. Kwento niya, isang post mula sa College of Fine Arts ang pinagsimulan ng kanyang paglalakbay sa pagtuturo nang sinubukan niyang mag-apply sa naturang post habang siya ay kumukuha ng kaniyang masters degree.
Sa labing anim na taon niyang pagtuturo, aniya, nagiging “memorable” o tumatatak sa kaniya kapag nakakakita siya ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong Fine Arts. ‘’ In short marami na akong nabobola na maging artist din.’’ Biro ni Sir Anton.//Hanna David, Jaja Ledesma, Danna Sumalabe 

Ask.MC: Dream UPIS Week



Papalapit na ang pinakahihintay, pinaka-aabangan, at sobrang pinaghahandaan ng mga estudyante ngayong Disyembre, ang 2nd Periodic Test! Biro lang siyempre… Ito ay walang iba kundi ang UPIS Days!
Matagal nang tradisyon sa ating paaralan ang UPIS Days at sa paglipas ng panaho’y marami na ring naging pagbabago rito. Kaya naman, inisa – isa namin ang ninanais ng mga mag-aaral ng UPIS para sa kanilang pinapangarap na UPIS Days.



Feature: Mga Nagtatago sa Dilim: Kababalaghan at Katatakutan sa Loob ng UPIS



Nalalapit na ang Araw ng mga Patay, at marami na namang kuwento tungkol sa mga kaluluwa’t espiritu. Maraming naniniwala na dito lumalabas ang iba’t ibang kababalaghang nagtatago sa dilim, mga espiritung hanggang ngayon ay ‘di pa rin nananahimik. Pero minsan, hindi mo rin talaga sigurado kung totoo ba o kalokohan lang ang mga kuwento tungkol sa multo lalo na dito sa UPIS.

Pero ano namang masama kung malaman mo ‘di ba? Ang tanong, kaya mo bang malaman ang kababalaghang nagtatago sa bawat palapag ng ating gusali?

Ayon sa staff ng paaralan, sa fourth floor kadalasang maraming nagpaparamdam o nagpapakita. Isa na sa mga saksi nito ay si Kuya Harold, isang janitor na doon nakapuwesto.

”Habang naglilinis ako ng CR, meron akong naririnig na kakaibang mga yapak. Sinilip ko, pero wala namang naglalakad. Minsan, may nakita pa nga akong batang ligaw na tumatakbo kaya ayun hinabol ko, pero bigla na lang siyang nawala. Paminsan-minsan nga may mga biglang dumaraan na lang o kaya nagpaparamdam habang naglilinis ako.”



Hindi lamang sa fourth floor may mga kakaibang nagpaparamdam, kundi pati na rin sa third floor ng Academic Building. Maraming kwento ang naririnig patungkol dito at marami na ring iba’t ibang kakaibang ganap sa lugar.
Si Kuya Ryan Dy, na nag-iikot tuwing alas-sais ng gabi, ay isa na sa mga saksi nito. Habang naglalakad siya at nagmamasid-masid, bigla na lang daw siyang nakarinig ng isang malakas na kalabog.

Maliban sa Academic Building, mayroon ding mga nagpaparamdam sa P.A Pavillion. Sabi pa nga ni Kuya Jeffrey Bogoy, isang guwardiyang doon nagbabantay:
“Mga alas-dos o alas-tres na ‘yun ng madaling araw. Naglalakad ako sa P.A. Pavilion (Narra Wing 2) nang bigla na lang nag-iba ‘yung pakiramdam ko, biglang nagtayuan ang mga balahibo ko. Noong nag-CR ako sa Girls’ CR, bigla na lang nagpapatay-sindi ang mga ilaw. Nakakatakot kahit papaano.”

Kilala ang UPIS bilang isang nasunog na dormitoryo para sa mga lalaking estudyante sa unibersidad noon. Maaring ito ang nakaapekto sa paniniwala ng karamihan tungkol sa mga multo sa paaralan.

Ngunit, ang mga kwentong ito’y maaring kuro-kuro lamang bunga ng malikot na pag-iisip ng mga tao. Huwag agad maniniwala sa mga kwento-kuwento. Hayaan mong ikaw mismo ang tumuklas kung ito’y totoo. Malay mo, sa’yo naman sila sunod na magpakita at magparamdam.






// ni Jaja Ledesma

Ask.MC: Ang Daming Bago!



Oo, may bago raw! Sa pagsisimula ng akademikong taon, marami na namang bago. Siyempre, hindi mawawala d’yan ang pagpasok ng mga bagong mukha sa UPIS-- ang mga bagong estudyante at guro. Minsan, may natitiyempuhan kang bagong seatmate na parang artista ang dating. (E di ang saya mo buong taon, di ba!?) Minsan naman, may mga bagong guro na talagang pipigain ang brain juices mo ng hanggang 105%.

Pero minsan, naman sila ang nakakahanap ng mala-artista look sa mga homegrown. Minsan, ang brain juices nila ang napipiga sa sobrang kakulitan natin. Kaya naman hindi nagpahuli ang MC sa pag-alam kung ano nga ba ang mga unang impresyon nila tungkol sa UPIS-- ang kanilang bagong mundo at tahanan. Narito ang ilan lang sa mga natuklasan namin:

















Spoof News: Estudyante, naglupasay, nanginig, nangisay



Nagulantang ang 10-Kamagong nang bigla na lang mahulog sa kanyang kinauupuan ang Model Student in NSTP, Storytelling, and Child Care Development na si Emery “Bebangh” Del Pilar ng 10-Ipil.

Nangangapitbahay si Bebangh sa homeroom ng Kamagong nang bigla siyang maglupasay sa sahig bago ilang oras mawalan ng malay.

Pagdating ng nurse, napag-alamang nag-overheat ang kanyang utak dahil sa dami ng requirements. Ayon sa nurse, isa ring posibleng dahilan ang pagiging pawis at maanghit ng kanyang katabi.

Humingi naman ng tawad ang buong klase kay Bebangh dahil raw masyado silang “hot” kaya siya nawalan ng malay.

Kasalukuyang nagpapahinga si Bebangh sa Guidance Office kung saan may aircon. Mabuti na ang kanyang lagay matapos kumain ng cereals with ice mula sa function ng 10-Narra. / nina Jaja Ledesma, Hanzvic Dellomas