Showing posts with label poll. Show all posts

Ask.MC: Anong pinakagusto mo kay teacher?



Ngayong Oktubre, ipinagdiriwang ang World Teachers’ Month kung saan binibigyang pagkilala ang mga dakilang guro na itinuturing din nating mga nanay at tatay. Ano ang bagay na paborito mo sa iyong guro? Kung ang mga tulad naming nasa hayskul ay tiyak na maraming masasabi sa tanong na iyan, ano naman kaya ang pagpapakahulugan ng mga estudyanteng nasa K-2 sa kanilang mga guro?





Sa likod ng kanilang mga simpleng kasagutan masasabing malaki ang parte ng mga guro sa kanilang mga buhay. Kapuri-puri talaga ang ating mga guro dahil sa kanilang ‘di-matatawarang dedikasyon sa pagtuturo. Hindi lamang sila nagtuturo ng Math, Science, English o Filipino, kundi pati ng mga bagay na hindi natututunan sa kahit anong asignatura.

Kahanga-hanga talaga ang kanilang tibay ng loob, walang-sawang pagtitiyaga at pagiging mabuting halimbawa. Kaya para sa lahat ng aming mga guro, maraming salamat sa araw-araw na pagpasok sa paaralan upang kami’y maturuan. Isang maligayang Buwan ng mga Guro po sa inyong lahat! //nina Max Salvador, Zach Jugo at Hanna David

Video: Best thing in teaching x Best lesson learned



Teachers are our second parents. They help us grow into people we never thought we could be... until they came.

Eventually we will leave school to graduate, but the lessons we've learned from teachers we hold dear will stay with us for good.

To all the hardworking, dedicated teachers out there, MC offers a special tribute just for you!




ask.MC: First-time Interns



Ngayong pang-akademikong taong 2017-2018, mararanasan ng unang batch ng mga estudyante ng Grado 12 ang “internship” bilang bahagi ng kurikulum ng K-12 program. Kaya naman kinapanayam namin ang ilang estudyante sa Grado 12 upang malaman ang kanilang inaasahan tungkol dito.

Ask.MC: Anong Wish Mo Para Kay MC?




Anong Wish Mo Para Kay MC?
Sa nagdaang anim na taon...
Iyong kaligayaha'y ipinagdiwang.
Mga hinaing mo'y pinakinggan.
Ngayon naman, para sa kanya'y ano ang iyong kahilingan?


ASK. MC: Isang Salita para sa Isang Taon



Para sa UPIS students, nagbago na ang ibig sabihin ng pagdating ng buwan ng Hunyo. Dati’y hudyat ito ng bagong simula, isang bagong akademikong taon. Ngunit ngayon, ito ay buwan na ng nalalapit na pagtatapos ng kanilang klase at pagsisimula ng “summer break”. Na-implementa na rin ang K-12 sa mga paaralan sa taong ito at hindi naiiba ang UPIS dito. Sa kasalukuyan, mayroon nang kauna-unahang Grado 11 sa paaralan na binubuo ng UPIS Batch 2018.

Kaugnay nito, hiningan namin ang ilan sa kanila ng isang salitang makapaglalarawan sa naging karanasan nila nitong akademikong taon.











//Nina  Joev Guevarra at Zach Jugo



Ask.MC: Bata! Bata! Nabobody-Shame Ka Ba?



Isang mainit na isyu sa kabataan mula noon hanggang ngayon ang body shaming. Mga simpleng pahayag na nagbubunga ng sakit sa pagkatao’t damdamin isang tao. Basahin ang ilan sa pahayag ng mga estudyanteng nakakaranas nito at alamin mula mismo sa kanila kung paanong hindi katuwaan o biro lamang ang body shaming.
Nagtanong kami sa mga kapwa estudyante kung, una, nakakaranas ba sila ng body shaming. At pangalawa, kung ano ang nararamdaman nila patungkol dito.






Mula na mismo sa bibig ng mga estudyanteng ito, malinaw na hindi biro ang body-shaming. Sana maisip nating ang isyung ito’y hindi dapat binabalewala. Sa halip, maging sensitibo dapat tayong sa lahat ng ipinararating natin sa ating kapwa.

Ask.MC (Submission): Nagmahal, Kinilig, Nag-Canteen



Napakaraming pagkain sa canteen ngunit isa lang ang lagi natin hinahanap-hanap – parang si crush. Tayong mga UPIS student ay likas ring mga romantiko. Kaya’t tInanong namin ang mga taga-UPIS: “Sa anong pagkain sa canteen mo maihahambing si crush?”

Ito ang mga sagot nila: //nina Drenisse Moleta, Elane Madrilejo, Ezra Bustamante, Marlyn Go, Vea Dacumos



Ask.MC (Submission): Happy Faces and Where to Find Them



Students are always under a lot of stress and they need a place where they can just unwind and escape the daily challenges in school. But despite the daily grind, these students still find happiness in special places such as: //by Gab Aparato, Max Salvador, Storm Gatchallian, Rain Grimaldo and Yssa Luna

Ask.MC: Pebrero on and on and on



Mayroong dalawampu’t apat na oras sa isang araw.
Pitong araw sa isang linggo.
Apat na linggo sa isang buwan.
At labindalawang buwan sa isang taon.

Sa kabuuan, mayroong 365 na araw sa isang ordinaryong taon habang 366 naman tuwing leap year. Ngunit, kung magkakaroon ng isang himala at tayo’y madaragdagan ng isa pang araw sa Pebrero, anong gagawin mo sa araw na ito?


Ask.MC: Dream UPIS Week



Papalapit na ang pinakahihintay, pinaka-aabangan, at sobrang pinaghahandaan ng mga estudyante ngayong Disyembre, ang 2nd Periodic Test! Biro lang siyempre… Ito ay walang iba kundi ang UPIS Days!
Matagal nang tradisyon sa ating paaralan ang UPIS Days at sa paglipas ng panaho’y marami na ring naging pagbabago rito. Kaya naman, inisa – isa namin ang ninanais ng mga mag-aaral ng UPIS para sa kanilang pinapangarap na UPIS Days.



Ask.MC: Ang Daming Bago!



Oo, may bago raw! Sa pagsisimula ng akademikong taon, marami na namang bago. Siyempre, hindi mawawala d’yan ang pagpasok ng mga bagong mukha sa UPIS-- ang mga bagong estudyante at guro. Minsan, may natitiyempuhan kang bagong seatmate na parang artista ang dating. (E di ang saya mo buong taon, di ba!?) Minsan naman, may mga bagong guro na talagang pipigain ang brain juices mo ng hanggang 105%.

Pero minsan, naman sila ang nakakahanap ng mala-artista look sa mga homegrown. Minsan, ang brain juices nila ang napipiga sa sobrang kakulitan natin. Kaya naman hindi nagpahuli ang MC sa pag-alam kung ano nga ba ang mga unang impresyon nila tungkol sa UPIS-- ang kanilang bagong mundo at tahanan. Narito ang ilan lang sa mga natuklasan namin:

















Feature: #everythingisaboutMC







Watch some members of Media Center 2019 share their favorite thing about MC in this video poll.


Poll: "Change Subject"



saPOLL 4: Mahal mo pa ba siya?


saPOLL #2: Kung pwede kang pumili, anong pangalan ng section mo?


saPOLL #1: Ano ang paborito mong tambayan sa UPIS?


Trending #2

Sino ang paborito mong bayani at bakit?






"Andres Bonifacio. Parte siya ng masa, alam niya ang pakiramdam ng masa."
- Czarina Badiang, 8- Cicada




"Jose Rizal. Kasi nakipaglaban siya gamit ang pagsusulat."
- Jailyn Abby Lim, 4-Mustasa



"Andres Bonifacio. Siya ang nagpauso ng pulang pantalon."
- Clarence Abac, 10-Kamagong


"Jose Rizal. Lumaban siya against sa Spaniards ng di gumagamit ng violence."
- Franchette Beatrix Gacad, 7-Mars




"Jose Rizal. Siya ang uang bayaning nakilala ko."
- Sean Timothy Oliver, 4-Singkamas




"Andres Bonifacio. Kahit mahirap siya, di iyon naging hadlang sa kanyang mithiin mapalaya ang bayan."
- Brian Maniquis, 10-Kamagong

Ansabe?

#4: Anong klaseng articles ang gusto mong mabasa sa Ang Aninag Online?



“Tungkol sa mga panalo ng mga estudyante sa iba’t-ibang competition. All about victory!”
- Ma’am Regina Regalado, Science Department


“Yung stories; yung mga balita sa school.”
- Kyle de Guzman, 8-Damselfly


“Tungkol sa sports at UPIS week.”
- Zanylle Asuncion, 8-Firefly


“Gusto ko makabasa ng tungkol sa building na 'to, kasi diba gigibain na 'to.”
- Brian Maniquis, 9-Gold


“Yung nakakatawa, yung enjoy lang.”
- Melvin Sangalang, 9-Iron

“Contest kung saan sumasali ang UPIS at kung ano yung mga place nila. Tulad ng UAAP, sinasalihan ng science at iba pa.”
- Audri Gabriel, 10-Acacia


“Mga kuwento ng kababalaghan, pagmamahal, katatawanan at kalokohan.”
- Pristine Camayo, 10-Lauan


“Ansabe at tungkol sa sports, cheerdance yun.”
- James Fajardo, 10-Narra

Ansabe?

#3: Saan ka madalas tumambay sa UPIS? Bakit?


“Sa CA EMA pavilion, kasi nandoon classrooms ng mga kaibigan ko kaya pumupunta ako tuwing uwian para makita sila.”
Daphne Omega, 7-Mercury


“Sa tapat ng fountain (New Bldg.), masaya lang doon, nagtatawanan.
Enrico Becoñado, 7-Jupiter


“Lovers Lane, mula first year doon kami lagi tumatambay.”
- Martyna Olejniczak, 8-Butterfly


“Track Room, pwede doon matulog.”
- Earl Mandapat, 8-Firefly



“Aling Norms, maraming pagkain.”
- Aaron Lina, 9-Gold


“Sa Canteen, maraming nakikitang tao, pagkain.”
- Vince Quejada, 9-Silver


“Bird Cage, maraming memories at may log.”
- Eunice Brandares, 10-Acacia


“PA pavilion, mahangin, masaya, nandoon ang memories noong grade 7.”
- Gerard Gamboa, 10-Narra