Showing posts with label broken melody. Show all posts

Literary (Submission): Laro Tayo




"Tagu-taguan"
Ng nararamdaman
Siya ang gusto mo
At ikaw ang gusto ko
Pagkabilang kong tatlo
Ika'y malilimutan na
Isa...
Dalawa...
Dalawa...
Dalawa...

"Langit, Lupa"
Distansya
Nating dalawa
Masakit sa puso
Tulo ang dugo
Patay, buhay
Umalis ka na sa buhay ko

Literary (Submission): Tambolera







Sa bawat pagpalo,
At pagsigaw na ginagawa ko-
Ako’y humihiyaw
Ikaw ang isinisigaw

Sa bawat pagpalo,
Ako’y napapagod
Masulyapan lang ang ‘yong ngiti
Babalik ang sigla sa aking mga labi

Sa bawat pagpalo,
Ako’y napapagod
Ngunit mahawakan lang kita
Tutugtog na akong may gana

Sa bawat pagpalo,
Ako’y nabibingi
Ngunit ‘pag nayakap ka,
Pintig ng puso’y mas malakas pa

At sa bawat pagpalo,
Doon ko itinatago
Ang nararamdaman para sa’yo,
Natatakot na ikaw ay lumayo.

Kaya heto ako pumapalo
Malapit man o malayo
Kahit man lang kasabay ng mga ingay
Masabi ko ang isinisigaw ng puso