Showing posts with label deneese montalbo. Show all posts

iWitness sa UPIS

“Malaki yung pasasalamat ko sa [UPIS]. More than just academics, social awareness ‘yung natutunan ko dito” – Kara David

Noong nakaraang Agosto 15, ang UP Alumna na si Kara David ng GMA News TV ay bumisita sa UPIS upang ibahagi ang dalawa sa kanyang mga dokumentaryo; Gintong Putik at El Fraile.

Pinamunuan ng Departamento ng Araling Panlipunan ang homecoming event na ito bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Wika at Kasaysayan.

Ang dokumentaryong Gintong Putik ay nagsasalaysay ng buhay ng isang pamilya sa Bicol na may mapanganib na hanapbuhay kung saan ay kinakailangang sumisid sa putikan upang makahanap ng ginto.

Ang ikalawa naman niyang dokumentaryo ay tungkol sa isang konkretong isla sa baybayin ng Maynila na nagsilbing isang battleship noong World War 2 na ngayo’y pinabayaan na.

Isang open forum ang isinagawa matapos maipalabas ang mga dokumentaryo.


Si Kara David ay nagtapos sa UPIS noong 1990. Nagtapos naman siya sa UP Diliman bilang cum laude sa kursong Broadcasting Communication noong 1995. /ni Celine Medina, Deneese Montalbo, Lance Reblando at Red Rivera 

Pagtatalaga ng mga Boy Scouts and Senior Scouts, idinaos

Ginanap ang panunumpa at pagtatalaga ng UPIS Boy Scouts at Senior Scouts noong Hulyo 19 sa Multi Purpose Hall.

Ang pagtatalaga at muling panunumpa ng mga UPIS BSP.
(c) Deneese Montalbo
Nagbigay ng pambungad na pananalita si Dr. Ronaldo San Jose, ang prinsipal at nagsisilbing Institutional Head ng BSP. Ayon kay Dr. San Jose, dapat na ikarangal ng bawat scout ang pagsali nila sa samahang ito sapagkat paunti na ng paunti ang mga sumasali at nakikilahok sa scouting movement.

Nagpatuloy ang seremonya sa panunumpa ng mga bagong Boy at Senior Scouts sa pangunguna ni Senior Scout Reinon Salvador.

Nagbigay naman ng talumpati ang panauhing pandangal na si Mr. Patrick Joseph Diaz, isang UPIS alumnus at isa sa pinakamahuhusay na Senior Scout noong siya ay nasa Grado 10. Ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan bilang isang scout at kung paano hinubog ng scouting ang kanyang kasanayan sa pamumuno.

Bilang pagtatapos, nanumpa ang mga scouts na kanilang isasabuhay ang Senior Scout Code at mga batas ng scouts.

Ang Investiture Camp ng mga Senior Scouts ay ginanap pagkatapos ng seremonya. / nina Deneese Montalbo, Psalma Nadera, at Donna Roces