Showing posts with label ansabe. Show all posts

Ansabe?

#6: Ano ang natutunan mo sa MC1?


"Natutunan kong maganda si Mark tuwing may bulaklak."
- Angelo Fetalvero, Associate Editor/Layout Artist/Always Late


"Natutunan kong makipag-usap sa telepono. XD"
- Anna Angala, Managing Editor/Telephone Operator/Article Counter


"Natutunan kong mag-enjoy habang nagtatrabaho ng 24/7."
- Cara Bilangel, Writer (for Ria in Isang Araw)/Photographer/Asst. to Make-up Artists


"Natutunan kong kumain ng pizza sa loob ng 5 minutes."
- Joakim Cadapan, Literary Writer/Siomai Queen/Princess of Absences


"Natutunan kong maging lalaki."
- Jomil Gutierrez, Writer (for Andrew in Isang Araw)/Typographer/Promoter sa Twitter

"Natutunan kong gumamit ng Microsoft Publisher."
- Juana Angeles, Layout Artist/Computer Specialist


"Natutunan kong gumawa ng tula habang tumatawa ng malakas at tumakbo."
- Justin Dungo, Runner :)

"Natutunan kong magpapirma ng mga quotation at sulat."
- Kaye Banaag, Editor in Chief/Master Typographer and Teaser-maker


"Natutunan kong mag-ahit ng bigote."
- Mark Otiong, Model sa Cover


"Natutunan kong gumawa ng sampung literary article sa isang quarter."
- Michell Molinyawe, Literary Writer/Ansabe Queen 1


"Natutunan kong masarap ang burong orange."
- Ysmael Mendoza, Associate Editor/Tsunami Walker/Fun Fox


"Natutunan kong magpunta sa bahay ni Ma'am Resuma."
- Sarah Romero, Writer/Typographer/Ansabe Queen 2


"Natutunan kong magbantay ng gamit sa package counter."
- Tristine Badong, Writer/Model/Ansabe Queen 3/Bagger

"Ansabe ko sa MC? Hindi man ako madalas magpasa ng article, hindi man ako madalas pumasok, mahal ko pa din ang MC. The best work program ng UPIS!"
- Nadine Maximo, Writer/Umalis agad nung interview tungkol dito kaya iba ang sagot :)

Ansabe?

#5: Ano ang gusto niyong ending ng Isang Araw?


“Gusto ko maulit ‘yung panaginip ni Ria sa Chapter 1.”
- Gerard Dominic Gamboa, 10–Narra

“Sasabihin ni Andrew kay Ria na gusto niya si Ria tapos aaminin din ni Ria kay Andrew.”
- Patricia Enriquez, 7–Jupiter


“Magkatuluyan si Grace at Alex.”
- Althea Angeles, 7–Mercury

“Nagkasakit si Andrew tapos po medyo malala yung sakit tapos po umamin siya kay Ria kasi akala niya mamatay na siya. Hindi pala, gumaling siya tapos nagka-awkwardan na sila.”
- Juanito Gregorio, 9 – Gold


“Gusto ko mag-aminan na sila tapos maging sila. Ayaw ko na rin makigulo si Zara at Alex.”
- Regina Garcia, 8–Butterfly


“Gusto ko ba magkatuluyan sila! Yehey!”
- Rya Ducusin, 9–Gold

Ansabe?

#4: Sino ang teacher na may pinakamalaking impact sa 'yo? Bakit?



"Si Sir Ralph dahil supportive siya sa works ko at sa pag-apply ko sa PHSA."
- Ligia Daroy, 6-Emerald

"Sir Gringo. Kasi po kung sa una, akala mo strikto pero pag tumagal na ang kulet at mapagbiro pala. Tapos magaling din po siyang magpaliwanag, as in maiintindihan mong mabuti." - Cheska Ardon, 7-Earth


"Ma'am Cathy! Kasi nakakasundo namin siya pagdating sa lahat ng bagay. Simula acads hanggang personal na buhay. Ang bait bait niya samin, para talaga siyang pangalawang magulang namin."
- Patricia Enriquez, 7-Jupiter

"Si Ma'am Sheila (Fernandez). Lagi siyang nandiyan para 'pag may kailangang kausap tungkol sa school, kaibigan o minsan kahit anong kwento lang. Tsaka sinasabi niya sa estudyante kung may problema sa grades para nasosolusiyonan agad." - Jordan Grefal, 8-Damselfy



"Si Ma'am Sonza! Dahil parang kaibigan ang trato niya sa mga estudyante niya!"
- Luis Perez, 8-Damselfy



"Sir Asuncion! Parang clown po eh. Kahit matanda na at paulit-ulit lang po yung mga jokes nakakatuwa pa rin." - Trizia Badong, 9-Gold



"Ma'am Vargas! DABEST MAGTURO!"
- Nikki Diaz, 9-Iron


"Ma'am Portia. Kasi isa siya mga teacher na naniniwalang matalino ako at may mararating ako. Dahil dito, mas sinisikap kong intindihin ang bawat lesson bawat meeting at nagkaroon na rin ako ng tiwala sa sarili."
- Jon Tungpalan, 9-Iron


"My favorite English teacher, Ma'am Dian. Mainly because she showed me the world of writing, which I still enjoy doing." - Joseph Bautista, 10- Narra



"Si Ma'am Grace siguro. Ang saya makinig sa kanya eh."
- Nikki Canlas, 10-Narra

Ansabe?

#4: Anong klaseng articles ang gusto mong mabasa sa Ang Aninag Online?



“Tungkol sa mga panalo ng mga estudyante sa iba’t-ibang competition. All about victory!”
- Ma’am Regina Regalado, Science Department


“Yung stories; yung mga balita sa school.”
- Kyle de Guzman, 8-Damselfly


“Tungkol sa sports at UPIS week.”
- Zanylle Asuncion, 8-Firefly


“Gusto ko makabasa ng tungkol sa building na 'to, kasi diba gigibain na 'to.”
- Brian Maniquis, 9-Gold


“Yung nakakatawa, yung enjoy lang.”
- Melvin Sangalang, 9-Iron

“Contest kung saan sumasali ang UPIS at kung ano yung mga place nila. Tulad ng UAAP, sinasalihan ng science at iba pa.”
- Audri Gabriel, 10-Acacia


“Mga kuwento ng kababalaghan, pagmamahal, katatawanan at kalokohan.”
- Pristine Camayo, 10-Lauan


“Ansabe at tungkol sa sports, cheerdance yun.”
- James Fajardo, 10-Narra

Ansabe?

#3: Saan ka madalas tumambay sa UPIS? Bakit?


“Sa CA EMA pavilion, kasi nandoon classrooms ng mga kaibigan ko kaya pumupunta ako tuwing uwian para makita sila.”
Daphne Omega, 7-Mercury


“Sa tapat ng fountain (New Bldg.), masaya lang doon, nagtatawanan.
Enrico Becoñado, 7-Jupiter


“Lovers Lane, mula first year doon kami lagi tumatambay.”
- Martyna Olejniczak, 8-Butterfly


“Track Room, pwede doon matulog.”
- Earl Mandapat, 8-Firefly



“Aling Norms, maraming pagkain.”
- Aaron Lina, 9-Gold


“Sa Canteen, maraming nakikitang tao, pagkain.”
- Vince Quejada, 9-Silver


“Bird Cage, maraming memories at may log.”
- Eunice Brandares, 10-Acacia


“PA pavilion, mahangin, masaya, nandoon ang memories noong grade 7.”
- Gerard Gamboa, 10-Narra

Ansabe?

#2: Magkakaroon ba ng panalo ang Juniors Basketball Team ngayong season?




“Hindi. Pero… nag-improve yung team nila. Hindi kasi ako masyadong nanonood eh.”
Juneau Villanueva, 7-Mercury



“Hindi. Kasi mas magaling, mas focused, mas may time ang ibang team.”
Diego Malansala, 8-Butterfly



“Medyo no kasi hindi sila successful sa previous games.”
Kylie Senangelo, 8-Firefly


“Sa UE, oo, kasi last game nila sa UE, muntik na silang manalo.”
Kyle de Guzman, 8-Damselfly


“Oo, naniniwala ako! Astig ang improvement nila. Tumaas ang tiyansa na manalo sila. Yay!”
Aliyah Rojo, 9-Silver


“Syempre, may pag-asa kasi palapit na ng palapit sila sa panalo. Madami na silang talo, they are bound to win.”
Niccolo Enriquez, 10-Acacia


“Oo, mananalo talaga sila, wala lang talagang tiwala sa sarili.”
Emil Gabriel, 10-Lauan

“Sana manalo sa UE, kasi parang bano naman ang UE. Magaling naman sila, kapantay lang nila ang ibang players, team work lang.”
Gelline Sia, 10-Lauan



(Ed's Note: When this interview was conducted, there were 2 remaining games for the UPIS basketball team. They lost to DLSZ this afternoon. They will play their last game on September 10 against UE.)


Ikaw? Anong masasabi mo?