Showing posts with label clementine. Show all posts

Literary (Submission): Gunita





Babalikan ko ang araw ng pagkaguho ng mundo ko
Ang sandaling nawalan ako ng malaking parte ng aking puso
Ang araw na siyang hanggang ngayon, di ko matanggap na totoo

Naghihintay ako sa labas ng ICU noon
Umiiyak, nagdadasal sa Diyos, nakaidlip, nakatulala
Di na mawari ng aking isipan ang aking pinaggagagawa
Nang lapitan ako ni Papa, halata ang pagpigil niya sa nag-uumapaw nang mga luha
Ang sabi niya, "Anak, kailangan mo nang magpaalam sa iyong ina."

Di ko alam kung paano ako nakaladkad
Ng aking nagkukumahog na tuhod at paa
Tungo sa tabi ng kamang kinaroroonan niya
Pero nandoon ako, nandoon siya
‘Yun nga lang, ang puso ko'y tumitibok pa, ang kaniya'y hindi na
Nakapikit ang mata, tandang buhay ay wala na

"Hindi iyan ang nanay ko!" gusto kong sabihin.
"Si Mama ay nasa bahay, naghihintay sa akin."
"Hindi iyan ang nanay ko!"
"Di pa patay si Mama! Nagkakamali kayo!"

Pero hindi
Ilang beses ko nang sinubukang baguhin
Mula sa inakala kong masamang panaginip
Sinubukan kong gumising

Pero hindi
Kahit ano pa ang gawin ko
Kahit ilang panalangin ang sambitin ko
Iyon at iyon ang realidad ng aking mundo

Mula noon, bawat araw ay may kaakibat na pait
Bawat paghinga'y may kasamang masidhing sakit
Bawat dasal ay may tagong galit
Kasi pakiramdam ko, dinaya ako ng Diyos! Dinaya ako ng tadhana!
Ang daya mo! Ang daya-daya mo!
Kasi ba naman, sa lahat ng taong puwede mong kunin
Bakit pa ang nanay ko!

Si Mama na walang ginawa kundi alagaan ako
Si Mama na walang ginawa kundi tumulong sa ibang tao
Si Mama na walang ginawa kundi maglingkod sa iyo
Bakit pa ang nanay ko?

Pero alam mo, Ma
Sa kabila ng mga ito
Sa kabila ng sakit, pait, at galit
Ako ay mapapayapa sa gunita ng iyong ngiti
Ako ay mapapayapa sa gunita ng iyong tawa
Sa gunita ng malaanghel mong tinig
Sa gunita ng iyong matamis na pagkalinga
Sa gunita ng iyong dakilang pag-ibig
Sa gunita mo, Ina

At sa mga pagkakataong nalulunod ako sa pighati ng iyong kawalan
Ang iyong gunita, ang aking kapanatagan
Ina, sa tuwing ang puso ko'y tigib sa kalungkutan
Ang iyong gunita, ang aking tanging kaligayahan

Sa pamamagitan ng mga alapaap sa langit, hayaan mong ikaw ay aking hagkan
Kahit katiting lamang ng aking pagmamahal sana'y iyong maramdaman
Di man kita maalayan ng regalo, tsokolate, o mahahalimuyak na bulaklak
Nawa'y maiparating sa iyo ng mga maningning na tala itong aking munting panawagan

Happy Valentine’s Day, Ma
Ang gunita mo ang aking panghahawakan
Mananatili ka sa puso ko magpakailanman

Literary (Submission): Abot Langit





Sino ang tunay na nagmamahal?
Iyon bang ipinadarama ang pagmamahal sa mga yakap at halik?
Maaari ka bang magmahal sa hindi mo makita at makasama?
At paano kung hanggang dasal at luha na lamang ang lalim ng iyong nadarama?

Paano maipakikita ang pagmamahal sa isang taong wala na sa piling mo?
Paano ko paabutin sa langit ang pagmamahal at pasasalamat na di ko naibigay sa’yo?
Sana’y dinidinig ng langit ang araw-araw kong panalangin na muli kang makapiling.
Ang pagluha’t pag-alala ko sa’yo sana’y maiparating ng mga bituin.

Kayong mapapalad!
Malaya kayong magmahal nang kapiling sila.
Mararanasan ninyo ang kanilang yakap.
Mararamdaman ninyo ang mapag-aruga nilang mga bisig.
Walang hadlang.
Tunay na mapalad ang sinumang may ina pang inuuwian

Nawalan na ng halina ang araw para sa akin.
Pagkat sa gabi at sa panaginip ko na lamang siya nakapipiling.
Sa umaga, ang kalinga ng ina ang hanap-hanap ko paggising.
Bago ko maalala na ang gunita niya na lamang ang natitira sa akin.
At habambuhay ko pang hinihintay ang araw ng muling pagkikita namin.

Kaya oo, may pag-ibig na di tulad nang sa iba.
Di matatagpuan sa masayang usapan, yakap,halik at madalas na pagkikita.
Ang pag-ibig na minsa’y napupuno ng mga luha.
Ang pagmamahal ng isang anak para sa inang nasa langit na.

Literary (Submission): Under the Facade






Under the façade is a girl with tear-stricken eyes
She covers her mouth to muffle her heartbroken cries
Under the facade is a slowly withering rose
It watches as the thorns slowly kill her soul

For too long she pretended to be someone she’s not
For too long she avoided speaking her mind
For too long she feigned a happiness that wasn’t hers
Thinking that if she faked it, she might find it in time

Desperate for acceptance, desperate for a cure
She adorned herself with flowers and stuck them on her skin with glue
She was a walking hurricane disguised as a perfect spring meadow
A façade no one else could conjure, a mask no one could see through

At the end of the day she climbs out of her gold skin and exposes her true colors
She plucks out the flowers and returns to her barren soul
As she buries herself in the covers, she lets tears drip onto her pillow
Dreading the moment she will wake up tomorrow