clementine,
Sino ang tunay na nagmamahal?
Iyon bang ipinadarama ang pagmamahal sa mga yakap at halik?
Maaari ka bang magmahal sa hindi mo makita at makasama?
At paano kung hanggang dasal at luha na lamang ang lalim ng iyong nadarama?
Paano maipakikita ang pagmamahal sa isang taong wala na sa piling mo?
Paano ko paabutin sa langit ang pagmamahal at pasasalamat na di ko naibigay sa’yo?
Sana’y dinidinig ng langit ang araw-araw kong panalangin na muli kang makapiling.
Ang pagluha’t pag-alala ko sa’yo sana’y maiparating ng mga bituin.
Kayong mapapalad!
Malaya kayong magmahal nang kapiling sila.
Mararanasan ninyo ang kanilang yakap.
Mararamdaman ninyo ang mapag-aruga nilang mga bisig.
Walang hadlang.
Tunay na mapalad ang sinumang may ina pang inuuwian
Nawalan na ng halina ang araw para sa akin.
Pagkat sa gabi at sa panaginip ko na lamang siya nakapipiling.
Sa umaga, ang kalinga ng ina ang hanap-hanap ko paggising.
Bago ko maalala na ang gunita niya na lamang ang natitira sa akin.
At habambuhay ko pang hinihintay ang araw ng muling pagkikita namin.
Kaya oo, may pag-ibig na di tulad nang sa iba.
Di matatagpuan sa masayang usapan, yakap,halik at madalas na pagkikita.
Ang pag-ibig na minsa’y napupuno ng mga luha.
Ang pagmamahal ng isang anak para sa inang nasa langit na.
Literary (Submission): Abot Langit

0 comments: