batch 2020,

News: Batch 2020, dumalo sa career talk kasama ang Fluor Corp.

2/27/2017 08:25:00 PM Media Center 0 Comments


Lumahok ang Batch 2020 sa isang career talk kasama ang Fluor Corporation noong Pebrero 16 sa UPIS AV Room.

Ang Fluor ay isang multinational company na nag-aalok ng engineering, procurement, construction, maintenance, at project management services sa iba’t ibang panig ng mundo.

Nagsilbing tagapagsalita sa nabanggit na gawain sina Engr. Gizelle Jamero, Engr. Rommell Marinay, at Engr. Mark Sapungan ng naturang kumpanya. Nagbahagi sila ng kaalaman sa iba’t ibang larangan ng pag-iinhinyero gaya ng Electrical Engineering, Mechanical Engineering, at Civil Engineering. Inanyayahan din nila ang mga mag-aaral na lumahok sa National Engineers’ Week sa darating na Pebrero 19-25.

Karaniwang inoorganisa ng Student Services Department ang mga career talk sa paaralan. Inaasahang lalahok din sa parehong gawain ang Batch 2019 sa Pebrero 28. // ni Beca Sinchongco



START ‘EM YOUNG. Masayang nakiisa ang Batch 2020 kasama ang tatlong tagapagsalita sa naganap na career talk. Photo credit: Bb. Leng Painaga







You Might Also Like

0 comments: