Showing posts with label Anatheia. Show all posts

Literary: Iskodyul





ORAS GAWAIN
3:00n.u.-3:05n.u.  Panibagong araw na naman at magigising ulit ako sa init.
3:05n.u.-3:20n.u. Iiwanan ang malambot na kama at pupunta sa lababo para maghilamos.
3:20n.u.-4:30n.u. Magluluto ng Pancit Canton at manonood ng hit na hit na K-drama.
4:30n.u.-5:30n.u. Kukunin ang bisikleta at iikot sa aming lugar.
5:30n.u.-6:00n.u. Haharapin muli ang alab ng apoy at mga talsik ng mantika sa kusina.
6:00n.u.-7:00n.u.  Isasabay ang katawan sa bawat nota ng kanta at ipapadyak ang paa kasabay ng bawat liriko.
7:00n.u.-7:30n.u. Ipaglalaban ng matapang na kape ang katauhan mula sa kaantukan.  
7:30n.u.-7:55n.u. Aasikasuhin ang makukulit na mga gamit at ibabalik sa kanilang dating pwesto.
7:55n.u.-8:00n.u.Magsusuklay gamit ang kamay upang hindi magmukhang lantang gulay.
8:00n.u.-9:30n.u. Uupo, Tititig, Makikinig.
9:30n.u.-10:00n.u. Makararamdam na naman ng samu’t saring emosyon sa pinapanood na drama.
10:00n.u-11:00n.u. Uupo, Tititig, Makikinig.
11:00n.u-11:20n.u. Ilalapat ang likod sa malambot na kutson at ipipikit ang mga mata. 
11:20n.u-12:15n.h. Magpapahinga kasabay ng aking elektronika.
12:15n.h-1:00n.h.  Maduduling ang mga mata dahil sabay ang paghuhugas ng mga pinggan at panonood ng K-drama.
1:00n.h.-3:00n.h. Huli na ‘to: Uupo, Tititig, Makikinig. 
3:00n.h.-5:00n.h.  Magbubuhat muna ng ilang kaban ta’s paliliguan ang katawan.
5:00n.h.-10:00n.g.  Magpapabalot muna sa kumot at sasandal sa dalawang unan para maibsan ang pagod.
10:00n.g.-11:30n.g. Pagkabangon, didiretso sa lamesa at kapag hindi nagustuhan ang ulam, sa itlog aasa.
11:30n.g.-2:00n.u. Babalikan ang mga naulilang gawain sa lamesa.
2:00n.u.-2:15n.u. Sasalampak na naman sa kama at magpapaikot-ikot.  
2:15n.u.-2:25n.u.  Kakausapin ang telepono pantanggal ng bagot.
2:25n.u.-3:00n.u. Panandaliang lalamunin na ng panaginip.

Literary: Hanggang sa Muli





Aking mga kaibigan dito
Ang ating kwentuhan tuwing hapon
Hinding-hindi itatapon
Aking itatago

Mga laro natin sa kwarto
Paghampas ng mga unan sa katawan
Mga kinagigiliwang asaran
Aking itatago

Mga pagkanta natin sa kwarto
Hanggang sumakit ang ating lalamunan
Kahit hindi na magsalita kinabukasan
Aking itatago

Sa aking mga kaibigan dito
Sa mga taong ating kinawiwilihan
‘Wag sanang pairalin ang karupukan
Ngunit ang nararamdaman ay ‘wag sanang itago

Anim na taon sa bahay na ito
Maraming alaala ang naipon
Ang pag-alala ay hindi kaya ng isang hapon
Hinding-hindi malilimutan hanggang dulo

Sa aming paglipat ng bahay ng pamilya
Bagong alaala ang mabubuhay
Kasama ang mga bagong tao sa aming buhay
Hanggang sa muli aking mga kaibigan


Literary: Tequila



Mga kaibigan kong uminom ng tequila
Para matanggap kung ano ba sila
Ngayon ay sumusuka
Sa tabi ng kalsada

Mga kaibigan kong sumusuka
Sa tabi ng kalsada
Uminom para matanggap
kung ano ang nangyayari sa kanila

Mga kaibigan ko ngayon ay sumusuka
Sana'y inyong maintindihan
Kapag binitawan ninyo ang tequila
Marami kayong pwedeng maipakita

Linangin ang inyong diwa
Ipakita ang sarili sa madla
Wala kayong dapat ikahiya
Huwag nang kumapit sa tequila

Tanggapin ang iyong sarili
Marami ang pwedeng mangyari
Hindi ka nahuhuli
Dahil walang karera ang nagaganap

Alam nating mahal ang tequila
Kaya huwag nang bumili pa
Itabi na lamang ang pera
Makaiipon ka pa

Mga kaibigan kong uminom ng tequila
Tama na ang pagsuka
Parang awa n’yo na 
Mahirap kayong akayin isa-isa

Literary: Netflix and Chill




The wind blows so hard
It's freezing
Holding a glass of hot choco
Marshmallows are melting

Yeah, it is bitter but is also sweet
It warms up my soul
It doesn't matter if I burn my tongue
Oh boy, I want more

It scratches the back of my throat
Feels like I'm getting drunk
What did you put in my cup?
It’s getting hot

You said
“Do you wanna play a game?
You will enjoy it.”
And I’m so ready for it

You said it will be a secret
Just between us
It’s a bit shady
I know you are randy

The wind blows so hard
I want it warm
I want to go but,
The game starts

Just feel me, you said.
Don’t you dare touch me
You will set it free
The demon inside me

One wrong move baby
Just one
You’ll end up in your grave
So you better behave

The wind blows so hard
I need to warm-up
Maybe your blood is enough
Let me get my cup

Holding a shard from my glass
I’m now sweating
You are lying
And reds are pooling

Ohh it's so warm
It tastes bitter
Oh boy, bye-bye
The game ends

Literary: Sarili at Salamin



Salamin, salamin
May nais ka bang sabihin
Mga hindi maganda sa iyong paningin
Nang akin namang tuluyang mapansin

Salamin, salamin
Sino itong nasa aking harapan?
Parang iba ang kaniyang katawan
Hindi naman ako balingkinitan

Salamin, salamin
Sino ang nasa salamin?
Siya ay nakangiti
Parang makukuha ka sa isang ngisi

Salamin, salamin
Maaari mo na bang sabihin sa akin?
Kailangan ko ba itong sundin?
Ikaliligaya ba ito ng aking damdamin?

Makinig sa iyong tinig na bumubulong
at hindi sa ingay ng pagdikta na kinukulong
ang nagsusumamong sarili,
na dahilan upang ang iyong tunay na minimithi ay hindi mapili.

Ano ba ang iyong nais?
Ang bagay na iyong tinitiis?
Hindi mo na kailangan pang magkunwari
at sumunod sa sinasabi ng marami

Ikaw at wala nang iba
ang may kakayahang magdikta
ng mga bagay na gusto mong gawin.
Hayaang lumaya ang damdamin.

Huwag pakinggan ang sinasabi ng iba.
Hindi sila ang susi upang ikaw ay lumigaya.
Gawin ang sinasabi ng kalooban
at hindi ang utos ng kung sino man.

Literary: Kahit na Ako'y Kumupas



Mula sa pagiging magandang bulaklak
Sa paglipas ng panaho'y nalalanta
Kulay nito ay kumukupas
Pati na ang nakaaakit na halimuyak

Ang hindi ko maintindihan ay kung
Bakit lahat ng bagay ay may katapusan.
Bakit kahit ang malapit sa iyong puso
Sa paglipas ng panaho'y, umaalis, namamaalam.

Upang maging mayabong ang bulaklak
Dapat ito’y iyong laging alagaan,
kausapin at diligan
Nang ang kulay ay hindi kumupas
Pati na ang nakaaakit na halimuyak.

Kailangan mong tanggaping tapos na
Upang iyong maintindihan
Na ang bawat isa ay may tanging oras
Sa paglipas ng panahon ay natatapos, lumilisan
Ngunit ang alaala niya para sa iyo ay magpakailanman.

Literary: Money




Money money
My own money
Wasting it in a single day
Partying on Friday

Jumping into Vikings
Eating like a Viking
Until we go crazy
Oh boy, no more money

Getting my body work all day
To get my pay
Boy, look, we got some more money
Got to spend it to fill our tummy

There’re still tomorrows
Using my money even more
Let’s go to a circus
Until I can’t pull some cash anymore

Boy, go with me
Let’s ride the Ferris wheel
Too young to be bothered
Don’t be awkward

Boy, my friend
There is no end
Don’t worry
Come on let's party and be happy