Showing posts with label Amelia. Show all posts

Literary: Love in all forms





Child
How I love bedtime
Crouching inside my blanket,
For storytelling.

Family
They were still there for
You to create your own world
Full of enchantment.

PAWfect
The moment she came
My world was filled with fondness.
Life became special

Friends
They were my anchor
During the darkest of days
Hope they'll never leave.

Her
That warm dazzling smile
It made my heart skip a beat,
I said, she’s the one.

Self
I said, "I love you"
To one who looks familiar.
Said in a mirror.

Literary: I was my Home





Happiness makes me feel at home.
I’m happy when I’m being me, a jolly person.
I am my home.

I once walked a path,
where I could do whatever I want.
When suddenly entrants came and
they started to ruin me.

They‘ve always seen me
as a weak person.
They kept telling me
that I am not fit to be anywhere.

Then there I was - a girl,
who was always locked up in a room,
crying in bed all alone.
My home was shattered.

After some time, there I was - a girl
who met someone
whom I can trust and
who helped me rebuild my broken pieces, my home.

He helped me realize
that everything happens for a reason.
I was assured that
I had a shoulder to lean on.

Now, here I am - a girl,
who is starting to smile again.
Because of that someone,
I won’t be fragile ever again.


Those entrants can’t and won’t
bother me any longer.
Now I am happy with him and 
when I feel happy, I feel at home.


Literary: Bagong Buhay




Pagbangon sa umaga,
sa aking pagbaba,
muling mapapatanong,
“Bakit ako’y nagising pa?”

Umaga, tanghali, gabi,
palagi na lang bang mali?
Wala nang naging tama,
ano pa bang magagawa?

Ano ba ako?
Bakit ako naririto?
Bakit nabuhay pa
sa ganitong klase ng pamilya?

Bakit laging ganito?
Walang malapitan,
walang mapagsabihan
ng aking mga nararamdaman.

Pagod na ‘ko!
Ayoko na!
Tama na,
hindi ko na kaya!


Mabibigat na salita,
Sa isip ay ‘di na mawala-wala.
Gusto nang mamahinga
Upang maging malaya.

Tigil, anak. 
Imulat ang mga mata. 
Narito Ako, 
ang tangi mong pag-asa. 

Hayaan mo Akong 
pumasok sa buhay mo. 
Akin itong babaguhin, 
ibigay lang ang tiwala nang buo.

Lumapit ka lamang sa Akin,
Ako’y iyong kausapin, 
mga problema’y Aking diringgin
gumaan lamang ang iyong damdamin.


Tandaan,
ika’y Akin laging gagabayan
bawat pagsubok na dumating,
sasamahan kang harapin.


Sa pagdanas ng mga problema,
may matututuhan ka.
Nang sa iyong pagtanda,
ay tuluyan nang maging handa.


Dahil ikaw ay Akin,
handa Kong ibigay ang iyong pangangailangan
mula sa kasaganaan
ng Aking mga kayamanan.


Kaya ko nang harapin
ang lahat ng pagsubok
sa pamamagitan ng tulong ni Kristo
na siyang nagpapatatag sa akin.

Sa sandaling mapalapit sa
Kaniya, Akin,
Ay tiyak na magiging bagong nilalang.
Wala na ang dating pagkatao,
Ito’y tuluyan nang nagbago.

At ngayon anak Ko,
nais Kong pakatandaan mo
na habang ibinibigay mo
ang iyong lubos na tiwala sa Diyos,
ikaw ay lubos ring gagabayan Nito.



Huwag nating problemahin
mga pagsubok na darating.
pangalan Niya’y ating sambitin,
at ito’y sabay nating haharapin.

Literary: Ligayang Nagwakas



Panibagong umaga,
Panibagong saya.
Simula nang ika'y makita,
Puso ko'y tumibok bigla.

Panibagong umaga,
Puso ko’y agad natuwa.
Simula nang ika’y makita,
Mundo ko’y tumigil bigla.
Di alintana ang anumang katuwiran,
Umikot na sa’yo ang kaligayahan.
Puso’y ibinigay nang buong-buo,
Nadarang na rin sa labis na pagsuyo.


Di alintana ang anumang katuwiran,
Lahat ng gusto, sa’yo ay makakamtan.
Lahat ay ginawa ko para sa’yo,
Sukdulang isinakripisyo lahat ng pagod ko.

Maraming bagay nais makamtan,
Waring may pinaglilihian.
Noon, ikaw ay laging nariyan,
Ngayon ay biglang lumisan.
Maraming bagay ang nais makamtan,
Maging magkasama magpakailanman.
Pero habang tumatagal, tila di na nasisiyahan,
Ako'y nalilito, sadyang naguluhan.
Bakit? Bakit ka nawala?
Iniwan kaming nag-iisa.
Sa isang sulok, lumuluha,
Sa kabila, nagsasaya ka nang walang sawa.
Bakit? Bakit ka nawala?
Pagmamahal na ibinibigay ko’y parang ‘di nakikita,
Tanaw mo man sa mga labi ko'y puno ng saya,
Sana’y ramdam mo rin, puso ko'y lumuluha.

Literary: Kulang




Bakit ba ang hirap-hirap, magsabi ng diretsahan?

Heto ako. Naghihintay sa pagtunog ng telepono.
Iniisip kung dapat ba akong tumawag,
Gayong alam kong baka hindi ako ang gusto mong kausap
Itataas, pipindot, sabay baba
Bakit ba ang hirap sabihing
Mahal pa rin kita

Heto ako. Gulong-gulo ang isipan.
Nais kang tawagan, upang iyong malaman
Ngunit hindi alam kung paano ipaaalam
Bakit ba ang hirap sabihing
Mahal pa rin kita

Ano bang 'yong hinahanap? Nasa akin ba ang kasagutan?

Nakatingin sa kisame, naghihintay pa rin sa'yo
Baka sakaling sa akin mo mahanap ang kulang sa sarili mo
Heto ako. Humihiling na sana nasa akin ang sagot.
Para hindi ka na maghanap sa iba,
Para hindi ka na lumayo

Nakatingin sa kisame, iniisip pa rin kung paano
Sasabihing walang mali sa pagmamahal na ibinigay mo
Tanging ako ang nagkaproblema sa atin
Hindi inisip kung tama nga ba ang nais gawin
Makipaghiwalay at tuluyan kang palayain

Tahan, pwede ko bang malaman laman ng 'yong isipan?

Kung kaya ko lang abutin ang kabilang linya ng telepono
Para malaman ko kung hinihintay mo rin ba ang tawag ko
O may ibang boses ka na bang pinakikinggan
Nahanap mo na ba sa iba,
Ang sa aki'y hindi mo natagpuan?

Matagal ko nang gusto itong sabihin sa'yo
Mga problemang aking 'di na kayang bilangin
Nais kong tawagan ka at ika'y kausapin
Ibahagi lahat ng problema kong kaytagal nang kinikimkim
Maibsan ang bigat, gumaan ang damdamin.

Saan nagkamali? Pwede bang bumawi?

Paikot-ikot sa kama
Ibinabaon ang mukha sa unan
Para mapigilan ang pagtulo ng luha
Alam ko kung saan ako nagkamali.
Kinapos ako.
Kulang ako para sa'yo.

Patawad, ‘di nais na ika’y saktan
'Pagkat ako'y naguguluhan lamang
Waring sa akin ay may kulang
Dahilan ng pusong nahihirapan
Akalang solusyon ay sa’yo matatagpuan

Pero alam ko sa isip ko,
Naramdaman ko sa puso ko,
Kahit kulang ako para sa'yo,
Minahal kita.
Mahal pa rin kita.
Higit sa sarili ko.

Diyos ko, ba't 'di kita malimot?

Sa tagal ng ating pinagsamahan
Batid kong di na kita malilimutan
Mabigat na desisyon, kailangang panindigan
Basta't patuloy kang mamahalin
Kahit tapos na ang lahat sa atin.

*NOTE: Ang mga naka-italicize na mga taludtod ay nanggaling sa kantang "Masyado pang Maaga" ng Ben&Ben

Literary: Tsubibo




Minsang nagliwaliw ang mga paa
Dinala ng munting paglalakbay sa isang perya
Kung saan maraming tao ang nagsasaya
Walang sawang naglalaro sa makukulay na kuwadra

Sa patuloy na paglalakad
May ‘di inaasahang nakabangga
Isang matikas na binata
Ako’y biglang napamangha

"Magandang gabi sa'yo!"
Bungad sa akin ng binatilyo
Ako'y napatingin sa mga mata nito
Waring tumatawag at nanunuyo

Makalipas ang ilang segundo
Nagpakilala siya sa ‘ngalang Basilio
Nabigla ako nang malaman ito
Siya pala ang kababata ko

Napansin niya ang mga mata ko
Tila walang buhay at malungkot
Kaya ako’y niyaya sa tsubibo
At doo'y mas nakilala ko siyang totoo

Pagkaraan ng tatlumpung minuto
Ang tsubibo'y huminto
Natapos na ang oras nito
Ngunit nagyayang muli si Basilio

Sa huling beses na pagsakay sa tsubibo
Napansing tila may kakaiba sa binatilyo
Tinanong ko kung ano ang kanyang problema
Sakit sa puso pala niya ay matagal na

Habang papalapit kami sa tuktok
Siya pala'y malapit na rin sa kaniyang rurok
Sa biglang paninikip ng kanyang dibdib
Maya’t maya ay napapikit, tuluyang namilipit

Sa kagyat na sitwasyong ito
Di ko alam ang gagawin ko
Kinapa na lamang ang kanyang pulso
Nagulantang nang malamang huminto ito

Simula noon, siya'y 'di mawala sa aking isipan
Hanggang sa pagtulog, laging napapanaginipan
Doon ay matagal kaming nagkakatitigan
Hinihiling ng puso na sana’y magkaaminan

Isang linggo na rin pala ang lumipas
Matagal na ‘kong ‘di lumalabas
Dahil sa isang pangyayaring di malilimutan
Sa tsubibo, kung saan siya’y aking huling nasilayan

Habang nakahiga sa ’king kama
Bumalik ang aming mga alaala
Lungkot ay muli kong nadama
Sa kanyang pagkawala, naging mahirap ang paghinga

Naglakas-loob akong bumalik sa perya
Umaasang saya’y muling madarama
Ngunit ngayong wala ka na,
Patuloy pa rin ang aking pagdurusa