Showing posts with label bsp. Show all posts

Bagong scouts, itinalaga



BATAS. Nagsisindi ng kandila si Joanne De Castro bilang bahagi ng seremonya. Photo Credit: Geraldine Tingco

Itinalaga ang mga bagong miyebro ng mga samahang scouting ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) noong ika-27 ng Oktubre sa UPIS Gymnasium.

Sa hanay ng Girl Scouts ay 27 na bagong Senior GSP, 7 na bagong Junior GSP, at 33 na Cadets mula sa Batch 2020 ang itinalaga. Nagbigay si Dr. Lorina Calingasan ng panimulang bati at nagkaroon ng maikling talakayan tungkol sa samahang scouting. Bilang pagtatapos, nagtalumpati ang Council Representative na si Gng. Marilyn Espedido.


PIRING. Nakapiring na nakapila ang mga Boy Scouts bago dumiretso sa seremonya. Photo Credit: Geraldine Tingco


Samantala, pinangunahan naman ng mga Phoenix, boy leaders, at mga tagapayo ang pagtatalaga sa Senior Boy Scouts kung saan 27 na bagong Senior Scouts at 12 na bagong BSP ang itinalaga. Bilang panimula, si Dr. Lorina Calingasan din ang nagbigay ng paunang bati.

Matapos nito, nagkaroon ang Senior Scouts ng Investiture Camp sa gusali ng UPIS 7-12 na naglalayong mas makilala ng mga bagong kasapi ang samahan ng scouting. //ni Gian Palomeno

BSP Skills Training Seminar, idinaos sa UPIS



Nagdaos ng Skills Training Seminar ang Quezon City District Council noong nakaraang Biyernes, Pebrero 17 para sa mga scout leaders ng UPIS Boy Scouts of the Philippines (BSP).

Sa tulong nina Scouter Dr. Rafael Agsalon at Scouter Raul Roldan, tinuruan ang mga dumalo sa nabanggit na training seminar kung papaano magsagawa ng isang round table meeting para sa scouts, unit leaders, at buong UPIS scouting committee.

Kasama sa mga naging kalahok ay ang mga tagapayo ng scouts na sina Mia Baygan, Rhodora Formento , Ysra Blas ng KAB Scouts; Charlaine Guerrero, Lhenn Espina, Joe Ferrer at Edwin Conel ng BSP; Anton Reloj, Molave Macapagal at Raffy Ibanez ng Senior Boy Scouts.

Matapos ang unang bahagi ng programa, nagsagawa rin ng skills training seminar ang mga scouters para sa ilang piling Senior Boy Scouts. Ipinaliwanag din sa kanila ang proseso ng rank advancement. //nina Hillary Fajutagana at Danna Sumalabe

Vibal bags 1st place in Baden Powell Quiz Bee



Aenas Vibal from 5-Arayat landed 1st place at the Baden Powell (BP) Quiz Bee held last February 26 at Mt. Makiling, Los Baños, Laguna.

Vibal represented the Boy Scouts (BSP) of District 4 Quezon City at the city-wide quiz bee which featured questions about Lord Baden Powell, founder of the modern scouting movement. He placed ahead of 5 other contenders from the various districts of the city.

The quiz bee proved challenging to Vibal due to its short notice and midnight schedule. “The contest po happened between 12:30 AM and 1AM kaya po medyo inaantok na ako that time. But I felt I just needed to win so nilabanan ko po yung pagod at puyat ko,” Vibal shared.

Meanwhile, Cynl Tecson of 9-Zinc, also from UPIS, represented the Senior Scouts (SBSP) of District 4.

The BP Quiz Bee was held along with other Scouting-related activities at the 2017 Baden Powell Camporee. Quezon City boy scouts convened for this camp that ran from February 24-26 in celebration of the 160th birth anniversary of Lord Baden Powell. Seventeen BSP and 19 SBSP from UPIS attended the Camporee. //by Hanzvic Dellomas and Layla Wadi

CAMP OUT. UPIS attendees of the Baden Powell Camp huddle together at the heart of Mt. Makiling in Los Banos, Laguna. Photo Credit: Dr. Nemuel Fajutagana

Investiture 2016, idinaos



PANUNUMPA. Sabay-sabay na nanumpa sa harap ng mga manonood ang mga Junior at Senior Girl Scouts of the Philippines. Photo credit: Beca Sinchongco

Itinalaga ang bagong scouts ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) nitong buwan ng Oktubre sa Bulwagan 3-6.

Ginanap noong Oktubre 7 ang investiture ng Senior Scouts at Boy Scouts of the Philippines (BSP) samantalang noong Oktubre 14 naman ang sa Girl Scouts of the Philippines (GSP).

Dalawampu’t pitong bagong Senior GSP, 26 na bagong Junior GSP, at 16 na Cadets mula sa Batch 2019 ang itinalaga. Anim na troop leaders naman ang nadagdag upang magsilbing gabay ng scouts. Bilang pagwawakas ay nagtalumpati ang GSP Quezon City board member at investing officer na si Gng. Wayawaya Sabia.

SA WAKAS. Nakangiting tagumpay ang mga bagong cadets ng Girl Scouts of the Philippines.
Photo credit: Anne Therese Papa

“Masaya ako kasi first time at medyo excited ako sa mga mangyayari. Ineexpect ko po na maganda ang place ng camping at masaya,”pagbabahagi tungkol sa gawain ni Jhia Bartolome na isang bagong GSP.

Samantala, pinangunahan naman ng mga Phoenix, boy leaders, at tagapayo ang pagtatalaga ng Senior at Boy Scouts kung saan 30 bagong Senior Scouts at 21 bagong BSP ang itinalaga. Si G. James Timothy Liwag ng UPIS Batch 2012 ang panauhing pandangal. Isa siya sa mga Eagle Scouts ng UPIS, ang pinakamataas na ranggong maaaring makamit ng isang estudyante sa BSP. Bilang panimulang pagbati naman ay nagtalumpati si Dr. Ronaldo San Jose. Binigyang tuon niya ang mga bagay na dapat taglayin at pagtibayin ng mga Senior at Boy Scouts.

LAGING HANDA. Sama-samang sinalubong ng Senior Scouts at Boy Scouts ang mga bago nitong miyembro.
Photo credit: Hanzvic Dellomas

Matapos ang kanilang seremonya, nagkaroon ang Senior Scouts at BSP ng Investiture Camp sa gusali ng 7-12. Nilayon nitong patatagin ang ugnayan sa pagitan ng scouts. // nina Hanzvic Dellomas at Beca Sinchongco

UPIS scouts 'survive' Annual Camps 2016

The UPIS senior Boy Scouts (BSP) and Girl Scouts (GSP) enhanced their survival skills in their respective annual camps held last January 21-24.

LAGING HANDA. UPIS Senior scouts pose for a picture with the Philippine Army Disaster Response Team
after a simulation exercise during their Urban Survival Camp last January 21-21. JOHN FAJUTAGANA

Senior BSP trained with the 51st engineer brigade at Camp Atienza in Libis, Quezon City while the GSP honed their skills at the Sun Moon Beach Resort in Bagac, Bataan. Sixty eight senior boy scouts and 103 junior and senior girl scouts attended the annual camps.

CASTAWAY. The UPIS GSP await the beginning of their campfire, one of the most awaited activities
during their Annual Camp at the Sun Moon Beach Resort in Bagac, Bataan last January 21-24. LYKA LUBANG

They were taught different skills to aid survival in their respective environment such as disaster response for the BSP and island survival for the GSP. Activities including a disaster simulation that required the scouts to apply their newly acquired skills were also given. / by Raymund Creencia, Rachel Siringan

Annual Camp ng UPIS Boy and Senior Scouts, ginanap

Matagumpay na idinaos ang Joint Annual Camp ng UPIS Boy an Senior Scouts na ginanap noong ika-6 hanggang ika-8 ng Pebrero sa Camp Gregorio Lim, Ternate, Cavite.

Sinimulan ang Camp sa isang orientation, isang maikling tour sa buong kampo at isang demonstration sa rope course na pinangunahan ng mga Marines.

Kabilang sa mga aktibidades na ginawa sa camp ay ang pagtuturo ng hand signals, basic swimming, obstacle course, at rapelling, bukod pa sa calisthenics, isang warm-up routine, at isang 3-km road run tuwing umaga.

Natapos ang camp sa isang boodle fight na pinagsaluhan ng mga scouts. Sinundan ito ng isang awarding ceremony ng mga senior scouts kung saan itinanghal sina Jasper Navoa, Basti Regala, at Gyles Abac bilang best campers. /ni Macky Barrientos


4-day camporee matagumpay na inilunsad ng GSP at BSP

Inilunsad muli ang taunang camporee ng mga Senior Boy Scouts at Senior Girl Scouts noong Oktubre 17-20 sa UPIS.
Photo credit: Mai Arciga, Arienne Baladad


Sinimulan na noong Oktubre 17 ang iba’t ibang gawain na inihanda ng dalawang nabanggit na organisasyon. At noong Oktubre 18 ay pormal itong binuksan sa isang Joint Flag Ceremony na pinangunahan naman ni Dr. Ronaldo San Jose at ng mga tagapayo ng GSP at BSP. Kasama rin sa nabanggit na okasyon ang pamunuan ng Kabalikat sa pangunguna ni Sir Rene Rollon. Kasabay nito, pinarangalan rin ang mga nahirang na Huwarang Scouts noong AY 2013-2014. Sina Ruth T. Siringan ang pinarangalan bilang Huwang Scout para sa Senior Girl Scout at JC Lorenzo naman para sa Senoir Boy Scout.

Ilan sa mga gawain na pinakaabangan sa taong ito ay ang Amazing Race na pinaghandaan ng mga miyembro ng BSP at GSP. Nasukat rito ang lakas ng pangangatawan at pag-iisip ng mga scouts gayondin ang kanilang teamwork. Pinakainabangan din ang Socials na isa sa mga joint activity ng BSP ay GSP. Naghanda ng mga palaro ang pamunuan ng bawat organisasyon. Matapos nito ay sumunod naman ang pinakahihintay ng lahat na sayawan.

Bilang pangwakas na programa, magkahiwalay na nagdaos ng awarding ceremony ang BSP at GSP na ginanap sa huling araw ng camping. Itinanghal na Best Camper si Basti Regala para BSP at Dana Sumalabe naman sa GSP. / nina Trisha Serrano at Juneau Villanueva

UPIS boy scouts participate in Scout Memorial Day

UPIS was awarded as the most active school in District 4 while Senior Scout Adrian Bornilla of Batch 2018 won first place in the quiz bee in the recently concluded Council Camp held at the Quezon Memorial Circle from July 26-28.
Adrian Bornilla receives his first place trophy for the Quiz Bee.
Photo credit: Christopher Jan Landicho

The camp was held in commemoration of Scout Memorial Day where the scouts also paid tribute to the 24 deceased scout heroes by hiking from Quezon Memorial Circle to the Boy Scout Memorial at Tomas Morato where they held mass and offered flowers.

Scout Memorial Day is held every July 28 to honor the 20 Boy Scouts and 4 scoutmasters who died in a plane crash while on their way to Marathon, Greece where they were to be the Philippine delegates of the 11th International Jamboree in 1963.

Relatives of the deceased scouts also attended the camp to share their story to the Boy Scouts. / by Celine Medina and Red Rivera

Pagtatalaga ng mga Boy Scouts and Senior Scouts, idinaos

Ginanap ang panunumpa at pagtatalaga ng UPIS Boy Scouts at Senior Scouts noong Hulyo 19 sa Multi Purpose Hall.

Ang pagtatalaga at muling panunumpa ng mga UPIS BSP.
(c) Deneese Montalbo
Nagbigay ng pambungad na pananalita si Dr. Ronaldo San Jose, ang prinsipal at nagsisilbing Institutional Head ng BSP. Ayon kay Dr. San Jose, dapat na ikarangal ng bawat scout ang pagsali nila sa samahang ito sapagkat paunti na ng paunti ang mga sumasali at nakikilahok sa scouting movement.

Nagpatuloy ang seremonya sa panunumpa ng mga bagong Boy at Senior Scouts sa pangunguna ni Senior Scout Reinon Salvador.

Nagbigay naman ng talumpati ang panauhing pandangal na si Mr. Patrick Joseph Diaz, isang UPIS alumnus at isa sa pinakamahuhusay na Senior Scout noong siya ay nasa Grado 10. Ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan bilang isang scout at kung paano hinubog ng scouting ang kanyang kasanayan sa pamumuno.

Bilang pagtatapos, nanumpa ang mga scouts na kanilang isasabuhay ang Senior Scout Code at mga batas ng scouts.

Ang Investiture Camp ng mga Senior Scouts ay ginanap pagkatapos ng seremonya. / nina Deneese Montalbo, Psalma Nadera, at Donna Roces

Doronila, 1 of 5 outstanding KAB scouts in NCR

Paolo Doronila of grade 3-Dagat ranked 4th in the NCR search for outstanding KAB Scouts held at the University of Makati last September 21.

According to Ms. Cha Guerrero, one of the kawan leaders, after going through the process, he was announced 3rd runner-up and was also awarded Best in Formal Attire. Doronila competed against 12 other scouts.

He first joined Quezon City Council’s search for a Quezon City representative which was held last September 12.  by Benjo Hernandez, Patricia Lim, and Bianca Pio

Bagong Boy Scouts at Senior Scouts, itinalaga

“Once a scout, always a scout.”

Itinalaga at nanumpa ang mga bagong boy scouts at senior scouts noong Agosto 31, sa ganap na 5:30 ng hapon, sa Multi-Purpose Hall.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkasamang itinalaga at nanumpa ang mga boy scouts at mga senior scouts ng UPIS para mas makita ang integrasyon ng mga organisasyon at ang brotherhood ng mga iskawt. “Mas maganda tignan na iisa lamang ang mga boy scouts. Walang naggagalingan, walang nagpapataasan.” sabi ni Prop. Mikael Dela Cerna.

Nahati ang programang ito sa dalawang parte. Una, ang palatuntunan o ang pormal na panimula ng programa. Sumunod naman ang mismong pagtatalaga sa mga bagong boy scouts at senior scouts.

Nagkaroon din ng isang talumpati ang guest speaker na si G. Jaccob-Josephson Caones tungkol sa pag-aabot ng tagumpay at kahalagahan ng iskawting sa buhay. Inilahad din sa kanyang talumpati ang kanyang mga tagumpay bilang isang iskawt at nagnanais na maging inspirasyon ito para sa iba pang mga iskawt. Si G. Caones ay isang teacher scout mula sa Grace Christian College ng Quezon City.  by Paolo Aljibe, Benjo Hernandez

SPLT, isinagawa muli

Kaye Banaag, Jomil Gutierrez

Nagkaroon ng Senior Patrol Leadership Training (SPLT) ang UPIS Senior Girl Scouts of the Philippines (GSP) noong Oktubre 21-24 sa UPIS 7-10 Grounds.

Nilalayon ng camping na ito na mahubog at masanay ang mga iskawts sa kanilang iba't-ibang talento at kakayahan sa pagiging lider, makabayan, malikhain at kung anu-ano pa.

Nagkaroon ng maraming gawain ang Senior GSP tulad ng Bravery Test, Palarong Pinoy, Cook Out at iba pa.
Amazing Race| Photo courtesy of Patricia Nery


May mga aktibidad din na isinagawa ang Senior BSP at Senior GSP na magkasama tulad ng Amazing Race kung saan mas nasubok ang kanilang mga mental, pisikal, at emosyonal na kakayahan. Sumunod ang Camp Fire kung saan naipakita ang pagkamalikhain ng mga iskawts pagdating sa pag-arte, at sa Socials na siyang nagbigay ng pagkakataong mas magkakilala ang mga Senior BSP at Senior GSP.

Kasabay din ng camping ng Senior GSP, nagkaroon din ng camping ang lahat ng yunit ng iskawting sa buong UPIS mula sa mga Kab Scout at Star Scout hanggang nga sa mga Senior Girl Scout at Senior Boy Scout.


Taunang BSP investiture, idinaos

nina Sarah Romero at Cara Bilangel

UPIS Senior Scouts' investiture rites held at the Multipurpose Hall.
Ginanap noong Setyembre 16 ang taunang investiture ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ng UPIS sa Multi-Purpose Hall kung saan itinalaga ang mga bagong senior scouts ng organisasyon.

Bilang panimula, nagbigay ng pambungad na pananalita si Dr. Ronaldo San Jose, ang prinsipal at tumatayong Instituitional Head ng BSP. Pinangunahan naman ni G. Ralph Cedro, outfit adviser ng BSP, ang pagtanggap at panunumpa ng mga bagong senior scouts.

Nagbigay naman ng isang talumpati ang panauhing pandangal na si Atty. Romel Casis. Binanggit niya na isang karangalan ang pagiging boy scout. Idinagdag niyang dapat na isabuhay ang mga aral ng pagiging BSP.

Bilang tugon, namumpa ang mga Senior scouts na kanilang isasabuhay ang mga Batas ng Souts at Senior Scout Code.

Pagkatapos ng seremonya, ginanap ang Investiture Camp ng mga BSP.