Showing posts with label polarlight. Show all posts

Literary: Dear MC



Dear MC,

2015
Grade 9, Guidance time

Dumating ang araw na pinapunta ang aming grupo sa Testing Room para sa pagpili namin ng track. Kabadong-kabado ako noon, nanlalamig ang mga kamay habang naglalakad papuntang testing room. Feeling ko judgement day ko na. Naupo na ako at ipinaliwanag ng aming Guidance Counselor ang tatlong tracks na meron. Sobrang nahirapan akong pumili, hindi ko talaga first choice ang mapunta sa HUMSS. Sa pagkakaalala ko’y naging huli ito sa aking listahan. 

Grade 10, First day ng MC Class

First Impression ko sa MC:

Kapag sinabing taga- MC matatalino, magagaling magsulat. Maraming sinusulat.

”Sabi ko sa sarili ko “Hala! Formal theme nga lang sinusulat ko eh.”
“Kaya ko ba ‘to?”
 “Bahala na.”

First day na first day ng Peryodismo, pinasulat kami agad ng autobiography. Diagnostic Test. Ito naman ako bida-bida magsulat, napakahaba ng sinulat ko, naka-uwi na lahat, ako nagsusulat pa rin. Pero syempre dahil lang din siguro ‘yun sa hindi naman talaga ako sanay magsulat. Isinaisip ko mula noon na mamahalin ko ‘tong pinili ko at papatunayan kong may talento ako sa pagsulat.

First Pub bilang MC 2018

Sa aking pagkakatanda, ang unang lit na aking naisulat at napub ay “Move on? Moved On.” Sobrang gulo ko pa magsulat noon, daming plot twist ng lit na ‘yan pero salamat sa mga nag- edit ng lit ko. BTW kung gusto niyong mabasa yung lit ko na ‘yon, I’ll put the link down below. Pampadagdag views din ‘yun.

Dumaan ang napakaraming pubs, may mga pagkakataong hindi napupub ang aking gawa at talagang iniiyakan ko ang mga ganoong pangyayari.

OFFICIAL MC 2018

It’s official! Kami na! Kami na ang magpapatakbo ng buong MC, may iba’t ibang sections at may sarili pang opisina, Room 115 nga pala.

Polarlight

Ipinamulat sa akin ng MC na ang dating “Kaya ko ba ‘to?” na tumatakbo sa aking isipan ay napalitan na ng  “Kaya ko at Kinaya ko.”

Nabuo rin sa MC ang isang (pen name) na puro Filipino lits ang isinusulat na laging patungkol sa puot at sakit na nararamdaman.

Media Center

Pinatunayan ng MC sa akin na hangga’t may pinagdaraanan at nararamdaman ay may maisusulat ka. Mayroon at mayroon kang mapipiga sa utak mo, at pati ang mga simpleng bagay ay mapapalawak mo pa upang makabuo ng iba’t ibang kahulugan.

Sa loob ng halos tatlong taong pagsusulat ng lits at articles pati na rin ng pag-iisip ng theme, hashtags, topics ng articles (lalo na sa feature), tagline, at pag-edit ng mga sinulat.

Sa mga dumaang taon, hindi lang isang matibay at matatag na klase ang nabuo kundi isang pamilya na mananatili at nakatatak sa aking puso’t isipan.

Maraming salamat MC.

Natututo akong mahalin ang pagsusulat. Binago mo ang pangarap ko at minulat mo ako sa panibagong landas na aking tatahakin.

Ang maging parte ng Media Center ay isang malaking opurtunidad at nagpatuklas sa amin na kaya pala naming lumikha ng obra mula sa mga salita at letra.

Hanggang sa muli MC.

Polarlight Signing off.

Literary: Pananatili




Sa aba
Ng isang
Iniwan


LARAWAN
Kumukupas
Namumuti
Humuhulas

PINTO
Nakabukas
Pinanonood lamang
Kung sino ang susunod na lalabas

KURTINA
Nakasiwang,
Sumisilip,
Kung may babalik pa

LUHA
Pumapatak
Sa bigat
Ng sakit --

PUSO
Nasaktan,
Umaasa,
Kung may manantili pa

ALAALA
Nakatanim
Ang bawat pag-alis
Namumukod tanging naiwan

Alaala
Na tanging nananatili
Sa lumisan,
Nilisan,
At paglisan

Literary: Amnesia






Imumulat ang mga mata, maghahanda para sa panibagong araw na tatahakin.

Nag-aayos, naggagayak para lumabas at kumuha ng mga litrato. Ito ang mundo ko araw-araw at ito na rin ang buhay ko. Akala mo siguro napakadali lang ng lahat, na tila wala dinadalang problema. Siguro inaakala mong isa akong litratista at magaling akong kumuha ng mga litrato.

Nagkakamali ka. Mali ka.

Wala akong alam sa anumang teknikal na bagay sa potograpiya. Wala akong mamahaling kamera na may mahahabang lente. Ang tanging alam ko lang, ay ang pagkuha ng larawang magsisilbing memorabilia ng mga alaala at karanasan.

Iniinda ko ang hirap na sa bawat pagbangon sa umaga’y wala akong naalala sa nakaraan. Ang bawat bukas ay tila ba panibagong umaga. Mag-aayos ako at maggagayak sa panibagong araw, panibagong karanasan. Pero hanggang doon na lamang iyon. Ang nananatili na lang sa isip kong ito ay ang pagkabata at wala nang iba. Malungkot isiping ganoon lang ang aking natatandaan. Masakit dahil napakaraming alaala na nais balik-balikan. Pero kahit ganito ang karamdama’y hindi naging hadlang upang ang mga alaala’y tuluyang mawaglit sa isipan.

Tulad ng ibang tao, kumukuha tayo ng mga larawan upang maalala natin ang mga pangyayari. Ako ma’y ginagawa ko ‘yun, mas pinahahalagahan ko lang ang bawat kuha at ang bawat anggulo. Mula sa kaliit-liitang detalye kailangan makuha ko. Makuhanan ko. Malabo man o madilim, aking itinatabi ang bawat litrato, sinusulatan ang likod ng mga ito na parang nagkukuwento, isinasalaysay ang nangyari sa larawang iyon. Masaya ba ako sa araw na iyon? Bakit? Sinong nakapagpasaya sa akin? Malungkot ba ako? Anong ikinalungkot ko? Sinong nawala, umalis? Galit ba ako? Sa bawat kuhang iyon, pinabubukal ko ang damdaming nangingibabaw sa akin.

Sa tagal ko nang namumuhay nang ganito, libu-libong imahe na ang aking nakuha. Kasabay ng paglimot sa libu-libong alaala, libu-libo rin ang nagugunita sa pagtingin sa bawat kuha.

Mahirap man ang ganitong sitwasyon, sa simpleng gamit na taglay, nagagawa kong mabuhay;

Pagkat kamera ang tanging sandata
At larawan ang bala.

Literary: Minahal. Minamahal.



Naranasan mo na bang magmahal nang patago?

Naranasan mo na bang ma-in-love nang patago dahil strict ang parents mo? O ‘di kaya naitago mo na ba ang namamagitan sa inyong dalawa kasi natatakot kang mahusgahan ng mga tao? O kung minsan, naranasan mo na bang ayaw mong ipaalam sa mga kaibigan mo ang tungkol sa crush mo dahil kilala mo naman sila, baka ibuking ka lang? Alam kong napagdaanan mo na ang kahit isa sa mga nasabi ko.
 
Hindi ba’t mahirap? Pero kahit ganoon, tuloy ka pa rin kasi mahal mo. Ganyan talaga sa pag-ibig, maraming hadlang, maraming pagsubok pero sa huli, mananaig pa rin ang pagmamahal at kasiyahan.

Pero kailangan ko ring linawin sa iyo: hindi sa lahat ng pagkakataon ganito ang pag-ibig. May mga pagkakataong hindi ito nagtatapos sa masayang eksena ang dalawang nagmamahalan.

Gusto mong malaman? Makinig ka.

Sa simula pa lang, alam kong ikaw na talaga. Noon, kitang-kita sa mga mata at labi ko na sobra mo akong napapangiti. Oras- oras tayong magkasama, lagi tayong magkausap at lahat ng ‘yon ay ating pinahalagahan. Ngunit dumating ang isang pagsubok na kinailangan nating harapin.

Nalaman ng iyong mga magulang na may namamagitan na nga sa atin. Labag na labag iyon sa kanilang kalooban. Magmula noon, ang dati nating oras-oras na pagsasama ay naging minuto na lang. Kadalasan nga hindi na tayo nagkikita para sa ikabubuti mo. Ang dating halakhak na naririnig ko mula sa sa’yo ay naging pag-iyak dahil sa lahat ng ito. Nasasaktan ka na.

Naisip kong iwanan ka na lang. Marahil iyon ang kailangan para sumaya ka. Hindi ba’t mas importante naman talaga ang pamilya bago ang tayo? Kaso hindi ko masabi iyon sa’yo, hindi ko magawa dahil baka kung anong isipin mo. Hinintay ko na lang na sa’yo mismo manggaling ang desisyon. Ilang taon kong tiniis na makita kang nasasaktan dahil sa nangyayari sa atin, hanggang sa ikaw na mismo ang tumapos ng lahat.

Malaya ka na ngayon, masaya sa pilling ng iba. Mabuti nang lumigaya ka sa piling niya kaysa naman manatiling yakap-yakap mo ang iyong basang unan na puno ng luha dahil sa’kin. Kung kailangan kong magpakalayo, sige gagawin ko. Ganoon naman ‘pag mahal mo ‘di ba? Handa mong isakripisyo ang lahat pati na ang dinaramdam ng iyong puso. Ang nais ko lang ngayon ay makitang muli ang dating ikaw, kung gaano ka kaligayang nagmamahal, umiibig, kahit hindi na ako ang taong mahal mo.

Literary: Noon at Ngayon





Ibinigay ko ang lahat
Tinanggap mong buong-buo
Hawak na kita nang mahigpit na mahigpit
Ngunit pinili mong bumitaw
Nagdesisyong palayain
Pusong iyong binihag
Sinubukang pagdugtungin muli
Pinutol mo nang tuluyan
Bakit? Bakit mo nagawa?
Iniisip ko araw-araw hanggang sa bukang liwayway
Habang ika’y nananaginip takipsilim pa lamang
Mula sa pagiging matalik na magkaibigan
Itinatak mo sa aking isa na akong kaaway
Taon ang pinalipas upang makalimutan
Upang ‘wag nang alalahanin’t tuluyan nang iwanan
Isinumbat mo pagkatapos ng ilang taon mula noon
“Maari ba kitang balikan?”
Kay sarap mong tawanan habang umiiyak sa’king harapan
Oo, mahal kita…
Noon.

Hindi na kita mahal ngayon.

Literary: Relate ba, Gurl?






1. Una, kapag nagkakasalubong kayo ni crush sa corridor: May palingon-lingon kang nalalaman, kunwari may sinusulyapan ka pang iba sabay biglang tingin kay crush. Eh biglang lumingon. (!!! ❤ ❤ ❤ !!!) Kilig na kilig ka naman. O ‘di kaya habang bumibili sa canteen sa harap ni Allan sabay niyong sasabihin “Isa ngang turon.” Bigla na lang kayong mapapatingin sa isa’t isa at ngingiti. Oh ‘di ba parang sa commercial lang ng Jollibee na “Vow”! Pa-upsize n’yo na rin kaya ‘yung langka sa loob ng turon.

2.  Pangalawa, sa uwian, aba! Napakagaling nga naman ng tadhana at talagang pinagtagpo na naman kayo. Pabalik siya mula kay Kuya sweet corn at ikaw naman lalabas na may dalang sweet corn din. Agad-agad mo namang napansin na magkapareho kayo ng size ng pagkain, ‘yun bang worth 20 pesos na tadtad ng powdered cheese at margarine. Aminin, kilig na kilig ka na niyan.

3.  Pangatlo. Sa hindi inaakalang panahon, kasagsagan ng gabing tadtad ka sa requirements at hagardo versoza ka na. May bigla – biglang nagnotif sa’yo. Isang friend request galing kay crush na may kasamang chat na “hello”, at dahil si crush ang nag-chat ang bilis mong iseen… pero kapag mga kaklase at mga group chat para sa projects ‘di mo man lang mabuksan. Pinalitan mo na rin agad ‘yung emoji at nickname ninyong dalawa.

4.  Pang-apat. ‘Yung eksenang nagpalit ka ng dp sa FB. Syempre nag-aabang ka kung ilalike ba ni crush ‘yung dp mo. Pero pinusuan pala niya, at napatalon ka sa kilig kaya dali-dali ka sa pag-screen shot at ipinagmalaking pinusuan ka ni crush. It’s a sign! ‘Yun na ‘yun. Sige pa, assume pa na crush ka rin niya.

Relate ba gurl? Ang lakas kasi natin mag-assume eh, ayan tuloy nasasaktan. Hindi ba pwedeng  nakatingin siya sa taong nasa likod mo? Pasara na ‘yung canteen at turon na lang ‘yung itinitinda nila, malamang ‘yun na lang bibilhin niyong dalawa. Eh ‘yung sweet corn, ‘yun na lang available na size kay Kuya. Sa dp mo naman, lahat pinupusuan niya o ‘di kaya napindot niya lang. Pasalamat ka ‘yun ‘yung napindot  niya kaysa naman angry reacts. Kinikilig ka kaagad sa chat ‘di mo man lang hinintay, eh typing pa naman. Sabi niya “Pwedeng pa print? A4 size ha pati colored na rin.” Aba ginawa kang computer shop. Payag ka?

Marami sa ating nakakarelate dito, Nakakakilig nga, dahil sa simpleng mga galaw ni crush, ibang saya ang dala nito sa’yo. Pero sa bawat pag-asang ginagawa mo, hindi natin alam ay may iiwan itong sakit sa ating puso. Malay mo dahil sa sobrang pag-aassume mo nasasaktan mo na pala ang sarili mo dahil nabubuhay ka sa pantasyang may gusto rin si crush sa’yo. Gumising ka na sa katotohanan. At kahit ganoon man ang sitwasyon mo, tandaan mo, ‘di umiikot ang buhay mo sa kanya. Huwag ding bitter at isipin mo na lang na isa siya sa mga taong nagpasaya sa buhay mo, pero hindi lang siya ang taong magpapasaya sa’yo hanggang sa dulo.  May maganda rin naman ‘tong dulot.

Pero lagi lang tatandaan na mas mabuting maghintay. Darating at darating tayo sa ganyang mga bagay. ‘Di ko rin naman sinasabing huwag na kayong magka-crush. Nais ko lang sabihin na hindi masamang magkagusto, huwag lang masyadong aasa lalo na’t wala pang kayo.

Kaya kilig fully. Assume moderately.

Literary: Lakas ng Loob x Paumanhin






Lakas ng Loob

Pano kung makihati ako sa oras mo?
Pano kung buksan ko ang aking puso?
Pano kung sumama ako sa iyong mga plano?
Subukan mong tanggapin ako.
Malalaman mong nararamdaman ko’y totoo.

Ayos lang ba kung araw-araw kitang pangitiin?
Ayos lang ba kung ika’y aking hagkan at yakapin?
Ayos lang ba kung aking palitan,
Lahat ng masama mong naranasan
At nang aking mapatunayan
Na mali ka sa sinabi mong
Mga lalaki’y pare-pareho lang.

Subukan mong tignan ako sa’king mata
Kaya ko bang lokohin ka?
Subukan mong makinig sa akin.
Hindi ko ba naririnig ang iyong mga hinaing?

Ngayon aking tatanungin
Ayos lang bang makihati sa oras mo?
At sabihin sa’yong wala akong ibang plano,
Kundi mahalin ka buong buhay ko.

Paumanhin

Paumanhin ngunit di ko magagawa.
Paumanhin ngunit di ko gustong saktan ka.
Paumanhin ngunit hindi ko mapigilan.
Paumanhin ngunit sarado pa ang aking isipan.
Paumanhin ngunit may nananatili pa rin sa puso kong nagdurugo.

Nang malaman mong nararamdaman ko’y totoo.
Hindi mapapalitan ang lungkot sa bawat ngiting iyong ipinapakita.
TIla mga yakap pa rin niya ang aking dala-dala at inaalala.
Mahal ko pa rin siya.

Lahat ng aming pinagsamahan,
Mananatili pa rin sa aking isipan,
Masakit man ang aking pinagdadaanan.
Siya pa rin talaga ang nilalaman
Hindi ko pa kayang humanap ng iba.
Dahil hanggang ngayon umaasa at aasa pa rin talaga
Ang puso kong minamahal pa rin ang isang tulad niya.

Ngayon ika’y tatanungin
Maari mo bang pigilin?
Ang iyong tunay na raramadaman para sa akin
Dahil kahit anong aking pagpipilit
Wala pa ring papalit sa kanya na tunay kong iniibig.

Literary: Walang Ibang Katulad






Sabi nila hindi raw ako maganda.
Lagi nga nilang sinasabi, “Pangit ka.”

Sinong nagsabing pangit ka?
Hindi ba nila pansin na ika’y may itsura?

Mataba rin daw ako, para na nga akong baboy

Teka, teka sinong nagsabing mataba ka?

Asar nga nila sa’kin, “tababoy”

Baboy ka nga ba?
Siguro sadyang big-boned ka lang talaga!

Sabi pa nga nila wala akong kuwenta
‘Eto naman ako, pinapaniwalaan lahat ng sinasabi nila.

Bakit ka ba naniniwala sa kanila?
Importante ka para sa iba, lalong-lalo na sa’king mga mata

Punong-puno ako ng mga tanong sa’king isipan
Bakit ba ako ganito? Bakit ba ako naiiba at ‘di tulad ng karamihan?

Punong-puno ng katanungan ang aking isipan
Kung bakit hindi mo makita ang iyong kagandahan

Kailan kaya nila ako mapapansin?
Kailan kaya nila makikita na ‘di ako dapat balewalain?

Hindi mo naman kailangan maging tulad nila
Dapat ipagmalaki mong iba ka sa kanila

Bakit ganito?

Wala akong tiwala sa sarili ko.

Wala kang tiwala sa sarili mo.

Wala tuloy nagmamahal sa akin.
Haay, kahit pati si crush malabong mapasa-akin

Aba, sinong nagsabing walang nagmamahal sa’yo?
Tumingin ka lang sa tabi mo, nandito naman ako.
Ang taong magmamahal nang walang katulad
Ang taong hinding-hindi ka ikukumpara sa iba
Sa mga taong ‘di naman makapapantay sa’yo
Sa mga taong hinuhusgahan ang pagkatao mo

Nandito lang ako,
Sana iyong maramdaman
‘Wag ka nang lumayo, dito ka sa tabi ko
Pagkat mamahalin kita magpakailanman.

Literary: Para sa Pinakamamahal






Araw na naman ng mga puso. Panahon na upang ako’y bumili ng iyong paboritong mga bulaklak at mga tsokolate. Kay bilis nga lumipas ng oras. Magpipitong taon na tayo ngayon. Sa pagkakaalala ko’y sa ating ika-pitong taon, doon na kita aayaing makasama habambuhay.

Heto na nga, dumating na ang araw na pinakahihintay. Hinanda ko na ang singsing. Ipinagpaalam ko na rin sa mga magulang mong aayain na kita. At mas lalong nahanda ko na ang sarili ko. Ikaw na lang talaga ang kulang at ang pagsagot mo ng “oo.”

Ilang oras kitang hinintay sa ating tagpuan kung saan una tayong nagkakilala. Nag-alala na nga ako. Naka-ilang tawag at text na ako pero hindi ka sumagot. Hindi ka dumating.

Pinalipas ko ang gabing iyon na puno ng kalungkutan, kaba, at napakaraming tanong. Subalit naging malinaw ang lahat nang ‘di kinalauna’y may natanggap akong mensahe mula sa’yo. Sabi mo, “Sorry, tigilan na natin ‘to.”

Hindi ko alam anong dapat maramdaman. Sinuyo kita upang ako’y iyong balikan. Binabagabag ako ng aking isipan—kung may pagkukulang ba ako sa’yo o may mali ba akong nagawa. Iniiyakan kita buong magdamag at iniisip kita oras-oras.

Pero kahit anong gawin ko wala talaga, Kahit anong pilit ko, hindi na magiging tayo muli.
Lumipas ang ilang taon, sinubukan kong kalimutan ka at maghanap ng iba. Sa ‘di inaasahang takbo ng tadhana’y bigla akong nakatanggap ng tawag mula sa iyong ina. May pinasasabi ka raw.

“Para sa aking pinakamamahal,
Pasensya na at kailangan kong iwanan ka. Alam kong masakit pero kinailagan ko talaga. Iyon lang ang tanging solusyon at ‘yun lang din ang paraan upang ‘di ka masaktan nang lubusan. Wala akong pinagsisihan doon at ‘wag mo sanang isipin na ginawa ko ito dahil hindi na kita mahal. Mahal na mahal pa rin kita. Pero kinailangan kong iwan ka para sa ikabubuti nating dalawa.”

Nagpaliwanag siya. Ngayon, talagang malinaw na ang lahat. Ngunit bakit ganito, lalong mas masakit? Bakit ngayon ka pa bumabalik kung kailan sinusubukan ko nang kalimutan ka? Namuo ang galit sa akin. ‘Di ko na napigilang iiyak na lang ang lahat. Napagtanto kong mahal pa rin talaga kita.
Tinawagan kong muli ang iyong ina at tinanong kung bakit kailangan ka pang bumalik. Kung bakit ‘di mo masabi sa akin ng personal ang mga bagay na iyon. Kung bakit bigla ka na lang naglaho. Hindi na kita nakita. Wala akong narinig mula sa iyo.

“Wala na siya.” gumagaralgal ang tinig ng iyong ina habang sinasabi ang mga salitang iyan.
Naluha ako. Hanggang ang luha ay napalitan ng iyak. Sa huli’y mga hikbi na lamang kasama ng pait ng katotohanan. Noon ko lamang napagtagpi-tagpi kung bakit biglang naging ganoon ka sa’kin—kung bakit kinailangan mong gawin iyon.

Lumipas pa ang ilang taon mula noong araw na iyon nang makipaghiwalay ka sa akin. Narito ako ngayon, tanggap na ang pag-alis mo. Ngunit, hindi maikakaila sa sarili na ikaw pa rin ang nilalaman ng aking puso. Sigurado ako, walang sinumang makakapalit sa’yo—ang pinakamamahal ko.

Literary: DABDA: Move On Na






Denial Stage
Anong nangyari?
‘Di ka naman ganyan dati
Totoo ba ang bawat salitang iyong sinambit?
‘Di ako naniniwala, masyado itong masakit
At alam kong hinding-hindi mo ito magagawa
Ang iwan ako, kahit ako pa ay magmakaawa.

Anger Stage
Bato, bato sa langit
Ang matamaan, magagalit?
Patama rito, patama roon
Parinig dito, parinig doon
Bakit ka ba nagagalit?
Ako na nga itong iniwan mo’t ipinagpalit
Puro ka sumbat
Ikaw naman ‘tong biglang bumitaw

Bargaining stage
Pwede ba ang isa pang pagkakataon?
Muli nating ibalik ang kahapon
Noong tayong dalawa’y masaya pa
Noong mahal pa natin ang isa’t isa.
Handa kong limutin ang masalimuot nating nakaraan.
Mahal pa rin kita, sana iyong pakatandaan.

Depression
Nahihilo, nalilito, natutuliro
‘Di na malaman ang gagawin
Bakit nga ba ganito?
Talagang masakit sa damdamin
May mga gabing ‘di ako makatulog
Dahil sa mga tanong na sa akin ay gumugulo

Acceptance
Matagal-tagal ko ring tiniis
‘Di na muling umiyak at ‘di na naiinis
Tuwing tayo’y nagkikita-kitang tatlo
Nagmumukha kang dehado at talo
Hahanap ka na nga lang ng ipapalit
Iyon pang ‘di makapapantay sa akin
Mukha man akong bitter ngunit hindi
Handa ko nang ipagmalaki
Hindi na kita mamahalin pang muli.

Literary: Kaibigan






“Tama bang mahulog ako sa’yo?”
“Ngunit kaibigan kita, pwede ba yun?”
“Bakit bigla na lang nagbago ang lahat at tila napapamahal na ako sa’yo?”

Iyan ang mga tanong na bumabagabag sa aking isipan, mga salitang paulit-ulit na pumapasok sa aking utak.

“Pero, bakit nga ba ako nahuhulog sa’yo?”

Sa bawat oras na tayo’y magkasama, hinding-hindi mapapantayan ng iba ang saya at ngiti na iyong ibinibigay sa akin. Ang iyong mga matang kumikinang na parang mga bituin, inaakit ang aking paningin. Ikaw ang nakakaintindi sa akin nang lubusan at ikaw rin ang kaibigang aking maasahan. Lagi kang nasa aking tabi tuwing ika’y kailangan. Isa kang tunay na kaibigan pero iba naman ang nakabingwit sa iyong puso.

Sa bawat oras na ako’y sinusukuan, sa bawat panahong ako’y nahihirapan at pagod na sa aking buhay, palagi mong sinasabi upang ‘di ako sumuko:

“Kaya mo ‘yan.”
“’Wag kang susuko.”

Higit sa lahat, tumatak sa akin isipan ang sinabi mong:

“Maraming nagmamahal sa’yo at isa na ako sa kanila.”

Ngunit bilang isang kaibigan lang pala ang turing mo sa akin. Kahit ganoon, dahil sa sinabi mo, mas nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sa’yo ang tunay kong nararamdaman.

Dumating na ang takdang oras upang ako’y umamin, upang ibahagi sa’yo ang matagal ko ng lihim. Umaasa akong iisa ang itinitibok ng ating puso. Handa akong tanggapin kung ano man ang iyong desisyon.

Inaya kitang mag-usap sa ating tambayan kung saan una tayong nagkakilala. Handang-handa na akong magtapat ng totoo.

Dali – dali kong sinabi, “May importante akong sasabihin sa’yo.”

“Ako rin, may aaminin pala ako sa’yo.”

Biglang nagliwanag ang aking mga mata. Umasa akong aamin ka ng iyong nararamdaman. Pinauna na kitang magsalita.

“Kami na nga pala ng crush ko!”

Umamin ka nga ng nararamdaman pero para naman sa iba. Biglang nadurog ang aking puso. Pinipigilan kong lumuha sa iyong harapan. Kitang-kita sa iyong mga mata kung gaano ka kasaya sa iyong nadarama para kanya. Pero ang ngiting nakikita ko noong sinabi mo iyon, ay ang ngiting pumapatay sa aking puso.

Masakit man pero ginusto kong malaman mo pa rin ang totoo.

“May aaminin din ako sa’yo. Kahit masaya ka na sa iba, nais ko lang malaman mo na…”

Dumating ang iyong kasintahan. Nabaling ang tingin mo sa kanya at bigla mo na lang sinabi,

“Pasensya na, sa susunod na lang.”

Iniwan mo akong mag-isa. Iniwan mo akong nasasaktan at hindi ko man lamang nasabing, “Mahal kita.”

Literary: Sangnilikha





Noon, sinasabi ko palagi sa sarili, “Di na ako muling iibig. Ayaw ko nang masaktan”.

Subalit nakita kita at nagbago ang lahat. Sa isang iglap, binihag ako ng iyong mga matang singninging ng mga tala sa madilim na langit.

Tuluyan nga akong nahulog sa’yo-- ikaw, na inasahan kong makakasama ko hanggang sa dulo ng mundo. Inakala kong ikaw ang buwan; ang liwanag sa mga malulungkot kong gabi. Umasa akong ikaw ang araw na hihikayat sa aking lumapit sa ningning mo-- ang tinitibok ng puso ko.

Ngunit ako’y nagkamali.

Mag-isa akong umasa. Ako lang pala.

Dati rati’y napapaisip din ako. Itinuring kitang mahiwagang bulalakaw na tumama sa puso’t isipan ko. Umasa akong ikaw na ang tunay na pag-ibig na di ko pa nararanasan. Ngunit sa pagkahulog mo sa puso ko’y nadurog mo rin ito. Nagkamali ako.

Sa bawat talang nakikita mo sa langit, akala ko’y ako na ang pinakamaningning para sa’yo. Pero hindi ka man lang pala naakit sa liwanag ko. Pinili mo pa rin ang pinakamadilim at pinakamalayo sa iyong paningin.

Hayaan na natin ang nakalipas. Malinaw na hindi ako ang para sa iyo. At mas lalong hindi ikaw ang para sa akin.

Subalit alam kong hindi dito natatapos ang lahat.

Balang-araw, sa kalawakang puno ng mga bituin, mahahanap ko rin ang papalit sa’yo. Maghihintay ako, kahit gaano katagal; maghihintay sa pagbagsak ng isang maningning na bulalakaw.

Literary: Pangako



Ako’y iyong pinangakuan
Na hinding-hindi mo ako susukuan
Ikaw ‘tong paasa
At ako naman, umasa

Sabi mo, “Huwag na huwag mong kalilimutan”
Bawat isa’y magsusumpaan
Ating bibigkasin sa harap ng mga tao
Iaalay ang bawat letra’t salita ng buong puso

Ang iyong mga pangako
Lahat pala’y mapapako
‘Di na muling magtitiwala
Hinding-hindi na maniniwala

Ang mga salitang iyong binitawan...
Sabi mo’y hinding-hindi ako iiwan
Ngunit bakit?
Naiwan ng ganito kasakit?

Ngayo'y takot na akong umibig
Ayoko nang makarinig
Ng mga pangakong ako'y mamahalin
Dahil sa huli, ako'y iiwan rin

Literary: Hanggang sa Muli



Sa isang mabungang puno,
Sa parkeng ating pinaglalaruan,
Mga pangalan nati’y nakaukit,
Nakatitik ating pinagsamahan.

Sa dalampasigan tayo’y naghahabulan.
Masayang nagtatampisaw sa tubig sa gitna ng sikat ng araw.
Tatakbo tayo sa puting buhanginan,
At isusulat muli doon ang ating mga pangalan.

Sa isang tahimik na lugar ako’y isinama,
Nagniningning ang mga nakasinding kandila,
Lumuhod kang bigla-bigla sa aking harapan,
Sabay abot sa akin ng singsing na tanda ng pagmamahalan.

Ngunit ang pinakatumatak sa aking isipan-
Ang simbahan kung saan tayo’y dapat magsusumpaan,
Mag-iisang dibdib puso nating nagmamahalan,
At mangangakong magsasama magpakailanman.

Nakatayo ako sa may harapan,
Nagdarasal na ika’y darating at ako’y iyong pupuntahan.
Hinintay kita, hinintay kita hanggang sa kahuli-hulihang sandali,
Ngunit iniwan mo akong mag-isa’t nasasaktan.

Ilang taon na ang lumipas,
Hinding-hindi ka pa rin nawawala dito sa aking puso.
Umaasang babalikan mo ako’t mamahalin,
Sa pagkikita nating muli.

Literary: Baka Sakali


Nalalapit na ang araw ng mga puso.

Maaari bang maging “tayo?”
Nagdadalawang isip kung sasabihin sa’yo.

Paano ko sasabihin?
Paano ba aamin?

Naguguluhan at nag-aalangan,
Kung pareho ba tayo ng nararamdaman.

Takot na ako’y iwanan,
Mababalewala ang pinagsamahan.

Takot na muling masaktan,
Huwag nang ibalik ang nakaraan.

Loob ko’y patatatagin.

Ako nama’y maghihintay pa rin.

Naghahandang ika’y tanungin.

Pagkakataong ito’y hindi sasayangin.

Magbabaka sakaling,
Ako’y mahal mo rin.

Literary: Bittersweet



Nagmahal
Nararapat ba ako sa’yo?
Nararapat din ba ang aking nararamdaman?
Ngunit kahit naguguluhan, aasa at aasa pa rin sa "tayo".
Basta itong aking nararamdaman ay aking ipaglalaban.

Nagmamahal
Ako ay nangangamba dahil sa pag-ibig,
Pag-ibig na sa dulo alam kong ako'y masasaktan.
Sapagkat ang puso mo'y pinapatibok ng iba
Ngunit, nais ko pa ring ipaglaban itong aking nararamdaman.

Pinaasa
Bakit mo ako iniwan? Bakit ba ako umasa?!
Ipinaramdam mong minahal mo ako,
Ngunit iiwan mo lang ako, isa kang paasa!
Pinalitan mo na lang ako nang bigla-biglaan,
Pero paano na ang iyong mga pangako?!

Nagpaasa
Nagparamdam sa'yo ng isang huwad na pag-ibig.
Gumuho ang iyong munting daigdig,
Kahit na ang aking tunay damdamin ay hindi mo napapansin.
Noong ikaw ay iniwan, 
Ang aking puso ay nasaktan rin naman.


Bitter
Malaking bakas ng sakit ang iniwan,
Sa taong akala ko'y bubuo sa aking pangarap
Ngunit iniwan niya lamang sa pusong kanyang ginamit at sinugatan.
Isang aral para sa akin, na tumigil at huwag nang muli pang umasa

Sweet
Ikaw ay iniwang luhaan, ang iyong puso’y sugatan.
Ako sana ay iyong bigyan ng pagkakataon para ipakita ang tunay na nararamdaman.
Hinding hindi, kahit minsan, ikaw ay aking iiwanan.
Narito ako, handang maghintay, magpakailanman.


Masakit at mahirap kalimutan,
Di man tuluyang nakakabangon,
Unti-unting aking susubukan,
Upang muling umibig at umahon.

Nanggaling ka sa masalimuot na nakaraan.
Malambot mong puso ay nasaktan,
Dahil sa isang pag-ibig na nagwakas nang biglaan.
Ikaw ay takot na muling umibig nang magpakailanman.

Ang umibig kung minsa’y sadyang kay pait
Kapag iniwan ang pusong pira-piraso.
Tila isa rin itong tsokolateng dating kaypait na nagiging katamis kung pinuno ng pagmamahal
Kung ang pagsinta ay handang maghintay at magtiis

Literary: Panaginip Lamang



May mga bagay na mas mabuting manatiling panaginip na lang. Wala nang bangon-bangon, huwag na sanang magising. Kung puede sanang ganito na lang. Sa panaginip, kahit ano ay puedeng mangyari. Lahat ng imposible, nagiging posible. Pati ang “tayo” nagiging totoo. Alam kong maliit lang ang posibilidad na mangyari iyon, ngunit ito at umaasa ako.

Sa panaginip, kasama kita sa langit, nagtatampisaw sa mala-bulak na kalangitan. Napakasaya ko dahil kasama kita, ang minamahal ko. Ang pinakamamahal ko. Sana araw-araw ganito; hindi ako umaasa at hindi mo rin ako pinapaasa. Sana mistulang panaginip na lang ang buhay ko.

Ngunit ito’y isang napakalaking kalokohan. Masaklap na ang realidad, ang katotohanan. Kahit sinusubukan kong limutin ka, patuloy pa rin kitang nakikita sa aking panaginip.

‘Di nagtagal at nahulog ang puso mo sa akin, at bumalik ang kumpiyansa ko na muling ibigin ka. Nakabagabag sa isipan ko na aminin ang nararamdaman ko. Dumating ang araw, kabadong-kabado akong lumapit sayo.. at umamin. Hinding-hindi ko inasahan ang sunod na nangyari. Umamin ka rin. Tumigil ang mundo ko nang mapuno ng kaligayahan ang puso ko. Dinama ko ang bawat segundo nang biglang…

“Gising! Gising!”

Bakit ganito? Mistulang ginising ako ng katotohanan. Akala ko akin ka na, hindi pala. Panaginip lang pala. Hindi na talaga ako natuto, patuloy pa rin akong umaasa at umiibig sa taong hindi naman kayang suklian ang aking pagmamahal.

“Lagi na lang bang ganito?”
Na ang kasiyahan ko’y, isang panaginip lamang.

Literary: Alaala ng Nakaraan



Mga alaala na aking babalik-balikan. Mga panahon at oras na aking aalahanin at tatandaan. Mga litratong aking pagmamasdan. Isang simbolo ng ating pagmamahalan- ng ating samahan. Pati na rin ang unang beses mong ako’y sinabihan ng “mahal kita” hanggang sa “ayoko na. Tama na.” Hinding-hindi malilimutan ang mga binitiwang salita. Mula sa pagpapatibok ng aking puso hanggang sa pagkadurog nito.

Kay hirap kalimutan ang lahat ng iyon. Laging nasa isipan ko ang mga simula ng masasayang panahon. Simula sa pinakamatamis mong “oo” na napakasarap pakinggan ang salitang pinaka di malilimutan. Isama na rin ang buwan-buwan at taon-taon na ating pinaghahandaan. Di rin malilimutan ang mga pagkakataong nagkakaroon tayo ng mga alitan. Malimit na di maiiwasan pero ito ang nagbibigay nagpapatibay sa ating samahan.

Kay hirap kalimutan ang lahat nang iyon. Laging nasa isip ko kahit pinipilit na itago sa dulo ng aking isipan. Ang pangyayaring iyon na nauwi sa isang hiwalayan. Mga salitang tumatak sa aking isipan. Mga salitang tandang tanda pa. “Minahal kita. Nasaktan kita ng di sinasadya. Pero kailangan kong gawin ito. Patawad at hanggang sa muli.” Hinding-hindi malilimutan. Masakit mang pakinggan at mahirap limutin. Ito ay aking susubukin.

Hanggang ngayon di pa rin naghihilom ang mga sugat ng nakaraan. Pero ito pa rin ako naghihintay at umaasang muling babalikan.

Literary: Moved On? Moved On.



“Ano bang nagawa ko?”
“Anong pagkukulang ko sa’yo?”
“Di pa ba sapat ang mga ginagawa ko?”
“May pagkakamali ba ako?”

Iyan ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko. Hindi ko lubos na matanggap na wala ka na sa akin. Napakasakit na iwan ng minamahal mo. Napakahirap kalimutan ang lahat ng alaala, at ang panahon na pinagsamahan. Tulad na lamang ng aking matagal na paghihintay sa matamis mong “Oo”. Kung hindi dahil sa iyong “Oo,” ay hindi rin magiging TAYO. Lalong hindi ko kayang kalimutan ang ating unang anibersaryo. Ang mga kandilang hugis puso kasama ang pangalan mo’t pangalan ko. Akala ko tayo hanggang dulo. Pero nagising na lang ako’t sinabi mong mag-usap tayo.

“Mag-usap tayo.”
“May kailangan tayong pag-usapan.”
“Kailangan kitang makausap.”

Iyan ang iyong sinabi sa akin nang araw na iyon. Naisip kong may problema ka. Nagmadali pa ako. Nag-ayos ng sarili dahil mag-uusap tayo. Nagulat ako’t kinabahan dahil pagkakita ko sa’yo’y kasama mo siya. Hindi mo man aminin, alam ko na. Naramdaman ko na. Pagkat kung paano mo siya tignan ngayon, ganoon ka rin sa akin noon. Wala na akong nasabi. Nauna nang lumuha ang mga mata ko. Ang lahat ng iyon ay mananatili sa aking alaala. Masakit na pangyayaring tila mananatili sa aking puso.

“Bakit kailangan mo pang makipag-usap?”
“Bakit kailangang sa harap pa niya?”
“Bakit may iba na?”
“Wala na siguro akong magagawa pa.”

Iyan ang tanong na bumabagabag sa isipan ko. Pero, huwag kang mag-alala. Wala akong pinagsisihan sa panahong ating pinagsamahan. Sa kabila niyon, nais kong ika’y pasalamatan sapagkat kung hindi dahil sa iyo, hindi ako magbabago. Nagising na ako sa katotohanan. Napagtanto kong ang ating pinagsamahan ay isa lamang sa maraming kuwentong walang masayang katapusan.

“Hindi kami para sa isa’t isa.”

Iyan ang nabuo sa sa isip ko. Itinakdang di kami magsasama ng matagal. Nawala ka sa buhay ko. Pero, alam kong may darating na bago. Kaya ito ako ngayon, namumuhay nang panibago. Nagsisimula nang bagong buhay para sa sarili ko.

Literary (Submission): I Promise

NOTE: The poems in this series were written in English class by Grade 9 students and based on Christopher Marlowe's The Passionate Shepherd to His Love and Sir Walter Raleigh's The Nymph's Reply to the Shepherd.


Aratig to His Love

Come live with me and be my love
And we will travel the world and see its wonders
From the vast blue seas
To the great gardens of flowers

And I will make you happy everyday
I’ll cook you breakfast, bring you gifts,
Make the short days last.

For you I shall give my life
And share my happiness.
If these delights thy mind may move
Then come live with me and be my love.

Polarlight's Reply to Aratig

If all your promises were from the heart
Then I will be the best for you,
Love you more than you do.

I feel that your promises are true
But then I won’t assume
That you’ll keep them all.

My heart tells me that you will try
But all I want is for you to be true to yourself and to me.
Then these delights my mind might move
To be with you and live happily.

-----

Emanon to His Love

Come live with me and let's create memories
And we will never forget these ones we yield
We will be appreciative and shout with all our heart
"Life is like a playground, not a battlefield"

And I will make sure that we won't waste a second
You and me smiling as we talk to each other
Filled with glee even for no reason
Pure happiness nothing can bother
For you I shall stay no matter what happens
For I don't want to leave you like I did back then
If these delights thy mind may move
Then I may be happiest among all men

Bae's Reply to Emanon

If your promises were more than just words
Then in a heartbeat I'd go with you
And create as many memories as our love will allow
Small fragments of the past we can hold on to

I feel the sincerity in your intentions
And your promises are more than enough
But if our feelings were to change as the sun goes down
Wouldn't it be hard to keep this up?

My heart tells me to trust you, though
For reasons I don't understand
Then these delights my mind might move
To go with you and take your hand