Showing posts with label 3-10. Show all posts

19nite wins Powerdance 2014 crown



UPIS Batch 2019 (19nite) was named this year’s Powerdance champions in the competition held last December 11 at the UPIS Quad to kick off the UPIS Fair 2014.

The theme for this year is Globalisko: UPIS Isko bilang Superhero ng Mundo so each grade level was tasked to showcased the culture and heroes of the continent they picked via draw lots.

19nite’s African-themed routine bested the three other batches’ including that of 2x9 (Batch 2018), last year’s champions. They also took the Best Costume award. Intwensity (Batch 2020), this year’s freshmen, was named 1st runner up. Akinse (Batch 2015) won 2nd runner up honors and Best Cheer. Aldous dela Pena (Batch 2018) and Quiela Salazar (Batch 2015) were also chosen as this year’s Male and Female Stunner. respectively.

Aside from the Powerdance, Kamag-Aral (KA) 3-10 officers and advisers organized different activities that would showcase the talents of UPIS students.

Sections competed against each other in the Mural Making Contest with the theme Iskalikasan: Si Super Isko at si Super Iska, Kakampi ng Kalikasan. 7-Venus, 8-Butterfly, 9-Gold, and 10- Lauan were declared the winners.

The elementary students actively participated in Talentadong Iska at Iska. Cleo Ap-Apid’s (3-Batis) live musical performance of Train’s Hey Soul Sister captured the hearts of the crowd and was declared the champion. Yel Brusola of 6-Ruby who sang Celine Dion’s Alone won second place while F5’s (4-Labanos) One Direction-like performance landed in third.

The first ever UPIS Iskonational Pageant, which required two (2) representatives per batch to dress up like superheroes, was also held. Grade 10 students Rheyven Fernando (Hermione Granger) and Carlo Gaco (Harry Potter) were declared the first Iskonational champions and also took the Best Talent title as they pulled off funny magic tricks that had the audience and judges laughing so hard. The Grade 5 pair of CJ Madelo (Spiderman) and Paolo Doronila (Green Goblin) took the Best Costume title.

Students also watched and participated in the much-awaited Iskomusikal: A High School Music-Oriented Show on December 12.

The Looney Tunes (formerly Honeyboyz) were declared back to back Battle of the Bands champions Travis Argayosa won second place while the band AMAMIMAMOLS rocked their way to third. / by Camille Lita and Nicole Rabang

Talino at Talento, ibinida sa naganap na Buwan ng Wika at Kasaysayan 2014

Nagtagisan ng isip at nagpakita ng talento ang mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grado10 sa iba’t ibang paligsahan bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Wika at Kasaysayan 2014.

Ang mga nagwagi sa Rampa 7-10.
Photo credit: Anna Punzalan
Pormal na binuksan ng Grado 3-6 at 7-10 ang Buwan ng Wika at Kasaysayan noong Agosto 26. Nagkaroon ng paligsahan sa pagrampa ang mga mag-aaral, Tagis-Talino, at paligsahan sa bawat grado. Nanalo ang 3-Batis sa kanilang Panabayang Bigkas, ang 4-Labanos sa kanilang Interpretatibong Sayaw, ang 5-Arayat sa Sayaw Filipiniana, at 6-Topaz sa Sayawit.

Noong ika-26 naman ng Agosto, inirampa ng dalawampu't apat na kalahok mula sa iba't ibang seksyon ang napili nilang karakter batay sa ibinigay na tema ng Departamento ng AralingPanlipunan. Nakatuon sa mga pagdiriwang sa Pilipinas ang para sa Grado 7 at 8. Samantalang sumentro naman sa sining ng mga Pilipino ang para Grado 9 at 10.

Nanalo sina Aldrin Baysa at Allysa Sapatua ng 7-Venus (Masskara Festival), King Vergeire at Dana Luna ng 8-Beetle (Pista ng Itim na Nazareno), Juan Miguel Panti at Arianne Baladad ng 9-Silver (Oblation at Lorna), at Carlo Gaco at Jesica Cañeca ng 10-Acacia (Batuk).

Para sa Rampa ng grado 3-6, nanalo sina Andrei Nicolas Pablico at Zsarina Timbreza ng 3-Batis, Christian Babaran at Erielle Arceo ng 4-Singkamas, Dayvee Christian Montalbo at Hariette Eve Gonzales ng 5-Cordillera, at Danzar Dellomas at Rain Fagela ng 6-Topaz.

Nagtagisan naman ng talino ang anim na team sa naganap naTagis-Talino noong Agosto 29. Bawat kuponan ay binubuo ng mga piling mag-aaral mula sa bawatgrado . Nagwagi ang pangkat nina Alizia Marquez ng 7-Mars, Roy Albert Canapi ng 8-Beetle, Adrian Bornilla ng 9-Silver, at Miguel Valenzuela ng 10-Acacia.

Para naman sa 3-6, nanalo ang pangkat nina ZsarinaTimbreza ng 3-Batis, Marius Nalica ng 4-Labanos, Angelica Gaega ng 5-Cordillera, at Arwen Panopio ng 6-Ruby.

Ang mga nagwagi sa mga paligsahan ng klase sa 7-10.
Photo Credits: Milcah Aragones (Gr 7), Telet De Sales (Gr 8),
Lyka Lubang (Gr 9 at 10)
Ginanap naman noong ika-10 ng Setymebre ang paligsahan sa pagitan ng mga seksyon mula Grado 7 at 8. Naunang nagpakitang gilas ang Grado 8 sa kanilang Interpretatibong Sayaw. Binigyang buhay nila ang awiting "Sige Lang" ng Quest. Nagkamit ng unang gantimpala ang 8-Butterfly.

Sumunod naman ang Chamber Theater ng Grado 7. Isinadula nila “Ang Gamo-Gamong Naakit sa Liwanag” ni Rene O. Villanueva. Nakuha ng 7-Venus ang unang gantimpala.

Bilang pang wakas na programa, bumida ang Grado 9 noong Ika-12 ng Setyembre sa kanilang patimpalak sa Sayaw at TugtugingEtniko. Nagkamit ng unang gantimpala ang 9-Gold, ikalawang gantimpala para sa 9-Silver, at ikatlong gantimpala para sa 9-Iron.

Huling humataw sa parehong petsa ang Grado 10 sa kanilang paligsahan sa Sayawit. Nasungkit ng 10-Molave ang unang gantimpala, ikalawang gantimpala naman ang 10-Lauan, at ikatlong gantimpala para sa 10-Acacia.

Maliban sa mga nabanggit na gawain nagkaroon din ng Poster-Making Contest at Minute-to-Win-it Challenge ang mga estudyante sa pangunguna ng Kilusang Araling Panlipunan at Sangguniang Pangwika. / ni Jenn Elona, sa ulat nina Rielle Ruiz, Travis Argayosa, Wren Breva, Jesica Cañeca, at Anna Punzalan

Pagpapatayo sa bagong UPIS 7-10 building, matatapos na

Sa darating na pasukan, inaasahan na ang paglipat ng UPIS 7-10 sa bago nitong gusali na matatagpuan sa dating lugar ng Narra Residence Hall sa loob ng UP campus.

Ngayong Marso matatapos ang pagpipintura sa bawat kuwarto at paglalagay ng ilang mga kagamitan dito. Dagdag ni Prop. Roselle J. Velasquez, Katuwang na Prinsipal Pang-akademiko, nagbigay ng kasiguraduhan ang Makati Development Corporation (MDC) na sa susunod na pasukan ay maari nang magamit ang bagong building.

Ayon kay Prop. Nancy T. Flor, Katuwang na Prinsipal Pang-administrasyon, ang bagong gusali ng UPIS 7-10 ay mahahati sa tatlong bahagi – ang academic (4-storey), administrative (2-storey), at PA building (1 storey).

Ang 4-storey na academic building ay kakikitaan ng apat (4) na kuwarto para sa departamento ng Agham – naririto ang mga laboratoryo at lecture rooms. Maglalaan din ng mga bagong kuwarto para sa Speech, Art, at Computer Science na kakikitaanang iba’t ibang mga kagamitan na kinakailangan sa bawat asignaturang nabanggit.

Noon pang 2010 sinimulan ang pagbuo sa bagong gusali ng 7-10 at pagsasaayos sa gusali ng UPIS 3-6. ● Reagene Fernando, Shari Oliquino

Makiisa. Maglingkod. Mamuno


March 7 - Miting de Avance
March 12 - Election Day

Prepare for this much-awaited day!

(c) Ms. Jean Sales

Violation slips handed out

Last September 26, teachers and staff have started giving out pink slips to students who commit minor offenses such as wearing incomplete uniform, sporting improper haircut, coming in late for class, displaying unbecoming behavior, cutting class, and littering among others.

"It's for the more effective monitoring of the minor violations," says Prof. Roselle Velasquez, Assistant Principal for Academic Programs, on the function of the said pink slips.

Whenever a student commits a minor offense, he/she is asked to sign two pink slips promising to avoid committing further acts of misdemeanor.

One of those should be kept by the student as proof that they were given a pink slip and should be presented to his/her parent. While, the other pink slip is submitted by the teacher or staff who noted the offense to the adviser of the student for recording and monitoring.

Sanctions for the offenses are carried out as described in the UPIS School Rules and Regulations. ● by Ada Bayobay

UPIS Grade 6 students win in MathSciAka 2012

Several UPIS elementary and high school students participated in the MathSciAka 2012 held at the PHILVOLCS auditorium in UP Diliman last September 22, 2012.

The event was divided into several categories including a series of take-home experiments, an extemporaneous speech contest for high school students, a slogan-making contest for elementary students, and an interactive workshop.

Grade 6 student Phil Bryan Cosep won first place in the take-home “Organic Battery” experiment while the his batchmates Patience Ventura, Craig Alexander Aquino, and Zeidrich Monares won third place in the interactive workshop of the elementary division.


The overall champions for MathSciAka 2012 were Sorsogon Pilot Elementary School and St. Jude Catholic School. ● by Miguel Flores and Shari Oliquino

UPIS tops PSO elims

Two UPIS teams qualified for the final round of the Philippine Science Olympiad 2012 after topping the ranks in the elimination round held last September 8 at the Angelicum College.

The Philippine Science Olympiad is organized by the Philippine Society of Youth Science Clubs. It is divided into Bracket I (Elementary) and Bracket II (High school).

The UPIS students who participated in Bracket I were Jarod De Luna, Henry Marquez and Bertrand Diola. Their team was able to place in the top 20 for national level and top 3 for NCR level. As for the UPIS participants in Bracket II, seniors Mariel de Luna, Zena del Mundo, and Christine Prieto were able to place in the top 20 for National level and top 2 for NCR level.

The Olympiad quiz bee is an exam taken individually by each student. The scores they got from the test were added to the scores of their group mates, and were ranked according to the total score of the students in each school.

The Philippine Science Olympiad finals will be held on September 30. ● by Hannah Garay, Shari Oliquino, and Bianca Pio

UPIS muling nagsagawa ng earthquake drill

Muling nagsagawa ng earthquake drill noong Huwebes, Hulyo 19, sa UPIS 7-10 building. Nilahukan ito ng mga guro at estudyante mula grado 3 hanggang 10.

Ito ay isang proyekto ng Health and PE department na naglalayong maihanda ang mag-aaral, mga guro, at mga staff sa oras ng sakuna at mabawasan ang mga masasaktan sa pagkakataong ito’y magaganap na.
Naging hudyat ng pagsisimula ng drill ang pagtunog ng bell sa ganap na ika-11:20 ng umaga.

Matapos ito, tumungo ang lahat sa soccer field at muling hinintay ang bell na magiging tanda na pagbalik sa kani-kanilang mga silid.

Naging matagumpay ang nasabing drill bunga na rin ng aktibong partisipasyon at pagpapakita ng kaalaman ng mga estudyante at guro. ● nina Shari Oliquino at Nina Leis

Araling Panlipunan, nagbago ng kurikulum

Ipinatupad ng Departamento ng Araling Panlipunan ang bago nitong kurikulum mula grado 3 hanggang sa grado 10 para sa akademikong taon 2012-2013.

Alinsunod sa programang K+12 ng pamahalaan, napagdesisyunan ng kaguruan ng departamento na ipatupad agad ang nirebisang kurikulum ng Araling Panlipunan.

Ayon kay Prop. Czarina Agcaoili, ang Puno ng Departamento ng Araling Panlipunan, layunin ng bagong kurikulum na sanaying mag-isip at maging mapanuri sa mga historikal na datos at mga isyung panlipunan ang mga mag-aaral habang bata pa.

Taunang Leadership Camp, isinagawa

Idinaos ang Leadership Camp (LC) 2012 noong Hulyo 13-14 sa UPIS 7-10 grounds.

Ang LC ngayong taon na sinalihan ng 147 mag-aaral mula Grado 3-10 ay pinamagatang “KATALISKO: Pagtatakda ng Bagong Pamantayan at Tradisyon ng mga Dekalidad na Lider-Isko”. Naglalayon itong mahubog ang kasanayan sa pamumuno ng mga mag-aaral ng UPIS.

Nagsimula ang opening program sa ganap na ika-5 ng hapon noong Biyernes. Tampok dito ang paunang salita ni Dr. Ronaldo San Jose, prinsipal, at ang kaniyang pagbati sa lahat ng mga kalahok.

Nagsama-sama ang mga lider-isko ng UPIS 3-10
sa Katalisko noong Hulyo 13-14. (c) Raiven Busi
Sinundan naman ito ng mga talk mula kina Bb. Sheila Fernandez at Dr. Anothony Cordero na nag-pokus sa responsibilidad ng mga pinuno at pagiging mapanuri ng mga UPIS leaders.

Maliban sa mga talks, nagkaroon rin ng mga work session na binuo ng apat na bahagi – Huwarang Lider, Project Proposal, Minutes Taking and Financial Report, Outreach Program, at Disciplinary Measures—upang maihanda ang mga lider-isko sa kanilang mga responsibilidad sa paaralan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga hands-on na trabaho.

Nagkaroon din dalawang team building activities - ang “Katagisan” kung saan sinubok ang kakayahan nila magplano at ang “Katalisador” na isang alternative application ng mga natutunan ng mga kasali sa buong camp.

Matapos ito, nagkaroon ng awarding kung saan binigyan ng gantimpala ang mga mag-aaral at pangkat na nagpakita ng husay sa iba’t ibang aktibidad. Ilan sa mga parangal ay ang Best Group Presentation, Bibo award at ang Early Bird award.

Inilahad ni G. Gringo Corpuz, Tagapayo ng Kamag-Aral 7-10, ang taos pusong pasasalamat ng buong pamunuan sa aktibong partisipasyon ng bawat kalahok. ● nina Shari Oliquino at Paolo Aljibe

UPIS implements K-12 curriculum

Starting this academic year 2012-2013, the UPIS K-12 curriculum will be implemented for incoming Kinder, Grade 3, and Grade 7 students. This curriculum has a different framework from the Department of Education’s (DepEd).

The UPIS K-12 curriculum offers a Tracking System which is composed of three tracks—the Applied Sciences track which concentrates on the fields of Mathematics and Science; the Humanities and Social Sciences track for non-science specialists who prefer hands-on work and physiological activities; and the Business and Entrepreneur track for students who want to develop their business management skills.

The tracking system involves grouping together students according to their interests and overall school performance from Grades 7-10. They will be in their respective tracks starting Grade 11 and will do hands-on work, in and off campus at Grade 12.

After taking these courses and after graduating high school, students can either choose to work or to continue studying in college. However, students who belong to the top 10%-15% at the end of Grade 10 may opt to skip the tracking system and go straight to college. ● by Benjo Hernandez & Christian Boro

UPIS tumulong sa mga nasalanta ni Pedring

Juan Ysmael Mendoza

Ilang mag-aaral at guro ng UPIS na tumulong sa pag-aayos
ng relief goods sa Sagip Kapamilya headquarters.
"Nakatutuwang makita na may bayanihan pa rin sa UPIS," wika ni Prop. Czarina Agcaoili habang inihahanda ang mga relief goods na ipinadala sa ABS-CBN Sagip Kapamilya noong Oktubre 10.

Noong nakaraang Linggo, nagbigay ng liham ang Extension Committee sa pamumuno ni Prop. Agcaoili na nanghihikayat sa komunidad ng UPIS na tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Pedring sa mga kababayan natin sa kalakhang Luzon.

Tumulong ang mga Cadet Officers ng UPIS Corps of Cadets sa pagkolekta at pagbubukod ng mga relief goods kasama ang ilang estudyante ng Grado 4 (Batch 2018). Ang mga Boy at Girl Scouts at pamunuan ng Kamag-aral 3-6 naman ang sumama sa pagpapadala ng mga ito sa ABS-CBN.

Ang mga kadete at ilang mag-aaral ng Batch 2018 na nagbubukod ng mga
donasyon sa 3-6 Faculty Lounge.

Nakapagpadala ang UPIS nang halos dalawang Jeep na puno ng mga donasyon.

Nagpapasalamat si Prop. Agcaoili sa mga nagbigay donasyon at tulong sa mga nasalanta. Ipinahayag niyang naging makabuluhan ang bayanihang ito sa komunidad ng UPIS.

Ang mga larawan ay kuha ni Prop. Michelle S. Sonza.

Ansabe?

#4: Sino ang teacher na may pinakamalaking impact sa 'yo? Bakit?



"Si Sir Ralph dahil supportive siya sa works ko at sa pag-apply ko sa PHSA."
- Ligia Daroy, 6-Emerald

"Sir Gringo. Kasi po kung sa una, akala mo strikto pero pag tumagal na ang kulet at mapagbiro pala. Tapos magaling din po siyang magpaliwanag, as in maiintindihan mong mabuti." - Cheska Ardon, 7-Earth


"Ma'am Cathy! Kasi nakakasundo namin siya pagdating sa lahat ng bagay. Simula acads hanggang personal na buhay. Ang bait bait niya samin, para talaga siyang pangalawang magulang namin."
- Patricia Enriquez, 7-Jupiter

"Si Ma'am Sheila (Fernandez). Lagi siyang nandiyan para 'pag may kailangang kausap tungkol sa school, kaibigan o minsan kahit anong kwento lang. Tsaka sinasabi niya sa estudyante kung may problema sa grades para nasosolusiyonan agad." - Jordan Grefal, 8-Damselfy



"Si Ma'am Sonza! Dahil parang kaibigan ang trato niya sa mga estudyante niya!"
- Luis Perez, 8-Damselfy



"Sir Asuncion! Parang clown po eh. Kahit matanda na at paulit-ulit lang po yung mga jokes nakakatuwa pa rin." - Trizia Badong, 9-Gold



"Ma'am Vargas! DABEST MAGTURO!"
- Nikki Diaz, 9-Iron


"Ma'am Portia. Kasi isa siya mga teacher na naniniwalang matalino ako at may mararating ako. Dahil dito, mas sinisikap kong intindihin ang bawat lesson bawat meeting at nagkaroon na rin ako ng tiwala sa sarili."
- Jon Tungpalan, 9-Iron


"My favorite English teacher, Ma'am Dian. Mainly because she showed me the world of writing, which I still enjoy doing." - Joseph Bautista, 10- Narra



"Si Ma'am Grace siguro. Ang saya makinig sa kanya eh."
- Nikki Canlas, 10-Narra

UPIS nanalo sa MathSciaKa

Sarah Romero

Napanalunan ng UPIS high school team ang pangalawang gantimpala sa ginanap na MathSciaKa sa PHIVOLCS, Diliman, Quezon City noong Setyembre 17.

Nilalayon ng nasabing kumpetisyon na makagawa ang mga kalahok na ng mga kakaibang proyekto na gawa lamang sa mga espesipikong gamit.

Nakuha ng high school team ang unang pwesto sa paggawa ng Organic Battery at Marble Roller Coaster. Ayon sa isang kalahok ng nasabing paligsahan, hindi lang labanan sa katalinuhan kung hindi sa diskarte at kaalaman sa iba’t ibang bagay ang naging labanan.

Sa kabuuan, ang Jose J. Leido Memorial High School ang nag-kampeon sa High School Division.

Nakamit naman ng UPIS sa Elementary division ang pangatlong pwesto sa isang Interactive Workshop at sa paggawa ng isang Water Filter. Hindi man nakapasok sa Top 3, naging masaya at hindi mapapantayan ang kanilang naging karanasan sa kumpetisyong ito.

Ang Center of Excellence ang nag-uwi ng unang gantimpala para sa Elementary Division.

Mga batang henyo ng UPIS muling napatunayan ang galing

Sarah Romero, Joakim Cadapan

Naganap noong Setyembre 3 ang elimination round ng Philippine Science Olympiad (PSO) sa Angelicum College Quezon City.

Nilahukan ito ni Franz Candido, Jarod de Luna, Larkin Dumelod ng mga mag-aaral mula sa Grado 5-6 at nina Tanya Amor, Mariel de Luna at Ralph Valencia na mula naman sa Grado 9-10.

Nasubukan ang galing ng mga estudyante sa pamamagitan ng iba't ibang pagsusulit - Practical at Written na may kinalaman sa Physics, Earth Science, Chemistry, Biology at Information and Communications Technology.

Nahirapan man ang mga pambato ng UPIS, nagkaroon ito ng mabuting resulta. Sa pagtatapos ng elimination round, nakapasok ang UPIS sa top 20 schools nationwide at lalaban sa National Finals. Ang nasabing finals ay gaganapin sa Setyembre 24 sa PHILVOCS.

Ansabe?

#1: Anong masasabi mo sa 5-day schedule?

Nakakalungkot. Walang time gumawa ng HW.
- Mark Camaniana, 4-Sitaw


“STRESS! Hindi maayos yung schedule. Hindi sabay-sabay ang recess at lunch ng bawat grade level.”
- Juris Hannah Adorna, 5-Makiling


“Hindi ko gusto. Na-manage naman ng 4 days, bakit pa gagawing 5 days?!”
- Emman Jabiguero, 6-Amethyst


“Nakakapagod, hectic. Sana ibalik yung dating schedule.”
- Joy Rodgers, 9-Silver


“Bad, hindi nabawasan ang time, ganoon pa rin ang oras ng klase.”
- Juan Paulo Gregorio, 9-Gold


“Nakakaasar. Walang saysay. Sayang sa oras, isa lang ang klase (tuwing Monday).”
- Hannah Laderas, 10-Narra


Ikaw? Anong masasabi mo?