Showing posts with label bea zamora. Show all posts

Music Video: Hatid






(Hango sa tulang "Hatid" ni Faber Castell 0.7)




Umuulan nang malakas
Hinintay mong ito ay lumipas
Nang aking marinig na wala kang sundo
Isang pagkakataon ang biglang nabuo

Muntik ko na namang palipasin
Ang pagkakataon na minsan lang dumating
Ngunit salamat sa ‘king mga kaibigan
Na ako’y pinilit at hindi sinukuan

Refrain:
Nanginginig at naninigas sa pagkakaupo
Pakiramdam ay hindi na mapagtanto
Isip ay gulong-gulo

Chorus:
Mukhang natotorpe na yata ako
Ihahatid ba kita na tayo lang dalawa?
Wala tayong ibang kasama
Ikaw at ako, wala ng iba pa

Sinuot ang sapatos at sintas ay binuhol
Nagmamadali na ikaw ay hinabol
Hinawakan ang payong
At magkasamang naglakad pasulong

Sinabi mo ay hindi naman ito kailangan
Ngunit ito pa rin ay aking pinagpilitan
Makasama ka lang at makakwentuhan
Kahit na hanggang sa sakayan lamang

Refrain:
Nanginginig at naninigas sa pagkakaupo
Pakiramdam ay hindi na mapagtanto
Isip ay gulong-gulo

Chorus:
Mukhang natotorpe na yata ako
Ihahatid ba kita na tayo lang dalawa?
Wala tayong ibang kasama
Ikaw at ako, wala ng iba pa

Wala na...
Wala na...
Wala na...

Chorus:
Mukhang natotorpe na yata ako
Ihahatid ba kita na tayo lang dalawa?
Wala tayong ibang kasama
Ikaw at ako, wala ng iba pa

Wala ng iba pa


-----

Featuring: Gab Aparato and Bea Jacinto
Original Arrangement: Bea Zamora
Instruments: Blade Saliva
Vocals: Aldous Dela Pena
Direction: Enzo Bautista

(c) UPIS Media Center 2018

Song: Pana-panahon





Panapanahon (lyrics)

Taun-taon palaging umaasa
Sana lang talaga’y maging kaklase kita
Taun-taon nagugulat ako
Tila biro ng tadhana, magkaklaseulit tayo

Buwan-buwan hinihiling
Na sa bawat gawain ikaw ang kapiling
Buwan-buwan hindi inaasahan
Na kung ako ay may kailangan, ay palagi kang nandyan

Chorus 1:
Pagka’t taun-taon, buwan-buwan, linggo-linggo
Sinasamantala mga sandaling makakausap ka
Pagka’t taun-taon, buwan-buwan, lingu-lingo
Unti-unti, di maitago ngiti sa ‘king labi

Araw-araw sumusulyap-sulyap
Sa bawat sandal hinahanap-hanap
Araw-araw nakikilala
Itong di maipaliwanag na saya

Oras-oras ikaw ang tumatakbo
Dito sa isip kong gulong-gulo
Oras-oras at sa tuwina
Di namamalayang nasaisip na kita

Chorus 2:
Pagka’t araw-araw, oras-oras, minu-minuto
Di mapakali, pagtingin sayo’y gusto nang masabi
Araw-araw, oras-oras, minu-minuto
Napakagulo, ikaw na yata ang laman ng puso ko

Bridge:
Segu-segundo papalapit sa iyo
Nasambit sa wakas damdaming tinatago
Segu-segundo papalapit sa iyo
Handa ko nang aminin ang pag-ibig ko sa iyo

Chorus 3:
Pagka’t taun-taon, buwan-buwan, lingu-lingo
Unti-unti, di maitago ngiti sa aking labi
Araw-araw, oras-oras, minu-minuto
Napakagulo, ikaw na yata ang laman ng puso ko
Ng puso ko

Taun-taon, buwan-buwan, lingu-lingo,
Araw-araw, oras-oras, minu-minuto,
Segu-segundo, panapanahon

Panapanahon