Showing posts with label editorial. Show all posts

Editorial: Anti-Terror o State Terror?




Pirma na lamang ng pangulo ang kailangan upang maisabatas ang “Anti-Terrorism Bill of 2020” matapos itong aprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa ikatlong pagbasa nito noong Miyerkules, Hunyo 3, 2020.

Ang nasabing panukala, kilala rin bilang Senate Bill 1083, ay inaprubahan sa Senado noong Pebrero 26 at hindi na dumaan sa pagbabago sa ikatlong pagbasa upang masunod ang utos ng Pangulo na madaliin ang pagpasa rito.

Sa ilalim ng panukala, ituturing na terorista ang mga mamamayang nagdudulot ng takot, gulo, at paninira sa mga lugar, tao, o sa gobyerno gamit ang kahit anong pamamaraan mula sa pagpatay, pagbiyahe o pagmamay-ari ng armas, hanggang sa simpleng paghahayag ng saloobin sa social media.      

Nakasaad sa deklarasyon ng mga polisiya ng panukala na isinusulong nitong magbibigay ng proteksyon sa ating buhay, kalayaan, at mga pagmamay-ari mula sa banta ng terorismo ngunit kung susuriin ang mga probisyon nito, makikita na lumalabag ito sa Konstitusyon at inaapakan nito ang ilang mga karapatang pantao.

Ayon sa mga probisyon nito, ang mapaghihinalaang gagawa ng alinman sa mga krimeng nabanggit ay maaaring arestuhin at ikulong nang walang warrant of arrest mula 14 hanggang 24 na araw nang hindi ipinagbibigay-alam ang dahilan ng kanyang pagkakahuli. Dagdag pa rito, walang bayad-pinsalang ibibigay sa inaresto sakaling mapatunayang hindi siya nagkasala. Malinaw na nilalabag nito ang Konstitusyon, partikular ang Artikulo 7, Seksyon 18 kung saan isinasaad na dapat tatlong araw lamang ang itagal ng tao sa kulungan bago siya palayain o pormal na makasuhan kung aarestuhin siya nang walang warrant.

Ang sinomang pinaghihinalaan ay maaari ring isailalim sa surveillance nang lingid sa kanilang kaalaman sa loob ng 60 na araw na maaaring pahabain ng mga pulis o militar nang hanggang 30 na araw matapos makakuha ng written order mula sa Court of Appeals. Maaari nilang silipin nang palihim ang mga pribadong accounts sa social media, mga ipinadadalang mensahe, at tawag. Malinaw na taliwas ito sa Republic Act No. 10173 o Data Privacy Act of 2012 na nagsasabing kailangang ipagpaalam sa tao kung bakit, paano, at kung para kanino nila gagamitin ang mga impormasyon ng indibidwal bago magkaroon ng akses dito. Dagdag pa riyan, maaaring kolektahin ng mga tagapagpatupad ng batas ang lahat ng mensaheng naglalaman ng kritisismo upang gamitin bilang ebidensiya ng terorismo.

Banta rin ang panukalang ito sa pagpapahayag ng sentimiyento laban sa administrasyon kaya labag din ito sa Artikulo 3, Seksyon 4 ng ating konstitusyon na nagsasabing, "Hindi dapat magsagawa ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan."

Isa pang malaking problema sa panukala ay ang iminumungkahi nitong pagbuo ng Anti-Terror Council (ATC) at ang kapangyarihang ibibigay rito. Ang ATC ay bubuuin ng mga miyembro ng gabinete at magkakaroon ng kapangyarihan na bansagang terorista ang mga tao o grupo at iutos ang pag-aresto sa mga ito. Nagbibigay ito ng kapangyarihang pang-hudikatura sa ehekutibong sangay na maaaring abusuhin upang patahimikin ang mga kritiko ng pamahalaan. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque at Sen.Vicente Sotto III, wala raw basehan ang inaalmahan ng mga mamamayan na pang-aabuso sa mga probisyon ng panukalang batas. Sa katunayan, nakalagay naman talaga sa panukala na hindi ibinibilang sa terorismo ang adbokasiya, protesta, pagtutol, at iba pang paggamit sa mga karapatang sibil at pulitikal. Ang problema, ito ay sa kondisyong wala itong layunin na magdulot ng kapahamakan sa ibang tao o sa publiko. Dahil sa lawak at kalabuan ng depinisyon ng kondisyong ito, maaaring gamitin ang panukala upang bansagang terorista at sapilitang patahimikin ang sinomang pupuna sa pamahalaan lalo na’t mga miyembro ng ehekutibong sangay rin ang may kapangyarihang gawin ito.

Sabi ng iba, kung hindi ka terorista ay wala kang dapat ikatakot ngunit dahil sa laki ng pananagutan ng pamahalaan sa pagtukoy ng mababansagang terorista, mahalagang mataya natin ang kredibilidad ng mga namumuno sa pagpapatupad ng batas. Sa kasalukuyan, maayos nga bang nagagamit ng administrasyon ang kapangyarihan nito? Tunay nga bang walang dapat ikatakot ang mga inosente?

Ayon sa ilang mga organisasyon ukol sa karapatang pantao, umaabot na sa 27, 000 ang napapaslang sa giyera kontra droga ng Pangulong Duterte. Kabilang sa mga pinaslang ang 17 taong gulang na si Kian Delos Santos at ang 14 taong gulang na si Reynaldo De Guzman na umano’y suspek sa pagtutulak ng ilegal na droga ngunit hindi man lamang binigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang kanilang mga sarili sa loob ng korte. Kamakailan lamang ay nahatulan na ang mga pumaslang kay Kian at napatunayang hindi makatarungan ang nangyaring pagpatay sa biktima habang patuloy pa rin ang kaso laban sa mga pulis na pumatay kay De Guzman. Gayumpaman, ang mga kaalyado ng pangulo mula pa noon sa kaso ni dating Cong. Imelda Marcos na na-convict sa kasong graft, hanggang sa kasalukuyan sa mga paglabag sa panuntunan sa quarantine nina Sen. Koko Pimentel at NCRPO Chief Debold Sinas na natagpuang lumabag sa quarantine protocols ay malaya pa rin at nakaupo sa kani-kanilang puwesto sa pamahalaan.

Kung tataluntunin ang paggamit ng kapangyarihan ng ehekutibo mula pa sa simula ng termino nito, kapansin-pansin ang mga pagtatangka sa pagpapatahimik sa mga kritiko sa pamamagitan ng paggamit sa batas bilang armas. Noong 2017, inaresto si Sen. Leila De Lima, isang miyembro ng oposisyon sa senado, matapos siyang pagbintangang kasangkot sa ilegal na bentahan ng droga sa Bilibid kahit na walang sapat na ebidensya. Si Maria Ressa, CEO ng Rappler, ay inaresto ng NBI nitong nakaraang taon dahil sa kasong cyberlibel dahil sa kritismong inilathala sa kanyang new website. Sinampahan naman ang ilang miyembro ng oposisyon at Simbahan kasama si Bise-Presidente Leni Robredo ng sedisyon matapos silang ituro ni Peter Advincula bilang mga mastermind ng “Ang Totoong Narcolist videos” kung saan inakusahan ang Pangulo at kanyang pamilya na kasangkot sa bentahan ng ilegal na droga. Kung maisabatas ang Anti-Terrorism Bill, mabibigyan ng makapangyarihang armas ang pamahalaan laban sa mga kritiko nito. Mapagkakatiwalaan ba natin ang gobyerno upang bigyan sila ng mas mabigat na kamay sa pagsugpo ng mga kritiko nito?

Sa kasalukuyan, kung kailan humaharap ang ating bansa sa isang pandemya, ang kinakailangan ng estado ay isang mabilis at epektibong pagtugon mula sa gobyerno laban sa kumakalat na sakit. Sa halip, ang inuna ng pamahalaan ay isang panukalang maaaring magpalala sa kawalang-katarungan sa lipunan at magtutulak lamang sa sarili nitong mga interes.

Ang iminumungkahing panukala ay hindi nagbibigay ng karagdagang armas para labanan ang terorismo. Nagbibigay lamang ito ng kapangyarihan sa pamahalaan na bansagang terorista ang sinumang ninanais nitong bansagan. Ayon nga kay Basilan Representative Mujiv Hataman, “Mas pinapahalagahan sa panukala ang pagpapalawak sa saklaw ng kung sino ang pwedeng ituring na terorista kaysa pagtukoy at paghuli sa mga totoong terorista.”

Hindi katiyakan ng kaligtasan mula sa terorismo ang naidudulot ng panukalang ito kundi takot at pagbabanta sa mga kalaban ng administrasyon. Kung maisabatas ang panukalang ito, malalabanan ba ang terorismo o bibigyan lamang ang estado ng kapangyarihang magsagawa ng terorismo laban sa mga mamamayan nito?

Editorial: "Charged" with Charging




As UPIS students, we have undoubtedly used our gadgets for multiple purposes – completing requirements, passing them through email, contacting teachers, etc. Because of this, we have become dependent on charging our mobile devices and laptops to meet those needs. Hence, most of us rely on charging through different sockets spread around the school.

The UPIS Handbook recognizes charging as a form of “unauthorized use of school property and equipment”. After teachers reported that charging in the school has become rampant, the UPIS administration decided to take action.

During the flag ceremony last March 5, Assistant Principal for Administration Prof. Portia Dimabuyu reminded the UPIS 7 – 12 student body that charging is a “violation” of Rule 4.3 of the handbook, causing mixed reactions among the students.

According to Prof. Dimabuyu, some students charge their gadgets for non-academic purposes such as playing games and using social media, among other activities. In addition, charging consumes electricity, and the school only has limited resources.

It should be noted that the use of power outlets is a “violation,” since we are not officially given permission to do so. However, we must recognize our right to the use of facilities for school-related activities.

As stated earlier, many of the students’ requirements are technology-related such as researching on the internet, making an infographic, coding a website, or writing and editing a thesis. All of these need gadgets, and such gadgets are also in need of charging. If their battery runs low, charging in school will help students finish their requirements.

Moreover, if we are deprived of power supply, then these gadgets will also drain faster. This means less time to complete and submit requirements, much to the dissatisfaction of our teachers.

Besides this, students will also need to charge their phones in case of emergencies. If they need to contact their guardians in short notice, they would need to use their phone to do so.

If they have been using their phone all-day for requirements or for any other purpose, they might not have enough battery to make the call or send a text. Charging is therefore essential to this particular need of students.

Prof. Dimabuyu has said explicitly in an interview that the administration understands the needs of the students, and that all students also need to charge their gadgets to work on their requirements. She said that even teachers need to charge their equipment to accomplish their work.

She also said that according to the student handbook, only unauthorized charging is not allowed. If we go by this logic, so long as we ask for permission from a teacher to charge our gadgets, charging, for a valid purpose, would be allowed in the school.

We suggest that the school allocate certain areas for charging, specifically the library or specific hallways. A lot of students prefer to study in both the library and in the hallways, and often need their gadgets to do so.

Allowing charging inside the library will not only increase the convenience for the students studying, it will also allow supervision over gadget use while charging since there are teachers and librarians in the library.

Although to be on the safer side, as students we must also cooperate with the admin to enforce discipline in our actions. Yes, it may sound unreasonable at first to hear that charging is not allowed, but by giving it some thought, it is evident that they are only trying to control the use of gadgets within school premises.

If it is clear to all of us now that we may charge at school for academic and emergency purposes, then there should not be any more traction from our part.

Instead, we should be able to cooperate with the admin's flexible implementation of the policy by doing our part in controlling ourselves from abusing the right to these privileges. To put simply, we must only charge in school for valid reasons.

Editorial: Hindi Bayani si Marcos



Kami, ang UPIS Media Center, ay naninindigan na hindi nararapat na mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Siyam na taong naghirap ang bayan. Siyam na taong napasailalim ang mga Pilipino sa Batas Militar. Ngunit, sa 1986 EDSA Revolution nagtulungan ang sambayanan upang pabagsakin ang rehimen, sapagkat naunawaan ng mga Pilipino na panahon na upang wakasan ang mapaniil niyang administrasyon. Hinangad nila ang kalayaan, kalayaan na hindi natin matatamasa ngayon kung hindi dahil sa mga nagsakripisyo para sa atin. Malaking pasasalamat ang marapat na ibigay sa kanilang mga nagbuwis ng buhay makawala lamang sa tanikala ng rehimeng Marcos. Subalit kung hahayaan nating mangyari ito, sa halip na pasasalamat ay poot ang maidudulot nito sa kanila. Ang kanilang mga pagsisikap ay mawawalan ng saysay kung maililibing ang Dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Sinasabi ng ilan na ito na ang panahon upang ang sambayanan ay magpatawad. Sa pamamagitan ng pagpapatawad ay makapagpapatuloy na ang bayan. Napakahirap sa isang tao lalo na sa isang bayan ang patawarin ang mga taong kailanman ay hindi naman nagsisi o humingi man lang ng paumanhin para sa mga kasalanang ginawa nila sa bayan. Napakahirap ang pagpapatawad lalo pa’t hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang mga naging biktima ng diktaduryang Marcos. Sa ganitong sitwasyon, lalong isang dagok sa atin na mahimlay siya sa Libingan ng mga Bayani kasama ng mga dakilang Pilipinong nanindigan para sa kapakanan ng bansa. Tandaang ang pagpapatawad ay hindi katumbas ng pagkalimot sa kasalanan. Sapagkat sa nakaraan higit nating nakikita ang kamalian. Matututo ang bayan sa nakaraan. Huwag hayaang maibaon din sa limot ang hirap na pinagdaanan ng mga mamamayan sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Kung ililibing si Marcos sa LNMB, siya’y magiging mantsa sa sagisag ng mga bayani. Hindi bayani ang dating pangulo, siya’y isang diktador na nagpahirap sa kaniyang mga kababayan habang nagkamkam ng bilyon-bilyong salapi ng bayan para sa sarili niya at sa kaniyang pamilya. Sila’y naghari-harian habang ang mga Pilipino hanggang ngayon ay binabayaran ang napakalaking utang na nabuo sa ilalim ng kaniyang administrasyon. Bilang presidente, tungkulin niyang protektahan ang mga mamamayan at gabayan ang bansa patungong progreso. Ngunit, kinalimutan niya ito at inisip lang ang sariling pag-unlad.

Bilang kabataang Pilipino na Iskolar ng Bayan tungkulin naming manindigan para sa kapakanan ng buong bayan at kinabukasan ng mga susunod na henerasyon. Kung hindi pa ngayo, kalian pa matututong manindigan ang mga kabataan nitong bayan?

Bilang mga Pilipino kami’y tumitindig at tumututol na malilibing siya sa Libingan ng mga Bayani sapagkat siya’y hindi isang bayani, ni dakilang mamamayan man lamang nitong pinakamamahal nating bansa.

Editorial: Pasado/Dehado

(c) Ada Bayobay

Sa pagpasok ng Akademikong Taong 2012-2013, may mga bagong alituntuning ipinatupad sa ating paaralan- ang pagbabalik sa 4-day schedule ng mga klase, muling pagkakaroon ng handbook, at ang pagpapalawak ng kampanya sa environmental protection. Inintrodyus din sa taong ito ang computerized system sa mga rekord ng mga mag-aaral nang sa gayon ay maging mas mabilis ang pag-eencode ng mga grado at maiwasan ang pagkakamali sa paglalagay ng mga ito sa report card at permanent record.

Kaugnay ng mga pagbabagong ito, napagdesisyunan din na sa halip na report card, quarter stubs na ang ipamimigay sa pagtatapos ng unang tatlong markahan. Kung minsan kasi, nakaliligtaang isauli ng mga bata ang report card. Ang iba naman ay nawawala ito kung kaya’t kailangan pang bayaran upang mapalitan. May mga mag-aaral din na nagsasauli ng marumi at nalukot nang card. Upang maiwasan ang madalas na pagpapalit nito dahil sa mga nabanggit na dahilan, minabuti ng administrasyon na stubs na lamang ang ibigay. Ang report card ay makukuha ng mga mag-aaral sa dulo ng akademikong taon, pagkatapos ng ikaapat na markahan.

Ipinaalam ni Prop. Roselle Velasquez, Katuwang na Prinsipal Pang-Akademiko, sa mga guro, kawani, at magulang sa pamamagitan ng isang sulat noong Agosto 22, 2012, ang itsura ng stubs na ipamimigay noong Setyembre 14. Maliban sa mga detalye ng stubs na makukuha, malinaw ring nakalagay sa liham na maaaring kunin ng mga estudyante ang kani-kanilang stubs kung: (a) wala siyang bagsak sa anumang asignatura; (b) walang incomplete; at (c) kung sakaling may incomplete, maaari pa rin itong makuha ng bata kung siya’y magpapakita ng liham-pahintulot mula sa kanyang magulang.

Umani ng kabi-kabilang batikos mula sa mga guro, magulang, at mag-aaral ang itsura ng stubs at sistema ng pamimigay nito. Di gaya ng report card na nasa matigas na papel, malaki ang font, at kumpleto sa mga detalye, ang mga stubs ay nasa porma ng isang ¼ na piraso ng papel kung saan naka-imprenta ang mga grado ng estudyante. Dagdag pa rito ang iba’t ibang laki ng mga stub- may maliit, may malaki, at may ilan na hindi pa pantay-pantay ang pagkakagupit. Hindi rin nakalagay sa stubs ang transmutation table at ang attendance ng bata. Pahirap pa sa mga magulang ang masyadong maliit na font size na ginamit kung kaya’t may mga pagkakataon na kailangan pang basahin ng mga guro sa mga magulang ang marka ng estudyante.

Mas mainam kung nanatiling mga report card ang ipinamimigay bawat markahan. Una, pormal, higit na presentable, at opisyal na dokumento kung kaya’t binibigyan ng ibayong pag-iingat ng mga estudyante. Kung stubs pa rin ang ipamimigay, dapat gawin man lang kasing-pormal ng report card.

Kasama rin dapat ang mga magulang sa pagkuha ng stubs. Bakit? Una, layunin ng pagbibigay ng report kard ang personal na maiparating ng guro sa mga magulang hindi lamang ang academic concerns kundi maging behaviour ng mga mag-aaral. Nangangahulugan lamang na may bagsak ka man, incomplete o wala, kailangan pa ring magkausap ang mga guro at mga magulang. Ikalawa, sa mga panahong ito nagkakaroon ng regular at bukas na pakikipagdayalogo ang mga magulang sa guro ng kani-kanilang mga anak..

Kung pahihintulutan pa rin ang mga mag-aaral na makuha ang kanilang stubs, paano na ang komunikasyon sa pagitan ng guro at magulang na regular na nagaganap tuwing bigayan ng kard? Ikalawa, maaaring itago ng mag-aaral sa kani-kanilang magulang ang kanilang grado at hindi na matututukan pa ng mga ito ang gawaing pang-akademiko ng kanilang mga anak. Hindi na rin makakapagkonsulta ang mga magulang tungkol sa behaviour at iba pang concerns ng mga ito kaugnay ng performance, attendance, at behaviour ng mga bata. May mga guro rin na nagsabing mainam kung may reply slip man lang na kalakip ang bawat stub upang masigurado na nakarating ito sa mga magulang.

Alalahanin nating may karapatan ang mga magulang na malaman ang katayuan ng kanilang mga anak sa paaralan. Ayon sa mga guro at mag-aaral, higit na mabuti para sa lahat lalo na sa mga mag-aaral ng UPIS na ibalik ang nakagawiang sistema ng pagpapakita ng grado – ito’y dapat nasa anyo ng isang card.
Hindi dapat isantabi ang karapatan ng mga magulang na malaman ang kakayahan ng kanilang mga anak sa bawat sabjek. Ito’y para rin sa kapakanan ng mga estudyante at ng buong paaralan. Wala ring sinumang magulang o tagapag-alaga ang nagnanais na mapabayaan ang edukasyon ng kanilang mga anak.
● by Aaron Lina and Shari Oliquino #MC2013

Time for Another Change

by Angelo Fetalvero
(first published in the Forum, July 2011)

Illustrated by Hannah Valentino
Change seems to be the trend in the school this school year and it is happening at a blistering pace. Gone are our old blue pants and skirts with red and black now the school’s preferred colors. The old administration has also said goodbye. New authorities now wield power in our school. However, when enrollment came along, it was another change shocked that everyone. The old four day schedule bit the dust and everyone was stifled when they heard the news that Monday was again going to be a school day.

The change in schedule aims to give students more time for library work and for consultations with teachers. It also aimed evenly distribute the amount of work that students used to cram in four days. This was in response to a survey where parents and students alike were given an opportunity to voice their concerns and preferences about the old schedule.

Limang Araw na Naman

Guhit ni Jemima Yabes
ni Jomil Gutierrez
(unang inilathala sa Forum, Hulyo 2011)


Ngayong pumasok na ang pang-akademikong taong 2011-2012, maraming pagbabago ang sumalubong sa mga estudyante. Bukod sa bagong administrasyon ay nagbago rin ang iskedyul ng mga mag-aaral – mula sa apat na araw na pasok ay naging limang araw ito.

Nagsagawa ng sarbey sa mga magulang at estudyante noong nakaraang taon ang Office of Research, Development, and Publications (ORDP) upang malaman ang kanilang saloobin tungkol sa 4-day schedule. Sa nabanggit na sarbey, mas pabor ang respondents sa apat na araw na pasok. Ngunit lumabas din sa sarbey ang ilang concerns ng mga magulang- kulang ang oras para sa mga co-curriculars at extra curricular activities, pananaliksik, make-ups sa iba’t ibang sabjek, at konsultasyon sa guro.