Showing posts with label 12:07. Show all posts

Literary: Deux




I was alone…

I had no place to call my home
I spent my days
Lying hopelessly on the streetside
As people passed by me
Heartlessly
Without care
Without pity

And as I looked upon them I saw
Faces full of smiles and laughter
And eyes filled with joy
Not sparing me a glance

What I saw were hearts
Colder than my bed of stone
They called me useless
Not worthy of any attention

I had a world of my own
And no one to share it with
I heard voices no one else could hear
And saw wonders no one else could see

I never caused anyone any harm
But people dodged around my perimeter
As if I were
A contagious, fatal infection of some kind

They barely tried to understand me
Refused to come near me
Mocked me ceaselessly
They called me sick
A creature
Not to be approached

It's quite ironic
That I, who have never found true shelter
Served as a home—
But only to melancholy

...until I met you.

All of a sudden
Without warning

You entered my life

To my surprise
You offered me your hand
Without any trace of derision.

Could you finally be the one
Who will understand my quirks?

When we're together...

Now that our lives are intertwined
I feel like I have broken free
From the pariah I once was

To my fate I vowed
My dedication for you.
I will go through all means
In order to keep
The company I've longed
For so long

Together, we built a fortress
Every inch of it
Made only of our
Shared entirety

It stands as refuge
For the two of us
And us alone

...I can be who I truly am.

There's no need to conceal
Let me know your desires

Oh I won't hide
The secrets inside

Deep inside
You'll find my heart
Toiling with pain,
Boiling with rage
From the past
I cannot erase

The world is an ideal place

With you
I share the same sentiments,
With you
I can share my laments.
I feel power
I feel strong
For the first time.

—only if we weren't around, they say.

But if an ideal place

Is a world
Where the abandoned
Are ignored

Is a world
Where the different
Are ostracized

I'd rather stay in our own world.

Literary: What a Fool Fears





I’m afraid
Of those eyes,
The windows that drag me in
That seem so warm, so inviting
Yet do not spare me even one glance.
I’m afraid
Of that smile
Bright enough to fill my day with light
And cast a shadow upon my heart
For I know that I may not be worth your while.
I’m afraid of those hands
That hold others gently and kindly
And me with what seems to be apathy
But there is nothing I can demand.
Yes, I’m afraid
That the heart that mine beats for
Cares not that I love relentlessly,
Has not one beat reserved for me,
That it’s useless for me to endure.
But most of all, I’m afraid
Of what will happen if I run away —
The what-ifs, the regrets,
The sleepless nights I will get
So hopelessly like a fool, I’ll stay.

Literary: Kapag May Nahulog





“Kapag may nahulog na kubyertos, may darating na bisita.”

Iyan ang laging sinasabi dati ng aking ina tuwing may nahuhulog na kutsara o tinidor.

Ako si Josh, 65 na taong gulang. Nanggaling ako sa isang pamilyang hindi mahirap ngunit hindi rin mayaman. Gayunpaman, ginawa ng aking mga magulang ang lahat upang pagandahin ang aking buhay. Noong bata pa ako, araw-araw umaalis ang aking ama nang maaga upang magtrabaho. Ang ina ko naman ay nagsikap na alagaan ako. Kahit na simple lamang ang aming buhay, puno ng masasayang alaala ang aking pagkabata. Ngunit sa masayang panahong ito ko rin naranasan ang pinakanakakatakot na pangyayari sa aking buhay.

Isang gabi, habang kumakain kami ng aking pamilya, nadulas mula sa kamay ko ang aking kutsara’t tinidor. Pupulutin ko dapat ang mga ito ngunit napahinto ako nang may kumatok sa aming pinto. Mahinahon ang pagkatok, kaaya-aya, kagaya ng ngiti na bumungad sa akin nang binuksan ko ang pinto. Ang ngiti ay mula sa isang magandang babaeng nakapulang bestida. Hawak-hawak niya ang kamay ng isang batang lalaki na nakasuot ng kupas at lukot-lukot na mahabang polo at pantalon. Nakita ko na sinusubukang lumayo ng bata sa babae ngunit hindi niya ito magawa dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanya.

“Hi, ako nga pala si Mary at ito ang anak kong si Odio. Kakalipat lang namin kanina diyan sa kabilang bahay. Gusto ko lang sanang magpakilala sa aming mga bagong kapitbahay. May dala rin pala akong adobo, baka magustuhan ninyo, ” sabi ng aming bisitang babae

“Sige, pasok kayo, ” nakangiting sinabi ng aking ina pagkatapos magpasalamat para sa adobo.

Pumasok ang babae habang hinihila ang kamay ng kanyang anak. Tinawag ako ng aking mga magulang papunta sa sala kung saan nakaupo na sila kasama ang aming mga bisita.

“Wow! Ang ganda naman ng bahay niyo!” sabi ni Aling Mary.

Simple lamang ang aming bahay, maliit ngunit maraming mga palamuti at mga bintana. Masasabi ko na sinasalamin nito ang aming buhay — simple ngunit maliwanag at maganda.

Nagpasalamat ang aking ina para sa papuri at ipinakilala niya ang aming pamilya. Pagkatapos ay nakipag-usap siya at ang aking ama kay Aling Mary.

“Sandali lang kami dito. Siguro sa susunod na linggo ay wala na kami, ” sabi nito.

“Ay ganun ba? Bakit naman? Hindi ba kayo mahihirapan at lilipat na naman kayo?” tanong ng aking ama.

“Dahil sa mga personal na dahilan at saka sanay na rin naman kaming magpalipat-lipat” sagot ni Aling Mary.

Habang sila’y nag-uusap, sinubukan kong kausapin si Odio ngunit hindi siya sumagot, tila ba takot magsalita. Napansin kong gustong subukan ni Odio na kunin ang atensyon ng kanyang ina ngunit siya ay nagdadalawang-isip. Sa huli ay kinalabit niya rin ito.

“Ano ba Odio bakit ang kulit mo?” pagalit na sabi ni Aling Mary.

Nanahimik si Odio ngunit nakita kong bumilis ang kanyang paghinga na para bang nakakita ng isang halimaw.

Natapos din ang pag-uusap ng aking mga magulang at ni Aling Mary. Nagpaalam si Aling Mary at aking binuksan ang pinto upang siya ay makalabas. Umalis siya habang hinihila ang kanyang anak at dahan-dahang isinara ang pintuan. Bumalik kami ng aking pamilya sa hapag-kainan kung saan nakita ko na napalitan na ang aking mga kubyertos. Ilang sandali lang, nakarinig kami ng nakakatakot na sigaw na sinundan ng pag-iyak. Sinabi ng aking ina na huwag ko na lamang itong pansinin. Sinubukan ko ang adobong ibinigay ni Aling Mary. Masarap naman ito ngunit hindi ko naramdaman ang kaginhawaan na nakukuha ko mula sa luto ng aking ina. Pagkatapos kong kumain, nagtungo ako sa aking kuwarto upang matulog.

Noong gabi na iyon, bago matulog, nakarinig ako ng pagbagsak, pag-iyak, at pagkalabog mula sa bahay nina Aling Mary. Dahil sa pagod, hindi ko na ito nagawang bigyan ng pansin.

Kinabukasan, sa silid-aklatan ng aming paaralan, nabasa ko ang isang kuwento tungkol sa isang halimaw na nag-aanyong magandang babae na may suot na bestidang gawa sa dugo. Ang halimaw daw na ito ay nagpapalipat-lipat ng lugar upang kumuha ng mga bata. Ang katawan at kaluluwa ng mga batang nakukuha ay sinusugutan at ang mga paniginip nila ay kinakain hanggang sila’y maging naglalakad na bangkay.

Natakot ako sa kuwento na ito at pag-uwi ay ikinuwento ko ito sa aking ina.

“Ina, totoo ba yung halimaw?” tinanong ko sa kanya.

“Huwag kang mag-alala ‘nak hindi naman totoo ‘yun. Kung totoo man, huwag kang matakot dahil poprotektahan naman kita.” sagot ng aking ina.

Nawala ang aking takot dahil sa sinabi ng aking ina.

Noong gabi na iyon at sa mga sumunod na gabi, bago matulog, nakarinig muli ako ng pagbagsak, pag-iyak, at pagkalabog. Noong una ay naalala ko ang aking nabasa. Bumalik ang aking takot ngunit ito ay naglaho nang naalala ko ang sinabi ng aking ina. Kahit na nawala na ang aking takot, napukaw pa rin ang aking kuryosidad.

Pagkatapos ng ilang araw, hindi ko na napigilan ang aking kuryosidad kaya’t naisipan kong puntahan ang bahay nina Aling Mary. Isa itong malaking mansyon, marungis at sira-sira na ngunit mababakas pa rin ang dati nitong kagandahan at kadakilaan. Ang lahat ng mga bintana nito ay nakasara at walang tunog na maririnig mula rito. Kumatok ako at sinagot ako ng isang matatakuting boses ng lalaki na parang matagal nang hindi nakipag-usap sa ibang tao.

“Sino po iyan?” sabi ng boses.

“Ako ito si Josh, yung kapitbahay niyo.”, aking tugon.

“Ano pong ginagawa ninyo rito?” tanong niya.

Sumagot ako “Gusto ko lamang sana kayong kumustahin. Puwede ba akong pumasok?”

Hindi agad siya pumayag ngunit pagkatapos ko siyang kulitin ay nagbago ang kanyang isip.

“Sige na nga po pero saglit lamang po kayo rito ah. Baka po magalit ang nanay ko eh.”

“Oo wag kang mag-alala, aalis din agad ako.”

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, tila nagdadalawang-isip pa rin, at ako ay kanyang pinapasok. Pumasok ako at pinagmasdan ang interyor ng kanilang bahay. Malawak ito ngunit halos walang laman. Wala itong dekorasyon liban sa isang plorerang may mga nalalantang rosas na nakapatong sa sahig na may mga pulang bakas. Ang mga kagamitan ay tila matagal nang hindi napapalitan kahit na sila’y bagong lipat lamang. Nabigo ang aking usiserong utak.

“Sabi niyo po kanina, saglit lamang kayo.” paalala sa akin ni Odio.

Nagpasalamat ako at nagpaalam ngunit ako’y nabigong buksan ang pinto. Sinubukan itong buksan ni Odio ngunit siya ay nabigo rin. Marahil sa tanda ng pinto ay nasira na ang mga mekanismo nito. Pauulit-ulit na sinubukan ni Odiong buksan ang pinto nang may pagkabalisa ngunit ayaw pa rin nitong bumukas. Siya ay nagsimulang umiyak.

“Hintayin na lamang natin ang nanay mo. Tiyak na alam niya kung paano ito buksan.” sabi ko sa kaniya upang pakalmahin siya.

Siya ay may binulong ngunit hindi ko ito naintindihan. Habang hinihintay na kumalma si Odio, mataman ko siyang pinagmasdan. Simple lamang ang kanyang mukha ngunit ang mga mata niya’y tila walang buhay. Napansin ko rin na sa braso’t binti niya ay may mga markang mukhang pasa. Nang siya’y kumalma ay kinausap ko siya.

“Odio, anong grade level ka na?”

Matapos tumahimik nang ilang segundo, mahina siyang sumagot “Hindi ako nag-aaral e.”

Nagtanong ulit ako, “Bakit naman?”

“Sabi kasi ng nanay ko wala rin naman akong magiging kuwenta kahit na mag-aral ako kaya nandito lang ako lagi sa bahay, ” matamlay niyang sagot.

Naramdaman ko ang pagbigat ng kapaligiran kaya’t matapos ang ilang sandali ay niyaya ko na lamang siyang maglaro.

“Tara laro na lang tayo ng taya-tayaan dito habang wala pa ang nanay mo.”

Matagal muna siyang nag-isip ngunit sa huli ay marahan siyang tumango. Sa una ay nag-aalangan pa siya at matamlay pa ang kanyang mga kilos habang naglalaro. Nang tumagal ay tuluyan niya ring nailubog ang kanyang sarili sa paglalaro. Medyo matagal kaming naglaro hanggang sa siya’y nadulas sa pulang marka sa sahig. Siya ay nadapa at di sinasadyang nasagi ang plorera hanggang sa ito’y bumagsak at nabasag. Nagsimula siyang huminga nang mabilis at umiyak.

“Huwag kang umiyak, plorera lamang iyan.” sabi ko sa kanya.

Sinagot niya ako nang putol-putol at puno ng takot “E-e-eh ka-kaso, pag may na-na-nahulog, may da-darating na ha-halimaw.”

Tumawa ako at sinabing “Huwag kang mag-alala. Hindi naman totoo ang mga halimaw.”

Ako’y lumapit upang pulutin ang mga piraso ng nabasag na plorera ngunit bago ko tuluyang mapulot ang lahat ng mga ito, nakarinig ako ng malakas at mabilis na pagkatok. Sa gulat, nabagsak ko ang aking mga hawak at sila’y mas lalong nabasag. Hindi ko alam kung bakit ngunit sumabay ang tibok ng aking puso sa bilis ng pagkatok. Naramdaman ko na lamang na tumulo ang malamig na pawis sa aking noo. Lumakas din ang pag-iyak ni Odio, tila ba sinusubukang takpan ang tunog ng pagkatok. Nakaramdam ako ng hindi magandang sagimsim. Sa paglakas at pagbilis ng pagkatok ay tumindi ang aking naramdaman. Malapit na akong sumigaw dahil sa takot nang biglang tumigil ang pagkatok. Nakahinga ako nang maluwag at aking sinubukang aliwin si Odio.

“Oh di ba sabi ko sa’yo wala namang ha—” bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay nakarinig ako ng isang malakas na kalabog at nagbukas ang pinto.

Sa labas ng pinto ay nakatayo ang isang babaeng nakasuot ng isang pula at gusot na bestida. Nakilala ko ang babae bilang si Aling Mary ngunit napansin ko na tila mayroong iba sa kanya. Wala ang ngiting suot niya nang kami ay kanyang dinalaw. Sa halip nito, mayroon siyang madilim sa simangot sa kanyang mukha. Nang nakita niya ako, pinalitan niya ang kanyang simangot ng isang ngiting malawak. Hindi ko alam kung bakit ngunit nang nakita ko ang kanyang ngiti ay lumaktaw ng isang tibok ang aking puso.

“May bisita pala tayo. Pasensya na at ngayon lamang ako nakabalik. Ano naman ang magagawa ko para sa iyo?” wika ni Aling Mary.

Nakita niya ang nabasag na plorera at kumunot ang kanyang noo ngunit nanatili siyang nakangiti at sinabing “Balik ka na lang sa susunod. Umuwi ka na muna at baka hinahanap ka na ng mga magulang mo.”

Kumapit sa akin nang mahigpit si Odio habang umiiyak at sinabing “Huwag! Huwag mo akong iwan!” ngunit ako ay kinaladkad ng babae palabas sa kanilang bahay at isinara nang malakas ang kanilang pinto. Nakarinig ako ng mga sigaw at mga paghampas na sinundan ng pag-iyak, pagbagsak, at pagkalabog.

Sa takot ay tumakbo ako pabalik sa aming bahay. Pag-uwi, nakita ko ang ama ko na kakauwi pa lamang kasama ang aking ina.

“Saan ka napunta? Kanina ka pa hinahanap ng nanay mo." nag-aalalang sabi ng aking ama.

Ikinuwento ko sa kanila ang nangyari. Nakita ko na napuno ng pag-aalala ang kanilang mga mata. Sinabi nila na kanilang dadalawin bukas sina Odio at Aling Mary. Hindi ako nakakain at nakatulog sa gabing iyon dahil hindi tumigil ang mga narinig kong pag-iyak, pagbagsak, at pagkalabog. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ito ba talaga’y narinig ko o ito’y imahinasyon ko lamang. Kinabuksan, nabalitaan na lamang namin na lumipat na ng bahay sina Odio.

“Kapag may nahulog, may darating na halimaw.”

Hindi ko makakalimtan ang linyang ito. Hanggang sa ngayon, tuwing may nahuhulog na kubyertos ay nakakaramdam ako ng takot.

Literary (Submission): Munting Durungawan





Iniwan sa likod ng mga rehas
Sentensya’y walang wakas
Ako ang nag-iisang walang pag-asa
Panay parusa’t pagdurusa

Ako’y sumigaw ngunit walang nakarinig
Ako’y tumangis ngunit walang lumapit
Hanggang ang boses ko ay napaos
At ang mga luha ko ay naubos

Napilitang tanggapin ang aking kapalaran
Ako’y umupo; bilanggua’y pinagmasdan
Maluwag naman ang nakasasakal na kulungan
Ngunit ang mga pader nito’y halos walang laman

Isang durungawan lamang ang palamuti
Isang durungawang napakamunti
Durungawang nagsisilbing tanawan
Sa abot-kamay ngunit malayong kalayaan

Durungawan kung saan makikita ang isang hardin ng bulaklak
Isang hardin na tila nanghahamak
Durungawang nagpapapasok ng liwanag sa selda
Sa puso ko’y nagpapapasok ng kawalang pag-asa

Sa sakit ay 'di ko na nagawang tingnan
Ang durungawa’y aking tinalikuran
Puso’t isip ay nagsimula nang tumamlay
Sa walang hanggang kawalang-saysay

At lumipas ang mga araw
Lumipas ang mga araw
Lumipas ang mga araw
Lumipas ang mga araw

Sa haba ng lumipas na panahon
Ang mga alaala’t damdamin ko’y nabaon
Diwa’t isip ko’y nahimbing
At ang mga kaisipan ko’y nailibing

Ang sarili ay hindi na makilala
Ang pinanggalingan ay hindi na maalala
Konsepto ng kalayaan ay hindi na alam
At ang mundo sa labas ay hindi na matandaan

Kasama sa nalimutan ang naramdamang sakit
Sa tuwing ang munting durungawan ay sinisilip
At ang magagandang mga bulaklak
Ay tumigil na sa pangugutya’t paghalakhak

Ang mga rehas ay aking tinalikuran
Upang tingnan ang munting durungawan
At aking nakita ang isang mahiwagang tanawin
Isang maganda’t mabulaklak na hardin

Hindi ko maalis ang aking mga mata
Sa kagandahang aking nakikita
Tila ako’y nasa silid na puno ng aklat
At bagong mundo ang bawat bulaklak

Ako ay hindi nauubusan
Ng mga bagay na maaring pagmasdan
Sa bawat segundong lumilipas
May mga pagbabagong nagaganap

Ang oras ko’y ganito na lamang nagdaan
Pagmamasid sa bulaklak na lamang ang alam
Sapat na ito, wala na akong ibang kailangan
Upang mapuno ang aking walang hanggan

Literary: Questions on the Corner




You swore you’d meet me on the corner at 9
And I’ve been waiting for some time
Alone but for the questions in my mind
“Where could she be?”
”Could she be busy?”
”Is she awake or still sleeping peacefully?”
I thought you’d arrive soon but then
It started drizzling as the clock struck ten
And my mind was filled with questions again
“Could something have happened?”
”Has our meeting been unsanctioned?”
”Might she have been sent on an errand?”
Disheartened, I begun pacing
As the drizzling turned to rain and the wet clock struck eleven
And my mind began to question and imagine
“Has our love been in vain?”
“Has she left me waiting in the rain?”
“Should I go or should I remain?”
Hopelessly, I continued waiting
As the rain turned to downpour and I heard the bells ring
Left without tears yet inside I was already crying
”Why was I not enough?”
”Have you found someone else you love?”
“How about the things we dreamed of?”
I was about to leave when the rain stopped, as did the clock
As I saw you on the other corner of the block
And my mind started to ask in shock
“Have I been waiting on the wrong corner?”
”Have you been here, waiting even longer?”
”Does it even matter?”
You swore you’d meet me on the corner at nine
And you’ve been waiting for some time
Alone but for the questions in your mind

Literary: Running Time




One starless night, as I made my way home
I tried to look at my watch, the only thing I owned
To my surprise it wasn’t on my arm, it was running before me
Leaving me alone, as it tried to flee
I went running after it but as I was
Two hands of a clock chased me without pause
I paid no heed, and I went on
As I jumped past numbered polyhedrons
I looked back to check on my pursuers
And to my surprise, they gained two wheel followers
I paid no heed, and I went on faster
As I waded through a pile of school papers
Once again, I looked behind me
And saw my trackers had numbers for company
I paid no heed, and I went on more swiftly
Ripping past the checklists before me
I looked behind, and saw one thing by itself
A walking clock about to strike twelve
I finally caught my watch as I heard a chime
And made it back home at the same time
I checked behind only to find nothing
And I checked my watch to find it wasn’t running
I paid no heed, and I went ahead
‘Cause I can no longer turn back now it’s time for bed