Showing posts with label akrilik. Show all posts

Literary: O Pag-ibig Mo




Harana. (Parokya ni Edgar)

“Puno ang langit ng bituin,
at kay lamig pa ng hangin.
Sa'yong tingin ako'y nababaliw giliw.
Isang magandang harana,
ang ibibigay sa'yo aking sinta.
Haranang magdadala,
Sa buhay na puno ng saya.”

Torete. (Moonstar88)

Sandali na lang
Maari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay
Sana’y kasama kita sa aking paglalakbay
Handa akong isugal sa'yo ang aking buhay
Ngunit hindi na dahil ikaw ay nawalay


Dahil Mahal kita. (Boyfriends)

“At dahil mahal kita handa akong magparaya,
Kahit katumbas nito'y kasawian pa.
Dahil mahal kitasa 'yo lamang liligaya.
Dahil mahal kita,
satingin ko ay panahon na.
Upang ibigay sa’yo,
ang singsing na mahalaga.”


Araw-araw. (Ben&Ben)

Mahiwaga
Pipiliin ka sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama sa 'yo'y malinaw
Ikaw ang gusto kong natatanaw
Ang aking puso ay sa’yo nababalik
Alam mo ang pipiliin ko ay ikaw
ngunit ‘di na kita abot ng aking tanaw

Hawak-Kamay. (Yeng Constantino)

“Hawak-kamay,
di kita bibitawan sa paglalakbay,
Sa kinabukasan ng ating hinihintay
Tayong dalawa'y hindi na malulumbay,
Simula hanggang dulo'y 'di maghihiwalay.”

Kung ‘di rin lang ikaw. (December Avenue)

Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa para sa'ting dalawa
Wala akong hinanap na iba
Alam ko sa’yo ako magiging handa
Pero ako’y naging hangal

Panalangin. (Apo Hiking Society)

“Makapiling ka,
makasama ka.
‘Yan ang panalangin ko aking sinta.
Habambuhay,
Magmamahalan tayong tunay.
Ang buhay nati'y magkakakulay,
di nadidilim at lulumbay.”

Kahit maputi na ang buhok ko. (Rey Valera)

Kung tayo ay matandana
Sana'y di tayo magbago
Kailan man
Nasaanma'y ito ang pangarap ko
Gusto ko man maging tayo
Makasama ka sa tuwina
Ngunit ito’y ay malabo na



Ikaw. (Yeng Constantino)

“Ikaw ang pag-ibig na binigay,
sa akin ng Maykapal.
Biyaya ka sa buhay ko,
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw.

Ika’y mamahalin,
Tinig ko'y iyong dinggin.
Ika'y laging iisipin,
lahat ng pagsubok dalawa nating susuungin.”

Tagpuan. (Moira Dela Torre)
At nakita kita sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata na 'di maintindihan
Tumingin kung saan
Sinubukan kong lumisan
Lahat ng ating pagsasama ay ‘di ko malilimutan
Nakita ko kung paano mo ako pinaglaban
Ngunit bibigyan na kita ng kalayaan


Hinahanap-hanap Kita (Rivermaya)

“Sa umaga't sagabi,
Sa bawat pagpihit ng tadhana.
Hinahanap-hanap kita.
‘Yan ang datikong ginagawa.
Ako ba'y masaya pa,
o maghahanap na lang kaya ng iba?”

Kisapmata. (Rivermaya)

Sa aking unang kisapmata,
Ikawagad ang aking unang nakita.
Sa aking pangalawang kisapmata,
Tila nawawala ka na.

Bawat salita mo’y naalala,
Mga sinabi mong sa aki’y nagpaniwala.
Ngayo’y nasaan ka na?
Iniwan mo akong lumuluha.


Di nanatuto. (Gary Valenciano)

Di na natuto,
ang puso kong ito.
Naiwan na namang mag-isa,
hahanap pa ba ng iba?
Mgasalita mong nagpapaalala,
Kakalimutan na kaya?
Naiwan ako sa ibaba,
nasaan ka na kaya?

Literary: Guniguni





‘Pag ika’y nakatalikod,
sila’y sumusunod.
‘Pag ika’y lumingon,
sila’y nasa bubong.

'Pag ika’y nakapikit,
sila’y nagmamasid.
'Pag ika’y tulog,
sila’y nanonood.

Ako’y may narinig,
ako’y may nadama,
ano ang aking nakita?
Nakaitim na matanda.

Mga guniguni,
sa madilim na gabi.
Hanging dumadampi,
sa aking mga pisngi.

Repleksyon sa salamin,
tila sa iba nakatingin.
Sa bukas na bintana,
may nakadungaw na mukha.

Naghuhulugang mga baso,
sa aparador na nakakandado.
Pagkurap ng mga mata,
isang libong galaw ang 'di nakita.

Nawawalang mga gamit,
sila ang kumukupit.
Unti-unting lumalapit,
tuwing ika’y pumipikit.

Pintuang sumasara,
wala namang hanging bumabangga.
Ngunit anong magagawa?
Maraming silang gumagala.

Sa madilim na tabi,
mukhang may taong nakangiti.
Ano ang mga ito?
Guniguni o totoo?
Ano ang gagawin ko?
Magtatalukbong sa aking kuwarto.

Ngunit ano ang nakikita?
Aninong nakalutang sa kama.
Nakabibinging mga salita,
bumubulong sa aking mga tainga.

Kalabit tuwing gabi,
Ngunit wala namang katabi.
Mga ilaw na pundido,
sinasadya ng demonyo.
Makita lamang nang malapitan,
ang takot sa mukha mo.

Mga bagay na lumulutang,
paglingon sila’y maghuhulugan.
'Di ko sila makita,
ano ba talaga ang kanilang sadya?

Mga isipan sa utak ko,
gusto yatang maglaro.
Ako lang ba ito?
O ikaw rin ba ginugulo
ng mga nilalang na nasa paligid mo?

Paminsa’y nawawala sa isipan,
ang bigat ng aking katawan.
Ano itong pakiramdam?
Isang malakas na kapangyarihan.

Rosaryo sa kamay,
ngunit mayroon pa ring kumakaway.
Walang tigil sa pagpapapansin,
hindi na alam ang gagawin.

Litong-lito sa pangyayari.
Sila ba’y gumaganti?
Araw-araw sila’y nariyan,
ano ang dapat na panlaban?

'Wag mong balewalain.
Gusto ka nilang makuha,
ngunit 'di nila magawa.
Dahil libo-libong mga anino,
ang lumuluha makuha lamang ang katawan,
na iyong ginagalawan.

Literary: Huling Araw ng Pansampung Buwan





Sa iyong tahanan,
sila'y maglalabasan
sa huling araw ng pansampung buwan.
Handang wakasan ang 'yong kasiyahan.
Sa kanilang pagdating, sama-sama natin alamin
Mga bagay na dapat nating gawin.

Tikbalang.
Kabayong tao na naninirahan
sa inyong mga puno't halaman.
Sumisilip sa bubong ng ‘yong tahanan,
Kahit ang paghiga mo, ika’y pagmamasdan.
Takpan ang kahit na anong butas,
kung ayaw mong ika’y masilipan.

Bungisngis.
Isang nilalang na laging tumatawa.
Tumahimik ka ‘pag ito'y narinig at nakita.
Malakas ang pandinig ng kanilang mga tainga.
Matalas ang nag-iisa nilang mata,
Magtago agad sa ilalim ng ‘yong kama,
bago ka makain ng nilalang na tuwang-tuwa

Manananggal.
Kumaripas nang takbo, ‘pag ito'y nakita mo.
Kalahati man ang katawan,
kayang kainin ang ‘yong buong katawan.
‘Pag inilipad ka sa itaas,
'wag ka nang manlaban.
Ibabagsak ka lang nito sa kanyang mga kasamahan.

Aswang.
Hindi ito tao,
kaya ‘wag kang magpapaloko.
Isarado ang 'yong pinto,
ilabas ang mga kutsilyo.
Matatalas na mga pangil,
kasimbilis ng hangin.
‘Wag hayaang ika'y makain.

Nuno.
Mag-ingat ka rito,
makamandag ang mga kamay nito.
Kasinliit ng posporo,
kahit ngayon ay pinagmamasdan ka nito.
Laging tandaan na magsabi ng "tabi-tabi po."
At iwasang tapakan ang kaharian nito,
kung ayaw mong lumaki ang mga paa mo.

Bal-Bal.
'Wag na 'wag maglibing ng tao malapit sa 'yong tahanan.
Ilayo ito sa iyong angkan,
nang hindi mo sila masilayan.
Malakas ang pang-amoy nito,
sa bangkay ng mga tao.
'Wag hayaang madamay at makain nito.

Pagsapit ng gabi,
ingatan ang sarili.
Pagsapit ng gabi,
maglalaho ang mga ngiti.

Buksan ang mga mata,
ihanda ang mga tainga.
Ito ay isang banta,
Ilabas na ang sandata.

Sa huling araw ng pansampung buwan,
ikaw ay nasa bingit ng kamatayan.
Isama ang mga kasamahan.
Handa ka na ba sa malagim na labanan?

Literary: Salamin




Paggising, pagtingin
Sa kuwartong madilim
Pilit hinahanap ang dating akin
Ibang-iba na ang aking pagtingin
Sa taong kaharap sa salamin

Ako pa rin ba ang nakikita ko?
O sadyang malabo lang ang mga mata ko?
Kilala niyo pa ba ang taong ito?
Napakalaki ng pinagbago

Madungis ang damit
Sarili’y minamaliit
Mga iniisip ay nagliliparan
Diyos ay nalalabanan

Lugmok ang katawan
Sugatan ang kalooban
Mata’y namumula
Puso’y lumuluha

Sa mabuting paraan?
Sa masamang paraan?
Dapat ba akong maging masaya?
Sa taong di ko na kilala?

Ano ang dapat kong gawin?
Dapat ko bang panatilihin?
Ano ang dapat na solusyon?
Palipasin ang panahon?

Matutulog na lang ba?
Paggising maghahanap pa
Ng pangalan kong nawala na
O hayaan na lang kaya?
Umaasang pagbabago ay tama.

Literary: Mundo




Naglalakbay ang mga kulay kasabay ng hangin
Kumikinang ang mga buhangin
Sa aking balat, mga paruparo’y kumakapit
Araw-araw, bahaghari ay sumasapit

Tumutubo’y mga perlas sa lupa
Sa umaga’y mga tala ang bumubulaga
Sa himpapawid, mga ibo’y kulay rosas
Mga sirena, sa gabi’y lumalabas

May mga gintong lumulutang sa karagatan
Lumilipad ang mga isda sa bughaw na buwan
Sumasayaw ang mga bulaklak sa damuhan
Ang mga diwata ay nagsusuyuan

Buhay na gusto kong makamtan
Mundo na gusto kong tirahan
Lupain na gustong galawan
Kalawakang hindi mawawala sa aking isipan

Mga bagay na nagbibigay kinang sa aking ngiti
Ito lamang ang minimithi
Kailangan na bang imulat ang nangangarap na mata
Upang mamasdan ang mga bagay na hinding-hindi makikita?