Showing posts with label InfinitelyMC. Show all posts

Literary (Submission): Munting Durungawan





Iniwan sa likod ng mga rehas
Sentensya’y walang wakas
Ako ang nag-iisang walang pag-asa
Panay parusa’t pagdurusa

Ako’y sumigaw ngunit walang nakarinig
Ako’y tumangis ngunit walang lumapit
Hanggang ang boses ko ay napaos
At ang mga luha ko ay naubos

Napilitang tanggapin ang aking kapalaran
Ako’y umupo; bilanggua’y pinagmasdan
Maluwag naman ang nakasasakal na kulungan
Ngunit ang mga pader nito’y halos walang laman

Isang durungawan lamang ang palamuti
Isang durungawang napakamunti
Durungawang nagsisilbing tanawan
Sa abot-kamay ngunit malayong kalayaan

Durungawan kung saan makikita ang isang hardin ng bulaklak
Isang hardin na tila nanghahamak
Durungawang nagpapapasok ng liwanag sa selda
Sa puso ko’y nagpapapasok ng kawalang pag-asa

Sa sakit ay 'di ko na nagawang tingnan
Ang durungawa’y aking tinalikuran
Puso’t isip ay nagsimula nang tumamlay
Sa walang hanggang kawalang-saysay

At lumipas ang mga araw
Lumipas ang mga araw
Lumipas ang mga araw
Lumipas ang mga araw

Sa haba ng lumipas na panahon
Ang mga alaala’t damdamin ko’y nabaon
Diwa’t isip ko’y nahimbing
At ang mga kaisipan ko’y nailibing

Ang sarili ay hindi na makilala
Ang pinanggalingan ay hindi na maalala
Konsepto ng kalayaan ay hindi na alam
At ang mundo sa labas ay hindi na matandaan

Kasama sa nalimutan ang naramdamang sakit
Sa tuwing ang munting durungawan ay sinisilip
At ang magagandang mga bulaklak
Ay tumigil na sa pangugutya’t paghalakhak

Ang mga rehas ay aking tinalikuran
Upang tingnan ang munting durungawan
At aking nakita ang isang mahiwagang tanawin
Isang maganda’t mabulaklak na hardin

Hindi ko maalis ang aking mga mata
Sa kagandahang aking nakikita
Tila ako’y nasa silid na puno ng aklat
At bagong mundo ang bawat bulaklak

Ako ay hindi nauubusan
Ng mga bagay na maaring pagmasdan
Sa bawat segundong lumilipas
May mga pagbabagong nagaganap

Ang oras ko’y ganito na lamang nagdaan
Pagmamasid sa bulaklak na lamang ang alam
Sapat na ito, wala na akong ibang kailangan
Upang mapuno ang aking walang hanggan

Literary (Submission): Tick Tock





Fate is a funny thing.

Out of the infinitely many ways you could’ve been born to the infinitely many parents that could have had you, this very specific version of you is the one that came out into and survived in this world.

There were infinitely many things that could’ve happened in your life. Just turning on the wrong road at the wrong time could have drastically changed your life. Or ended it.

But no. You’re still here! And you’re still you.

There are infinitely many things you could do after reading this. You can be whoever you want to be and do whatever you want.

However, although there are infinitely many things that you could do or you could be, there is one thing that you can’t be.

Immortal.

We are only mortals living in a world of limitless and infinite possibilities for a finite amount of time.

So, after you read this, you could do one of infinitely many things which may result into one of infinitely many outcomes. But remember to choose wisely, for the clock is ticking.

Tick.
Tock.
Tick.

Literary (Submission): Magpasawalang-hanggan





At binigkas ng isang boses na umabot sa lahat ng panig ng mundo,
Sigurado ka ba?
Bibigyan kita ng pagkakataong pumili.
Maniwala ka sa'kin,
Bibigyan kita ng pagkakataong pumili.
Pagdarasal, pagmamahal,
Kaluluwang maaliwalas
At maliligtas ka, aking pangako,
Buhay
mag-
pa-
sa-
wa-
lang-
hang-
gan.

Nirvana, Elysium, Vaikuntha,
Langit
Paraiso
Magpasawalang-hanggan.

Sigurado ka ba?
Mahal Kita; ako’y naniniwala.

Sigurado ka ba?
Sinabi Mong ako nama’y karapat-dapat.

Sigurado ka ba?

Kaisipang minsa'y dumaraan sa aking kamalayan
Natatakot sa paraisong balang-araw makasasanayan
Dahil bagamat walang ibang hinahangad ang isang tao kundi ito
Hindi ko alam kung ano ang aking pwesto sa walang katapusang paraiso.

Kaisipang isinasantabi sa bawat araw, bawat ngayon
Natatakot sa isang panahong ako'y hihinga nang walang nilalayon
Dahil sa kailaliman at sa kabila ng aking nagmamahal, naniniwala, at nagdarasal na puso,
Hindi pa ako sigurado kung kaya ng aking kaluluwang mabuhay nang walang dulo.

Literary (Submission): May dulo nga ba?





Sigurado akong narinig mo na ang katagang “Hanggang sa dulo ng walang hanggan.” Masarap pakinggan at masarap ding bigkasin lalo na kung may halong pagmamahal ang pagsabi, parang may lalim kumbaga. Pero kung iisipin, hindi naman ito malalim at hindi nga din tama, dahil kung walang hanggan, bakit ito may dulo? Oo, alam ko pilosopong tanong pero bakit nga ba?

Kung isasalin ang kataga sa Ingles ito’y “until the end of forever.” Mas weird pakinggan, forever nga may end pa, sa bagay marami namang naniniwala na walang forever, isa na ako roon. Pero ano ba talaga ang ibig sabihin nito? Kung susuriin kasi, kadalasan itong sinasabi pagkatapos ng mga katagang Mamahalin kita… Magsasama tayo… Maghihintay ako… atbp. Sa madaling salita, kadalasan itong ginagamit sa malikhaing paraan, maaring sa kanta, kwento, tula, atbp. Pero sa totoo lang, ibig sabihin talaga ng katagang ito ay walang dulo ang walang hanggan, kaya’t kung sasagutin ito ng patanong “May dulo ba ang walang hanggan?” Ang sagot, wala. Sadyang dinidiin lang talaga ng katagang ito na wala talagang dulo o hangganan. Pero kung ano man ang tunay na kahulugan nito, kayo na siguro ang bahalang humusga, basta’t wala akong intensyon na i-bash ang kung anumang kanta, palabas, tula, atbp. Na may kaugnayan dito, hindi rin ako naghahanap ng away. Sadyang curious lang talaga ako dito na lagi nating sinasabi o naririnig pero di’ naman nating lubos na naiintindihan. Pero isa lang ito sa mga kakaibang kataga na matagal nang bumabagabag sa isip ko, sa susunod siguro subukan kong sagutin ang tanong na “Gaano kadalas ang minsan?”

Literary (Submission): Ano Ang Tunay





Ano ang tunay na kasiyahan?
Ano naman ang tunay na kalungkutan?
Tunay na galit? Diri? Takot?
Pagmamahalan?

Sino ang nagdidikta kung ano ang tunay?
Tayo ba bilang taong buhay?
Tayo ba dahil may isipan?
O dahil tayong tao ay maaring mamatay?

Kung hindi tao, ang diyos?
Dinikita sa sampung utos?
Tao'y susunod sa pamamagitan ng alay,
dahil kapangyarihan niya'y lubos?

Paano ito nabuo?
Mga ideya, isip, konsepto?
Sa sobrang dami ay hindi nauubos.
Kailangan nga ba ito matatapos?

Ngunit...

Ang tunay na katunayan,
ay hindi napapaloob sa isang kahulugan.
Kagaya ng pangarap, salita, o pagmamahalan.
Ang mga kahulugan na ito'y walang hangganan.

At sa katunayan,
ang mga ito'y, wala ring katapusan.

Sa huli…

Upang masagot ang mga tanong,
ito lamang ang iyong sasabihin...

Ano ang tunay?

Literary (Submission): Patuloy na paglaban






Hating-gabi, tago ang mga bituin sa likod ng mga ulap. Sa isang kwarto may maririnig kang tunog ng makinilya. Sa bawat linyang nasusulat, tinutulak ni Cara pabalik ang platina ng makinilya.

May kumatok sa pintuan niya. Binuksan ng nanay ni Cara ang pintuan ng kwarto niya. Malaki ang mga anino ng nanay mula sa kandilang hawak niya.

"Alam mo, kapag nagpupuyat ka nang ganito, papangit kutis mo."

Sumagot si Cara nang hindi tumitingin, "Ayos lang pumangit ang kutis, basta maganda ang sulat ko."

"Magiging maganda ba ang gawa mo kung inaantok ka noong ginawa mo?"

"Mas nabubuhay ako sa gabi, Ma."

Tumawa ang nanay nang bahagya. Nilapitan niya si Cara at nagtanong, "Mula nang ipahiram sa’yo ng paaralan yang makinilya na ‘yan, hindi ka na natulog nang maaga."

Sumagot si Cara nang hindi lumilingon, tuloy lang ang pagmakinilya, “Kahit naman po noong walang makinilya, nagpupuyat pa rin naman ako.”

Pinatong ng nanay ang kandila sa mesa sa may kama. Dahan-dahang umupo ang nanay sa kama ni Cara. “Ano bang sinusulat mo, ‘nak?”

“Isa pong artikulo, para sa pahayagang ilalabas sa dulo ng buwan.”

“Tungkol saan naman ‘yan?”

Ngumiti si Cara at sinabi, “Tungkol sa pag-abuso ng guardia sibil.”

Umandap ang apoy ng kandila. May simangot na lumitaw mula sa mukha ng nanay.

“Anong pinagsasabi mo?” sabi ng nanay, wala nang aruga at hinhin mula sa boses niya.

Tumigil sa pagmakinilya si Cara. “Alam mo naman ang nangyayari, Ma. Sigurado akong may naririnig ka mula kina tita Selca. Lagi ka namang nakikiusap sa mga kapit-bahay natin.”

“Kuwento lang ‘yon ng mga babaeng ‘yon. Wala naman akong naririnig sa mga kapit-bahay natin na nabibiktima.”

“Siyempre wala sa kalye natin. Puro mga taga-eskinita ang binibiktima.”

Konting tumaas ang boses ni Cara, “Porket mahirap, tinutulak-tulak na lang ng kung sinu-sino.”

Tinaasan rin ng nanay ang kanyang boses, “Bakit mo pa kailangan magsulat tungkol diyan? Hindi naman natin problema ‘yan.”

“E paano kung tayo ‘yon, Ma?”

“Hangga’t maging tahimik tayo tungkol sa guardia sibil, hindi nila tayo guguluhin.”

Nagkaroon ng ilang sandali ng katahimikan sa pagitan nila. Huminga nang malalim si Cara para huminahon siya.

“Hindi na po ito katulad ng panahon mo na bawal magsalita laban sa pamahalaan.” sabi ni Cara, “Umalis na ang mga dayuhan dito sa Lamina, napalitan na ang diktador na pangulo. Ito na ang panahon para magsalita para sa hustisiya ng kapwa nating tao.”

Kumulubot ang noo nang nanay, “Kahit wala na sila, delikado pa rin ang ginagawa mo–”

“Ang ginagawa ko ay ipinapakita ang katotohanan.”

Hindi na hinintay ni Cara ang sagot ng nanay. Tumuloy na siya sa pagmamakinilya. Namagitan sa mag-ina ang katahimikan ng gabi.

Naglabas ng buntong-hininga ang nanay. Alam niyang wala siyang masasabi para magbago ang isip ni Cara, kaya kinuha niya ang kandila niya mula sa mesa at naglakad palabas.

Sinara niya ang pintuan nang palabas siya.

"Huwag ka masyado magpagabi, anak." sabi ng nanay. Ngumiti siyang maliit, "Bibili ka pa ng umagahan para sa kapatid mo bukas sa karinderya."

"Opo ma."

Sa pagsara ng pintuan, tuloy ang tunog ng pagmakinilya ni Cara. Tuloy ang kanyang paglaban para sa tama.

Literary (Submission): Patuloy na pagpikit






Patuloy bumabalot ang lamig ng panahon sa katawan ng lalaki. Mula sa kulay-abong langit ay nagsihulog ang mga luha. Nagsimulang umambon. Ang iisang pumipigil sa lamig na pumasok sa kaniyang katawan ay ang itim na barong na suot niya.

Minadali niya ang paglakad. Plano niyang tumambay sa isang karinderya upang magpalipas ng ulan. Habang naglalakad, pinapagpag niya ang kaniyang itim na barong. Kahit papaano, sinusubukan niyang panatilihing malinis ito.

Sa tabi ng bangketang nilalakaran ng lalaki ay ang batong kalsada ng Lamina, puno ng mga kalesa. Bukod sa iskape ng mga kabayo, minsan ay may maririnig na ungol ng makina ng kotse. Tuwing dumadaan ang mga kotseng dala ng dayuhan, may iniiwan silang usok sa daan. Nagmadali ang mga kalesa sa kalsada. Mukhang ayaw nilang maabutan ng ulan.

Naglabas ng lalaki ng puting panyo para takpan ang kaniyang bibig. Tuwing may usok na binubuga ang mga kotse, sabay siyang napapaubo.

Pagkalagpas niya sa isang eskinita, may batang nakabangga sa kaniya. Sumimangot ang lalaki dahil nalagyan ng dumi ang kaniyang suot.

“Ayos lang ako madumihan, huwag lang sana ang barong ni ‘tay…” inisip ng lalaki.

Paglingon niya sa bata, napansin niyang puno ng sipon at luha ang kaniyang mukha. Tiningnan ng lalaki ang bata sa mata. Napuno siya ng awa para sa bata, pero binura niya agad mula sa isip niya ito.

Hinawakan ng bata ang manggas ng barong ng lalaki.

"Kuya," sabi ng bata, may kasama pang hagulgol, "tulong po."

Tatanungin niya dapat ang bata kung ano ang problema nang may narinig siyang malakas na pagsasaboy na narinig mula sa kadiliman sa eskinita. Lumingon ang lalaki dito at may nakita siyang lumabas na guardia sibil, tumatakbo palabas, kapit ang kaniyang baril. Sabay ng maingay na tilamsik ng mga tubig ay ang magaspang na boses ng guardia sibil.

"Huminto ka, bata!"

Hinila ulit ng bata ang manggas ng lalaki, "Kuya, sige na. Hinahabol ako ng guardia sibil."

Kita sa mata ng bata ang pagmamakaawa niya. Nag-atubili ang lalaki nang saglit bago niya sinabi, “Pasensiya na bata, ayaw ko ng gulo.”

Binawi ng lalaki ang kaniyang manggas at tinalikuran ang bata. Binilisan niya ang kaniyang paglakad. Naiwan ang bata, papalapit ang guardia sibil.

Lumakas ang ulan. Bumuhos sa dalawa ang luha ng langit.

Isang bata, isa na namang biktima.

Isang lalaki, isa na namang nagpikit-mata.

Literary (Submission): Sa Dulo ng Walang Hanggan



“Lagi na lang umuulan, parang walang katapusan”

Bigat ng problema na aking pasan-pasan
Sa ilalim ng madilim na langit at pumapatak na ulan
Hindi ko isusuko ang alay sa minamahal
Sa halip, ang ginhawang nalalapit ang aking ipagdarasal

“Sa ating mga tampuhang walang hanggang katapusan”

Maliliit na away na ‘di mawakasan
Ito pa ba ang tatapos sa lahat ng ating pinagsamahan?
Problema’t lumbay ay ‘di maiiwasan
Sabay nating harapin at magkasamang solusyonan

“Tulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag-agos, pag-ibig ‘di matatapos”

Pararaaning parang agos ang lahat ng bagay
Hindi magkikimkim ng kasawian sa buhay
Pagmamahalang wagas ang sa puso’y ilalagay
At ating mararating ang walang hanggang tunay

“Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan”

Doon, ikaw ay aking sasamahan
Maglalakbay kung saan dalhin ng kapalaran
Dahil ang pag-ibig ko sayo’y walang katapusan
Hinding-hindi mauubos magpakailanman



Literary (Submission): Tahan na





Ilang taon ka nang lumuluha
Tahimik na nasasaktan
Nababaon sa kahapon
Tila ‘di na makababangon

Sisikat ang araw
Ipakikita sa’yong may pag-asa
Madarama mo ang init ng araw
Unos ng kahapo’y mawawala

Tahan na, mahal ko
Hinding-hindi ka iiwan
Hayaan mong ako ang maging sandalan mo
Nandito na ako

‘Wag nang hayaan na matangay ng karagatan
‘Wag magpalamon sa mga alon
Sasagipin kita hangga’t makakaya ko
Iaahon kita sa gitna ng bagyo

Sisikat ang araw
Ipakikita sa’yong may pag-asa
Madarama mo ang init ng araw
Unos ng kahapo’y mawawala

Tahan na, mahal ko
Hinding-hindi ka iiwan
Hayaan mong ako ang maging sandalan mo
Nandito na ako

Pagmamahal sa iyo’y hinding-hindi matatapos
Kahit mga bituin sa kalangitan ay maubos
Hahawakan ang iyong mga kamay
At lalakarin natin ang kalawakan nang sabay

Tahan na, mahal ko
Hinding-hindi na iiwan
Hayaan mong ako ang maging sandalan mo
Nandito na ako

Tahan na, mahal ko
‘Wag nang lumuha pa
Nandito lang ako

Literary (Submission): Forevermore





How do I say this properly
In a way that dusts you pink
With only my rhymes and coquetry
And fills you sugar-brink

I wish to tell you
And subsequently so
That if the world permits it too
To be with you, till the final cock-crow

I do think it’s roundabout
But I hope it bids you well
The words I’d love to shout
To make your heart swell

As cheesy as it may sound
My dear beloved one
For you, I had found
I’m tied up in a knot, shan’t be undone

Your laugh it rings
In sparkling, crystal tone
The kind of broken glass things
That I can’t help but call home

And must I say, your appetite
Yet your spindly frame so light
Darling, its stronger than a giant's smite
I would love to hold at night

But in the end your sweetness
The kind that fills me to the brim
Those words you say without finesse
It has your name as love's synonym

I hope I’d at least made you laugh
Or smile, that one that I do adore
I write today, on your behalf
Whom I wish only forevermore

Literary (Submission): Alien Love Story





You found me, a vagabond,
Drifting about in space
In the wrecks of a ship,
Slowly running out of oxygen

How odd of this fragile bond
Me and you, both alien race
Abducting me with your grip
If I had to, I'd do it all again

It seems that it is you I'm fond of
Those quirked lips on your face
The funny way that you quip
Oh, please don't leave me in the meteor rain

To infinity and beyond
It seems that I would chase
Take me with you on your trip
I couldn't stand to love you all in vain

Literary: Incoming Transmissions of a Ship-wrecked Spaceship





With the recent developments in light speed travel, new distances of travel have been made possible.

The Schedar Sector in the constellation of Cassiopeia is now determinably accessible by human technology.

The following are excerpts of the transcriptions of incoming transmissions from the recently recovered spaceship Kismet. Kismet encountered a routing error and got ship-wrecked in the Schedar Sector.

It took 139 years before it was retrieved.

LOG 1585: Captain Phoenix? This is Ground Control. Have you reached the Lighthouse Station? Please respond.

LOG 1590: Ground Control to Kismet. You are off the radar. Return back to your route.

LOG 1768: Hello? Joaquin? It’s Ripley. Please. Are you hearing me from out there? Are you still you? Or have you started to rupture in your slumber? *sighs* A search party is on its way. Please wait for us.

LOG 1788: What would it take to make you mine again? How long would it take to breathe you back to life? Hold on, Joaquin. Stay still. You know there is no universe vast enough and no century nor millennium long enough for a soul longing for its home.

LOG 2031: Day 7000. I’m sorry we’re taking too long. But don’t worry. We won’t stop. I won’t stop. Until I find you.

*long pause*

I’d wait an eternity, from this infinity to the next, just to find you again.

*long pause*

I hope you would too.

Literary: Why am I Falling?





Falling feels good
And it's such a mood
However some say it's crude
But to me, happiness I exude.

Just the feeling of air
Gushing through your hair.
Flowing about so fair.
Why would I go elsewhere?

The reason I'm falling, you may ask,
Has an answer to unmask.
Once you find it, surely you'll bask
And celebrate as if the pasch

To help I'll give clues,
Which were meant for my amuse,
but built to confuse.
So here it is for you to accrue:

"I have been falling for a long time.
Nothing can stop it, yet I feel sublime.
For I like falling, but don't blame me, cause it's no crime.

I can also only see darkness.
No, it's not because of blindness.
It's more of a "no light premises"

Turns out, while falling, I can do anything.
Yet that anything, soon turned to regretting…
HAHAHA! What am I saying?

Of course I don't feel regret whatsoever.
Let my falling go on forever!
Enter your answer in the comment box below:)"

Pasch like Easter and passover

Literary: The Prayer





How can a moment last forever?
Does it take some magic I hadn’t found?
What's the mystic old-time formula
For slowing seconds down?

Who do I ask for forever?
It seems that I'm running out of time
Soon, won't it be too late for this dance
Please don't end it, I beg you

Why can't this last forever?
I danced in space for a lifetime
But with them, a minute and a half
I'm helpless watching the seconds pass

Can't I wish for them, a forever?
But age, it grows and greys
Oh, let this warmth stay whenever
In my heart, I swear they'll stay

Do I have to say goodbye to forever?
I fall asleep and it was bliss
Next to them, I felt forever
But as I wake, it grew… cold

Literary: Drafts of the Writing Process





Draft #1

Infuriating
This page of boundlessness
Its barrenness haunting me
With words of continuity

...

Draft #578

Aggravating
This page of limitlessness
Its desolateness ridiculing me
With words of immeasurability

...

Draft #13905

Irritating
This page of vastness
Its emptiness mocking me
With words of sempiternity

...

Draft #∞

Frustrating
This page of possibilities
Its blankness taunting me
With words of infinity

Literary: Pinakamagandang Babae sa Aking mga Mata





Pagmulat ng aking mga mata
Ikaw ang una kong nakita
Mga mata mong kay lambing kung tumingin
Mga matang ako lang ang pinapansin

Pinakamagandang babae sa balat ng lupa
Ikaw ‘yun at wala ng iba
Kagandahan mo’y angat sa iba
Kita sa panloob at panlabas mo ang ganda

Sa aking paglaki
Ikaw ang laging kapiling
Kasama ko kahit saan
Gabay ko patungo sa tamang daan

Pati sa pag-aaral
Ako’y ‘di mo pinapabayaan
Sa mga takdang-aralin
Ikaw ang laging kaagapay

Pagmamahal mo ay wagas
Ramdam ko sa bawat oras
Wala nang ibang hihilingin pa
Makasama ka lang ay sapat na

Sa iyong pagtanda
Ako naman ang mag-aalaga
Palagi kang sasamahan
Pangakong ‘di ka iiwan

Pagmamahal mo ay susuklian
Ng pagmamahal kong walang hanggan
Laging ipaaalala sa’yo,
Na ikaw ang pinakamagandang babae sa aking buhay

Literary: Totoo 'to





Setyembre 28 2019
Aking Irog,

Bakit kaya noon iniisip mong parang mali 'yung ginagawa ko; parang rebound lang 'yung mapupuntahan ko kung nagtagal tayong dalawa. Pero sinabi ko sa’yo na hindi ‘yon totoo at mahal na mahal kita.

Pero may tanong ako para sa sarili ko, bakit nga ba hindi tayo magkalapit noon. Ngunit ngayo'y biglaan ka na lang sumagot ng oo noong aking tinanong kung puwede bang maging tayong dalawa. Sa oras na ‘yon ay bumalik sa aking isipan ang sinabi ng aking mga kaibigan...

“Baka nagustuhan mo lang siya dahil kahihiwalay lang niya.”
“Gusto mo lang siyang tulungan; yun lang talaga.”
“Hindi mo talaga siya gusto; marupok ka lang para sa isang dalaga.”
“Lalandiin mo lang naman siya at hindi mo bibigyang-halaga ang pagkatao niya.”

Ayan ang mga narinig ko noong bago ako umamin sa’yo. Pero ngayong mas malinaw na ang isip ko ay alam kong hindi ako pumasok sa relasyong ‘to para iwanan ka lang bigla. Iba ang nakikita ko sa’yo na hindi kayang makita ng iba. Isa kang malakas na tao, hindi ka agad sumusuko kahit sobrang tindi na ng nararansan mong hirap. Kapag tumutulong ka naman sa ibang taong may pangangailangan, binibigay mo lahat ang iyong makakaya para matulungan sila.

Kaya para sa akin, tama ang ginawa ko noong hapong iyon, sinabi ko sa’yo ang nararamdaman ko.

Pagkatapos ng pangyayaring ‘yon ay may sinabi ka, “Gusto rin kita ha.” Parang matagal na tayong magkaibigan kahit halos wala talaga tayong pinagsamahan.

Ngayon ay papalapit na ang ating anibersaryo at gusto ko lang sabihing ibang-iba ka talaga sa lahat ng babae sa ating eskuwelahan. Kahit na hindi talaga tayo magkakilala noon ay sobrang mabait ka pa rin sa’kin, o kaya naman ay tinutulungan mo ang mga taong may kailangan ng tulog kahit hindi kayo magkakilala. Kapag nahihirapan ka sa isang asignatura ay puwede kitang turuan. Kung ano mang problema ang dumating sa buhay mo, handa akong tulungan ka. 'Yun naman ang layunin ng isang kasintahan diba?

Gusto ko lang sabihin sa’yo na mahal kita kahit marami pa tayong puwedeng matutunan mula sa isa’t isa. Handa akong makasama ka hanggang sa aking makakaya… hanggang mamatay tayong dalawa aking sinta.


Galing kay
Isko

Literary: Comfort Zone Left





Cozily settled, away from peril
Or any other unexpected change
My oh my, how safe it is to be here!
Forever shall I stay inside this room...
Oh, wait. Is this what I desire indeed?
Remaining unaware of the outside?
Taking no opportunities at all?

Zero chance of conquering fears? No way!
Only when I venture out will I grow.
Nodding to, instead of casting aside
Endless, exciting possibilities

Letting go of my resistance to change
Eager, ready to explore and take risks
Full of confidence while being careful
Today, I am leaving my comfort zone.

Literary (Submission): Truth, if You Dare




This world of infinite information,
Limitless methods of dissemination,
From lead to ink to cables,
Why do we still believe in fables?

Despite this all, we cannot
Determine what is true or not.
Readily giving what you seek,
Yet they deceivingly speak.

Beware the candyman,
His truths as real as the boogeyman.
Though sweet be his tongue,
Only lies and deception are sung.

Sift through the silt and sand,
Find the gems of truth you demand.
The day you let falsehood reign,
The truth may not return again.

Literary (Submission): Araw-araw sa mga eskinita ng Lamina




Patuloy ang kapayapaan sa eskinita. Maraming sala-salabat na sampayan sa mga eskinita. Nakasampay dito ang mga basang labahan ng taga-eskinita. Ang bawat patak ng tubig mula dito ay laging nahuhulog sa mga taga-eskinita. Sa ilalim ng mga sampayan, may batang umiiwas sa mga patak ng tubig. Bitbit niya ang mga tinda niyang basahan. Sa bawat tapak niya sa basang sahig tumatalsik ang putik papunta sa kanyang mga binti. Sa mga gilid ng eskinita, may mga tambak ng basurang kinakalkal ng mga pusa at aso. Mga basurang nilagay na lang sa tabi. Sa paglagpas niya sa mga basura, kumaripas ang mga aso at pusa paalis, mga dalawang pusa at isang aso. Paglapit niya sa pintuan ng bahay nila, napansin niyang nakabukas. Ang kakaunting gamit sa bahay ay kung saan-saan binato. Ang ina ng bata ay sinasakal ng guardia sibil. Lumingon ang guardia sibil sa bata.