Showing posts with label scouting. Show all posts

Investiture 2016, idinaos



PANUNUMPA. Sabay-sabay na nanumpa sa harap ng mga manonood ang mga Junior at Senior Girl Scouts of the Philippines. Photo credit: Beca Sinchongco

Itinalaga ang bagong scouts ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) nitong buwan ng Oktubre sa Bulwagan 3-6.

Ginanap noong Oktubre 7 ang investiture ng Senior Scouts at Boy Scouts of the Philippines (BSP) samantalang noong Oktubre 14 naman ang sa Girl Scouts of the Philippines (GSP).

Dalawampu’t pitong bagong Senior GSP, 26 na bagong Junior GSP, at 16 na Cadets mula sa Batch 2019 ang itinalaga. Anim na troop leaders naman ang nadagdag upang magsilbing gabay ng scouts. Bilang pagwawakas ay nagtalumpati ang GSP Quezon City board member at investing officer na si Gng. Wayawaya Sabia.

SA WAKAS. Nakangiting tagumpay ang mga bagong cadets ng Girl Scouts of the Philippines.
Photo credit: Anne Therese Papa

“Masaya ako kasi first time at medyo excited ako sa mga mangyayari. Ineexpect ko po na maganda ang place ng camping at masaya,”pagbabahagi tungkol sa gawain ni Jhia Bartolome na isang bagong GSP.

Samantala, pinangunahan naman ng mga Phoenix, boy leaders, at tagapayo ang pagtatalaga ng Senior at Boy Scouts kung saan 30 bagong Senior Scouts at 21 bagong BSP ang itinalaga. Si G. James Timothy Liwag ng UPIS Batch 2012 ang panauhing pandangal. Isa siya sa mga Eagle Scouts ng UPIS, ang pinakamataas na ranggong maaaring makamit ng isang estudyante sa BSP. Bilang panimulang pagbati naman ay nagtalumpati si Dr. Ronaldo San Jose. Binigyang tuon niya ang mga bagay na dapat taglayin at pagtibayin ng mga Senior at Boy Scouts.

LAGING HANDA. Sama-samang sinalubong ng Senior Scouts at Boy Scouts ang mga bago nitong miyembro.
Photo credit: Hanzvic Dellomas

Matapos ang kanilang seremonya, nagkaroon ang Senior Scouts at BSP ng Investiture Camp sa gusali ng 7-12. Nilayon nitong patatagin ang ugnayan sa pagitan ng scouts. // nina Hanzvic Dellomas at Beca Sinchongco

UPIS scouts 'survive' Annual Camps 2016

The UPIS senior Boy Scouts (BSP) and Girl Scouts (GSP) enhanced their survival skills in their respective annual camps held last January 21-24.

LAGING HANDA. UPIS Senior scouts pose for a picture with the Philippine Army Disaster Response Team
after a simulation exercise during their Urban Survival Camp last January 21-21. JOHN FAJUTAGANA

Senior BSP trained with the 51st engineer brigade at Camp Atienza in Libis, Quezon City while the GSP honed their skills at the Sun Moon Beach Resort in Bagac, Bataan. Sixty eight senior boy scouts and 103 junior and senior girl scouts attended the annual camps.

CASTAWAY. The UPIS GSP await the beginning of their campfire, one of the most awaited activities
during their Annual Camp at the Sun Moon Beach Resort in Bagac, Bataan last January 21-24. LYKA LUBANG

They were taught different skills to aid survival in their respective environment such as disaster response for the BSP and island survival for the GSP. Activities including a disaster simulation that required the scouts to apply their newly acquired skills were also given. / by Raymund Creencia, Rachel Siringan

UPIS GSP, matagumpay na nagdaos ng Annual Camp

Matagumpay na naisagawa ng UPIS Girl Scouts of the Philippines ang kanilang Annual Camp noong Pebrero 19-22, 2015 sa Camp Capinpin, Tanay Rizal.

Sinalubong ang mga scouts ng isang Seremonya ng Pagpaparangal sa mga Bisita , pagpapakitang gilas ng Jungle Fighters Marching Band at isang rifle and defense demonstration.
Sa loob ng tatlong araw, isinagawa ng mga cadets ang kanilang mga inihandang gawain para sa mga scouts tulad ng Patrol Team Building, Batch Team Building, Overall Sensitivity Test (OST), Bravery Test, at ang Mr. and Ms. GSP.

Mayroon ding mga inihandang aktibidad ang kasundaluhan para sa mga scouts tulad ng Rope Course, Obstacle Course, Rappelling, at Zipline.

Natapos ang camp sa isang awarding ceremony. Nakuha ng Batch 2018 (2x9) ang ilan sa mga individual awards katulad ng “Sensei Award” ni Urielle Lilang bilang Best Patrol Leader dahil sa determinasyong ipinamalas niya sa mga patrol activities. Kasama ring nakuha ng 2x9 ang Best Batch Award dahil sa matataas na puntos nila sa Batch Team Building Activities. At nakamit naman ng 2020 ang Most Improved Batch award dahil naipakita nila ang kanilang kakayanang makipagsabayan sa mga gawain sa iba pang batch kumpara sa ipinamalas nila noong nakaraang Camporee. / sa ulat nina Camille Lita, Nicole Rabang, at Aina Ramolete

4-day camporee matagumpay na inilunsad ng GSP at BSP

Inilunsad muli ang taunang camporee ng mga Senior Boy Scouts at Senior Girl Scouts noong Oktubre 17-20 sa UPIS.
Photo credit: Mai Arciga, Arienne Baladad


Sinimulan na noong Oktubre 17 ang iba’t ibang gawain na inihanda ng dalawang nabanggit na organisasyon. At noong Oktubre 18 ay pormal itong binuksan sa isang Joint Flag Ceremony na pinangunahan naman ni Dr. Ronaldo San Jose at ng mga tagapayo ng GSP at BSP. Kasama rin sa nabanggit na okasyon ang pamunuan ng Kabalikat sa pangunguna ni Sir Rene Rollon. Kasabay nito, pinarangalan rin ang mga nahirang na Huwarang Scouts noong AY 2013-2014. Sina Ruth T. Siringan ang pinarangalan bilang Huwang Scout para sa Senior Girl Scout at JC Lorenzo naman para sa Senoir Boy Scout.

Ilan sa mga gawain na pinakaabangan sa taong ito ay ang Amazing Race na pinaghandaan ng mga miyembro ng BSP at GSP. Nasukat rito ang lakas ng pangangatawan at pag-iisip ng mga scouts gayondin ang kanilang teamwork. Pinakainabangan din ang Socials na isa sa mga joint activity ng BSP ay GSP. Naghanda ng mga palaro ang pamunuan ng bawat organisasyon. Matapos nito ay sumunod naman ang pinakahihintay ng lahat na sayawan.

Bilang pangwakas na programa, magkahiwalay na nagdaos ng awarding ceremony ang BSP at GSP na ginanap sa huling araw ng camping. Itinanghal na Best Camper si Basti Regala para BSP at Dana Sumalabe naman sa GSP. / nina Trisha Serrano at Juneau Villanueva

UPIS Scouts hold Annual Camp 2014

The UPIS Senior Boy (BSP) and Girl (GSP) Scouts took part in their yearly outdoor camp from January 30 to February 3 at different camping venues in Batangas.

The BSP Phoenix and GSP Cadets facilitated their respective camps. The GSP camping consisted of trekking, a cook-out, campfire, and various team building activities in order to put to good use the skills learned as a girl scout.

The BSP camp consisted of a 5-day survival camp at Lobo, Batangas. In order to meet to accomplish the requirements for Venturer and Eagle scout, the boys had to experience survival and isolation activities in the jungle and at the beach. The Senior Scouts were assisted by the Philippine Coastguard, Army, and Ranger to help assure the safety of the camp. / with reports from B. Bagnes, D. Saunders, et al.

Pagtatalaga sa Senior Girl Scouts, muling isinagawa

Ang taunang pagtatalaga ng mga bagong Senior Girl Scouts ay ginanap noong Setyembre 27, 2013 ika-5 ng hapon sa Multipurpose Hall.

Nagsimula ang programa sa pambungad na salita ni Dr. Ronaldo M. San Jose. Kung saan nabanggit niya ang tumataas na dami ng mga mag-aaral na sumasali sa scouting.

Isa-isang sinindihan ng mga troop at patrol leader ang mga kandila na sumisimbolo sa mga pangako at batas ng Girl Scouts.

Matapos sindihan ang mga kandila, itinalaga ang mga bagong kasapi ng Senior Scouts. Tinatayang 75 Senior Scouts at 33 Cadets ang itinalaga sa taong ito.

Tinapos ang pagtitipon sa pangwakas na pananalita ni Dr. Rene Rollon, ang Chair Person ng UPIS Institutional Scouting Committee. / ni Donna Roces

UPIS boy scouts participate in Scout Memorial Day

UPIS was awarded as the most active school in District 4 while Senior Scout Adrian Bornilla of Batch 2018 won first place in the quiz bee in the recently concluded Council Camp held at the Quezon Memorial Circle from July 26-28.
Adrian Bornilla receives his first place trophy for the Quiz Bee.
Photo credit: Christopher Jan Landicho

The camp was held in commemoration of Scout Memorial Day where the scouts also paid tribute to the 24 deceased scout heroes by hiking from Quezon Memorial Circle to the Boy Scout Memorial at Tomas Morato where they held mass and offered flowers.

Scout Memorial Day is held every July 28 to honor the 20 Boy Scouts and 4 scoutmasters who died in a plane crash while on their way to Marathon, Greece where they were to be the Philippine delegates of the 11th International Jamboree in 1963.

Relatives of the deceased scouts also attended the camp to share their story to the Boy Scouts. / by Celine Medina and Red Rivera

Pagtatalaga ng mga Boy Scouts and Senior Scouts, idinaos

Ginanap ang panunumpa at pagtatalaga ng UPIS Boy Scouts at Senior Scouts noong Hulyo 19 sa Multi Purpose Hall.

Ang pagtatalaga at muling panunumpa ng mga UPIS BSP.
(c) Deneese Montalbo
Nagbigay ng pambungad na pananalita si Dr. Ronaldo San Jose, ang prinsipal at nagsisilbing Institutional Head ng BSP. Ayon kay Dr. San Jose, dapat na ikarangal ng bawat scout ang pagsali nila sa samahang ito sapagkat paunti na ng paunti ang mga sumasali at nakikilahok sa scouting movement.

Nagpatuloy ang seremonya sa panunumpa ng mga bagong Boy at Senior Scouts sa pangunguna ni Senior Scout Reinon Salvador.

Nagbigay naman ng talumpati ang panauhing pandangal na si Mr. Patrick Joseph Diaz, isang UPIS alumnus at isa sa pinakamahuhusay na Senior Scout noong siya ay nasa Grado 10. Ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan bilang isang scout at kung paano hinubog ng scouting ang kanyang kasanayan sa pamumuno.

Bilang pagtatapos, nanumpa ang mga scouts na kanilang isasabuhay ang Senior Scout Code at mga batas ng scouts.

Ang Investiture Camp ng mga Senior Scouts ay ginanap pagkatapos ng seremonya. / nina Deneese Montalbo, Psalma Nadera, at Donna Roces

Doronila, 1 of 5 outstanding KAB scouts in NCR

Paolo Doronila of grade 3-Dagat ranked 4th in the NCR search for outstanding KAB Scouts held at the University of Makati last September 21.

According to Ms. Cha Guerrero, one of the kawan leaders, after going through the process, he was announced 3rd runner-up and was also awarded Best in Formal Attire. Doronila competed against 12 other scouts.

He first joined Quezon City Council’s search for a Quezon City representative which was held last September 12.  by Benjo Hernandez, Patricia Lim, and Bianca Pio

UPIS tumulong sa mga nasalanta ni Pedring

Juan Ysmael Mendoza

Ilang mag-aaral at guro ng UPIS na tumulong sa pag-aayos
ng relief goods sa Sagip Kapamilya headquarters.
"Nakatutuwang makita na may bayanihan pa rin sa UPIS," wika ni Prop. Czarina Agcaoili habang inihahanda ang mga relief goods na ipinadala sa ABS-CBN Sagip Kapamilya noong Oktubre 10.

Noong nakaraang Linggo, nagbigay ng liham ang Extension Committee sa pamumuno ni Prop. Agcaoili na nanghihikayat sa komunidad ng UPIS na tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Pedring sa mga kababayan natin sa kalakhang Luzon.

Tumulong ang mga Cadet Officers ng UPIS Corps of Cadets sa pagkolekta at pagbubukod ng mga relief goods kasama ang ilang estudyante ng Grado 4 (Batch 2018). Ang mga Boy at Girl Scouts at pamunuan ng Kamag-aral 3-6 naman ang sumama sa pagpapadala ng mga ito sa ABS-CBN.

Ang mga kadete at ilang mag-aaral ng Batch 2018 na nagbubukod ng mga
donasyon sa 3-6 Faculty Lounge.

Nakapagpadala ang UPIS nang halos dalawang Jeep na puno ng mga donasyon.

Nagpapasalamat si Prop. Agcaoili sa mga nagbigay donasyon at tulong sa mga nasalanta. Ipinahayag niyang naging makabuluhan ang bayanihang ito sa komunidad ng UPIS.

Ang mga larawan ay kuha ni Prop. Michelle S. Sonza.

Taunang BSP investiture, idinaos

nina Sarah Romero at Cara Bilangel

UPIS Senior Scouts' investiture rites held at the Multipurpose Hall.
Ginanap noong Setyembre 16 ang taunang investiture ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ng UPIS sa Multi-Purpose Hall kung saan itinalaga ang mga bagong senior scouts ng organisasyon.

Bilang panimula, nagbigay ng pambungad na pananalita si Dr. Ronaldo San Jose, ang prinsipal at tumatayong Instituitional Head ng BSP. Pinangunahan naman ni G. Ralph Cedro, outfit adviser ng BSP, ang pagtanggap at panunumpa ng mga bagong senior scouts.

Nagbigay naman ng isang talumpati ang panauhing pandangal na si Atty. Romel Casis. Binanggit niya na isang karangalan ang pagiging boy scout. Idinagdag niyang dapat na isabuhay ang mga aral ng pagiging BSP.

Bilang tugon, namumpa ang mga Senior scouts na kanilang isasabuhay ang mga Batas ng Souts at Senior Scout Code.

Pagkatapos ng seremonya, ginanap ang Investiture Camp ng mga BSP.

Bagong girl scouts, itinalaga

Anna Angala, Kaye Banaag

Ginanap ang taunang investiture ng Girl Scouts of the Philippines ng UPIS sa Multi-Purpose Hall noong nakaraang Setyembre 9 kung saan itinalaga ang mga bagong senior scouts at bagong cadets habang ni-rededicate naman ang ibang scouts.

Nagbigay ng pambungad na pananalita si Dr. Ronaldo San Jose, ang prinsipal, at si Ma’am Lady Soledad Reodica na mula sa GSP Quezon City council tungkol sa tamang pagsasapuso ng pagiging isang scout .

Iba't ibang gawain sa team building ng Cadets 2012.
Matapos ang seremonya, nagkaroon ng isang team building activity ang mga cadet. Pinangunahan ito ni Ms. Karen Panol mula sa Eduk Inc.

Layunin ng team building na mabuo ang pagkakaisa at pagtutulungan sa bawat miyembro ng organisasyon. Kabilang din sa kanilang tungkulin ang pagpaplano at pagtatakda ng mga aktibidades para sa nalalapit na Senior Patrol Leadership Training (SPLT).

Ginanap naman ang investiture ng Junior Girl Scouts at Star Scouts noong Setyembre 12 sa Bulwagan. Bukod sa mga bagong scouts, itinalaga rin dito ang mga kasapi ng UPIS Junior GSP Patrol Committee na binubuo ng mga magulang at troop leader at pamumunuan ni Gng. Angelie Domingo.

Magkakaroon ng Patrol Leaders' Day Camp ang mga Junior Girl Scouts sa Oktubre 1. (CC)