Showing posts with label bubbles. Show all posts

Literary: Ibang Klase



Para sa mga taong nakasama ko ng 11 taon,
Isa kayo sa aking mga naging inspirasyon.
Nandiyan kayo mula sa pagkahilig ko sa laruan
Hanggang sa paglalaro ng taguan - taguan ng nararamdaman

Salamat sa lahat ng karanasang magaganda
Pati na rin sa mga hindi malilimutang alaala.
Huwag sana tayong magkakalimutan
‘Pagkat ang pagkakaibigan nati'y walang hanggan.

Hindi man tayo magkakasama hanggang pagtanda
Huwag n’yo sanang kakalimutan na tayo'y isang pamilya.
Nagsama-sama sa lungkot at saya.
Dahil ang batch na Akinse, ibang klase talaga.

Literary: Sa Tamang Panahon


Literary: Baka Sakali x Wala Na



Baka Sakali
Bubbles

Mahal kita, mahal na mahal
‘Tila ba ayaw ko nang bumitaw pa
Ang kasunduan nati’y maaari bang mabalewala na
At ika’y makasama hanggang sa dulo pa

Nalalaman mo ba?
Hahanap-hanapin ko ang iyong yakap at akbay
Ayokong matapos ang segundo, minuto at araw
Pagkat sa dulo tayo’y mag-hihiwalay

Hanggang dito na lang ba?
Sigurado ka na?
Kahit sa puso mong nanlalamg na
Ako’y patuloy na kakapit pa


Wala Na
Jollibee

Mahal kita, mahal mo ako
Mamahalin ang isa’t isa
Hangga’t nagkakasama tayo
Ito ang kasunduang matatapos na sa dulo

Nalalaman ko,
Nasanay ka na sa mga akbay at yakap ko
Wag mag-alala, araw, minuto at segundo
Ang hinihintay bago tayong dalawa’y tuluyang maghiwalay

Ako at ikaw, ‘di dapat magdamdam
Minahal kita, minahal mo ‘ko
Pero aminin nating tayo’y nagkasundo
Kung tayo, ay tayo muling magkikita sa dulo

Literary: Kabaliwan


Love?
Masasaktan ka lang dyan.
Sa simula lang masaya
Tapos biglang may bibitiw na isa.

Tiwala?
Sisirain niya lang yan.
Masyado ka kasing umasa
Na ikaw lang ang magugustuhan niya.

Forever?
Baliw nalang naniniwala dyan.
Wala naman nang tumatagal
Kasi walang handang sumugal.

Kayo?
Makakalimutan niya rin yan.
Magiging masaya siya
Sa piling na ng iba

Ikaw?
Kawawa ka naman.
‘Pagkat naniwala ka
Na may kayo talaga.


Literary: Hindi Pa Huli


Naaalala mo pa ba?
Noong nagtapat ka
Wala akong ibang masabi
               Kundi sorry.              

Hanggang kaibigan lang ba talaga?
Ayokong saktan ka
Pero wala akong magawa
Kundi sabihin ang “Oo, kaibigan lang kita.”

Hindi mo na ako kinausap
Hindi mo na rin ako hinahanap
Nakakamiss ka rin pala
Lalo na yung pangit mong tawa.

Akala ko ba sumuko ka na
Akala ko ba pagod ka na
Buti na lang at hindi pa
Dahil mukhang ako’y nahulog na.

Buti na lang bumalik ka pa
Dahil ibang-iba ngayon ang saya
Ang tagal kong nalumbay
Andiyan ka lang pala, nag-aantay.