Showing posts with label MConexion. Show all posts

Literary (Submission): Hey Son






Dear son, it’s me your mom
The view’s amazing from where I am
And I know how much you’ll love it
It might be hard to understand,
For me to work in faraway land.
But keep in mind that this is for you
Wait for a while, we’ll be together soon.

Hey son, how are you now?
Seven letters and I haven’t replied
And for that I really apologize.
You see my work needs extra time,
I know this letter will not suffice
For all my messages and my advice.
Please recognize this sacrifice.

Dear son, I heard the news!
And honey I was so amused,
This has made me so enthused.
Your awards have made me proud,
I’ll try to go home if I’m allowed.
If ever your father asks how,
Just tell him I’ll figure something out.

Hey son, where have you been?
Three months and you haven’t replied.
Are you still mad because I didn’t come back?
Please do know for that I apologize
You see I did try but was just denied.
I’ll send you gifts, whatever you like
Just say what you want and it will be right by your side.

Dear son, I hope we can talk.
It’s been a year and you have kept yourself locked in.
I have been looking forward to your replies
Although it just led me to believe in a lie.
I know you’ve hated me for a while
And I hated myself letting it last for that long.
But I know I still have a chance to change it
For next month I’ll finally go back
And I hope we can still put things back on track.

Literary (Submission): Pisi





Kapwa tayo musmos,
Magkalaro.
Nangakong sa susunod na araw
Babalik ka at tayo’y magsasaya
Kahit pa sa ilalim ng init ng araw.

Upang ang pangako’y manatili, hindi malimutan,
Iniwan mo sa akin ang isang laruan.
Dalawang latang pinag-ugnay ng pisi.
Tatawagan mo ako roon, Sasagot naman ako.
At ang tanging maririnig na lamang sa mga latang iyon
Alingawngaw ng tuwa ng ating kamusmusan.

Kapwa tayo bata,
Matalik na magkaibigan.
Nangakong hindi iiwan,
Ang isa’t isa’y di pababayaan.

Upang ang pangako’y manatili, hindi malimutan
Hinawakan mo ang aking kamay
At sa pinakamaliit nating daliri’y
Binigkis mo ng isang pisi,
Simbolo ng pangakong may katapatan.

Nagbinata, nagdalaga.
Ikaw at ako ay nagmamahalan.
Pangako’y ako lang
At ako nama’y ikaw lamang.

Upang manatili ang sinumpaan,
Tayo’y pinagbigkis ng taling singsing
Sa isang katuwaang kasal-kasalan
Nang minsang sa eskwelaha’y magkaroon ng kasiyahan.

Ikaw at ako ay nasa husto nang gulang,
Nangako tayo sa isa’t isa.
Nagkasundong ito’y panghabambuhay na.
Magsasama nang maligaya.

Sa pagkakataong ito,
Sinumpaa’y hindi natupad.
Hindi nagkatotoo.

Pagkat ikaw at ako’y…

Kahalintulad ng pisi
Kahalintulad ng tali
Sa katagalan ng panaho’y
Sadyang rumurupok
Napipigtal, napuputol.

Tayo’y mga pisi
Pinag-ugnay ng pagmamahal
At sa kalauna’y
Kapwa naging marupok
Nalagot ang taling nag-uugnay sa atin.

Napigtal.
Naputol
Nagkasundong maglayo.


Literary (Submission): What Lies Between Us






What is this that lies between us, o love
This subtle and indescribable bond?

‘Tis a shared breath of air
Which kissed our cheeks,
Ungraspable yet undoubtedly there,

‘Tis the warmth of each other
Which thaws our whole being
A hearth against the freezing winter

But more than that which is tangible-

‘Tis something that words cannot attempt to touch,
A feeling that reaches to the very soul
Beyond the realm of thought

‘Tis basal, animal and yet divine
Fiery, raging, passionate,
Yet, peaceful, calm
And beautiful

But alas, what is this that lies between us
This great gargantuan bond?

‘Tis a mere metre, perhaps
That Fate ordained
Yet it feels like kilometres

A wall of starstuff
Which refuses to yield or fall
Letting us be close yet not together

Yes, Fate has led our paths to cross,
Yet cruelly it keeps us still star-crossed

Literary (Submission): Mane Thecel Phares





Mga kapatid, ako ay hahakbang
patungo sa kasarinlang sa aki’y nag-aabang
inilalathala ko ito para sa’yo, natatangi kong kaibigang
kay ligalig, hibang
Ang bawat pantig ng mga salita’y may sakit
ang bawat imahe ko sa’yo’y mababalutan ng anino
isa kang maling daan na aking tinungo
kikilalanin bilang “tanyag na tagawasak ng puso”
Ngunit ako’y nagpapasalamat sa lahat ng iyong inihandog
sapagkat sa isipan, mga alala mo’y patuloy na bubulabog
Lungkot sa damdamin
Ang sakit, parang sasabog
pira-piraso na lamang ang natitira

Patuloy mong dinudurog
Maraming salamat at nakasama ka
malas nga lang at ang samahan natin’y biglaang nasira
ibinibigay ko na ang aking mga pinakahuling salita
Impyerno pala ang nag-abot sa akin ng biyaya
Sana maging maligaya ka sa iyong tinahak na daan
sapagkat ako’y nagdesisyon na ring wag nang balikan
ang nakagisnan nating masayang pagkakaibigan
binabati kita, isa ka nang relikaryo ng aking nakaraan

Literary (Submission): Tingin






Minsan di ko maintindihan
Kung paano kita nahanap at natagpuan
Kung bakit ikaw at ako ay pinagtagpo
Kung bakit iginaya ako ng tadhana patungo sa’yo

Paano nga ba nagsimula?
Paano umabot sa puntong ito?
Na ang kulay rosas na langit ay pinagmamasdan
Magkasama't nakaupo hanggang magpakita ang buwan

Nakatitig ka sa mga bituin at sinusubukang papag-ugnayin
Nakatitig ako sa’yo nang bigla ka ring tumingin
Mabilis na tumibok ang puso kong wala pang nakakapagpatibok noon
Sa’yo ko lang talaga naramdaman ang ganitong klaseng koneksyon

Walang nagsasalita sa atin
Ngunit sinasabi ng ating mga mata ang nararamdaman sa isa't-isa
At kung sakaling hindi mo makuha,
Ang sinasabi ng mga mata ko'y ang damdamin ko para sa’yo ay lumalalim na.

Literary: Error 404





Virtual Reality
We’d always talk every chance we got
I was lazy but you spoke a lot
At first, I was annoyed but you grew on me
Because you completed every sentence I could not

I may sound silly but it’s the truth
You became the highlight of my day
I constantly look forward to chatting with you,
Smiling widely whenever you send me a “hey”

Nothing and no one can ever measure
How much space you took up in my mind
For the few months we spent learning about each other
Our once parallel strings became intertwined

Reality
We’d pass the same halls, the same floors
But you wouldn’t spare me a single glance
Because it was all just silence
All along, I thought it was romance

It hurts but it’s the truth
We never really knew each other
We never really knew the person behind the screen
And we never really conversed without a computer

But still, nothing and no one can ever describe
The type of person you became to me
For the past few months, I loved learning about you
Even though we only interacted virtually

For now, I might as well forget everything we talked about
Including all your words I could not help but fall for
Because sadly, our real connection only says
Error 404

Literary: A Life of Presentation






Well-dressed people, fancy table tops
She makes her way to the party
Dressed by every costly shop
With her circle of friends,
Competing with one another.
Always sitting side by side,
But never really together
She fakes a smile and forces a laugh,
Pretending to look happy in each photograph
Convincing everyone that she’s having fun,
She has made too many connections,
But never had a real one

She sighs as she lives the life of presentation
Everything’s perfect except for her reflection.

Literary: My Broken Pieces






You’ll be amazed at how fast things change

In a blink of an eye,
Things aren’t the same as they used to be.
We don’t know each other anymore.
It’s like nothing happened at all.
We’re suddenly caught between goodbyes
The thing I chased for so long,
Now in the hands of somebody I used to trust.
The feelings that I was so sure of,
Gone in an instant.
The twinkle in your eyes whenever ours would meet,
Dimmed as if a switch was flicked.
The lines you used to write for me,
Now written for someone else.
The smiles we used to share
Are now even brighter because of somebody else.
The universe that once pushed us to be together,
Is now leading our paths away from each other.

But in the end of everything,
Even though things had to end,
Every moment was worth it,
Because I learned that
Two broken hearts could fix one another.
And teach each other to love again.

Literary: Alaala





Nandito na naman ako
Sa una nating pagkikita
Malamig ang panahon
Naaalala ko pa hanggang ngayon

Pinanood natin ang paglubog ng araw
At pag-akyat ng mga bituin
Sumayaw tayo sa ilalim ng buwan
Nagpadala sa simoy ng hangin

Nandito na naman ako
Sa dati nating pasyalan
Kung saan muntik ka nang mabangga
Dahil ako ang iyong tinitignan

Hinawakan mo aking kamay
Mahigpit na mahigpit
Ayaw mo akong pakawalan noon
Naaalala ko pa hanggang ngayon

Nandito na naman ako
Nakatayo sa dati nating tagpuan
Dahil lahat ng iyong sinabi
Ay ‘di ko magawang kalimutan

Nandito na naman ako
Puno ng takot, tumatakbo palayo
Tinapos mo lang nang ganoon
Naaalala ko pa hanggang ngayon

Alam kong matagal nang wala
At hindi na babalik ang dating hiwaga
Alam kong tapos na ang lahat
At wala na akong magagawa

Pero baka hindi lang tayo nagkaintindihan
Baka masyadong mabilis ang lahat
Baka mayroon pang pagkakataon
Umaasa pa rin ako hanggang ngayon

Hindi ko magawang kalimutan
Hindi ko magawang putulin ang mga alaala
Na nag-uugnay pa rin sa ating dalawa
Dahil hanggang ngayon, naaalala ko pa

Tinapos mo’ng lahat
Ibabalik na ang mga gamit, mga mensahe’y buburahin
Mag-isa na akong maglalakad
Sa ilalim ng mga bituin

Pero itinago mo pa rin
Ang litrato ng paglubog ng araw
At ‘di mo ito magawang itapon
Dahil naaalala mo rin hanggang ngayon

Nandito na naman tayo
Noong sabihin ko sa’yong mahal kita
Noong sabihin mo rin na mahal mo ako
Bago pa’ng lahat ay nawala

Nandito ka rin
Sa ilalim ng buwan
Nandito ka rin
Sa dati nating pasyalan

Nandito ka rin
Sa dati nating tambayan
Nandito ka rin
Sa gitna ng gabi

Nandito ka rin
Sa dati nating tagpuan
Dahil ang pagtakbo ko palayo
Ay ‘di mo magawang kalimutan

Nawala ako sa iyong paningin
Tuluyan nang nawala
Pero ang alaalang nag-uugnay sa atin
Ay ‘di mo magawang burahin

Literary: Pag-ibig ng Ina





Isang kang regalo kung maituturing
Sagot sa ’king dasal, sa aking mithiin
Na magkaroon ng masiglang supling
Na aalagaan at palalakihin

Ako ay talagang napuno ng saya
Nang marinig ko ang tunog ng iyong iyak
Tanda ko rin pala, una mong pagdilat
Na sa puso ko ay tunay na galak

Gabi-gabi’y puyat para mapatahan
Dugo ko at pawis ay aking puhunan
Para maipakita, ika’y iingatan
Hanggang sa mahimbing, ika’y sasamahan

Sa aking isipan ay buhay pa
Ang unang pagtungtong mo sa eskwela
Ayaw mong bumitaw, nais mong isama
Ang ‘yong minamahal na ina

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa
Ang iyaking anak, nagmamakaawa
Ngunit narinig ang iyong pagtawa
Matapos maglaro na ikinasaya

Dati’y nasa baitang na elementarya,
Ngayo’y naging ganap na isang hayskul na
Natutong umalis at maglayaw bigla
Takas sa magulang, kasama ng iba.

Halos ikamatay ang ‘yong pagkawala
Hanap nang hanap, hindi ko makita
Lasing ka na pala, sa bahay ng iba
Ako’y naluha, ika’y nahanap na

Kinabukasan ay naging mahirap
Sagot mo sa tanong ay puro lang irap
Hiniling ko na sana ang kausap ko’y alak
Matigas mong tingin sa aki’y wumasak

Anak, ayoko lamang ikaw ay mawala
Mawalay sa akin at mapariwara
Gusto ko lamang na ika’y sumaya
Mabuting paraan, sayo’y ipakita

Sadyang kay bilis ng panahon at oras
Noo’y musmos lamang, ngayo’y isa nang dalaga
Talagang maganda at karapat-dapat
Sa ‘di kung sinu-sinong binata

Ako’y naging saksi sa unang pagbagsak
Una mong inibig, mundo mo’y winasak
Iniwang may luha, puso mo’y binasag
Masamang gawain, sa’yo pala’y hangad

Ikaw ay bumangon, naging masayahin
Sinusunod mo na ang alituntnin
Na itinuro ko nang iyong naisin
Na magbagong buhay at ako’y sundin

Ang buhay nati’y magkaugnay, magkabigkis
Ngiti mo at saya ay aking ligaya
Sa huling hininga, hinihiling ko na
Pakatandaan mo, pag-ibig ng ina.

Literary: Knot Fine






Square knot, left over right, right over left.
Easy to do, easy to get
It can be strong if done correct
Yet a simple mistake and it will irreparable

Slip knot, can hold things together
A gentle pull can make it even tighter
But no matter how strong or tight you make it
If you pull too much, it all will fall apart

Clove hitch, used for lashing
A lot of twist and turns,
Ups and downs
But just do it correctly,
And all it will do is hold on tightly

Bowline, for rescue
Different from the knots above
You can try to pull harder
Yet it still wouldn’t budge

The Sheep shank makes things shorter
All you have to do is make three loops and pull.
Strong in many aspects but has one weakness.
Give it a little shake, and everything will break

I’ve done all the knots I remember,
Yet I’m still searching for an answer
I’ve tried everything
But I still can’t get us back together


Literary: Sayang





Nakamamangha
Kung paanong ang dalawang tao`y pinaglalapit ng tadhana
Sa hindi inaasahang panahon, dalawang landas ay pinagtatagpo.
At ang Pakiramdam na parang ang pag-ikot ng mundo ay panandaliang humihinto.

Ganito.
Ganito ang naramdaman ko
Noong tayo`y pinaglapit.
Walang anu-ano`y tibok ng puso ko`y bumilis
Parang ibon na gustong lumaya sa pagkakapiit.
Mahirap ipaliwanag.
Mahirap intindihin.
Kung bakit noong nakita kita
Sa’yo lang gustong ibaling ang paningin.

Sinubukan na ika`y lapitan.
Makapagpakilala at makuha ang iyong ngalan.
Baka ikaw na kasi ang aking hinhintay
Na magpapasaya sa aking buhay.
Nag-ipon ako ng lakas ng loob.
Nag-isip rin kung paano makukuha ang iyong atensyon.

At noong ako`y papalapit na sa iyo,
Ramdam mo ang binabalak ko.
Nagdadalwang-isip kung itutuloy ko pa
O lilihis ng daan para maka-iwas sa kahihiyan

Pero itinuloy ko.
Tinuloy ko.

Inabot ko ang aking kamay
Sabay bigkas ng aking pangalan.
Hindi mo naman ako binigo,
Inabot mo rin naman ang iyo.
At doon na nga nagsimula ang napakahabang pag-uusap.
Tawanan at halakhakan.
Usapang akala ko’y mauuwi sa mas malalim na pagtitinginan
Pero noong niyaya kita kung gusto mo bang ulit magkita,
Ang sagot mo “I’m a lesbian.”

Ito ang dahilan kung bakit minsa’y takot nang magtiwala.
Ang pagtatakda ng tadhana’y
Sadyang mapaglaro at madaya
Napag-uugnay ang dalawang taong sadyang magkaiba
Pero minsan ang tanging masasabi na lamang-
Sayang…

Literary: I Have No Fear of Time's Relentless Pace





I have no fear of Time’s relentless pace,
Nor Death’s pursuit, unyielding and assured,
Yea, these two terrors leave me but unfazed,
E’en if my fall to them has been ensured;
For Death may put me in his spectered glade,
As Time goes on his march and leaves me killed,
Though years may pass my words and verse shan’t fade,
Through time my voice shall ring, eternal still,
And those who’ve heard or listened to my verse,
Shall laugh or weep as I have laughed or wept,
For though in time and place we are diverse,
Within my words my very soul is kept,
             Let me be bound to those I’ll never meet,
            Through my verse whom Death shall never greet

Literary: One Percent











100% “Best friend messaged you.”
          “Best friend tagged you in a photo.”
          “Best friend shared a post with you.”
          “Best friend mentioned you in a tweet.”
          “2 new messages from Best friend.”
          “1 missed call from Best friend.”
Simula Grade 4, tayong dalawa na ang palaging magkasama kahit na ayaw natin sa isa’t isa. Magkaklase na nga tayo, magkaservice pa. Naalala ko pa, ayaw ko sa‘yo noon. Palagi mo lang akong inaasar. Sabi mo naman, ayaw mo rin sa’kin dahil napakaarte ko. Puro babae lang ang gusto kong kaibigan noon. Pero kahit papaano, naging magkaibigan pa rin tayo.
Ngayong high school na tayo, ang dami nang kailangang gawin pero mayroon pa rin tayong oras para magkamustahan at mag-usap tungkol sa mga nangyayari sa araw-araw nating mga buhay. Nagtatanungan ng “Okay ka lang?”, “Kaya mo pa ba?,” pero kahit hindi okay o kaya naman pasuko na, may sasagot pa rin ng “Okay lang ‘yan, nandito naman ako para sa ‘yo.”

88% “Best friend messaged you.”
        “Best friend replied to your tweet.”
        “1 new message from Best friend.”
       “Best friend commented on your post.”
Grade 10 na tayo. Sabay-sabay na ang thesis, function, frog dissection at iba pang mga activities sa kanya-kanyang track. Magkaiba tayo ng track na kinuha kaya naman magkaiba tayo ng ginagawa. Ngayon, unti-unti ka nang nagiging busy dahil nag-aayos ka pa ng papeles mo para sa pagiging exchange student sa Japan. Matagal ko naman nang inasahan na makukuha ka kahit wala pang interview. Malaki ang tiwala ko sa galing mo.

74% “You messaged him.”
        “You replied to his tweet.”
        “You texted him.”
        “You commented on his post.”
Kahit ako, naging busy na rin dahil malapit na matapos ang school year. Ang hirap magklase kapag summer na. Nasa school ang katawan, pero nagbabakasyon na ‘yung utak. Kaunting tiis na lang naman, makapagbabakasyon na rin kami. Kinakaya pa naman. Kahit siya, kinakaya pa. Kahit busy na, tuloy pa rin ang porma niya ng panliligaw sa kaibigan ko. Hindi ako boto sa kanila, pero doon siya masaya. Kaya, sige lang.

57% “Best friend is in a relationship.”
Sila na nung matagal na niyang nililigawan. Oo, sila na nung kaibigan ko. Sigurado niyan, bawas na naman ang oras niya para sa’kin. Magaling siyang magbalanse ng oras para sa acads at pagiging varsity pero hirap siyang maghanap at maglaan ng oras para sa mga taong malalapit sa kanya.

46% “You messaged him.”
Sinusubukan ko pa rin namang kausapin siya. Kahit minsan ayaw kong ipagpilitan ang sarili ko dahil mukhang wala naman na siyang oras para sa akin. Umaasa akong minsan na sana hindi ganoon ang iniisip niya at nag-aassume lang ako. Kahit pakiramdam ko, wala na akong halaga sa kanya.

35% “Best friend replied to her tweet.”
        “Best friend tagged her in a post.”
        “Best friend replied to your tweet.”
Nakikita ko namang sinusubukan niya akong kausapin. Pero hindi maiiwasan na may kahati ako sa oras niya bukod sa mga requirements niya. Hindi ko alam kung siya lang ba o talagang kapag pumasok sa isang relasyon ang isang tao, minsan pumapangalawa na lang ang mga kaibigan niya. Ganoon na nga, mas nauuna sa priority niya yung relasyon nila kaysa sa pagkakaibigan namin.

28% “Seen 11:12PM”
        “Best friend liked your reply.”
Hindi ko na alam. Hindi ko akalaing aabot kami sa puntong hindi na kami nagpapansinan. Minsan, kapag nagkakasalubong kami sa corridor, hindi man lang kami nagbabatian. Kahit magkakasama ang mga kaibigan namin, parang hindi na kami magkakilala. Parang wala kaming pinagsamahan.

10% "Please connect the charger."
Wala na. Hindi na yata kailangan pang mag-connect ulit kasi sira na. Mukhang hindi na maaayos pa. Kahit ayusin, hindi na gagana. Kahit ilang beses naming subukang mag-usap, doon at doon rin ang balik, sa hindi pagkikibuan at hindi pagpapansinan. Mukhang wala na talaga.

1% Friendship Over
Hindi na kita kilala.

Literary: Kumusta





Pumasok muna ako sa tahimik na silid, malayo sa maingay na kasiyahan sa kabilang kwarto, para lamang makapag-isip.

Gusto ko munang huminga pagkatapos mawalan ng oras kakaaral. Pagod na ako, bunga ng ilang araw na halos ‘di ako makatulog.

Tapos, nakita kita. Nandito ka rin sa tahimik na silid, siguro nag-iisip din o gusto mo lang huminga pagkatapos ng pagpapagod para sa eskwela.

Ngunit natigil ang plano ko noong naalala ko kung ano ang nangyari sa ating dalawa. Nanikip ang dibdib ko noong naalala ko kung paano kita pinaiyak. Dito pa talaga tayo nagkita sa kwarto na ‘to, kung saan kita iniwan.

‘Di ko alam kung nananatili ka pa sa nakaraan, kahit na tatlong taon na ang nakalipas, o sadyang pinagtagpo lang tayo ng tadhana. Pero sa kaloob-looban ko, hinihiling ko na wag kang umalis. Hinihiling ko na sana ‘di lang ako ang hindi makalimot sa mga alaala na siyang nagbibigay-ngiti sa aking mga labi.

“Kaibigan, kamusta ka na? Tagal na nating di nagkita, patawarin mo sana ako sa lahat ng masasamang salita na lumabas sa aking mga labi, nadala lang talaga ako ng damdamin ko noon.”

O di kaya’y:
“Kaibigan, kamusta ka na? Bakit ‘di mo man lang ako tinawagan? Alam mo namang ‘di kita matitiis diba? Alam mo namang papakinggan pa rin kita, diba?”

Pero sa ‘di maipaliwanag na dahilan, ‘di ko kayang sabihin sa’yo ang kahit ni isa sa dalawa.
Paano mo nga ba makakausap ang isang tao na parang ‘di mo kilala, kahit na ang dami ninyong sikretong alam tungkol sa isa’t isa?

Kaibigan, nakalimutan mo na ba ang pinagdaanan nating dalawa? ‘Yung mga kwentuhan at tawanan, mga panahon na sinamahan ng ulan ang bawat luha sa ating mga mata?

Kasi ako, hindi ko makalimutan. Lalo na noong pinangakuan mo ako at sinabing tatapusin natin ang bawat pagsubok nang magkasama.

Naiintindihan ko naman ang paglayo mo noon, alam kong pagod ka na pilitin ang mga ngiti na abutin ang iyong mga tainga na pagod na sa kakarinig ng malulungkot kong istorya.

Kasalanan ko din naman, ‘di naman kasi kita sinabihan na nandito lang ako, yayakapin din kita tulad nang pagyakap mo sa akin tuwing ‘di ko na kaya.

Hinayaan ko kasing lamunin ako ng hiya ko, ‘di tuloy kita nasabihan na nandito lang ako, susuportahan kita tulad nang pagsuporta mo sa akin.

Nahayaan tuloy kitang maramdaman na mag-isa ka lang kahit na ang dami mong kaibigan na tinutulungan.

Bigla ko na lang napansin na ilang hakbang na lang ang layo mo sa akin, at nagulat ka nang ako ang iyong nakita.

Kaibigan…Anong ginawa ng panahon sa iyo?

Sa alaala ko, ikaw ay masiyahin, laging nakangiti ang iyong pulang labi, ang mga pisngi mo’y minsan may kulubot na dahil sa milyong beses na pagngiti sa isang araw, at ang iyong mga mata ay kumikinang na parang bituin sa isang madilim na gabi. Sa alaala ko, masaya ka pa.

Pero ngayong nasa harap na kita, pansin ko na ang pagod mong mga balikat, ang mga ngiti ay nawala na at pinalitan na ng malungkot na mga labi. Ang mga bituin sa iyong mga mata ay tinago na ng makulimlim na langit, at ang iyong mga pisngi’y pagod na ngumiti.

Naramdaman ko ang pagwasak ng aking puso at ‘di ko namalayan na ako’y napaluha na.

Hindi ka na masaya.

Hindi ka na masaya at sinisisi ko ang sarili ko na ‘di kita sinamahan noong mga panahon na malungkot ka.

Tinitigan mo ako, takot at alanganin ang paggalaw ng iyong mga labi.

Tinignan kita at ako’y ngumiti.

Kaibigan, hayaan mong iligtas naman kita. Kaibigan, wag ka nang mag-alala, nandito na ako, ‘di na kita papabayaan.

“Kumusta ka na?”

Literary: Sa Una Kong Minahal






Ikaw…

Ikaw ang bumuo sa aking buhay
Pinunan mga pagkukulang na pilit pinupunan
Ikaw ang gumising sa akin
Sa kung sino ako’t, ano ang halaga ko

Ikaw ang aking bukambibig
Sa bawat tula, imahe mo ang nasa isip
Ikaw ang inspirasyon sa lahat ng ginagawa
Ikaw ang hinahanap sa gabi’t umaga

Ikaw ang laging hinahanap at gustong makatabi
Napapanaginipan ang tamis ng iyong labi
Ikaw ang pangarap na nais abutin
Ikaw ang babaeng pinapangarap

Ikaw minimithing masilayan
Sa bawat bagong araw, ikaw unang laman ng isipan
Ikaw ang kasama ko sa lahat ng problema
Ikaw ang dahilan ng malalakas na tawa

Ang matatamis mong salita
Ang pinakikinggan bago matulog
Sa mahihigpit mong yakap
Diwa ko’y napahihinahon

Ikaw ang nagturo sa akin ng realidad ng buhay
Kung ano ang kasinungalingan at kung ano ang tunay
Ikaw ang umakay sa akin sa mundo ng katotohanan
Kung paanong maging matatag sa hirap ng buhay

Ikaw rin ang unang nakalimot at umiwan
Ikaw ang unang siyang nagpasakit sa aking puso at isipan
Ikaw ang una kong minahal
Ang una kong kasawian

Kahit pa…

Salamat sa iyong pagmamahal
Natuto akong mabuhay
Hanggang sa muli nating pagkikita…
Ikaw na siyang una kong minahal

Literary: Small Things





dew
falls from a leaf
makes its way
joins
a tranquil river
flowing
towards the trees
towards the grass
towards a thirsty dog’s maw
the dog sits down
listens to the wind
rain is near
a human comes and pats its head
fills a cup to the brim
with river water
then leaves
the tranquil river
with all its tiny dewdrops
evaporating
rising
forming clouds
pouring rain
It showers over the greens
and what it leaves
on the wet leaves
is
dew

Balang-araw tayo pa rin.