Showing posts with label raichu. Show all posts

Literary: Siklo





Pagsikat ng araw sa silangan
Paunti-unti kong nararamdaman
Ang panibagong umagang pipilitin ko lang tapusin
Umagang tila hindi na naaaninag ang liwanag

Sa bawat umagang para sa iba'y puno ng pag-asa
Patuloy lang na bumibigat ang nararamdaman
Hindi na nagbago ang silakbo ng puso
Wala naman akong pagpipilian kundi bumangon

Sa pagmulat ng aking mata,
Narito pa rin ang bakanteng damdamin,
Paulit-ulit, hindi nawawala
Bumangon sa mga natuyong unang kagabi'y naging daluyan ng pagluha

Maliligo, maghahanda para sa pangkaraniwang araw na paparating
Huli na ako sa klase kaya't hindi na makakakain
Sasakay sa dyip papuntang paaralan
Makikinig, magsusulat, ayaw ko man

Sa mga oras na walang ginagawa,
Hindi nag-iisip, hindi nakikinig
Sa harap ma'y may nagsasalita, tila hindi ko nakikita
Sapagkat narito na naman ang bakanteng damdaming palagi akong binibisita

Tulala lang sa kawalan
Lahat ay paunti-unti nang nawawalan ng halaga
Alam kong wala na ako sa tamang landas
At hindi ko na mahahanap ang sinasabi nilang tamang daan

Paulit-ulit na tinanong kung ayos lang ba ako
Ang lagi kong sagot ay oo
Pero ayos nga lang ba ang taong hindi na maramdaman ang sarili niya
Ang taong hindi na maramdamang buhay pa siya

Magigising sa pagkakatulala,
Lahat sila'y naglabasan na't ako na lang ang nakaupo
Tumayo ako't isinantabi ang paninikip ng dibdib
Ang bakanteng damdami'y nagiging masakit

Ang kaninang maliwanag na umaga
Paunti-unti nang pinapalitan ng maulap na kalangitan
Tuluyan nang hindi nakita ang liwanag
Kinain na ng dilim ang kapaligiran

Sumakay sa dyip na iba sa sinakyan ko kanina, ngunit pareho ng ruta
Binuksan ko ang pinto, pumasok ng bahay
Humiga sa kama, ipinikit ang mga mata
Sinandalan ang aking unan na laging sumasalo ng pabagsak kong mga luha


Ito ang buhay ko, paulit-ulit..

Literary (Submission): Sulat




Sulat
Dito nagsimula ang lahat
Sa isang munting sulat
Na naglahad ng damdamin
Na matagal ko nang ninanais na sabihin

Puppy Love
Grado 1, binigay ko sa’yo ang kauna-unahang sulat
Na nagsasabing, gusto kita
Sa gitna ng pasilyo ng k-2
Sinabi mong, “crush din kita”

Pagkahulog
Sa 3 taong magkasama tayo
Di inakalang loob ay muling mahuhulog sa’yo
Matapos ang ilang taon
Baka pwede nating ungkatin ang naramdaman noong kahapon

Tapang
Sa Aninag Online magsisimulang muli
Ilalahad ang matagal ko nang nararamdaman
Lumipas man ang ilang taon
Haharapin ko na ang sa aki’y humahamon

Pagtingin
Aaminin na ba ang matagal nang pinag-iisipan
Ang binubulong ng puso’t isipan
Sasabihin ba ang nararamdaman
Aaminin na ba o ‘wag na lang muna

Payapa
Mga mata mong kumakalma sa alon ng dagat
Pakiramdam ko’y nalulunod pa rin ako
Tuwing tumitingin sa’yong mga mata
Nalunod ako sa payapang karagatan

Lunod
Pero ‘di inakala na habang nalulunod ako
Nakikipag-agawan pala sa akin ang panahon
Mali ang napili nating oras
Sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan

Nais sabihin
Walang hinihiling na kapalit
Pag-amin ma’y hindi naging katumbas ng langit
Masaya akong nabunot na ang tinik sa dibdib
Muling makahihinga na nang maluwag

Dahil sa isang sulat nabuo ang puppy love hanggang sa natuluyan ang aking pagkahulog sa’yo. Paiiralin ang tapang para masabi ang lihim na pagtingin sa’yo, handa akong guluhin ang payapang dagat kahit pa ako’y malunod masabi ko lang ang nais sabihin.

Literary (Submission): Tahan na





Ilang taon ka nang lumuluha
Tahimik na nasasaktan
Nababaon sa kahapon
Tila ‘di na makababangon

Sisikat ang araw
Ipakikita sa’yong may pag-asa
Madarama mo ang init ng araw
Unos ng kahapo’y mawawala

Tahan na, mahal ko
Hinding-hindi ka iiwan
Hayaan mong ako ang maging sandalan mo
Nandito na ako

‘Wag nang hayaan na matangay ng karagatan
‘Wag magpalamon sa mga alon
Sasagipin kita hangga’t makakaya ko
Iaahon kita sa gitna ng bagyo

Sisikat ang araw
Ipakikita sa’yong may pag-asa
Madarama mo ang init ng araw
Unos ng kahapo’y mawawala

Tahan na, mahal ko
Hinding-hindi ka iiwan
Hayaan mong ako ang maging sandalan mo
Nandito na ako

Pagmamahal sa iyo’y hinding-hindi matatapos
Kahit mga bituin sa kalangitan ay maubos
Hahawakan ang iyong mga kamay
At lalakarin natin ang kalawakan nang sabay

Tahan na, mahal ko
Hinding-hindi na iiwan
Hayaan mong ako ang maging sandalan mo
Nandito na ako

Tahan na, mahal ko
‘Wag nang lumuha pa
Nandito lang ako

Literary: It was such a gloomy day




I am walking alone
Under the rain with my umbrella
Sad music is playing on my earphones
Puddles are everywhere

It is such a gloomy day

I feel like locking myself in my room
Lights out, cold weather
Snuggling with thick blankets
When will the sun shine for me?

It is such a gloomy day

Then you went under my umbrella
Sad music stopped playing
The rain followed suit
The bright sun came up

Is it still a gloomy day?

There I saw you
My sunshine on a rainy day
And there you smiled
As the sun rays started to appear

It isn’t a gloomy day after all

Literary (Submission): Chat




Anong nangyari sa atin? Masaya naman tayo diba?
9:30 PM

Hindi, hindi na tayo masaya. Pwedeng ikaw, oo, ako, hindi.
9:45 PM

Ano ba kasing nangyari? Magtatatlong taon na tayo o. Ngayon ka pa ba susuko?
9:46 PM

Matagal naman na akong sumuko. Ikaw na lang ang lumalaban.
10:15 PM

Ganun na lang? Mawawala na lang tayo bigla? Ang dami kong tanong sa’yo.
10:16 PM

Itanong mo na ngayon, dahil bukas, wala nang tayo.
10:30 PM

Bakit?
10:31 PM

Kasi ayoko na. Tama na. Tapos na.
10:43 PM

Bakit nga?
10:44 PM

Wala na akong oras sa’yo, hindi na tayo tulad ng dati kasi pagod na ako.
11:00 PM

Pagod ka lang naman pala e, magpahinga muna tayo.
11:01 PM

Hindi mo ba naiintindihan? Hindi gagana ang one-sided na relasyon.
11:05

Kapag ba naghintay ako, babalik ka pa?
11:05 PM

‘Wag ka na maghintay, hindi na ako babalik.
11:11 PM

Literary (Submission): 2 Tales Before Bedtime




Once upon a time, in a kingdom faraway, there lived a king.

He lived in a kingdom had two wives and seven children. He was known for spoiling his children, letting them to study wherever they want and eat whatever they want. Despite this, they were never contented with their lives.


Since becoming king, his people have been divided in their opinion of him.
The first group praised and loved him for his power and wealth. The other group considered him a dictator, abusive of power and murderer.

The rebels were killed.

That night, the king bid his family good night. The king felt safe as he drifted off to sleep, his family by his side.

And he lived happily ever after in his paradise.

The end.


Once upon a time, in a kingdom faraway, there lived a farmer.

He lived in a small hut with his wife and two children. He was known to work hard for his family. He wakes up very early in the morning to start with his tasks for the day. At noon, he sends his children to school and picks them up before sunset. He’s happily contented with his life.

Since the coronation of the new king, farmers have been displeased with him. Farms were sold to big companies favored by the king. This caused the farmers to rebel against the king’s administration. He joined other people in the street

The farmer was killed.

That night, the farmer bid his family goodbye. The farmer felt defeat as he drifted off to sleep, his family in tears.

And the farmer never lived after.

His end.

Literary (Submission): Ngiti (Part 2)




“Minamahal kita nang di mo alam”
Dalawang taon ang lumipas, parehong araw— UP fair, habang sumasabay sa tugtog ng musika ang ating mga puso, nakita kong parehong-pareho ang timpla ng lahat sa paligid bukod sa ngiti mo. Sa tingin ko, alam mo na ang mga sasabihin ko sa’yo, na ayaw ko na, na sawa na ako, kaya kahit na nakangiti ka ay lumuluha ang mga mata mo. Sa tingin ko, alam mo na—na sa linyang “minamahal kita nang di mo alam,” hindi na ikaw ang tinutukoy ko. Para bang umulit sa simula ang lahat, noong mga panahong ikaw pa ang gusto ko.

“Huwag ka sanang magagalit”
Patawad kung may bago na, patawad kung nahulog ako sa ngiti ng iba. Maniwala ka sa akin, naging masaya naman ako sa’yo ngunit parang hindi talaga tama na ikaw ang kapiling ko pero nasa iba ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero ramdam kong hindi tayo para sa isa’t isa. Akala ko kasi ikaw na, akala ko tayong dalawa na. Patawad kung noong nahulog ka at sinalo kita, di sinasadyang makabitaw din ako.

“Tinamaan yata talaga ang aking puso”
Hindi ko intensyon na saktan ka pero sa palagay ko, kung ipagpapatuloy natin kung anong mayroon sa ating dalawa, hindi lang ikaw ang niloko ko kundi pati sarili ko. Alam kong hindi na ikaw ang mahal ko. Nahulog ako sa ngiti mo pero sabi nga nila, kapag nagmahal ka, hindi kailangang may rason, at sa’yo, naghanap pa ako ng rason para mahalin ka – at ‘yun ay ang ngiti mo.

Hanggang panaginip na lang maitutuloy ang tayo dahil….

Sa ibang ngiti ako’y nahumaling, at sa tuwing ikaw ay lalapit, ang mundo ko’y hindi na tumitigil dahil ang pangalan mo’y hindi na sinisigaw ng puso, sana’y madama mo rin na hindi na sa’yo ang lihim kong pagtingin.