Showing posts with label don oriel. Show all posts

UPIS Boys VT, nakasungkit ng kauna-unahang panalo

(c) Derick Urgena
Nakatikim ng unang straight-set win ang UPIS Boys Volleyball Team (VBT) laban sa FEU sa UAAP Season 77 noong ika-7 ng Setyembre sa Adamson University gym.

Tinambakan agad ng Junior Maroons ang katunggali at sinimulan ang laban na may lamang na 11 puntos sa iskor na 25-14 sa unang set. Nagkaroon din ng malaking agwat ang puntos ng UPIS sa FEU sa ikalawang set, 25-19. Humabol ang FEU, ngunit nagtagumpay pa rin sa pakikipaglaban ang UPIS at tinapos ang laro sa final score na 25-22.

“Para sa seniors naman talaga ‘tong panalo na ‘to,” wika ni Vincent Dario, Head Coach ng UPIS VBT.

Patuloy pa ring sasabak ang UPIS VBT sa mga susunod pang taon sa UAAP, at hindi sila susuko sa pagkamit ng tagumpay. / ni Don Oriel

Mga CCTV, gumagana na

Labindalawang CCTV cameras ang kasalukuyang nakakabit sa UPIS 7-10 Building at nagsimula nang gumana noong Hulyo 9, 2014.
Photo Credit: Jenn Elona

Ayon kay G. Aldous Cañeta, Administrative at Supply officer ng UPIS, ipinakabit ang mga CCTV para sa seguridad ng mga estudyante particular na sa 3rd at 4th floor. Sa ngayon, mayroong tig-dalawang unit ng CCTV sa 1st at 2nd floor at tig-apat naman sa 3rd at 4th floor. Ang lahat ng footages na nakakalap ay makikita sa Administrave Office.

Nagkakahalaga ang proyektong ito ng Php142,892 kasama na ang mga bullet cameras, DVR, AVR, at LCD ng bawat device na pinondohan ng UP Trust Fund.

Ang Faire Technologies Inc. ang kinuhang supplier ng UPIS para sa mga CCTV. / nina Jenn Elona at Don Oriel