Showing posts with label wonderful. Show all posts

Feature: Seatm8

Sa matagal na panahon ng pag-aaral dito sa UPIS, madaming klase ng estudyante ang iyong nakatabi sa bawat subject. Ang ilan dito ay maaaring kaibigan mo o kaya hindi mo pa talaga nakakausap. Ito ang walong uri ng kaklaseng maaari mong nakatabi na nakaapekto rin sa iyong pag-aaral.

1. Kasunod na class number – Siya na ata ang pinakaunang kaklase mong makakatabi lalo na ‘pag first quarter o ‘pag di pa kayo kilala ng inyong guro. Sawang-sawa ka na siguro sa pagmumuka niya. Kung maaari mo lang talagang makipagpalitan ka ng apelyido sa iba mong kaklase, maiba lang ang class number mo’t hindi siya makatabi.

2. Secretary – Sa kaniya ka umaasa lalo na ‘pag may homework o quiz. Kapag kailangan mo ng notes, ipapaphotocopy o pipicturan mo yung kanya dahil tamad ka talagang kumopya. Pati notes puede nang gamitan ng selfie. Sa kasamaang palad, mababa pa rin ang nakuha mong marka sa quiz dahil ‘di mo naman talaga binasa ang notes niya.

3. Cheatmate – Siya yung bigla mo na lang magiging ka-close lalo na kapag may quiz. Magiging sikat ka noong oras na yun dahil madaming gustong tumabi sa’yo. Habang nagsasagot naman, bigla na lang may mahuhulog na bolpen sa harap at unti-unting dudungaw sa papel mo. Sa huli, kawawa ka lalo na kapag mas mataas ang nakuha niyang marka kaysa sa’yo o kaya magugulat ka na lang na dalawa na papel mo dahil pati pangalan mo nakopya niya.

4. Sleeping Beauty – Kapag klase, ang sarap ng tulog niya – nakanganga at humihilik pa. Dahil dito, pagtitripan siya ng klase sa pamamagitan ng pagkuha ng litrato o pagpalakpak. At kung nadala sila ng kanilang pagiging bully, ipapalamuti pa nila ang lahat nng gamit mo maging ang rubber shoes sa selfie mo habang natutulog.

5. Pacman – Hindi siya yung boksingero pero siya yung taong kain nang kain sa klase. Maya’t maya siyang lumalamon o magpapaalam siyang pumunta sa cr pero sa canteen talaga siya pupunta. Minsan naman, mambuburaot siya sa iba. Pagkasubo mo pa lang ng pagkain mo, bigla siyang susulpot at makikikagat.

6. Abdul Jabar – Pangalan pa lang mabaho na. Siya yung tipo ng katabing bago ang damit, sapatos at iba pa pero kahit deodorant ‘di siya makabili. Pinapanligo niya na nga yung pabango niya pero sadyang ‘di ito sapat dahil amoy sinigang pa rin siya. Sa kabila nito, salamat sa kaniya dahil magigising ka sa amoy niya.

7. Wang-wang – Sa kalsada lang ata nawala ang mga wang-wang dahil hanggang ngayon patuloy pa rin siya sa pagdaldal. Gustong-gusto mong makinig pero sadyang hindi siya nauubusan ng kwento. Para siyang buhay na chatbox sa Facebook na mas masayang i-seenzone na lang.

8. Crush – Siyempre, siya ang pinaka-espesyal na makakatabi mo pero “so close yet so far” ang peg n’yo. Hindi mo alam kung paano mo siya makakausap kaya nagpapanggap kang hindi mo naiintindihan yung lesson para magpaturo sa kaniya. Pero ang masaklap kung ang crush niya ay ang isa pa niyang katabi sa kabilang upuan.

Sa huli, may ganitong ka ring klasmeyt sa college o kaya’y madagdagan pa ng iba. Kaya okay lang kahit nasiyahan ka man o nabuwisit sa kanila. Mas magandang masanay ka nang maaga. / ni Wonderful

Literary: Kahapon x Bukas


Perpekto
Lahat ay naaayon sa aking plano
Klaro
Walang makikihalo, mukhang magtatagal, walang halong biro

Sino ka ba?
Mga kilos mo’y kaduda-duda
Ang labo
‘Di ko lubos maisip kung anong pakay mo

Bes
‘Yan ang tawagan nating dalawa
Pero minsan ‘pag sinasaltik, tinatawag kitang “love”
‘Pag ika’y kakausapin, ang lakas mong mang-isnab!
Kaya minsa’y tinanong ang sarili, itutuloy ko pa ba?

Close pala tayo noon?
Parang ‘di naman, sa text lang ‘yon
Ayokong umasa ka
Kahit masaya ako ‘pag kausap kita

Pero aminado ako
Pawang laro-laro lamang ang lahat ng ito
Pansamantalang kasiyahan, ‘di alam kung saan patungo
Basta bahala na, susunod na lang ako sa agos

Unti-unting nahulog ang loob ko
Sa larong ito, ako ata ang talo
Mabilis man ang takbo ng oras
Umaasa akong ito’y wala nang wakas.

Literary: Damdamin x Isip



Damdamin
Wonderful

Alam mo ba
Na kapag nakikita kita
Abot langit ang saya
Pag-ibig na ba ito o paghanga?

Nauutal man ay aaminin na
Ang mga salitang puno ng damdamin
Kung ito ay pambobola lamang
Bakit pa maglalakas-loob na ito’y sabihin?

Maganda ka at matalino
Kaya sino ba naman ako para sa’yo?
Marahil hindi ka sa’kin naniniwala
‘Di naman ako katulad ng iba.

Bakit pa ko hihinto,
Kung nasimulan na ito?
Sa lahat ng tao sa mundo
Ikaw at ako ang pinagtagpo.

Alam kong hindi madaling magtiwala
Dahil ‘di mo ako lubusang kilala
Kung sa tingin mo ito’y pansamantala
Nagkakamali ka pagkat ipaglalaban kita.

Ngunit minsan ‘di kita maintindihan
Parag wala ka namang pakialam sa aking ginawa
‘Di mo baa lam na ako’y nasasaktan,
Sa tuwing ako’y iyong binabalewala.

Maraming araw ang lumipas
Ngunit bawat araw na kasama ka’y parang walang wakas
Lagi kong pilit na ipinapakita
Na ikaw at ikaw lang talaga.

Sa simula pa lang ay walang pag-aalinlangan
Walang pinagsisiihan, buo ang kalooban
Gustong-gusto kita, sinta
Kaya ako ay mahalin mo rin, sinta.


Isip
Abril Mayo

Sa totoo lang
Hindi ko alam kung anong dapat sabihin
Sapagkat ang mga salita ay salita lang
Kung tahasang babanggitin.

Ngunit dahil ito na lang ang paraan
Ay sasabihin na rin
Ang lahat ng nararamdaman
At lahat ng gustong sabihin.

Totoo nga, ako ay nagduda,
Hindi ko maalis ang kaba
Na baka wala kang ipinagkaiba
At kagaya rin ng iba

Pero hindi ka huminto
Patuloy kang nanunuyo
Parang walang kapagod-pagod
Hindi ka sumusuko.

Hindi naman ako agad na nagpadala,
Inasahan kong baka bukas makalawa
Ay bigla ka na lang magsawa
O kaya’y mawalan ng pag-asa.

Hindi dahil iyon ang tingin ko sa’yo
Ngunit iyon lang ang pamamaraan ko
Upang itago ang munting nararamdaman
At kung mawala ka’y hindi ako lubusang masaktan.

Maraming araw na ang lumipas
Ngunit ni isang araw ay wala kang pinalampas
Iyong pinatunayan kung sino ka talaga
Pinatunayan mo rin ang aking halaga.

Kaya naman kung noong una ako ay nag-aalangan
Ngayon ay buo na ang kalooban
Ikaw nga ay gustona rin
At ako ay handa ka nang mahalin.

Literary: Trick



I met a guy

Who made me believe 
In magic

As if I summoned a
Genie from a lamp
And had him grant
My only wish-you

You were the king from a deck of cards
When you said you wanted me to be your queen
But it was just one of your tricks
I was a piece of card waiting to be thrown away

But I volunteered
Even if I knew where this will end
I chose to be deceived and fooled by your magic
Just to be happy

Suddenly everything changed
You became the wizard who cast a spell on me
I was enchanted with your special words 
I didn't notice that it was controlling me

In the end
Our story was like a magic show
You were the magician
Who disappeared and left me
While I was the audience
Who knew it was a trick
But kept on believing it was real    

Literary: Umaasa


Pinagpiring mo ako
Nang hindi ko alam ang dahilan
Di alam ang gagawin
Ako’y kinabahan.

Pagmulat ng mata’y ikaw ang nakita
Nakatayo sa ilalim ng payong
Na puno ng mga larawan ng ating pagsasama
Doo’y nagkwento ka tungkol sa prinsepeng umibig sa prinsesa.

Binigyan mo ako ng mapupulang rosas
Na ‘di ko inasahang iyong ibibigay
Kahit matinik ay pilit hinawakan
Sa akin ito’y isang dosenang pagmamahal

Binigyan mo ako ng tsokolateng
Kasing tamis ng mga salitang sinabi mo
Tinanong mo, “Maaari ba kitang maging prom date?”
Agad kong sagot, Oo.

Ngayong Valentine’s Day
Nandito ako’t naghihintay
Naghihintay na muli mong maisayaw

Kahit saglit lamang.