Showing posts with label kahel. Show all posts

Literary (Submission): The Only Thing Worth Questioning




If there is one thing in this world that I would question,
It would be the existence of she.
How could have God created a creature so beautiful,
How could have God destined such to me?

A whole day in front of her can never be started without a cup of coffee to keep her going.
She can never leave the house before making breakfast not for herself but for her loved ones,
Not before she does the dishes,
Not before she sweeps the floor.

And once everything is ready, she leaves with her coffee, sets out for a busy day.

She reads her books and writes what she must,
Striving hard to do her best.
And when the sun has set, she can finally breathe
And head home to get some rest.

One, two, three hours pass and she finally reaches the door.
She opens it and longs for the sweet caress of her soft pillow against her cheek.
But since she is she, she has no other choice
Than to make dinner fit for three.

She cooks, then washes, then sweeps and brushes,
She works until the moon is high.

Finally, it is evening, such a peaceful time.

She sets out her books and her paper and pen
And again, she starts to work.
Her coffee's gone cold, such as the night,
Her eyes cannot help but close.
And so she drifts off just as morning strikes
And the sun rises again as she gets up to make herself a new cup of coffee.

She is strong and she is smart,
She is brave and she is kind.
Her mind has the depth of the seven seas combined,
Her heart has colors a rainbow could have never projected.

Above all, she holds all the wonders of the universe,
The stars in her palm, the sky on her fingertips
Yet willingly, she gave all her treasures away
And took my hand to share them.

How could I have been so blessed
To enjoy her company on my best days,
On my worst days
And on every day there has ever been?

This is my only question,
This is what I cannot comprehend.
Who may she be, you must be wondering,
Who is this angel that has been given to me?

To answer your question would be my pleasure:

This poem I dedicate to no other
Than my very own loving mother.

Literary (Submission): 3/16




May isang alaalang hinding-hindi mabubura sa aking isipan,
Binabagabag ang aking puso hanggang sa kasalukuyan.
Tila isang larawan na kay linaw ng mga kulay
Ang pinakamatingkad na kaganapan sa aking buhay.

Ang nakalipas ay dalawang taon na nga
Mula sa mga buwan na si Haring Araw ay may dakilang korona,
Tag-init at mga bulalak nga'y natutuyo't nalalanta
Ngunit iyon ang panahon na para sa aki’y kay sagana.

Isang lalaki ang pumasok bigla sa agos ng aking buhay,
Sa ilog na hindi ko mapigil, pinili niyang sumabay.
Kung dati ang tubig ay napakatahimik at napakahinhin,
Siya ang dahilan kung bakit ang diwa nito'y nagising.

Sa gitna ng talahiban na napakalawak,
Sa aking kamay, siya ay humawak.
Noong una, inakalang gagabayan niya ako palabas
Pero ang aking problema'y di niya man lang nalutas.

Kumapit pa rin ako sa kanya
‘Pagkat mukhang sigurado naman siya sa kanyang ginagawa,
Kung mawala man kami at hindi na makalabas,
Lahat ipinagwalang bahala’t sa bawat alalahanin ay umiwas.

Doon ko natuklasan ang kanyang plano.
Natapos ang araw, nakarating na rin kami sa dulo.
Ngunit noong ako’y tutungo na sa liwanag,
Kamay ko'y hinila't napatigil sa paglalakad.

Imbis na umalis, dinala niya ako sa isang lawa,
Tubig na kay linaw, sinasalamin ang aming mga mukha.
Nagulat nang makita ang repleksyon ng kalangitan
Punong-puno ng mga talang nagsisikislapan.

Nanatili kami roon sa aming kinatatayuan,
Nawala sa aking isipan ang lahat ng kinatatakutan.
Di bale nang manatili sa kadiliman,
Di naman gaanong nakakatakot 'pag may nakakapitan.

Puso'y nakuntento at muntik nang makalimutan
Na kailangan ipagpatuloy ang mga tungkuling iniwanan.
Tumayo na ako at sa pag-alis ay naglakad
Siya’y nagpaiwan at nagsabing, "Ika'y mag-ingat."

Hindi na ako sigurado kung nasaan ka na ngayon,
Ang katangi-tanging lalaking nagparamdam sa akin ng ganoon.
Ang unang taong nagpamulat sa aking mga mata
Na ang buhay ay mahirap ngunit may nililihim ding ganda.

Ang mga araw na iyon ay kay sarap maalala,
Hanggang sa ngayon, ito‘y aking binibisita.
Mahirap mang hindi malito sa noon at sa kasalukuyan,
Ikaw at ikaw pa rin ang inaasam na makatuluyan.

Literary (Submission): Pag-asa


Ano nga bang pinagkaiba
Kung sakaling ikaw at
Hindi siya?

Mas matamis ba ang bawat
Pagsambit ng pag-ibig
Kung aking maririnig sa
Iyong tinig?

Mas ramdam ba ang bawat
Yakap na matatanggap
Kapag ang mga braso mo
Ang aking pinangarap?

Mas mabilis ba ang magiging
Pagtibok ng puso
Kung sakaling hindi sa kanya,
Kundi para sa’yo?

Mas maliliwanagan ba ang
Aking isipan
Kapag ikaw ang naging
Tanging laman?

Anong kasiguraduhan ko
Na hindi mo lang ako niloloko?

Anong mapanghahawakan ko
na magpapatotoo sa mga
sinasabi mo?

Matatapatan mo ba
Ang pag-ibig niya?

Marahil posible ang lahat ng iyon
Kung ikaw ang pipiliing makapiling ngayon
Ngunit ano pa nga ba ang aking magagawa
Kung ang puso’t isipan ko’y pagmamay-ari na ng iba.