Showing posts with label spoof. Show all posts

B A B A L A

MC2018 Memes



11. Suzy Uy

10. Gelleen Esposo

9. Trisa de Ocampo

8. Forth Soriano

7. Zach Jugo

6. Nathan Ramos
5. Julian Taloma

4. Hannah Manalo

3. Hillary Fajutagana

2. Danna Sumalabe

1. Raymund Creencia

Spoof Literary: Si Papa Allan



Umagang-umaga pa lamang
Excited na kaming gumapang
Papunta sa kantinang binabantayan
Ng aming Papa Allan

Oh jusko, hindi kami mapakali
Nagmumuni-muni, nagbabakasakali
Na siya ang maabutan mamayang tanghali
Sa pagpili, pagbili, pati na sa pagsukli

Sa pagdating ng eleven thirty
Hinahanda na ang aming sarili
Na rumampa, kabugin
At bagyuhin ang kantin

Sa pagbukas ng pintuan
Agad natanaw ang kanyang kakisigan
Mga brasong sumasalok ng gulaman
O kay sarap namang titigan

Sa mop na kanyang ini–islide
Kami napapa-jusko day
Sa pag-abot niya ng lollipop
We just can’t make ourselves stop

Sa pagbili ng aming kakainin
Option namin siyang bilhin
Pero kung di niya kakayanin
Pwede ring siya na lang ang ulamin

Sa bawat hagod niya ng gulaman
Nanginginig ang aming kalamnan
Tuloy di namalayan
Kami na pala’y kanyang sinuklian

Si Papa Allan.
Bow.

Spoof Literary: Brenzoned (Part 2)



Hindi ko pa rin mawari ang dahilan
Kung bakit hanggang sa kasalukuyan
Ay ganito pa din kalakas ang epekto mo
Na isang bati mo lang ay nabubuhay na ang katawang lupa ko

Hindi naman kita araw araw nakikita
Ngunit isang bati lang mula sa’yo guro kong binata,
Araw ko’y buo na
Kung minsan nga’y hanggang isang buong linggo pa

Labis nga akong nagpapasalamat sa hagdan
Na nakadugtong sa dulo ng silid aklatan
Dahil kasabay ng iyong pagdaan dito tuwing Wednesday/Friday
Ay ang kilig na nagpapatalon sa puso kong kulang na lang ay sumigaw ng ‘Hooray!’

Di ko tuloy maiwasang mamiss
Ang mga klase mong sa attendance ay wala akong mintis
Ang sarap bumalik sa mga panahong iyon
Kung saan ikaw ang guro at ang asignatura’y hindi pa Ekon

Ngunit sa kabila ng lahat ng kilig na iyong hatid
Ako’y lubusang nagpapasalamat at nais kong ipabatid,
Sa ngalan ng sanlibutang brenzoned na sa iyo,
Salamat po sa inspirasyon at motibasyong dulot ninyo.

Spoof Literary: Loverary



Sa tuwing sasapit ang uwian
Library ang agad kong pinupuntahan
Ito na ang aking naging tambayan
Dahil dito, may nag-aalis ng aking problema’t kalungkutan

Sinasadya kong iwan ang aking ID
Para marinig ang iyong tinig na nagsasabing
“Excuse me, asan ang iyong ID?”
Tunay ngang nakakakilig ang iyong himig na malambing

Kahit na wala akong dapat i-print
Ako’y nagta-type para lamang may mai-print
Dahil alam kong hihingiin mo ang bayad ko
At sa paraang ito mahahawakan ko ang kamay mo

Mabait, maputi at naninigkit ang iyong mga mata
Masipag, matipuno, at macho pa
Tahimik, mapagmasid at matalino
Iyan ang katangian mong nagpatibok sa aking puso

Kaya nama’y ako ay nagtataka
Kung bakit ang iba sayo’y naiirita
Hindi lamang nila nakikita
Ang magaganda mong katangian sa likod ng iyong katahimikan

Spoof Literary: English Only, Plis



Dear Pabebe Gurl,

To the girl who always there for me
First of all things, I know that you crush me
Even dough we’re neighborhood since we’re child birth, nothing will disappear
Only appear, one-half, & one-fourth
I trully appreciate you as my crying soldier, head, knees, & toes
I want to told you how important are you in my life,
But you know freelance modeling is importanter
I just don’t want to enter inside the relationship four no id no entry
And my id is left to the library
Please don’t cry, because cry is the limit
Always remember that out their is another boy here waiting
Please don’t grow out to fast & furious 7

Marlou

-----

Dear Marlou,

OMG?! how do you know that I crushed you since were childhood?

I was tried to keeping it a secret affair, but obviously someone cant keep there mouth shout
But to be honestly, youre cheekballs are heaven to me
Youre face reminders me of pinipig, my favorite ice cream, Delicioso!!
your eyes eyes water kills me during I staired to them
I cant imagine my life without you my friend, and I’ll tell you all about it when I see you again
You know how I trully love you, and how much is that puppy on the window
Please give it a trial, I’ll be waiting for you till we passed away

Pabebe Gurl

Spoof Literary: G.G.S.S.



One, two, three, four, five
Kami nga pala ang Hasht5
Maari ba kaming manligaw?
Sapagkat nasa amin na ang lahat, ang kulang nalang ay ikaw.

Hi, kami ang Pabebe Girls
Aaat wala kayong pake kung...
Wala kaming pake kung manliligaw kayo
Kaya wag na kayong umasa sa 'min

Ang mga katulad naming gwapo,
Kailanma’y hindi kayang tanggihan ng kahit sino,
Kaya alam kong nagbibiro lang kayo,
At alam naming kami rin ay type ninyo.

Kung sa tingin niyo kayo’y gwapo
Aba ang confident niyo naman po, ano?
Manliligaw kayo, sa ganda naming to?
Oops sorry, mangarap na lang kayo!

Hindi niyo ba alam na kahit si Kathryn, Nadine at Liza,
Ay kabilang sa aming napakaraming tagahanga?
At unti-unti na rin kayong nahuhulog sa amin tulad nila,
Wag kayong magalala dahil, oo kayo na ang gusto namin mga sinta

Aba aba aba, ang kakapal pa rin ng mukha!
Kahit si James Reid at Enrique, nahiya!
Lalo ka na Marlou, pinaglihi ka ba sa liha?
Ay… ay grabe yung kilay ko di na kinakaya!

Hay basta kami, maghihintay lang sa inyo,
Kahit na ganyan ang mga itsura niyo,
Mamahalin pa rin namin kayo ng totoo,
Dahil in 5,4,3,2,1 kami na rin ang iibigin niyo

Puro naman kayo kalokohan
Hay nako nakakasawang pakinggan
Mabuti sana kung papantay kayo sa aming kagandahan
“ANO BAAAA, TAMA NA YAAAAN!”

Spoof Feature: 10 Tips para Maniwalang may Pag-asa Ka



1. Give meaning to everything.
Halimbawa, sa prom. Lapitan mo siya sa second to the last song kahit may kasayaw siya at tanungin kung pwedeng ikaw ang last dance niya. Ulitin mo ng tatlong beses. Pag pumayag siya dahil mabait siya, ibig sabihin gusto ka rin niyang kasayaw.

2. I-text at i-chat mo siya gabi-gabi.
Kahit puro “hahaha,” “meh,” at smile emoticon ang reply niya, gumising ka na sa katotohonan na talaga namang gusto ka rin niyang kausap.

3. Mag-expect ka.
Mag-expect ka na pag nagkasalubong kayo, mauuna siyang mag-hi sa’yo. I-expect mo rin na mauuna siyang mag-text o mag-chat. Dahil mas madalas ka namang maunang makipag-usap, i-expect mo na mag-eeffort rin siya para sa’yo.

4. Magpapicture ka kasama siya sa tuwing may school activity.
Leadership Camp, LLD, intrams, Battle of the Bands, prom, Miting de Avance, lunch, flag ceremony, shortened period, lahat. Makikita mo naman sa pilit niyang ngiti na may meaning ang pagpapapicture niyo.

5. Magselos ka.
Magselos ka sa ibang kausap, kasama, kaibigan, kaklase, ka-batch niya. Walang kayo pero wala ring sila, kaya may karapatan ka.

6. Magpakilala ka sa mga magulang niya sa araw ng Release of Stubs.
Sabihin mo ang buo mong pangalan, grade and section, address, trabaho ng nanay at tatay mo, at ipagmalaki mo ang Excellent mo sa PE. Bet ka na niya, magiging boto pa ang mga magulang niya sa'yo.

7. Kaibiganin mo ang friends niya.
Para malaman mo ang schedule niya, exact coordinates, likes and dislikes, at kung ano ang tingin niya sa’yo. Palagi ka nang updated sa kanya, may new friends ka pa!

8. Maging visible ka.
Dahil alam mo na ang schedule niya, dumaan ka sa court pag PE nila bago ka dumeretso sa klase mo sa 4th floor. Mag-CR ka sa first floor kahit galing ka pa sa Math class mo sa third floor para lang madaanan mo siya habang naglulunch sa Ramp. Ipilit mong tumulong o sumali sa mga activities ng org nila kahit hindi ka naman talaga kasali. Dahil lagi kayong nagkikita, madedevelop na kayo.

9. Magpahalata kang gusto mo siya.
Ipakita mong kinikilig ka sa simpleng ngiti lang niya. Wag ka nang maging torpe. Dahil kung alam niyang gusto mo siya, mas madali para sa kanyang umamin na gusto ka rin niya.

10. Mind over matter.
Umasa kang magiging kayo. Maniwala ka sa forever. Maghintay ka kahit gaano pa katagal dahil kayo talaga ang para sa isa’t isa, hindi man ngayon, pero sa tamang panahon.

Spoof Feature: Trending: #SaviourofthePandaz



Unwanted x Unrequited. Once Upon a Regret. Take Two. Room 115.

Ilan lamang ito sa mga lits na isinulat ng pinakatrending na lit love team na sina Saviour of the Broken at Pandaz. Ngunit paano nga ba nabuo ang love story… este lit love story nila?

Unang lumabas ang kanilang tambalan noong December 2014 sa #MCOverdrive pub ng MC2 2015 kung saan nailathala ang isinulat nilang Dreams > Reality x Soon Enough.

At dahil sa kakaibang kilig na tumatagos hanggang sa labas ng MC site, tinangkilik ng sambayanang UPIS ang kanilang mahiwagang tambalan. Naging in demand ang lits na kanilang sinusulat at nagtuloy tuloy ang kanilang kasikatan.

Dahil sa walang sawang suporta ng daan-daang tagahanga ng kanilang tambalan, hindi na napigilang mabuo ang trending fanbase nilang #SaviourOfThePandaz. Kakaiba ang fanbase na ito dahil sila lang naman ang nagdudulot ng malawakang web traffic sa Blogger at Twitter ng Ang Aninag Online sa tuwing napupub sila.

“NEXT ALDUB NA ATA ITU HAHAHA (pero on a serious note, lakas ng dating nila sa buong school, or atleast sa readers. :D)” sabi ng isa nilang masugid na tagasubaybay na itago na lamang natin sa pangalang Isa.

“OTP 9871637182EVER!!!” excited namang sabi ni Frying Pan.

Walang habas din nilang sinabi kung bakit nila tinatangkilik ang nasabing lit love team.

“Di maaninag (naks) na chemistry! Yung thrill na parang sila pero hindi sila tapos andami niyong ganun yung feeling kaya nagdadamayan kayo haha (ang relatable din kasi minsan),” sabi ni Isa.

“Siguro sa chemistry. Marahil din dahil sa matchmaking tendencies nina Ma'am Cathy at Ma'am Wena pero baka dahil sa universe talaga,” sabi ni Broccoli.

“Tadhana. Yun lang,” pilit ni Frying Pan.

Di rin sila nagpapigil na magbigay ng mensahe para sa kanilang mga idolo.

“Maganda yung adbokasiyang pagliligtas sa mga Pandas, keep it up and stay strong. Sana masaktan pa kayo at mabigo lalo para mas malalim na hugutan yung mga lits. JOKE LANG MAHAL KO KAYO,” wika ni Broccoli.

“Keep up the good work!” sabi ni Isa. Mayroon siyang mas personal na mensahe para sa dalawa pero marapat sigurong siya na lang ang magsabi at wag nang isulat pa dito. Ayon nga sa kanya, alam naman na rin nila yun.

“Sana talaga magkatuluyan kayo yiiiieeeee!” ani Frying Pan na sa puntong ito ay halata namang number one fan talaga nila.

Hiningan din namin ng pahayag si Nadine, ang siyang promotor at nagpasimula ng tambalang ito, kung ano ang mensahe nya sa para sa dalawa.

Ayon sa kanya, “Alam kong mas nagpapasalamat sila sa Universe at sa akin kasi lagi silang nakakapag-usap dahil pinagsusulat sila pero thank you na rin sa kanila kasi lagi silang nagsusubmit.”

“Tsaka minsan talaga yung mga di masabi sa personal, dinadaan na lang sa lit. Hehehehe,” dagdag pa niya.

Syempre hindi rin naming pinalampas ang pagkakataong makapanayam sina Saviour of the Broken at Pandaz. Tinanong namin kung anong masasabi nila sa pagkakabuo ng die hard fanbase nila.

“Nakakatuwa HAHAHA MAS KINIKIKILIG PA SILA MINSAN!” sabi ni Pandaz.

“Idk. bakit ganyan :(((( HAHAHAHHAHAHA!” di naman makapaniwalang sabi ni Saviour of the Broken.

Pero ayon sa kanila, may mga pagkakataong tumatagos sa tunay na buhay ang mga bagay na kanilang sinusulat.

“Siguro kasi yung iba naman based from experiences…”sabi ni Pandaz.

“Oo kasi why not??” wika ni Saviour.

Sinigurado din naming maitatanong ang pinakakontrobersyal at pinakaaabangang tanong sa lahat ng tanong. Ito ay para malaman kung ano ba talaga ang mayroon sa kanilang dalawa.

Ayon kay Pandaz, “Meron po kaming higit na................. Bilang ng reqs na hindi pa namin ginagawa HAHAHA.”

“Di ko talaga alam. Bakit ganito :((((( HAAHAHAHAHA!” ulit ni Saviour.

Hindi pa nakontento sa sagot niya si Saviour at sinabing, “BAKIT KASI GANITO YUNG MGA TANONG HUHUHUUH EWAN KO BA HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA…

I'm not sure but "if it's right, it will be.”

Kaya naman para sa kanilang mga die-hard fans, tunay na nakatutuwang umasa sa posibilidad na matuloy sa totohanan ang storyang kanilang pinagbibidahan.

Spoof Feature: @upisOTPs

Bae, mahal, mami, dhie, bb, bbq, cupcake, muffin, munchzkie at kung anu ano pa, ilan lang to sa mga tawagan ng milyung milyong mag-jowa, mag-syota, mag-on, mag-MU at may malanding ugnayan.

At sa dami ng nagmamahalang ito, mayroong iilang couple na totoo talagang nagsastand out. At ito ang ilan sa kanila :

1. Jeje Couple
Sila ang mag-jowang hindi mo maintindihan. Literal na hindi mo maintindihan dahil parang mauubusan sila ng letters at symbols sa keyboard kaya ginagamit nila halos lahat sa bawat post.

Jeje Couple

2. Cool Couple
Sila ang mag-bae na puro paghahashtag at pag-eemoji. Sila yung sobrang cool na sana nanigas na
lang sila.

Cool


3. Nerdy Couple
Sila yung kung mag-date, study date. Kulang na lang mag-candlelight dinner sila sa library para makaperfect sa exam at the same time makapaglambingan.

Nerdy

4. Nerdy x Hottie Couple
Sila yung hindi mo inaasahang magjowa. Pero kadalasan tinuturuan ni nerdy si hottie sa mga lesson na hindi niya maintindihan, habang si hottie naman tinuturuan si nerdy sa PE para perfect niya rin.

Nerdy x Hottie

5. Clingy Couple
Sila yung hindi mo mapaghihiwalay. Lahat na lang inaalam. Lahat na lang pinagseselosan.

Clingy

Spoof Sports Feature: KR Swish: Isang Tunay na Hokage



"Nang dahil sa basketball, marami akong nakilalang girlaloos."

Si Kenneth Rabang, o mas kilala bilang KR Swish, ang isa sa mga pinakaastig na estudyante ng UPIS. Hindi matatawaran ang kanyang pagka-baller sa paglalaro ng basketbol.

Sino ba namang hindi iidolo sa kanya? Kung mayroon tayong tinatawag na go with the flow, ang kanya namang skill ay "roll with the ball." Meron pa siyang super tummy na sobrang yummy. Saan ka pa?

Parte siya ng basketbol team ng UPIS kung saan patuloy niyang ginagamit ang kanyang talento upang maipahiwatig ang magandang salita ng laro. Kinagigiliwan sya ng kanyang mga fans at iniidolo ng buong komunidad ng UPIS.

Si KR Swish ay parang si Steph Curry—cutie, sexy, magaling magbasketball at higit sa lahat God-fearing. Ang pinagkaiba lang nila ay imported at medyo mas sosyal ang sabon ni Steph. Sapagkat wala nang time maghanap si Swish ng ganung sabon dahil iginugugol niya ang karamihan ng kanyang oras sa pagiging student-athlete.

Kaya naman bidang bida siya at dapat siyang tularan ng lahat. Inaabangan siya sa tuwing maglalaro sa court. Kung may mga ticket na binebenta, siguradong sold out dahil maraming nagnanais na masaksihan ang kanyang paglalaro. May maririnig pa ngang, "Napakalupit mo, KR!" at iba pang nagtitilian na babae at lalaki.

Tunay na inspirasyon sa ating lahat si Swish. Kahit ano pa ang ipagawa sa kanya, no question, kayang kaya ni KR yan. Wala ka nang hihilingin pa. Kaya kanino ka pa ba? Dito ka na kay KR, ang tunay na Hokage! / nina Jaggie Gregorio at Bryan Lina

Spoof Feature: How to be Handsomely Famous




UPIS is a school with plenty of beautiful people. Some of these people are universally prominent. So whether you are from UPIS or not, I know you have heard of me… Blade Alvarez.

I joined the showbiz and modelling industry at a young age. I am most popular for my surprising good looks, killer smile, and astonishing talents.

But how did I become famous?

Let me personally give you these foolproof tips on how to get to this level of handsomeness:

1. Join barangay beauty pageants.
They are the first step to becoming full-pledged models. Actually, you can join any contest—quiz bees, marathons, sabayang bigkas, sayawit, etc.—to just show off your beauty.

2. Post pictures of yourself on Instagram daily.
No matter when or where you are or how you look in the picture, just post it. Your followers will thank you.

3. Make a fan page for yourself on Facebook.
This is so that you can post hourly about what you are up to because everyone cares. You can also interact with your die-hard fans.

4. Believe that you look like a celebrity.
Because you do, you look a lot like Marl… Excuse me, James Reid.

5. Do the pabebe wave.
And because you look like a celebrity, do the pabebe wave in every picture you take. It always, always gets the fans.

Spoof Sports: Blade Alvarez, hindi makakalaro sa finals dahil sa injury

Hindi na makakalaro sa finals ng Season 178 Mikmik Eating Contest ang UPIS Baby Maroons team captain at star player na si Blade Alvarez, nang mainjure sa semi-finals noong nakaraang Sabado, Marso 5, sa Mall of Asia Arena.

Baradong ilong at namamagang lalamunan ang iniinda ngayon ng senior star player dahil sa aksidente niyang pagkalunok sa straw sa ikalawang set ng kanilang semis game laban sa STI Stinging Rays.

“Gib na gib ako kaya nalunok ko pati ang straw,” sabi ng beteranong Mikmik player. “Okay na ako pero di na ako makakalaro sa finals kasi inoperahan ako so I need time to recover,” dagdag pa ni Alvarez sa isang pangongo at malungkot na paraan.

Malaking bagay ang pagkakaalis ni Alvarez sa ikalawang set upang makahabol ang Stinging Rays. Nanalo ang Rays sa ikalawang set dahil sa pagpapakitang gilas ng bagong saltang si Alden Ravena. Ang mabilis niyang paghigop ng Mikmik ang nagbuhat sa kanilang koponan kaya’t naipanalo nila ang ikalawang set.

Binawi naman ng Baby Maroons ang huling set para pumasok sa finals. Ayon sa kanila, masaya ngunit kabado pa rin sila dahil sa kanilang mga injury tulad ng bulok na ngipin, makipot na esophagus, at di pantay na baga.

Makakatapat ng Baby Maroons sa finals ang10-peat defending champion na PUP Green Patings sa susunod na linggo, Marso 27, 10:00 AM sa Smart Araneta. / ni Carlos Laderas

Spoof News: Bagong elevator sa UPIS, tumatakbo na

Umabot sa pila ng UP papuntang SM North ang linya ng mga estudyanteng nais subukan ang bagong elevator sa unang palapag ng UPIS noong nakaraang Marso 4, Biyernes.

Upang mapagbigyan ang mga estudyanteng may klase sa ikaapat na palapag ng Academic Building, pinagamit ang elevator na natapos mahigit isang taon mula nang ilunsad ang proyekto.

Yun nga lang dahil sa kakulangan ng pondo ay de-padyak lamang ang mekanismong ginagamit para sa pagpapatakbo nito. Isang tao lamang ang kailangan ngunit 20 milya sa bawat oras ang tinatakbo nito kapag lima o mas kaunti pa ang nakasakay.

"Hassle po talaga paminsan kasi poging-pogi ka tapos pagpapadyakin ka ng mga kaklase mo para makarating sa Comp Sci [sa 4th Floor]," ika ng rising star na si Blade Alvarez. "Pag pogi daw kasi mas mabilis talaga."

Ayon sa administrasyon ng UPIS ay papanatilihin munang de-padyak ang pagpapatakbo upang matuto ang mga estudyante na pahalagahan ang pagpupursige para makarating sa taas.

"Minsan nga po nale-late kami nang isang oras sa klase namin kasi napakahaba ng pila at ginagawang squad goals ang pagsakay sa elevator," sabi ng isang estudyante mula Grade 8-Cockroach. "Pero minsan masaya din kasi yung teacher yung nalelate ng 1 hour sa klase kapag siya yung na-stuck."

De-padyak man o de-kuryente, hindi mapagkakaila na ang elevator na ito ay isang simbolo ng pag-unlad na maipagmamalaki ng UPIS. / nina Hannah Manalo, Macky Barrientos

Spoof News: Bundok UPIS, sinisimulan na

Sa pangunguna ni Prop. Lorna Istatwa at G. Rockman Batongbakal, sinimulan na ang pagpapatayo ng kauna-unahang bundok sa University of the Philippines Integrated School, noong ika-1 ng Marso.

Maraming estudyante ang nabahala pagkatapos mapansin na mistulang nagiging bundok na ang mga tiles sa mga klasrum sa 3rd at 4th floor ng Academic Building.

Sa katunayan, isang mag-aaral ang biglang tumilapon sa kanyang upuan sa kalagitnaan ng long test sa Math dahil sa biglaang pag-angat ng sahig, isa sa mga di maiiwasang epekto ng proyekto.

“Gulat talaga ako! I thought it was just my guniguni because the test is so hirap!” wika ng mag-aaral na ayaw magpakilala. “But when I realized what was happening, I asked Sir Rock agad if the building is collapsing.”

Agad namang nilinaw ni Istatwa, UPIS Prinsipal, na isa lamang ito sa marami pang proyekto na naglalayon na maging ecopark ang UPIS.

Ayon naman kay Batongbakal na siyang puno ng proyekto, layon lamang niyong mabigyan ng tahanan ang mga hayop sa UPIS.

“Endangered na ang mga rainbow cockatoos at ito lamang ang naisip naming paraan upang mabuhay ang mga ito,” depensa ni Batongbakal. “Pagkatapos ng buwan na ito, si Sir Poldi na ang mamumuno upang maging matahimik ang lahat.”

Target ng grupo na matapos ang bundok na may taas na 3000ft above sea level sa unang quarter ng taong 2017. / ni Julian Taloma

BABALA


Literary: E is not equal to MC squared



Literary (Submission): TripYon, I.S.



Para saan pa ang pinto,
Kung teachers lang naman ang nakakaraan?
Para saan pa ang hagdanan,
Kung di naman maakyatan?

Naglagay ng apat na gate,
Isa lang naman ang nagagamit
Naglagay ng ref sa foods lab,
Bawal naman maglagay ng pagkain

May gym nga tayo, wala namang bubong
Mga bench tinanggal, bawal daw umupo
May Braille sa pader, baka nga naman mabasa ng bulag
May kuryente naman! Nakikisabit nga lang.

Mga pader kasintibay ng styro ng Jollibee
Mga crack nagsusulputan sa gilid-gilid
Ilang buwan pa lang dosenang ilaw na'y napundi
Tiles sa homeroom bigla na lang umuusli.

Isang araw, malaking pirasong yero'y nalaglag
Bumabagyo ba noon? Maaraw pa nga
Buti naman walang estudyanteng napisa
Tatlong halaman lang ang namatay, kaawa-awa.

Balak mo nang lumabas ng gate?
Naku bata, once you're out it's too late.
Buti pa sa cinema, nagpapasok ulit,
Sa 'IS manigas ka, bawal magpumilit.

Ang 'IS parang isang minamahal na kaibigan
Ngunit minsan, talagang kinaiiritahan
Isang tanong ang ngayo'y umiikot sa aking isipan
UPIS, trip mo lang ba kaming parusahan?

Literary: Hindi Pacquiao, Hindi Villar


Araw-araw, sa pagpasok sa paaralan
Ang makita ka ang lagi kong inaabangan
Mapa-ECON, MATH o SCIENCE
Ikaw ang gusto kong puntahan

Nasa’yo ang tangi kong hinahanap
Alam kong ikaw lang ang makakapagbigay ng dapat
Ikaw ang sasalba sa puso kong kumakaba
Sa tuwing ang exam ay magsisimula na

Hindi ko alam ang ibang dulot ng pag-abot mo
Sa tuwing may exam ay lumalakas ang loob ko
Salamat dahil kahit ni minsan
Hindi mo ako pinagdamutan

Iba ang kabutihang iyong taglay
Muntik na ngang ako sa’yo’y mapa-ibig na tunay
Sana nga ay wag kang magbago
Marami ka kasing napapasayang tao

Ngunit, ako ay may lihim
Isang lihim na ngayon ay sasabihin
Sa bahay, ang scical ay sadyang iniiwan
Upang ikaw o, Sir Manny ay aking masilayan

Literary (Submission): Tadhana at mga Biktima


Bakit ba kasi napakasakit?
‘Yung iwan ka ba naman sa ere?!
Ano bang problema ng mga lalaki?
Ang hilig manakit ng mga babae

Wrong send? Sino to?
Isa ka ba sa mga humiram ng bolpen ko?
Binura ko na kasi number niyo
Ayan, buti nga sayo!

Aba, ako pa ngayon?!
Ako pa ang nasisi?
Nagmahal lang naman ako
Nagmahal sa mga tulad niyo

Tulad ko? Aba loko
Ako kaya yung pinapaasa!
Tulad ng mga bolpen ko,
Ako’y sira na at nawawala

Ikaw? Pinaasa?
Ay, teka lang ah
Kung sira ka na talaga
Aba’y, sirang, sirang, sira na ako

Oo. Pinaasa
Sirang sira? Talaga lang ah
Ano pa bang mas malala pa
Sa pagkasira ng sayo’y pinakamahalaga


Oo, sirang-sira
Wala na kasing mas malala pa
Sa pagmukhain kang tanga
At iwan kang mag-isa

Teka nga, teka nga
Ba’t bas akin ka nagdadrama?
Di naman ako yung nagpaasa ah
Di nga ata kita kilala

Ay loko!
Hindi ba ikaw si…
Pagpasensiyahan mo na
Salamat na rin at nakisakay ka

Wew. Tinanong ko ng a kanina kung wrong send ka
O siya, di bale na
Mukhang biktima ka rin pala
Ng mga bolpen at pusong sinisira ng tadhana

Biktima nga yata ako
At alam kong biktima rin

Ng tadhana o kay saklap
Ooh beybe o kay saklap