DiMaAninag,

Literary (Submission): Tadhana at mga Biktima

3/06/2015 09:21:00 PM Media Center 0 Comments


Bakit ba kasi napakasakit?
‘Yung iwan ka ba naman sa ere?!
Ano bang problema ng mga lalaki?
Ang hilig manakit ng mga babae

Wrong send? Sino to?
Isa ka ba sa mga humiram ng bolpen ko?
Binura ko na kasi number niyo
Ayan, buti nga sayo!

Aba, ako pa ngayon?!
Ako pa ang nasisi?
Nagmahal lang naman ako
Nagmahal sa mga tulad niyo

Tulad ko? Aba loko
Ako kaya yung pinapaasa!
Tulad ng mga bolpen ko,
Ako’y sira na at nawawala

Ikaw? Pinaasa?
Ay, teka lang ah
Kung sira ka na talaga
Aba’y, sirang, sirang, sira na ako

Oo. Pinaasa
Sirang sira? Talaga lang ah
Ano pa bang mas malala pa
Sa pagkasira ng sayo’y pinakamahalaga


Oo, sirang-sira
Wala na kasing mas malala pa
Sa pagmukhain kang tanga
At iwan kang mag-isa

Teka nga, teka nga
Ba’t bas akin ka nagdadrama?
Di naman ako yung nagpaasa ah
Di nga ata kita kilala

Ay loko!
Hindi ba ikaw si…
Pagpasensiyahan mo na
Salamat na rin at nakisakay ka

Wew. Tinanong ko ng a kanina kung wrong send ka
O siya, di bale na
Mukhang biktima ka rin pala
Ng mga bolpen at pusong sinisira ng tadhana

Biktima nga yata ako
At alam kong biktima rin

Ng tadhana o kay saklap
Ooh beybe o kay saklap

You Might Also Like

0 comments: