DiMaAninag,

Feature: Carlo the Pogi

3/06/2015 08:51:00 PM Media Center 0 Comments



“Nagjogging lang naman ako kanina. Pagtingin ko sa likod ko naging fun run na. Hays, ang hirap talaga maging pogi.” #PogiProblems

Si Carlo. Isa lamang siya sa mga ordinaryong estudyante na nakikita mo araw-araw sa UPIS, ngunit bakit pinagkakaguluhan siya ng mga tao?

Minsan, kapag nakasalubong mo siya sa mga corridor ng UPIS 7-10 Building, magkakaroon ka ng pagkakataon upang mag-hello sa kanya o kahit sumaludo. At siyempre, dahil mabait si Carlo, kakamustahin ka pabalik. May mga pogi na artista tulad nina Jericho Rosales, Piolo Pascual at Daniel Padilla, pero ibang klase ang kapogian ni Carlo. Iilang tao lamang sa buong mundo ang may tapang na sumuot ng lampin lang at maglakad sa school, isa na si Carlo doon. Astig ‘di ba?

Madalas mo siyang makikita na may neon green bag sa school o kaya’y naglalaro ng basketball sa may court. “Ball is life” ika nga. “Madalas nakangiti, madaling lapitan, masayang kasama” – ito ang impresyon na nakukuha niya mula sa mga tao sa tuwing nakikita nila si Carlo.

Simpleng tao lamang si Carlo. Ibang klase nga lang ang yabang niya – yung tipong hindi nakakasakit sa mga tao – in fact, nakakahawa pa. Lagi niyang sinasambit ang mga ‘words of wisdom’ sa mga taong nangangailangan. Hindi rin niya alam kung paano siya naging pogi. “Basta paggising ko na lang, ang alam ko sobrang pogi ko na. At hindi ako nagyayabang”, ang kanyang sabi.

Nitong kakatapos lang na Parangal ay pinarangalan siya ng titulong “Pinakatanyag na Pogi sa Akademikong Taon 2014-2015”

At sa kanyang nalalapit na pag-graduate mula sa UPIS, hinding-hindi malilimutan ng mga tao ang mga naging kontribusyon sa paaralan. Bilang pasasalamat, handing magbigay si Carlo ng mga grad pics sa mga nais humingi. Lumapit lang kayo sa kanya, at siguradong bibigyan ka niya. / ni Julou Tirol

You Might Also Like

0 comments: