chapter 6,

Literary: E=MC^2 (Chapter 6)

3/17/2015 09:03:00 PM Media Center 0 Comments

Ang E=MC^2 ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 2 2015 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.

Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.





[Coco]

“.. mahal pa rin kita.”

Ano? Anong mahal mo pa rin ako? Anong kalokohan ‘to Matteo? Matapos mong ayain si Maya sa prom, sasabihin mong mahal ako?  Ngayon mo lang ulit ako kinausap, tapos sasabihin mong mahal mo pa rin ako? Maarte ako alam ko, pero may utak naman ako! Kaya ‘wag mong sasabihing mahal mo ko, dahil alam kong hindi na, Matteo.

Iyon ang gusto kong sabihin kay Matteo. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magalit. Pero wala.

“Tama na Matty. Umalis ka na. Masama ang pakiramdam ko. Huwag mo muna akong guluhin.”

Iyon lang ang nasabi ko, pero sinigurado kong madiin at walang kalungkutan sa boses ko.

Lumapit si Matty at umupo doon sa upuan malapit sa kama sa clinic. Hinawakan niya ang kamay ko at sinabing, “Sige, magpagaling ka muna Coco. Sorry. Paggaling mo mag-usap na tayo.”

Hindi ako kumibo. Tumingin lang ako sa kaniya sandali, tinanggal ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at tumingin na ulit ako palayo.

“Bye, Coco. Pagaling ka. Aalis na ako.”

Naramdaman kong tumayo na siya paalis. Binuksan na niya ang pinto at sinara niya ito. Finally, nakahinga na rin ako nang maluwag.  Matty’s gone, pwede na ulit akong magmukhang mahina.

Ilang oras ang lumipas at nagtext  na  rin sa’kin si Mommy at susunduin niya na raw ako. Kaya naman inayos ko na yung gamit ko para makaalis na rin ako sa clinic na to. Syempre, naglinis na rin ako ng konti, nakakahiya naman kay Nurse Joy.

Doon sa ilalim ng inupuan ni Matty, may nakita akong isang piraso ng yellow pad. Aba naman Matty, mag-iiwan ka pa ng kalat dito pa.  Syempre, tinignan ko na rin, baka homework niya yun. Dapat kong ibalik yun sa kaniya kung homework nga yun.

“OPERATION : CocoNot”

“Huh? What’s this?”

Nandoon lahat ng ginawa niya sa akin nitong mga nakaraang buwan. Nakalantad hanggang sa kaliit-liitang detalye.

Nandoon yung inindyan niya ako noong UPIS Days. Halos mabaliw ako kakaisip noong araw na ‘yun kung anong ginawa ko sa kaniya. Bakit sa Marriage Booth na lang tinanggihan pa niya akong pakasalan? Bakit hindi niya ako pinansin? Bakit siya umalis ng hindi man lang nagpapaalam? Inisip ko pa na baka pumanget na ako kaya nahihiya na siyang makita kasama ko. Ito pala ang dahilan. Lahat pala ‘yun ay plano niya.

Nandoon din yung date namin sa may cheapipay na restaurant kasama yung mommy niya. Kinilig pa man din ako, inisip ko na lahat yun ay ginawa niya para bumawi sa akin at matuwa ako. Akala ko ginawa niya yun dahil seryoso na talaga siya sakin. Pero hindi. Plano lang rin pala niya ‘yun.

At siyempre, nandoon din yung pagpoprompose niya kay Maya, na akala ko bestfriend ko.

Ang sakit. Ang sakit na lahat nangyari ay parte ng plano niya. Plano para hiwalayan ko siya. Na hindi ko naman napansin at nakita dahil sa mahal ko siya.

Di ko akalain ganito pala ako katanga.

Nabasa ko lahat lahat. Wala na lang akong ibang nagawa kundi umiyak.

Gusto kong isiping joke lang lahat ng nabasa ko. Gusto kong isiping, “No, this is nothing but a very bad nightmare.” Gusto kong isiping ibang tao yung nagsulat nun, na hindi si Matteo ang nagsulat. Gusto kong magtanong kung ano 'yun at kung anong ibig sabihin nun, pero hindi. Totoo. Totoo yung nabasa ko at wala na akong kailangang linawin at tanungin pa, nandun na lahat ng sagot sa tanong ko. Ang sakit sakit.... Sobrang sakit.

Ano bang nagawa ko bukod sa mahalin ka Matteo?

*FLASHBACK*

"Coh coh!!! Punta ka daw sa Sunken mamaya sabi ni Matteo!!! Dun daw sa inuupuan niyo lagi!!!" sigaw ni Maya.

"Huh? He said absent siya today?" sabi ko naman.

"Yeah, just go there after class okay???" sagot ni Maya.

Matty told me magpapa derma muna sila ng Mom niya kaya he's going to be absent today. Bakit kaya niya ako pinapupunta sa usual place namin? Nagccrave ba siya ng kwek kwek? Hay nako di tuloy ako mapakali!

-uwian-

"Cohcoh!!! Pupunta ka na ba dun sa Sunken? Sama ako!! I wanna eat canton e. Sama din daw our friends and friends ni Matty" sabi ni Maya.

"G lang Mays. Hehe tara let's g?" yaya ko sakanila.

Dumaan muna kami sa bilihan ng kwek kwek. Bumili ako ng isang stick ng kwek-kwek at dumiretso na sa Sunken.

Hinanap ko si Matty bago ako umupo. Wala pa siya. Umupo muna ako. Nakain ko na yung pangatlong kwek kwek nang biglang dumating si Matty.

"Hi Coco. *smiles*" sabi niya.

*Nagpunas ng bibig* "Hi matty!!!" sabi ko naman.

"Uhm, coco... Look oh." sabay turo sa field.

Nakatayo doon yung friends ko at friends ni matty.. Nakalagay sa mga t-shirt nila yung mga letters na...

"W-I-L-L-Y-O-U-B-E-M-Y-G-I-R-L" humarang si Matty sa tinitignan ko.... hinubad niya yung polo niya.... at nakita ko yung panloob niyang shirt na may nakasulat na "?"

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Pero isa lang ang alam ko.... 

AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!! ANG GANDA KO!!!!!!!!!!!!!! SOBRANG KINIKILIG AKO.... I CAN'T EVEN... UGH!!!!! HINDI KO ALAM, HINDI KO ALAM PANO SIYA SASAGUTIN. Buti nalang I'm so smart...

Bumalik ako sa usual seat namin at kinuha ko yung dalawang natirang kwek kwek sa kinakain ko...

"Matty, love..." *sabay bigay ng dalawang bilog na kwek kwek sa kaniya*

"So... Is it a yes? Or a no?" tanong ni Matty.

"Hahahahahaha! Don't you get it Matty? You’re so sloooow talagaaaa! Dalawang bilog yan so of course its a ye--"

Hindi ko na natapos yung sinasabi ko kasi bigla akong niyakap ni Matty nang sobrang higpit at sinabing "You don't know how happy I am today... I love you, Coco."

"I love you too, Matty."

"Gusto mo ba pa ng kwek kwek? Nabitin ka yata kasi ako kumain nung dalawang tira mo, hahahaha! O kaya 'san mo gustong kumain? Mag celebrate naman tayo oh." aya ni Matteo.

"Uhm, sure! Kwek kwek nalang!" sabi ko.

Dahil sa sobrang saya ni Matty, nilibre niya pa ang buong barkada ko at barkada niya. That's the first time I saw that he loves me nga talaga.

"Coco, love, pwede naman siguro kitang ihatid sa bahay mo ngayong girlfriend na kita?" tanong ni Matteo.

"Ha? Eh.. Haa?? Hala? Pwede bang magpaalam muna ako ke Mommy?" Kinakabahan kong sagot.

*Calling: Mommy*

"Hello, babygirl?" sagot agad ni Mommy.

"Ahh, ehh, Ma? Ma pwede po daw ba ako Mama ihatid ni ano Ma? Ni ano po ma..."

"Nino anak? Magsalita ng maayos." sabi ni mommy..

"Ni Ma.. Matteo po ma?"kinakabahan kong sabi sa kaniya.

"Sige, pero make sure you make kwento when you get home. Nase-sense kong may dapat kang i-kwento eh. Hehehe. See you baby!"

*end of call*

"Matty, pwede raw."

"Tara! Anjan na yung kotse ko." yaya niya.

Nasa byahe kami, di ako nagsasalita... Kinakabahan ako... Anong sasabihin ko kay Mommy?? HALA PANO KUNG NANDUN SI DADDY??? Anong sasabihin ko??? Pag tinanong nila kung sino siya, anong sasabihin ko? Kaibigan ko? Kaklase? Syota? Boyfriend? WAHHH ANO???

Hinawakan ni Matteo yung kamay ko..

"Baby, relax. I got this, we got this, okay?" sabi niya...

Wala na akong nagawa kundi ngumiti.

-pagdating sa bahay-

Nauna si Matteo na bumaba ng kotse, pinagbuksan pa niya ako ng pintuan at siya na rin ang nagdala ng mga gamit ko.

Sinalubong kami ni Mommy at Daddy sa labas ng bahay..

"Good evening po, tito and tita. Ako po si Matteo Buenavista." bati ni Matteo.

"Hi Mom, Hi Dad..." sabi ko naman.

"Oh, anak, Matteo, halina't kumain na kayo rito ng hapunan." sabi ni Daddy

WOAH. WOAH THERE. My Dad invited my boyfriend (hantaraaay, for the first time in forever nasabi kong boyfriend ko na siyaaaa) na kumain ng dinner sa bahay. I was expecting na magagalit siya kasi may kasama akong lalaki, but no. Oh my god.

*end of flashback*

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bakit ko ba naaalala lahat?

Tama na, Coco. Tapos na, wala na. Wala nang magagawa 'yang pagreremenisce mo ng mga memories niyo ni Matteo kasi hindi ka na niya mahal. Siya na nga mismo ang gumagawa ng mga paraan para ayawan mo siya, na hindi mo man lang nakita noon, at ngayong alam mo na, tama na. Tumigil ka na. Wag mo nang ipagpilitan. Hindi ka na niya mahal.

Nag-iba na lahat. Ngayon, iniisip ko kung totoo ba ‘tayo’. O baka lahat rin ng ito ay parte ng plano mo.

ITUTULOY.


You Might Also Like

0 comments: