camille l,

Iba’t ibang aktibidad, itinampok sa Math Week 2015

3/17/2015 07:46:00 PM Media Center 0 Comments

Matagumpay na naisagawa ng Math Club 3-10 ang taunang UPIS Math Week Celebration na ginanap noong Marso 10-13, 2015 na may temang: “UPIS Iskolar: Mathapang, Mathalino.”

Ilan sa mga inihandang gawain ng Math Club 3-10 ang “π” Cupcake Sale, Rubik’s Cube Challenge, Quiz Bee (high school), (Pre) π Day Sale, at DALUBBILANG (Quiz Bee), Math Olympics (Amazing Race) at Sudoku Challenge naman para sa 3-6.

Sa high school Math Quiz Bee, nanalo sina Aldrin Aujero (7- Mars), Dex Daguman (8-Butterfly), Adrian Bornilla (9- Silver), at Maryrose Sanchez (10- Lauan) na nakakuha ng 43 puntos. Sumunod sina Sean Gelera (7- Venus), Bianca Morales (8- Butterfly), Denice Palicte (9- Silver), at Earl Briones (10-Acacia) na nakakuha naman ng 29 puntos. Nakuha naman nina Bryant Galicia (7- Saturn), Michael Tee (8- Dragonfly), Rene Rollon (9- Iron), at Reinon Salvador (10- Molave) ang ikatlong gantimpala na may 26 puntos.

Sa 7-10 Rubik’s Cube Challenge, nakamit naman ni Owen Bernos (7- Mars) ang unang gantimpala sa pagbuo ng Rubik’s cube sa loob ng 00:33:40 segundo. Pumangalawa naman si Dex Daguman (8- Butterfly) na may oras na 00:40:43 segundo at si Greg Octa (10- Acacia) naman ang nagkamit ng ikatlong gantimpala na may oras na 00:60:15 segundo.

Sa DALUBBILANG, nanalo sina Andrei Nicolas Pablico (3- Batis), Logan Isabel Sampang (4- Labanos), Carl Marquez (5- Arayat) at Patricia Faith Capito (6- Jade) na nakakuha ng 30 puntos. Pumangalawa sina Jason Javier Amor (3- Ilog), Erielle Martha Anica Arceo (4- Singkamas), Anne Marel Macapanpan (5- Banahaw), at Marius Ulyzses Barcenas (6- Jade) na nakakuha ng 23 puntos. Nakuha naman nina Kirsten Chantal dela Cruz (3- Ilog), Johan Samuel Danque (4- Malunggay), Paolo Doronila (5- Cordillera) at Gabrielle Elise Cabalu (6- Topaz) ang ikatlong gantimpala sa 21 puntos.

Nanalo rin sina Janwin Myl Pantoja (3- Dagat), Pio Rafael Oyzon (4- Malunggay), Chester Joseph Madelo (5- Banahaw), at Jan Jason Gonzales (6- Topaz) sa 3-6 Rubik’s Cube Challenge.

Nauwi naman ni Sofia Javier (3- Ilog), Samanta Arinto (4- Labanos), Emmuel Joseph Cruz (5- Banahaw), at Katrina Tee (6- Topaz) ang kampyunato sa Grade Level Sudoku Challenge.

Naging kampeon naman sina Doreen Bergado (3- Ilog), Christian Babaran (4- Singkamas), Cynarina Licuanan (5- Banahaw), at Marius Ulyzses Barcenas (6- Jade) sa Math Olympics 3-6. / ni Camille Lita

You Might Also Like

0 comments: