Showing posts with label satellite. Show all posts

Literary: Kalachuchi





May 28, 2021

Mayo na naman pala, paparating na naman ang paborito kong araw na taon-taon kong inaabangan. Ang anibersaryo ng ating pag-ibig, ang araw kung saan tumubo ang binhi ng ating kwento. Narito ako ngayon sa tindahan ng mga bulaklak upang mamili ng aking ipanreregalo sa ating selebrasyon. May mga rosas, liryo, dasyanas, santarita, at samu’t saring uri ng mga bulaklak, ngunit sa lahat ng kagandahang naidudulot nito, ang mga kalachuchi pa rin ang hindi ko malimutan. Oo nga pala, ganitong araw rin noong ika’y aking nakilala. Hindi ko maiwasang maalala ang araw ng unang beses na pagkikita natin sa tuwing nakikita ko ang bulaklak na ito. Buwan din ng Mayo no’n, matindi ang sikat ng araw na tumatagos sa maninipis na dahon ng mga puno. Napakatahimik ng lahat, tanging kaluskos ng mga dahon, huni ng mga ibon, at nginig ng mga kuliglig lamang ang bumabalot sa aking pandinig. Nagmamadali akong tumatakbo patungo sa eskwelahan sapagkat tinanghali ang pagbangon ko. Alam kong kaunti na lamang ang natitirang oras para makaabot sa aking unang asignatura ng araw na ‘yon ngunit hindi ko maiwasang huminto upang pagmasdan ang isang babae na nagpupulot ng mga bulaklak ng kalachuchi sa daanan.

May 28, 2013

Tila bumagal ang pagtakbo ng oras nang masilayan ko ang iyong mga ngiti. Maputi ang iyong balat, manipis ang mga mata, at may malarosas na mga labi. Pinagmasdan ko ang marilag mong pag-iral habang ika’y nagpupulot ng mga bulaklak sa sementadong daan. Sumasabay ang liwanag ng iyong mga ngiti na tila hinahamon ang sinag ng araw. Nang umihip ang hangin ay natanggal sa pagkakatirintas ang iyong buhok, agad mo itong inayos muli at inipitan ng bulaklak ang iyong panali. Para bang inaangkin mo ang pangalan na Kalachuchi na sintulad ng iyong maputing balat na bumabagay sa ‘yong dilaw na panali sa buhok. Sa saglit na ‘yon, alam kong may kakaiba sa aking naramdaman. May kiliti sa aking dibdib at tila nahawaan ito ng init ng tag-araw. Napagtanto ko na kasabay ng paghulog ng mga dahon sa ating paligid ay agad na rin akong nahuhulog sa presensyang iyong taglay. Nang malaman ko na ikaw pala ang bagong lipat sa aming section, ay agad na humubog ng ngiti ang aking mga labi. Siyempre hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, agad na akong nagpakilala at hindi nagtagal ay naging malapit tayong magkaibigan.

June, 2013 - April, 2014

Ikaw ‘yung tipong mahiyain, tahimik at mahinhin sa paningin ng lahat, ngunit lumalabas ang iyong pagiging kwela sa tuwing tayo’y nagkakausap. Sa mga simpleng bagay na ito, hindi ko namalayan ang pagdaan ng araw sapagkat puno ito ng ating mga masasayang alaala. Tuwing tayo’y magkasama at gumagawa ng kung ano-ano, tila bang gumagaan ang lahat. Mapa-science project, thesis, o kahit anong problema pa ang bumabagabag sa aking isip ay aking nakakalimutan basta’t kasama kita. Naaalala ko rin ang mga simpleng sandali na tinuturing ko’ng date kung saan naglalakad lang tayo sa ating paboritong kalsada habang pinagmamasdan ang paborito mong puno ng kalachuchi. Pinakagusto ko ang ating mga simpleng kwentuhan sa tuwing mag-aabang tayo ng masasakyan pauwi galing eskwelahan. Kahit nakakangawit tumayo, kahit walang kakwenta-kwenta, o kahit buong araw pa akong makinig sa iyong mga kwento, hinding hindi ako magsasawang pakinggan at maaliw sa mga ito. Ito’y dahil pinakamaganda ang iyong ngiti kapag ika’y nagkukuwento sa akin ng mga bagay na kinagigiliwan mo. Sa bawat araw na dumadaan ay lalong lumalalim ang aking pagtingin. Oras-oras ay nabibighani sa iyong ganda, minu-minuto’y pinagmamasdan ko lamang kung paano mo kinukulayan ang aking mundo. Bawat segundong kasama kita’y katumbas ng mahabang pahinga. Unti-unti kong napagtanto na gusto na nga talaga kita, ikaw ang nais makasama sa lahat ng alaala. Ang tanging tanong na lamang ay pupulutin mo rin ba ako tulad ng pagpulot mo sa mga kalachuchi noong araw na ‘yon.

May, 2014

Ilang buwan ang nakalipas at Mayo na muli. Tila ito ang pinakamabilis na taon ng aking buhay ngunit hindi nagtagal, dumating na ang selebrasyon ng ating pagtatapos, ang graduation ball. Sa kalaliman ng gabi, maingay ang paligid at maliwanag ang bulwagan na puno ng mga makikintab na dekorasyon. Ngunit sa kabila ng lahat ng 'to, ikaw pa rin ang pinakaumagaw ng aking atensyon. Kulay puti ang iyong bestida na may mga palamuting dilaw at alahas. Hinigpitan ko ang paghawak sa'king biniling kurpinyo na may disenyong kalachuchi na balak ibigay sa'yo at naglakad nang mabagal patungo sa iyong kinatatayuan. Habang papalapit ay nakatitig ako sa'yong mga mata na inaaninag ang mga ilaw. Ito na ang tamang pagkakataon, tamang oras upang sabihin ang aking nararamdaman. Sa pagbuka ng aking mga labi ay kumislap ang aking kinatatakutan, na hindi mo kayang maibalik ang aking nararamdaman. Muling pumasok sa aking isip ang ating masasayang alaala, maging ang unang beses nating pagkikita, ayokong mawala ang mayroon sa atin. Nasakal ako sa mga salita at hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Ngumiti na lamang ako at pinuri ang iyong suot habang nakatago ang kurpinyo sa aking likod, at naglakad papalayo. Ngunit kasabay nito’y narinig ko na lamang na may ibang lalaki na pala ang kumuha ng iyong kamay para sa huling sayaw ng gabi. Gumuho ang aking mundo, malumbay akong bumalik sa aking lamesa. Aking nasilayan na may babaeng nakaupo sa aking upuan. Kulay ube ang kaniyang bestida na may dekorasyong puting lila. Katulad ko ay malumbay rin ang kaniyang presensya na para bang isang halamang nalanta na bumabagay sa kulay ng kaniyang damit. Natanong at naikuwento namin sa isa't isa ang dahilan ng aming mungot at nagpatuloy ang aming pag-uusap hanggang sa matapos ang huling sayaw. Tinawanan na lang namin ang aming mga sarili, at para bang guminhawa kahit papano ang malumbay na gabi ng aming selebrasyon.

May 28, 2021

Alas-kwatro na pala.

Kailangan ko nang mamili ng bulaklak na ibibigay sa’yo. Sa isang sandali ay dinampot ko ang pumpon ng Kalachuchi. Ngunit binitiwan ko na rin ito agad at kinuha ang mga puting lilang katabi ng mga ito. Bagaman pareho ang kulay ng dalawang bulaklak na ito, puti at dilaw, hindi ito ang dahilan bakit pinili ko ang mga puting lila. Pinili ko ito dahil ito ang simbolo ng bunga ng aming pagsasama.

Pinili ko siya. Kasama siya’y patuloy kaming sumibol sa paglipas ng panahon. Tila isang buto na tumubo at naging puno, nanatili kami upang suportahan at tulungan ang isa’t isa. Kinailangan namin ang isa’t isa.

At katulad na lamang ng isang puting lila, namulaklak ako sa piling niya.

Literary: Favorite Parts





Waking up every morning at four
So early that the sky is still dark
Feeling the cold morning breeze
I never knew I’d miss these this much

When I journey every day
I love looking at the dark blue sky
Slowly brightening up
Little by little, the sun shows itself

Then I arrive
At this simple yet beautiful place
Its familiar warmth embracing me
Just as it has always done for the past 12 years

Inside are my favorite parts
Where I’ve had a lot of my firsts
And even a few of my lasts too
These places hold my most precious memories

Benches made of stone
Became our everyday lunch tables
A place where I often stay with my friends
And happily chat about each other’s crushes

A room with almost all the essentials
Always chock-full of busy students
Whether rushing to print important files
Or just staying to enjoy the cool air

Outside each room are students
Either sitting down or sleeping on the floor
Their backpacks used as pillows
For their sleepy heads, tired from the day’s work

Whenever we get hungry
There will always be turon and sandwiches
For us to buy and snack on between classes
They can be a little pricey, but they’re delicious

With all these places I mentioned
Places that I love and adore
Are the different people
Who complete my every day

Teachers who love us unconditionally
Staff who never get tired for us
And of course,
My silly but loving classmates

Every single one of these people and places
Helped me become the person I am today
I am happy, and I have grown a lot
Thank you for being my home


Literary: Fireflies



A creature with wings
That carries a light around
Wherever it journeys
A wonderful creation indeed

As a child, I'd always adored it
A firefly, even with its tiny light
Had always given me the greatest of joys
And the brightest of hopes

Even the dreariest and darkest sky
Was no match against
A jarful of these glowing creatures
Illuminating everything within me

Even so, nothing is permanent
Everything comes to an end
Fireflies lose their luminous glow
And I grow older through time

Slowly, I forgot about their light
I was lost on a dark road
Stumbling with every step
Blinded by my own fears and worries

I wondered where the fireflies went
Their comforting and gentle light
Gave me the will to carry on
I couldn’t see them anymore

However, just when I thought
I wouldn’t be able to get through the dark
Suddenly, a familiar glow
Carried and led me with its radiance

Constant support given by friends,
Family’s unconditional love
And the warmth of someone
Who was always there, through and through

Little by little, it seemed as though
I had a newfound hope
I have found my fireflies
And they have brought me home

Literary: 2AM




It's been almost 3 months
Since I laid in my own bed
Now I lay here, still awake at two
Wishing everything is all in my head

The steady sound of the dripping dextrose
Medicine bottles all over the counter
Body's still sore from doing chemo
The whole room is as quiet as ever

Sometimes I wonder if I will ever get well
Or if I will even get close
If there is something that scares me like hell
It would be dying, I suppose

I'm afraid my fateful demise is nearing
I never expected this would happen
The thought of death has always disturbed me
Who would ever want to be forgotten?

At night, I never give in to sleep
In fear of not waking the next morning
Tonight is no exception for me
I'm still wide awake, barely even yawning

It is currently three
Mom will be back from the drugstore
Perhaps I should get some sleep
I wouldn't want to worry her any more

Before I can even close my eyes
The door springs open and my mom walks in
She washes her hands as I rise
Something seems to be unsettling

She asks me if I'm awake, and I answer
But she keeps on repeating the same question
She walks toward me and just stares
I look back at her with utter confusion

She begins to shake me furiously
Ten seconds, and then she stops
I stand up as she suddenly lets out a loud cry
What's before me makes my soul throb

My unconscious body, lying on the bed
Eyes closed, very still, soundless
I quiver with fear as I stand by its head
With my mother, weeping against its chest

Time of Death : 2:00 AM

Literary: Multiply





Ever since I saw it
Nothing else has been the same
Every little thing you think about
Every little thing you see around

It makes my skin crawl
A feeling so faint yet it makes me feeble
Nothing else gives such a sensation
Discomforted by merely a tingle

They're coming from within my skin
They're all over my body
Holes that seem to multiply
I can do nothing but hide

I can feel them, slowly etching from within me
Itchy, irritating, tingling,
Look at my flesh, you can see right through
Can you feel them too?

Crawling under your skin
Opening holes all over your body
Exposing your flesh
Eating up everything that’s left of you

There isn't a second when I feel safe
Aren't you scared of them too?
Holes that seem to multiply
Please help me, for I must hide

One, two, three holes
Outnumbering me every second
I will feel every breeze that passes
And everything else that goes through them

It feels like they’re coming to get me
And if I ever face them again
I fear that they will take me
And soon inhabit every part of my body

Condensed, packed, hollow
Horrifying, dreadful, and horribly nasty
Holes that seem to multiply
I can do nothing but hide

Literary: Ang Aking Munting Kaibigan





Sa aming bakuran,
May hiwagang nagtatago sa kadiliman
Sa aming bakuran,
Nakatira ang aking munting kaibigan

Tuwing gabi, ako'y nangangamba
Kapag nagwawalis si Inay sa bakuran
Ngunit buti na lamang, bukod sa kadiliman
Kasama ko rin ang aking munting kaibigan

Huwag kang matakot,
Mabait ang aking munting kaibigan
Palagi niya akong binibigyan ng mga regalo
Basta't palagi ko siyang sasamahan

Ngunit isang bagay lamang ang nakapagtataka
Mistulang ako lamang ang nakakakita sa kanya
At kapag ako’y nasa bakuran,
Doon ko lamang siya nakikita

Sabi nina Nanay at Tatay,
Mag-iingat daw ako tuwing ako’y nasa bakuran
At huwag na huwag tatapak
Sa isang bagay na tinatawag nilang "punso"

Isang gabi habang nagdidilig ng mga halaman,
Napagdesisyunan ko itong hanapin
Kapag ito raw ay iyong tinapakan
Tiyak na may masama raw na mangyayari!

Walang maaninag kundi ang liwanag mula sa buwan
Ako'y nagpatuloy lamang sa paglalakad
Hanggang sa mayroon akong naramdaman sa aking paanan
Nakatapak pala ako sa isang maumbok na bagay

Ang bakura'y napuno ng katahimikan
At nakarinig ako ng mga yabag sa aking likuran
At kasunod nito, ay ang isang pamilyar na boses
"Psst! Halika rito, kaibigan!"

Paglingon ko ay agad ko itong nakita
Ang aking munting kaibigan!
Ngunit.. parang...
Wala na ang ngiti sa kanyang mga labi

Ang mga mata niya'y nanlilisik
Tila ba siya’y galit na galit
Lumapit siya sa aking harapan,
"Masama ang sumira ng tahanan, kaibigan"

Sa unang pagkakataon,
Nakaramdam ako ng takot
Tila tumaas ang aking mga balahibo
Siya pa rin kaya ang kaibigan ko?

Literary: Sino’ng Pipiliin Mo?




Kinakabahan.
Pusong hindi mapalagay, pilit pinapatahan
Ika'y hindi mapakali't pinagpapawisan
Natutuliro, panay ang pagsulyap sa orasan

Paano.
"Paano kung mauwi na lamang sa wala?"
Paulit-ulit na sinasambit
Isip ay napupuno ng pangamba,
Nangangambang ang sagot mo lang pala ay "Tama na."

Paano na ang mga binitawang salita?
Oras at pagod para sa iyo sa hangin na lamang napunta
Ngunit biglang lumitaw ang isang tanong sa aking isipan
Ang pinili mo’y ako nga ba?

Bakit.
Ibinigay na ang lahat,
Ngunit bakit hindi pa rin sapat?
Ngayo'y itatanong ko na sa iyo:
Ano pa ba ang nais ng iyong puso?

Saan.
Sa oras ay hindi naman nagkulang
Pagpapasensya sa 'yo ay sobra-sobra
Saan pa ba ako nagkamali?
Bakit tila ako pa rin ang bigo sa huli?

Sino.
Huwag kang magsinungaling
At ngayo'y sabihin mo sa akin
Sino sa ating dalawa ang totoo
Alam naman nating walang iba kundi ako

Kailan.
Hanggang kailan pa ba natin patatagalin ito?
Alam naman natin kung sino ang pipiliin mo
Sino pa ba?
Kundi ang sarili mo.

Literary: Lumiere, Darling




The room was full of people with high hopes
It was finally the night they've been waiting for
Talking, dancing, being illuminated by the colorful lights
All were wearing smiles that were twice as bright

Across the room, sat a boy and a girl
Beside them were speakers playing loudly,
But to the two who sat,
The world was quiet, finally

He talked about things that fascinate him
She didn't say anything and just listened
For she was already fascinated
Not merely by his presence, but also by his existence

Her favorite song played so she took his hand
She looked into his eyes as they started to dance
She saw nothing but the kindest of souls,
His clarity amidst all the chaos

As magical as the night was,
She knew it wouldn't last
Tomorrow, they’ll be the same as before
And to him, she’ll be nothing but a stranger