Showing posts with label taro. Show all posts

Literary: A Super Short Memoir




Every day
I write in my journal
I tell stories about how my day went
I indulge in my thoughts
I write sentences that only I could understand
Because it’s not for school, it’s not for others to read
It’s for me.

I am thirsty for knowledge
I want to know more
I want to understand
I want to unveil secrets long hidden by wise men
I want to discover the world
In a way no one ever has

I am selfish,
I am cynical,
I am naïve, I am aware,
I love patterns and chaos at the same time.
I fear oblivion.
Someone has to know,
I want everybody to remember.
I have to leave a legacy
I am not doing this for the human race
I do this for me.

Literary: Ako Ba Talaga'y Para Sa'yo?




Noong una kitang makita…

Nilapitan mo ako sa ‘di malamang dahilan.
Matapos ang mga kwentuhan,
Mas nagkakilala tayo at naging magkaibigan.
Akala ko magiging tayo na,
Akala ko doon na papunta.
Ngunit sa isang iglap,
Bigla na lang tayong nag-iwasan.

Nagustuhan agad kita,
Ang ganda mo kasi,
Laging may ngiti sa iyong mga labi
Baka pwedeng maging tayo kung sakali
At ayun, noong magsimula akong umasa
Nalaman kong may nauna na pala



Makalipas ang ilang taon…

Tayo’y muling nagtagpo.
Masaya akong makita kang muli,
Kahit sa panahong iyon ako’y gulong-gulo.
Lagi kong tinatanong sa sarili,
“Ikaw na ba? Para ba tayo sa isa’t isa?”
Ngunit tila hindi mo ako gusto,
Kaya’t napilitan akong humanap ng iba.

Matagal din tayong ‘di nagkita
Natuwa ako nang malaman
Na break na pala kayo
Napuno ako ng pag-asa
Pero torpe nga pala ako
At ‘yun naubusan na ng oras
Mayroon ka na namang bago

Ngayon…

Sa panahong nagdaan,
Nakakatawang tingnan na ngayon
Ay nauwi pa rin akong mag-isa.
Takot akong maiwang mag-isa,
Kaya kahit ako’y pagod na,
Sinabi ko na lang sa sarili,
“Isang subok pa.”


Ngayon, muli ka na namang nag-iisa
Ang pag-asa ay muling nabuo
Ayoko na sanang palampasin
Ngunit parang malabo
Bumabalik na naman ang pagkatorpe ko
Ako ba talaga ay para sa’yo

Literary: Magenta




I have a confession to make.
Please hold your judgement and distaste,
I have no control over my case.

I love all things in the shade of magenta
Collecting them is my hidden agenda.
Those earrings of hers, fabulousa!
Her pouch, her scrunchie, and her dress for salsa,
All shades of magenta, oh how much I adore Brenda
Little did she know, I have her recently lost Prada

There’s also Emma’s purse and ID lace,
Elisa’s comb, locket, and fabric tapes,
And the make-up pouch in Jourdan’s suitcase!
They all vanished without a trace,
These among other items, I don’t intend to replace

Look at poor Gemma, stuck in a dilemma
Her fault though, she left her stuffed panda
It’s unattended, it’s in a pretty shade of magenta
Of course, someone like me would grab that

I steal from everyone inconspicuously,
Oh, how this act gives me ecstasy,
I love the feeling of fear and anxiety,
Right before I steal stuff with little value to me.

It won’t take a brainiac,
To see that I’m a kleptomaniac

Literary: Medyo Popular and Pretty






Dear Diary,

Grabe! Like super grabe! Umaapaw na naman ang gifts ko sa locker ngayong Valentines Day. Wew. I soooo love being popular and pretty!!! Pagdating ko pa nga lang sa school may entrance ng ginawa ang mga fans ko, may red carpet with matching throwing of roses pa. Pero siyempre dahil ang ganda ko at naka-skyscraper heels ako today, ‘di ko sila nilingon. When I got to my locker I threw the gifts away agad to make space. (I mean, not to brag pero sobrang napuno na kasi, so ayun.)

Napa-sigh na lang talaga ako noong makita ko ‘yung gifts after first period, puno na naman ‘yung locker ko. Actually, feeling ko super inggit na ng ibang girls here because naririnig ko ‘yung mga tao sa paligid na nagbubulungan. Hay, iba na talaga ‘pag teen queen ka.

Buong araw akong sinusundan ng tingin ng mga tao—sa ganda ko ba naman today! Haha! Tuloy-tuloy pa rin ang dating ng gifts, pero wala pang worth-keeping so I just keep throwing them. (Haay, srsly naiinis na ako… lagi na lang ako ang pinakamaraming narereceive ‘pag Valentines. Ang effort nila pero try harder naman schoolmates!) I want Ferrero not Choco-choco… like, ugh ewwww. May kumakain pa ba nun?

Btw diary, kanina while I was eating Caesar Salad on the cafeteria may creepy kid na lumapit sa’kin. Like, ew, no, he can’t talk to me. I’m WAY above his social class. Then he started warning me about sa poison daw na nilalagay ng mga tao sa gifts ko… as if naman. I’m super well-liked kaya dito sa school. If I know gusto lang talaga niya akong lapitan so he can smell my Chanel No. 5 perfume, ugh. OMG, I know I’m popular but please schoolmates, contain urselves.

Tho TBH, noong nagkita-kita na kami ng bff’s ko, parang medyo nagbago rin ang pakikitungo nila. Why is it always like this tuwing Valentines? It’s like, parang they’re walking on eggshells around me. SRSLY. Maybe they feel weird around me kasi parang ako ang superstar dito sa school every Valentines Day.

Thooo weird din kanina when I was walking sa may corridors. Bigla kasing andaming vandal sa paligid ng school—puro “POISON” ‘yung nakasulat. Ang dirty talaga ng mga people dito, eew. Naalala ko tuloy ulit ‘yung weirdo kid dun sa cafeteria.

Pero in fairness talaga today huh, pati teachers at ‘yung principal, kakaiba ang pakikitungo sa akin! I soooo love this holiday! Happy Valentine’s to mee!


You know you love me,
Shaniqua

PS. Earlier I took a teenie weenie bite of a chocolate, and now I’m feeling dizzy na and nauseous. What’s happeninfgbf? I’M DYING NA OMG. I should’ve listened to the creepy kid ughhhh, my stomach hurts so freakingzxz baaad.

Literary: Kampi Tayo?





Maiba taya
Lahat na lang ng laro
Ako ang palaging talo.
Kung hindi talo, ako ang laging taya
Tila ba palaging napagdidiskitahan
At pinaglalaruan.

Bente-Uno
Sa dami ng tao sa mundo
itinadhana talaga na magkita tayo.
Dati ay nag-iisa ako,
Ngunit ay dalawa na tayong siyang taya.
Ang lahat ay nagbabago.

Sakupan
May pinag-awayan, may ‘di pinagkasunduan,
Tila nalimutan ang isa’t isa.
Sa una’y parinigan na nauwi sa masakit na sagutan
Paano mo ako natiis ng ganito?
May pag-asa pa kayang sitwasyon ay magbago?

Patintero
Ngayon, nag-iiwasan tayo,
Nagkakailangan,
‘Di ka na makausap,
‘Di ka na makakuwentuhan,
Nagbago na ang lahat.

Tagu-taguan
Kay tagal na nating nagtatago sa isa’t-isa
Kay tagal nang kinikimkim mga nadarama
Hanggang sa ‘di ko na matiis.
Hinanap ka at sinabing
Patawad, ngayon mas maliwanag na ang lahat.


Agawan Base
Ang dating tampuhan ay nauwi sa muling pagkakaibigan
Dating magkaaway ngayo’y magkakampi
Salamat at ikaw ay aking nakilala
Habambuhay kitang kaibigan
Pagkat dahil sa iyo buhay ko ay nagkaroon ng sigla

Literary: Hay Nako



Bakit ka pa nangako
Kung di ka naman seryoso?
Bakit ka nagbibitiw ng mga salitang
Nauuwi rin sa wala?

Paasa ka.

Ang mahirap sa’yo
Sa umpisa ka lang nasa tono,
Habang tumatagal nasisintunado,
Pero magpapanggap na matino.

Sa susunod iwasan mo
Ang pagbibigay ng mga salita,
Na di mo kayang panindigan
Para di mo masira,
Ang ibinigay sa iyong tiwala.

Literary: Out of this Misery



Trapped
I was caught
Because I ran too slow
I tried to escape
To break free from this cage
But there is too much weight
And I’m nothing but frail

Numb
I was deadened
As if I am sedated
Left by my emotions
Moving without coordination
You could cut me deep
But I still won't feel the blood seep

Lost
I was helpless
This abyss I was falling into was endless
Now that I have stopped fighting
There is this idea, suddenly striking
A sudden spark
In the dark
But it was fleeting
For suddenly there was none
Cause I have already gone

Literary: Ako



Unti-unting nakalimot,
Ikaw na lumikha sa akin.
Tila balewala lahat ng ating mga sandali
Sa paglipas ng mga taon,
Sa pagdaan ng panahon.
Ako’y iyong tuluyang
Nilisan at tinalikuran.

Bakit?
Halina’t iyong balikan.

Hindi maaaring tuluyang limutin,
Hindi dapat tuluyang limutin,
Nag-aalab na damdamin.
Ating mga nag-alab na damdamin,
Mga noo’y nag-aalab na damdamin,
Sikapin mo man lang na alalahanin,
Upang muling handugan,
Kahit kaunting damdamin man lamang.

Bakit?
Subukan mong isipin nang malalim.

Hukayin sa pagkakabaon,
Ibalik sa iyong panahon,
Buhayin mong muli,
Kahit sandali.
Ipikit ang mata,
Muling sulyapan,
Ang ating mga nakaraan.

Ako na iyong
Nilimot na alaala.