chapter 7,

Pusong Bato (Ikapitong Sagutan)

3/28/2014 08:47:00 PM Media Center 36 Comments

Ang Pusong Bato ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 2 2014 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.

Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.


-----


Mar. 13
10:11 n.u.

Natalie?

Kapag sinabi kong susulatan kita lagi—hanggang sa kinabukasan—umaasa rin naman akong sasagot ka. Bakit hindi ka na sumulat sa akin mula noong huling linggo? Nagseselos ka pa rin ba kay Emilie? (YIEE) Biro lang. Pero bakit nga? May ginawa ba ’ko?

Alam ko dati’y nasubukan ko nang hindi sumagot sa mga sulat mo pero mayroong mabuting rason iyon. Kaso hindi pa rin naman kita matiis kahit nangyari ‘yun. Huwag mo naman akong gantihan. Alam ko na ngayon kung gaano kahirap iyon. Ilang araw pa lang na hindi ka sumusulat… hehehe

Manuel

-----

Mar. 18
12:31 n.h.

Natalie.

Notolie. Netelie. Natali. Nitilie. Nata lie. Nata de Coco. Notalie. Neteleh.

Pasensya, wala na kasi akong magawa. Alam mo ba, naghihintay pa rin akong sumulat ka. Huwag mong sabihing kung kailan pa tayo magsisitapos, tsaka ka pa titigil na makipag-usap sa akin? Tinatago ko kaya ang mga sulat mo.. :)

Nakita ulit kita kanina, mukhang hindi ka nga magkamayaw sa kagagawa ng requirements. O, ano? Kinarma na rin ang prinsesa ng mga kisame? Hehehe. Wala lang. Hiling ko sana na sumulat ka na ulit sa akin, kahit kaunting usapan lang. ‘Di na kasi ako makakain eh, hindi pa makatulog, kaiisip sa‘yo.

Manuel

P.S. Maganda ka pa rin kahit mukhang tuliro ka na sa dami ng kailangan mong ipasa. Ikaw pa rin ang prinsesa ng kisame ko. :)

-----

Mar. 26
5:32 n.h.

Natalie!

Nagsaya ka ba sa basaan ng batch kanina? :) Nakatitig lang ako sa‘yo buong oras na nagkakagulo sa basketball court. Mukhang masayang-masaya kayo ng barkada mo habang nagbabatuhan ng mga kung ano-ano. Nakakatuwa na makita kang masaya kasama ng mga kaibigan mo. Sana sa susunod makasama na ako dun, hindi ‘yung palagi na lang akong aasa na sasagot ka pa sa mga pinagsusulat ko.

Manuel

P.S. Huling araw na ng ating klase, ngunit hindi mo pa rin ako iniimik… Ano ba ang problema? Ano ba ang dahilan?

----


April 26
12:30 n.h.

Natalie,

Magandang hapon. Malamang nasasabik ka na sa pagkuha mo ng diploma. Ako, hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin at maramdaman. Siguro’y gumugulo sa akin ang ideya na ito na ang huli kong pagkakataon para sabihin ang mga bagay na kailangan kong sabihin sa ‘yo. Sinusulat ko ito habang naghihintay sa pagsisimula ng programa. Habang sabik na sabik ang nakararami sa mga sumusunod na pangyayari, litong-lito ako ngayon sa kung ano ang kahahantungan ko pagkatapos ng high school. Ano ang kinabukasan ng bawat isa sa atin, higit sa lahat, ano ang kinabukasan nating dalawa.

Maraming tanong na umiikot sa isip ko…Mula pa noo’y gusto na kita, pero isinigaw ng isip ko na dapat kong itago ang mga damdaming magdadala lang ng mas maraming poot sa akin. Naisip ko tuloy habang binubuo ko ang sulat na ito na napakarami ko pa ring hindi alam. Hindi ko pa rin alam kung manhid ka, may kinikimkim na problema, o sadyang bato lang ‘yang puso mo. Hindi ko alam kung tama ba ang mga pinaggagawa ko, at lalong hindi ko alam kung bakit sinisisi kita, ang iba, at ang sarili ko dahil sa nararamdaman kong ito. Pero, higit sa lahat, at ang masakit ay hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin kita magawang kausapin nang dere-deretso habang magkaharap tayo. Bakit hindi ko magawang sabihin sa’yo nang personal ang nararamdaman ko. Madalas nga ay nasa akin na ang pagkakataon ngunit hinahayaan kong makasama mo ang iba. Masaya ka, nakikita kong masayang-masaya ka kasama ng iba. Hindi ko gustong sirain ang kaligayahan mong iyon. Kaya hindi ko magawang lapitan ka. Nagkamali ako. Nagseselos ako sa kanila. Sana ako na lang ang nasa lugar nila. Kinumbinsi ko ang sarili ko na masaya na ako at kuntentong nakikita kang maligaay. Pero, ang pinakamasakit pala ay ‘yung pilitin mo ang sarili mo na maniwala sa hindi totoo.

Siguro nga’y ikaw ang aking, ika nga nila, “hopeless dream.” Isa ka sa mga katotohanang hinding-hindi mapapasa akin. Lahat ng pinangarap ko, pinaghihirapan kong makuha. Lahat ng iyon ay natupad. Pero, may isang pinakahihiling akong hindi naibigay sa akin. Ikaw ang kaisa-isang pangarap na ‘yon na hindi natupad. Nalalaman ko, darating ang panahon na pagsisisihan kong hindi ko sinubukan.


Personal kong iaabot ang sulat na ito sa‘yo mamaya. Gusto kong maalala mo ang tingin ng aking mga mata sa mga huling pagkakataong tayo’y magkikita. Kung hindi mo pa nalalaman ay aalis ako ng bansa ng mahabang panahon at hindi na ako aabot ng grad ball. Kaya ito ang mga huling hiling ko para sa ‘yo. Sana’y mahanap mo ang tunay na magpapasaya sa‘yo. Sana’y makahanap ka ng lalaking nag-aalala sa‘yo mula simula. Sana’y makahanap ka ng lalaking makikisama sa pagkain mo ng tapsilog. Sana’y makahanap ka ng lalaking sasaluhin ka sa tuwing mabibigo ka mula sa mga nais mong makuha. Sana’y makahanap ka ng lalaking alam mong hindi ka iiwan. Sa gayon ay mahanap mo ang pagmamahal na minsa’y ibinigay ko para lamang sa‘yo. Kung wala ka na ngang pakialam sa akin ay hayaan mo na lang ako. Pagbigyan mo na lang akong isipan na sa maikling panahon ng pagsusulatan nati’y naging totoo tayo.

Manuel


WAKAS?

You Might Also Like

36 comments:

  1. *nganga my jawbones*

    ReplyDelete
  2. Dat "Wakas?" tho. HUHUHU MC2 whyyyyy </3

    ReplyDelete
  3. TAPOS NA BA ITO? WALA MAN LANG PASABI HINDI READY HEART KO

    ReplyDelete
  4. Ay walang mga pebbles na picture, inabangan ko pa naman kung anong susunod na shape. :((( Pero OMG ito lang ang CW na iniyakan ko. #cry

    ReplyDelete
    Replies
    1. We had a problem with the teaser but we'll update tomorrow. thank you for reading! :)

      Delete
  5. Ngayon gets ko na kung bakit pusong bato title nito huhuhuhuhu cries...

    ReplyDelete
  6. Si Manuel lang ang nagpakilig at nagpaiyak sa kin at the same time. :'( Pusong Bato please don't end. MC 2 please dont go.

    ReplyDelete
  7. Baka naman puwedeng "PUSONG BATO : SUMMER SCHOOL limited edition!" ples po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tapos may summer fling si Manuel sa ibang bansa...Si NATALIE... Portman HAHAHAHAHA weeeee

      Delete
  8. HINDI TO PWEDE. HINDI MAAARI.

    ReplyDelete
  9. MGA JOVIT KAYONG LAHAT MC2 TINATAWANAN AKO DITO NG NANAY KO BAKIT DAW AKO LUMULUHA HUHUHUHUHU PUSONG BATO WHY????

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ipabasa mo sa kanya para magkasama kayo huhuhu

      Delete
    2. Pinabasa ko muna mula sa simula. Ayan, natigilan sa pagpapakain sa aming magkakapatid.

      Delete
    3. tara sama sama tayo huhuhuuh!!!!

      Delete
  10. Feel ko si manuel. 'Yan tuloy Natalie. kainin mo si marco. sayang ang perfect guy manuel

    ReplyDelete
  11. BATO = TAOB

    Taob lahat ng CW dito mehn.

    ReplyDelete
    Replies
    1. BATO = BOTA

      Kailangan ko na ng bota dito. Abot-bewang na luha ko.

      Delete
    2. BATO = TABO

      Naliligo na ko dito sa luha ko. Tabo na po gamit ko.

      Delete
    3. BATO = BOAT

      I need a boat so I can sail in the waves of my tears.

      Delete
    4. BATO = ABOT

      Hindi ko abot ang kalaliman ng paraan ng pagsulat ni Manuel.

      Delete
    5. BATO = OTAB

      Doesn't make any sense. But Pusong Bato sure does make a lot of sense. Boom!

      Delete
    6. BATO = ABOT

      Abot ko na ang ilaw namin sa bahay dahil lumulutang na ko sa luha ko dito.

      Delete
  12. Masyadong "fast forward" itong Chapter na 'to :((((((((((((

    ReplyDelete
  13. Love feels + Graduation feels + Hiwalay feels + Masakit talaga feels

    ReplyDelete
  14. ALL MY FEELZZZZZ MANUEL :'(

    ReplyDelete
  15. "Love story na naman ba 'to?"

    EWAN. But I sure effin' LOVE the STORY HUHUHUHUHU

    ReplyDelete
  16. Pusong bato you rock! Hihi. Wala man lang closure itech?!

    ReplyDelete
  17. May epilogue pa ituuu diba diba diba? lahat ng CW meron, DAPAT MERON TO HUHUHU

    ReplyDelete
  18. I can be your princess, Manuel. Susundan kita kahit san ka man mapunta. :"""")

    --Obsessed WoManuel <3

    ReplyDelete
  19. Walang hopeless dream

    ReplyDelete
  20. Minsan kasi mahirap ang umaasa ng to the highest level, may mga playful na tao talaga. YOU'll find you true love manuel... soon! Magtiyaga k lng tumingin sa kisame mo <3

    ReplyDelete
  21. Sakit po pls natalie bato

    ReplyDelete
  22. galing ng pgkasulat

    ReplyDelete