angelique liwag,

“Gdoxwjasdgvn?” “Po?”

3/18/2014 08:56:00 PM Media Center 2 Comments

Kilala mo ba siya? O ang mas magandang tanong: Narinig mo na ba siya? Kung ‘di mo siya kilala, siya iyong nakaupo palagi sa bungad ng *******. Hindi mo siya halos mamamalayan. Kapag nasa teritoryo ka na niya, dapat mong talasan ang iyong pandama. Ibang klase siyang kausap dahil lahat ng kausapin niya ay sumasang-ayon na lamang sa mga sinasabi niya. 

Itago natin siya sa codename na “The Silencer”.  Nakapanayam namin ang ilan sa mga estudyanteng naranasan nang makausap ang The Silencer at tinanong kung ano ang kanilang mga napag-usapan. Ang ilan sa mga sagot nila ay:

“…Ewan.”
“Jusko.”
“Ano daw?”

Kapag napadayo ka sa lungga niya, ay naipatong ang iyong bag sa ‘di dapat patungan, bigla siyang susulpot sa tabi mo at akala mo bubulungan ka na alisin ang bag mo doon. ‘Yun pala ay sinisigawan ka niya ng lahat ng hinaing niya sa mundo.

Kapag magpapaprint ka na ng iyong mga ini-type at ini-research, lalapitan ka niya at siyang magsasalita. Sasagot ka naman ng kung anong ipapaprint mo, pero ang ‘di mo alam ay nagkukwento na pala siya ng kanyang talambuhay. Sasagot-sagot ka, pero ‘di mo alam ang sinasabi niya. Tsk tsk.

At kapag ika’y nagsawa na sa katahimikan, nanaisin mo nalang na maglaro sa labas. Ngunit bago ka makatakas, ipabubulatlat niya muna ang bag mong ipinatong mo sa ‘di dapat, at titignan kung may matatangay kang ‘di dapat. Magsasalita pa siya habang nagchecheck, pero sa kagustuhan mong lumayas na sa kinaroroonan, magpapasalamat ka na lamang at kakaripas ng takbo.

Sa kabila ng lahat, mabait naman siyang tao. Hindi siya pipi; sadyang mahina lang siya magsalita. Baka siya’y nakikibagay lamang sa lugar na kanyang kinaroroonan. At kung dati, hindi mo siya kilala, ngayon ay kilala mo na siya. Kaya kapag may narinig kang sumigaw sa dulo ng first floor corridor…

                                                                        …malamang ay hindi siya iyon. 

Ni H. Atela, B. Bagnes, C. Diaz, A. Dacoco, A. Liwag, at D. Saunders

You Might Also Like

2 comments: