anthony dacoco,

BABALA: Kung Mahulog Ka, Bahala Ka!

3/18/2014 08:51:00 PM Media Center 6 Comments

Kilala ng buong UPIS si Lino Licuanan.

Kung hindi niyo natanong, sikat ang estudyanteng ito hindi lang dahil sa kanyang katalinuhan, kayamanan, at nakapabangong katawan.  Ang pinakatanyag na katangian ng binatang ito ay ang kanyang malagong 6-pack abs na mas matigas pa sa tustadong tinapay mo.

Isa siya sa mga pinakasikat na miyembro ng Yakal Basketball Club (YBC), ginagamit daw ni Lino ang isport na ito upang mapanatili ang tigas at sigla ng kanyang katawan. “Eat your vegetables,” dagdag pa niya.

“Hindi biro ang maging katulad ko,” ani niya, “hindi ko na nga malaman kung biyaya o sumpa ang maging kasimpogi ko.”

Kasalukuyang nahihirapan ang binata sa kanyang pag-aaral bilang graduating student.  Hindi siya makapag-pokus dahil sa maya’t mayang pagtetext sa kanya – lalake man o babae.  Minsan nga ay muntikan pang ma-confiscate ang kanyang cellphone dahil sa pagtawag ng tagahanga na itatago natin sa pangalang “Edrylin”.

Nang makapanayam ang ilang estudyante, inulan pa rin ng papuri ang binata.  “Si Lino ay isang biyaya ng Maykapal sa lahat ng nabubuhay sa mundong ito,” komento ng ka-batch niyang si Andrew Pulumbarit, “halos siyam na beses na akong nahulog sa kanya ; Wala na akong nais pang baguhin sa katawan niya. Perpekto siya para sa akin.”

Tuluyan ngang kumakalat ng “Lino Fever” sa eskuwelahan.  Sa katunayan, sinubukan pa itong pagkakitaan ng kanyang mga kasamahan. “Sana nga mga pictures na lang ni Lino ang ibinenta naming sa function. Siguradong lalapgas ng 600% ang kabuuang profit namin!” sabi ng isang nakapanayam. 

Tunay na isang milagro sa lupa ang kagwapuhan ni Mr. Licuanan, pero kung inaakala niyo na ito lang ang kanyang maipagyayabang, nagkakamali kayo!  Maituturing siyang isa sa mga pinakamatatalino na miyembro ng kanyang kinabibilangang batch.  Kung hindi niyo natanong, nagagamit niya ang napakaraming termino sa biology bilang parte ng kanyang mga pick-up at pambobola sa kanyang mga inaakit.  Kailanma’y hindi pa siya nabibigo.


Kaya sa mga estudyante, guro, at staff, magsilbi sana itong babala.  Mag-ingat sa nakahuhumaling na titig at bisig ni Lino Licuanan. ni Jemuel Aberin, Anthony Dacoco at Luis Perez

You Might Also Like

6 comments:

  1. Hahahahahaha lino fever

    ReplyDelete
  2. nahulog ako sa kanya ng 4 years anong feeling..masarap siyang magustuhan..masya siyang pagmasdan at pangarapin pero masakit siyang mahalin:Dhanggang ngayon kahit na siguro swertehan lang kung makita ko siya may kilig parin....lino fever is the best fever ever!!

    ReplyDelete
  3. omg linooooooo <3 makikipag-break ako sa bf ko para sayo :*

    ReplyDelete
  4. eh wala na may gf na si cool lino :) sayang past hahhahahahhahaa

    ReplyDelete