DiMaAninag,

Literary: Liham Para kay Flappy Bird

3/18/2014 09:20:00 PM Media Center 0 Comments


Minamahal na Flappy Bird,

Kamusta ka na? Nang-iirita ka pa rin ba ng mga taong walang magawa sa buhay? Baka naman nakalimutan mo na ang tunay mong pagkatao? Puwes, nais kong ipaalala sa iyo na ikaw ay isang bibeng nagpapanggap na ibong “lumilipad” sa pagitan ng mga berdeng tubo na nilalabasan ni Mario.

Pero nais kong malaman kung ano ba ang tunay na kwento mo. Yung totoo, wala ka bang magulang na nagturo sa iyo nung bata ka pa lamang kung paano lumipad? Meron ka bang masamang karanasan na naging sanhi ng pagiging sensitibo mo kaya’t kaunting dikit lamang sa mga tubo ay nahuhulog ka na agad? At ano nga ba ang ginagawa mo diyan sa mga tubong iyan? Hinahanap mo ba ang mga baboy na kumuha sa itlog mo o hinahabol ka ni Silvestre? At please, magbawas-bawas ka naman ng timbang para mas lumaki naman ang mga pakpak mo para makalipad ka nang matino.

Nais ko lamang din na malaman kung ano ang meron sa mga misteryosong tubo na iniiwasan mo. Ano ba ang silbi ng mga tubong iyan? Ano bang dumadaan diyan na napakaimportanteng hindi mo maaaring tamaan? At bakit ba hindi iyan magkakonektado? Eh di sana kung hindi rin pagdudugtungin ay nilakihan na lang ang mga pagitan nito.

Ngunit sa kabila ng lahat ng mga bagay na ‘di ko maintindihan, nagpapasalamat ako dahil tinulungan mo akong magkaroon ng pasensya at ma-handle ang aking stress.

P.S. Regaluhan mo naman ako ng bagong Iphone. Naihagis ko eh, kasi nung tumama ka sa tubo, nasa 14 na puntos na ako. ni Katrina Cayron at Vinz Villanueva



You Might Also Like

0 comments: