angelique liwag,

Feature: Somebody That I Used To Know

3/18/2014 09:03:00 PM Media Center 0 Comments

Kung hindi niyo kilala kung sino itong taong ide-describe namin, malamang lang na di ka taga-UPIS. Sikat na sikat kasi siya sa UPIS, at sa sobrang sikat niya, aakalain mong artista siya. Pinipilahan at hina-hunting kasi siya lagi ng mga estudyante, mas lalo na kapag perio season.  May kwarto nga sa loob ng science lab na para lang sa kanya, at kung swerte ka ay masasaksihan mo ng libre ang pagkanta niya ng cover niya sa kanta ni Jireh Lim na ‘Buko’. O di ba, artistahin!

Bakit ba siya laging pinipilahan at pinupuntahan sa kwarto niya sa science lab? Bukod kasi sa pangangarap na maririnig nilang kumakanta siya ng ‘Buko’, may ibinibigay siya sa mga estudyante na sobrang pinapahalagahan nila, pero hindi ‘yung autograph niya ah.

Ito ang nag-iisang bagay na hinding-hindi mo dapat kalimutan kapag may test kayo sa math, science, o ekonomiks. At bukod sa katabi mong malamang ay meron, at sa teacher mong nasa kabilang dako pa ng building, ang artista sa may science lab lang ang natitira mong pag-asa kapag wala kang dala.

Pero bago mo pa makuha ang gusto mo, kailangang mong sundin ang ilang hakbang na siyang “batas” na dito sa UPIS. Una, kailangan mong munang ibigay sa kanya ang iyong ID. Mukhang gusto ka niya kasing kilalanin. Actually, kahit nga ID na kaklase mo ay pwede na. Hindi ka pala niya gustong kilalanin. Bakit pa nga ba? Eh sikat siya, eh ano ka? Susunod, kailangan mo ring pumirma sa kanyang kwaderno ng mga nakakontrata na niya tulad mo. Matapos gawin ang mga ito, ay makukuha mo na.

Kung taga-UPIS ka, siya rin ang una among maaalala tuwing kakantahin itong linyang ito: Now you’re just somebody that I used to know. Aminin mo: pinaltan mo ng pangalan niya sabay kinanta ‘yung linyang ‘yan. Ni H. Atela, B. Bagnes, A. Dacoco, C. Diaz, A. Liwag, at D. Saunders


You Might Also Like

0 comments: