Showing posts with label WishUponMC. Show all posts

Literary: Sana





Sana, noong huling beses na ako’y iyong hinatid,
niyakap kita nang mas mahigpit.
Mas mahigpit pa sa lahat ng yakap
na ibinigay ko sa ‘yo bago ka umalis.

Sana, noong huling beses na tayo’y nagmeryenda,
nag-usap pa tayo nang mas matagal.
Mas matagal pa sa lahat ng pagkakataong sinabi ko sa iyo ang aking mga sikreto
na ang nakakaalam lang ay ikaw at ako.

Sana, noong huling beses na tayo ay naghapunan,
nagtawanan muna tayo at hindi agad umalis.
Bakit kasi ang dami nating kailangang gawin?

Sana, noong huling beses kang umakyat sa aking kwarto,
nagtagal ka pa nang ilang segundo.
Sana, hindi nakaharang ang aking mesa.
at ako’y niyakap bago ka bumaba.

Sana, sa huli nating araw na magkasama,
mas matagal pa sa bente kuwatro oras.
Dahil hindi sapat ang mga alaalang iniwan mo,
at ang gusto ko ay bumalik ka sa piling ko.
Sana, noong huli nating pagkikita,
hindi ka inatake.

Sana, noong sumunod na araw,
ikaw ang masayang magbabalita na suspendido ang klase.

Sana, noong hapunan,
nasa bahay ka at ikaw ang nagluto.
At wala ka sa ospital na may nakasaksak na mga tubo.

Sana, noong pumasok ako,
ikaw pa rin ang naghatid sa akin.
At mangangako ako na mag-aaral nang mabuti.

Sana, noong pag-uwi ko,
ikaw ang naghihintay.
Sana, noong pag-uwi ko,
magkukuwentuhan tayo at magmemeryenda.
Sana, noong pag-uwi ko,
hindi balita ang iyong paglisan.
Sana, noong pag-uwi ko,
hindi babati sa akin ang ama kong luhaan.
Sana, noong pag-uwi ko,
ang mga mata ko hindi namamaga at ayaw tumahan.

Sana, hindi ko kailangang sabihin kay Bunso na wala ka na.
Sana, hindi ko narinig si Lola na umiiyak dahil nauna pa ang kanyang anak sa kanya.
Sana, hindi ko kailangang sagutin ang aking mga pamangkin na nagtatanong kung nasaan ka.
Sana, hindi ko nakitang umiyak sa unang pagkakataon ang aking ama.

Sana, noong gabing iyon,
hindi ako nagdudusa at hinahanap ang yakap mo.
Hindi ako umiiyak dahil ikaw naman ang laging nagpupunas ng luha ko.
Hindi ako naghahanap ng pagsasabihan ng lahat ng nararamdamang kalungkutan.
Hindi ko binabalikan ang lahat ng alaalang iyong iniwan.
Sana, noong pagtulog ko,
ikaw ay aakyat na sa aking kuwarto at sasabihing, “Goodnight, Ate.”

Sana, hindi pa iyon ang huli.
Sana, hindi ko kinailangan na makita ka nang ganoon,
na ibinababa sa isang malalim na hukay
at doon na sa mahabang panahon.
Hindi ako handa,
na makita kang nakahiga,
sa isang kahon na ang sabi mo, matagal pa nating bibilhin,
dahil ang pagtatapos ko sa kolehiyo ay iyo pang hihintayin,
dahil gusto mo ulit umakyat sa entablado at sabitan ako ng medalya,
dahil ang sabi mo ay sabay pa kayong tatanda ni Papa,
dahil manunumpa at magiging abogado muna ako,
dahil ihahatid pa ninyo ako sa altar,
dahil gusto mo pa ng apo
at dahil nangako ako sa ‘yo na ibibigay ko lahat ng pinapangarap mo para sa akin,
ang panganay mo.

Sana, noong nangako ako, nangako ka rin.
na hindi ako iiwan nang wala man lang pasabi.
Sana, noong nangako ako, nangako ka rin,
na hindi ako iiwan at dito lang sa aking tabi.
Sana, noong nangako ako, nangako ka rin,
na hindi ako iiwan at hahayaang luhaan tuwing gabi.

Ang dami kong ‘sana’ pero isa lang ang aking hinihiling.
Sa bawat alas onseng madatnan,
sa bawat kaarawang dumaan,
sa bawat pilikmatang mawawala,
isa lang ang ibubulong gabi-gabi sa langit at sa mga tala,

“Ma, sana, nandito ka pa.”

Literary: Anino





Hiniling kong maging bahagi ng iyong buhay,
ngunit sa akin, di mo naibigay.
Ako’y nanatili bilang isang anino –
binabalewala mo lamang, wala kang kamalay-malay,
palaging nakabuntot, at sa tabi mo’y hindi nawalay.

Hiniling kong ako’y iyong ibigin,
ngunit alam ko, hindi ka mapapasaakin.
Sapagkat lagi kong nasasaksihan,
tuwing kinakain ka ng dilim,
akong anino’y napapawi, tila ba tinangay ng hangin.

Hiniling kong malimutan ka na,
habang ako'y hindi mo nakikita,
gusto kong malaman mo na nais kong kumawala.
Ngunit nahanap mo muli ang tanglaw,
sa gitna ng dilim, natagpuan ko, aking kaagaw.

Hiniling kong mapalayo na sa iyo
ngunit hindi makahiwalay, kahit anong pilit ko.
Noong ang ilaw, iyong natagpuan,
akong anino'y hindi makayang bumukod,
wala na akong magagawa kundi sumunod.

Hiniling kong lumingon ka,
tumalikod ka sa iyong tanglaw,
nandito lang ako sa bawat mong galaw.
Di ba ang lapit lang natin, pero di mo ako tanaw,
maaari bang minsan, ako’y iyong maaninaw?

Hinihiling kong sa karimlan na lang ako,
sapagkat dito lang ako naglalaho.
Hinihiling ko rin, tuluyan na tayong magkalayo,
dahil marami pang ilaw ang iyong maaaring makatagpo,
at may iba pang anino na susunod sa iyo.

At hindi mo na ako magiging anino.

Literary: Mga Binitiwang Hiling





Sana hindi na lang kita nakilala,
bakit ba kasi sa dinami-rami ng tao, ikaw pa?
Tadhana yata ay nagkamali,
oras at tao ay mali ako ng pagpili.

Sana hindi na lang tayo nagkita,
dahil pagtingin sa ‘yo’y lalong lumalim pa.
Nang ang mga mata natin ay nagtagpo,
biglang bumilis ang tibok ng aking puso.

Sana hindi na lang kita nilapitan,
napigilan pa sana ang paglalim ng nararamdaman.
Hindi na dapat umasa,
lalong hindi na rin sana nagmukha pang katawa-tawa.

Sana hindi na lang tayo naging magkaibigan,
kung alam ko lang na ‘yon na ang hangganan.
Naiwasan pa sana ang sakit at pighati
ng ating mga pusong nagdadalamhati.

Pero sana, hindi ka na malungkot
kahit ang puso ko’y punong-puno pa ng poot.
Masaya na ako kung masaya ka na
kahit minamahal mo man ay iba.

Ito lamang ang mga hiling ko para sa ‘yo,
mula sa nagdaramdam kong puso!
Ngayon sana ika’y masaya na,
mga hiling ko’y binitiwan ko na.

Literary: I Hope You Knew





I hope you knew
I have always wished for you

I guess what I’m trying to say is
I still cherish everything we had together
Even though it always kept me up all night.

All The late night calls that never happened
The ever short replies I never asked for
All the painful messages I tried to ignore
The unsent drafts that could’ve made things better

How we wrote every chapter together.
How you’ll always be my last dance and no other.
How we quoted song lyrics indirectly for one another
How we kept chasing deadlines but not each other
How our mutual feelings were the only things we didn’t see
How I kept saying sorry, for crossing the overthinking boundary
How I gave meaning to our late night conversations at three.

After all the memories of you and me
After the signs told me it was meant to be

Yet here I am, still having these second thoughts
Maybe you’re a wish that’ll never come true

(Now read it from bottom to top)

Literary: Mockumentaryo



Sa episode ng Mockumentaryo ngayon, pupunta tayo sa isang makulay na lugar, kung saan may makukulay na gusali, bubong, kalsada, pader, tubig, at hangin. May makukulay na tao na nagsasalita ng makukulay na salita. Nagsusuot ng makukulay na damit at may makukulay na isip. Tinanong namin ang bawat isa: “Ano ba ang wish mo?”

“Ang wish ko ay mangyari ang mga sinabi ni John Lennon sa kantang Imagine.” – isang hippie

“Wish ko lang, sana yumaman ako.” – starting entrepreneur

“Hay. You know my wish ko po is magkaroon ng cool car at imported Havaianas slippers at Apple products and of course, Starbucks, endless supply of it. Yes, ‘yun lang.” – social climber

“Ano ang wish ko? Wish ko na patumbahin ang mapang-aping pasismong rehimen ng kasulukuyang administrasyon.” – makakaliwang aktibista

“Ang wish ko ay mas maraming pondo para sa aming research.” – taong eksperto sa larangan ng agham

“Ano ang aking hiling? Ang hiling ko lamang ay mapansin kami ng gobyerno. Dahil kami’y naghihirap sa bukid pero hindi namin mapaaral ang aming mga anak.” – magsasaka

“Ay, ano ang hiling ko? Ang aking hiling ay mahalin ng mga kabataan ang kanilang nasyong sinilangan at ipagtanggol ito sa mga magsasamantala.” – nasyonalistang aktibista

“Ako? Gusto kong bumilis ang daloy ng trapiko.” – tsuper

“Wish ko lang na bumilis ang internet natin.” – computer shop user

“Wish ko magka-love life.” – forever alone

“Wish ko, sana makapag-move on na ako.” – heartbroken

“Hay, naku! Hiling nang hiling! Kung gusto n’yong makuha ‘yang mga hiling n’yo, kumilos kayo at huwag humiga diyan at tigilan na ang pananaginip habang gising!” – malamang hindi ito millenial

O, di ba? Makulay sila, parang isang box ng krayola: hindi parehong-pareho mag-isip, may mga sariling adyenda, pansariling interes, at iba’t iba ang opinyon at hiling. Bakit mo ba sila huhusgahan kung ano gusto nila? Pero eksepsyon na lamang ang paghiling ng “endless supply ng Starbucks” dahil walang endless, pare/mare. At iyon lang po. Ito ang Mockumentaryo and see you next time!

Literary: Paruparo





Naaalala ko pa ang kahapon kong makulay
Pinuno ito ng pagmamahal ng aking Lolay
Ngunit panandalian lang pala ang ligayang ito
Di ko naisip, ang oras pala'y tumatakbo

Payak lang ang pamumuhay ng aking kamusmusan
Mainit na yakap, kokoa, at kakanin lang ang sagot sa ulan
At pagtapos kumai'y sasamahan ko si Lolay maggantsilyo
Habang ako'y nahihimbing sa huni niya ng “Paruparo”

Pero tulad ng isang paruparo, siya'y mabilis na pumagaspas
Ang dumapo sa kanyang sakit, mabilis kumalat, kumaripas
Tadhana, kalawakan, bakit ganito?
Binawi niyo sa ‘kin ang aking paruparo

Di ko man lang nagawang magpasalamat sa lahat ng ginawa niya para sa ‘kin
Tanging luha lang ang pabaon, nasambit ko lang ay paumanhin
Umaalingawngaw pa rin sa aking isipan
Ang sabi niyang "Huwag na huwag mo akong kalilimutan"

Tadhana, kalawakan, bakit kay pait ng hinagpis?
Tila nasanay ako sa kokoa at kakanin niyang matamis
Tadhana, kalawakan, kung mayroon man akong isang hiling
Kahit isang araw lang, ibalik mo si Lolay sa ‘king piling

Nais ko lang kumain muli ng kokoa at kakanin
O sumayaw sa tunog ng radyo, o tumawa sa mga magasin
Alaala naming dal’wa'y nais kong sariwain
Kahapong di malilimutan, iaasa na lang sa isang hiling

Literary: Happy Birthday





People, smiles, and balloons
Gifts and pastries on trays
Greetings with love and promises
All on his special day

He turns a year older
With friends who stuck through thick and thin
Family that's more than just family
And people who believed in him

They celebrated with everyone
It seemed perfect as they played the song
And surprised him with his birthday cake
While clapping their hands and singing along

Then he blew his candle
Whispering the last birthday wish he'd spend
Closing his eyes and thinking
He wanted his life to end

His illness grew worse
As he laid himself in bed
All the cells within him gave up
And the fire inside him left

His body laid still
His soul already broken
He finally put himself to sleep
Never to be woken

A year older, and now dead
Happy birthday, wish granted

Literary: Of Life and Wishes





“Happy birthday to youuuuu!”

A huge smile spread on my face as my friends and family excitedly told me to make a wish. I closed my eyes, wished on the burning candle, and blew it. Everyone cheered and clapped. My parents removed the now smoking candle in the shape of the number three, and everyone moved to slice the cake. A friend went over to me and asked me what I wished for. I said, “It’s a secret!” I gave her a toothy grin. “But I’m sure it’ll come true!”

My parents lift me up and put a small toy tiara on my head. They called me “princess’ and I knew the candle had done its job.

~~~

The wind whispered in my ear as I laughed and talked with my parents.

The picnic in the park was great, and the food was really good! The grass tickled my feet when I stretched them beyond the picnic mat. I held onto the tiara I’ve always worn since I was three years old. It already fell, I wasn’t going to let it get dirtied! Mommy then pointed to a fluffy looking flower and said, “Look sweetie, a dandelion!” she plucked it and handed it to me. “Make a wish, then blow the dandelion.” I curiously stared at it, made a wish, then blew. I watched in awe as the fluffy-looking strands danced in the wind. I wondered where my wishes went.

We went home with me holding that toy sold in the park that I’d always wished my parents would buy me, but with my dandelion wish not granted.

~~~

I sat at the table writing a Christmas list.

I had to include every friend, every family member, and every relative in the list or else someone won’t receive a gift. My mom walked up to me. “Why don’t you make a wish list? Santa might give you what you want, you’ve been a good girl this year.” I smiled up at her. “Okay, after I finish this list,” I said. She walked away and I smiled to myself, knowing my parents have always been the ones who gave me my wish, not Santa.

That Christmas, my friend told me the gift I got from my parents was really cool. I only smiled, knowing I didn’t put what I really wanted on my wish list because my parents couldn’t give it to me.

~~~

“...987, and this is 988…”

I just learned a bit of origami, and at the moment, I was making paper cranes. I heard of a story about making a thousand paper cranes to make your wish come true, and I wanted to try it out. I know there’s a chance, a huge chance, that my wish might not be granted and this whole crane thing was just a fun, little story, but I still wanted to try it out. There’s no harm in trying, right?
I finished the thousandth crane after some time. I made a wish and hoped for the best.

Months, years later, I was still waiting and hoping in vain. I picked up a crane and tore it to pieces.

~~~

I looked away from the ceiling to check the time on my phone.

11:09 PM, it read. I sighed and went back to staring at the ceiling because I didn’t know what to do. I couldn’t sleep, even though my eyes were already bloodshot. My mind wandered. I was stressed and tired from school, but my mind was as active as an athlete in training. Sighing, I looked at the time again. 11:11, it read. Almost automatically, my brain sought for a wish. I’ve been doing this for a couple of years now, ever since I learned about the 11:11 magic, but none of my wishes have come true. I think of this now as a sort of ritual, something to fool myself that there’s still hope. I stared at the ceiling again.
My mind repeated the wish I made like a mantra until 11:12 came.

I didn’t expect anything to happen. Nothing did.

~~~

I walked out of a restaurant with my friends, laughing.

We had decided to hang out today, as a break from all the things we’ve been doing. We were at a mall, window shopping and buying food and other things. We passed by the decorative part of the mall where a wishing well stood. My friends’ eyes lit up. They approached the well asking each other for coins. I gave one of them a coin so they could make a wish. Her face lit up as she took it and thanked me. My friends threw their coins in the well and turned to me. “You aren’t making a wish?” one of them asked. I shook my head with a small smile. “I don’t do that anymore.” They turned to me and looked at me with odd expressions, one of them bordering on hidden sympathy.

~~~

I sat down on the grass and let the cool night air touch my cheeks.

I closed my eyes, trying to calm my distraught self. How can life be so merciless, apathetic? Everything was stressful, there’s so much to do. Life is moving too fast and I can’t keep up. I always felt hopeless, helpless, as if I’m swimming against a strong current. I opened my eyes, feeling tears falling down. I wiped them off. Why was I in so much despair? I pulled my knees closer to my body, wrapping my arms around them. I felt the wind, the grass, the dandelions swaying gently in the breeze. This park was as beautiful as the day my parents and I hoped. I had not hoped nor wished in years.

I looked up at the sky and looked at the stars. I wonder how many people still hoped, still dreamed. I wonder how many people have wished upon these stars.

A shooting star passed by to my surprise, and I hurried to make a wish. The action seemed almost alien to me. But maybe it was time to hope again.

Literary: Munting Kwento





Isang araw, may sumulat ng istorya
kung saan ang buhay ng bida’y mala-pantasya:
naisipang iaalay sa kanya ang prinsesa
isang perlas na ningning ay kakaiba,
ipagkakaloob sa kanya isang pangalang dakila
at... ginawa akong kalaban.

Ako lang naman ang patalo sa laro,
kapag may naganap na masama, sa akin ang turo.
Wala akong magagawa kung panira ako ng eksena,
para bang hindi inaasam na dalaw sa itinatanging alaala,
ako lang naman ang nahirang na basura ng istorya.

Maaari ngang ako’y napakasamang nilalang,
nilalang na mali ang pagkalikha kaya isinantabi na lang.
Ngunit, batid niyo ba na ako’y tao rin lamang?
At hindi niyo ba natanto, kahit minsan,
kahit isang saglit ba, sa isip niyo’y napadaan,
kung ano ang aking nararamdaman?

Sana, ako’y inyong pakinggan.

Takdang oras ay sumapit, aaminin ko na ang totoo:
ang buhay ng kalaban ay hindi ko ginusto.
Sa dinami-rami ng isda’y ako ang nahuli,
naakit, nalinlang, wala nang takas sa tali.

Sana iba na lang.

Nagsimula ang lahat sa isang maaliwalas na umaga,
umagang dinaig ang dilag ng isang estrelya.
Pagdilat ng mga mata’y nasilaw sa sumalubong na pag-asa,
pag-asang makalikha ng isang simula,
simula ng aking istorya.
Ngunit biglang dumilim
nang hablutin ang aking hiling,
nang malamang nasimulan na ang kuwento,
at iba ang sumulat, hindi ako.

Kung maaari lang balikan ang panahon at alaala,
kung maaari lang lokohin ang sanlibutan, matagal ko nang ginawa.
Gusto ko sana ng isa pang pagkakataong magsimula muli,
para maayos ang lahat ng gulo, maitama ang pagkakamali.

Ngunit, nasulat na ang katha mula umpisa hanggang huli.

Isang araw, sumulat sila ng munting kuwento,
wala na akong magagawa, maniwala kayo,
puno na ang blangkong papel ng aking pagkatao.
Ang lahat ng ito’y isang pandaraya
pandarayang hindi na mabubura...
Sana alamin niyo muna ang lahat bago basahin ang istorya.

Literary: Tabi





Minsan, naaalala ko
sabay tayong naglakad sa ilalim ng karagatan ng mga tala.
Umupo, nagkatabi tayong dal’wa
at tumanaw sa mga bituing kumikislap
parang ang iyong mga matang kumukurap.

Pinatahimik ko ang paligid
pinatagal ko ang oras
para makinig sa ’yo, sa tinig mo,
at sa mga sandaling iyon
nakilala kitang lubusan.

Ikinuwento mo ang sikreto ng nakaraan
sinagot kung paano, kailan, saan
ang masasaya at malulungkot mong karanasan,
ating pinakamasasakit na iyakan
hanggang sa pinakamatatamis na tawanan
hinding-hindi ko malilimutan.

Sa pagbukas ng iyong bibig
nagmistulang tanghalan, ating inuupuang sahig
nagsimula kang umawit,
sinaliwan ko ng tugtog
‘tug-tog’…’tug-tog’ – tibok ng aking puso.

Pinakinggan ko ang iyong pagkanta
awit na isinulat nating dalawa
rinig ko ang bulong, paghinga
ramdam ang talinghaga ng bawat salita
habang sinasabayan mo ang kislap ng mga tala.

Dumating na ang oras upang magpaalam sa isa’t isa
kailangan ko nang tumayo sa inuupang entablado
sa ilalim ng kalawakan.

Ngunit ayoko pa.
Nais ko pang makita ang iyong kumikinang na paningin
nais ko pang marinig ang iyong awitin
nais ko pang subaybayan ang iyong mukhang kasinliwanag ng mga bituin.

Gusto kong ihinto ang oras
upang masabi ko
ang nararamdaman
para sa ’yo:
Sa dinami-rami ng mga bituin, minsan, isang gabi
ang pinakamagandang tala ay nasa aking tabi.

Literary: Takane no Hana





Out of someone's reach
An unattainable flower
"Takane no hana"

A rose that no one has dared to touch,
Afraid of failing and getting hurt too much.

In a garden where all I can see is grass.
I saw a flower standing elegantly in the distance,
A delicate flower that yearns care and protection.
You captivated me.

Another day of looking at you from afar,
Surrounded by fences and interferences, everything is bizarre.
I wish I know how I could reach you.
I don’t know how it will happen but I know it will happen.

A month has passed and I’m thinking of a way for you to see me.
I wish I could show you what my feelings were for you,
Someone who would absolutely love and take care of you.
But I still don’t know how it will happen but I know it will happen.

A year went by and I’m beginning to feel hopeless.
I wish even for a little while, I can be with you.
But until now, I don’t know how to.
I only know that sooner or later, it will happen.

Years have passed and I’m still hoping my wishes will come true.
I know that moment will come when I could finally reach you,
Finally express my feelings to you,
And finally be in the garden with you.

Literary: Bes-Zoned





“Huy, Bes!”
‘Ayan ka na naman, mauulit na naman.
Magkukuwento ka na naman. Masakit na naman.
Isang “Hi,” binalik ko sa ‘yo at isang ngiting nagtatago.
Bawat kuwento mo (mga salitang tungkol sa minamahal mo) ay tila binabaril ako.
BES!
BEST!
BESTFRIEND.
Tanging mensaheng tumatakbo sa isip,
“Kaibigan lang kita, ha?”

“Huy, Bes...”
Tumutulo ang ulan mula sa iyong mga mata, nagiging bagyo na yata.
Di makatayo sa sakit, tindig mo’y nanginginig
na parang isang lindol, winawasak ang loob ng puso mo.
At nang huminahon, ika’y nagkuwento tungkol sa nabigo mong pag-ibig.
(Pareho lang pala tayo, e. Kaya lang, naging parang isa lang akong dingding, isang harang, sa kaligayahan mo.)

“…”
Hindi na nakarating sa ‘yo ang mga nararamdaman kong kay tagal na kinimkim.
Maligaya ka na kasi, nahanap mo na ‘yung bagay na magpapasaya sa ‘yo.
Bagay rin naman ako, a,
di lang bagay sa ‘yo.
Hay.
Sana kasi. Sana ganoon.
Sana pala, di kita hinayaang tadtarin ako ng balang hindi na matatanggal.
Sana pala, pinayungan kita sa bagyong paparating at prinotektahan sa lindol na yayanig.
(Sana, nasabi ko ang mga salitang baka nagpabago sa puso mong hindi tumitibok para sa akin.)
Sana pala di ko itinago.
Baka sakaling di ako na-
bes-zoned sa ‘yo.

Literary: Sa Ilalim





Napakasarap pagmasdan
ng mga bituing nagsasayawan, nagkikislapan,
mga ilaw na patay-sindi sa kalangitan,
nagsisilbing gabay sa mga hindi alam ang patutunguhan,
tulad ko na nakawala ng mapa
dahil tangay-tangay mo ito
noong sinabi mong “Ayaw ko na.”
Tuloy, napadpad ako sa pusod ng gubat,
walang karamay, nag-iisa
di alintana ang panganib na kaakibat,
dahil iyan ang ginawa ko noong minahal kita.

Lumalalim ang gabi,
sinubukan kong ipikit ang aking mga mata,
baka pagod ko’y kaya nitong mapawi,
baka maglaho ang sakit at pighati.
Pero hindi ko magawang mahimbing
dala ng bangungot ng nakaraang madilim.
Di alam kung bakit nagkakaganito
siguro ikaw pa rin ang laman ng puso at isip ko.

Mga mata’y muling binuksan,
pagtingin ko sa karagatan ng mga bituin,
may bulalakaw na nagdaan,
pikit-mata kong sinabi ang mumunti kong hiling,
na sana ay isabay nito ang bigat ng aking damdamin,
pati na rin ang mapapait na alaala ay maglaho na.
Kaya naisipan kong sumulat ng tula
sa ilalim ng buwan at libo-libong tala –
mga letrang napakadiin ng pagkakasulat
gamit ang luhang tumutulo sa aking mga mata.
Bawat luhang pumapatak, laman nito’y aking hiling
na sana bukas wala na ako sa kagubatang madilim...

Literary: My Celestial Love





Your intergalactic eyes
Filled with hundreds of millions of stars
Each filled with my tiny wishes
And all of them granted at the same time

Your skin lined with astral trails
Of cuts and bumps and imperfections
Traced by my cold fingers
Creating connected constellations

Your hair, what a mess for the cosmos
A galaxy of flowery, girly unknown
Though, running my hand through,
This alien world feels strangely familiar

Our hands touch
And two planets collide and crumble
Into each other we fit perfectly
And amongst the rubble I know

We should let the tiny pieces of us
Fly off into the distance
So we’ll get destroyed in the most beautiful way
And we’ll stay together in this mad space we live in

I whisper this final wish to you
And I see the shimmer in your otherwise black eyes
Telling me all that I need to know
And that my last request has been granted

Literary: Second Star to the Right





Stuck and bored, day and night
Never left my zone, not even for a mile
To work till it's morning and bright
A life I had known for quite a while

Sighing and longing are no use to me
But I love looking out my window sill
To the stars spread out as far as my eye can see
A view so beautiful and so surreal

I want to be among them
I want to be up there
I want to be a shining gem
To soar without care

As soon as I feel like turning around
A boy, suddenly appeared, no older than me
With feet, not gravity-bound
And laughter so careless and free

He told me,

“You know, you’ve been wishing on the wrong star
See that one, the second to the right?
There, it doesn’t seem too far
To Neverland, it will guide you with its light

“Faith becomes the wings you need
To fly up there with me
And trust will surely do the deed
To be what you want to be

“Do you trust me?”

“How could I? I don’t know you.”

“Take my hand, let, whatever our fate is, be.”

With a naïve heart, I followed him and flew

To an unknown world, he took my hand
For a while, I didn’t want any other
But an adventure, so exciting and grand
Is bound to end one way or another
To end the unforgettable journey we had,
He faced me and smiled, as if it wasn’t sad

“It’s time to let go
But not to say goodbye
For saying goodbye is forgetting, don’t you know?”

And with that he left, back up to the sky

I waited and waited and waited
For the promise that he vowed
To never forget me as if we were fated
But the cry of my heart is too loud

I want to be numb
Because hoping for you is futile
Being young forever is too burdensome
So to wait this long is too brutal

But the memories of you
Were the only proof you were real
And my broken heart is evidence too
To the emotions I feel

But I’m still going to continue
To jump off the plank
Because I’m hoping you are still true
And to safety, you’d fly me back

Literary: Lamentation's Facade





Streaks of white against the midnight sky,
A sign of hope for those below;
Whispers and shouts come from the vale,
Wishes and calls for better days.

Wishes, o wishes, bastions of hope,
Whose marble face of endless dreams,
Betrays not that plaster which is your core:
Lamentation and pain and endless grief.

Wishes, o wishes, you marks of want,
Are you not but calls for help?
A honeyed lament against what is;
A sweet-sung song of tormented woe.

Wishes, o wishes, you declamations loud,
Whose sound is wasted on an empty hall,
Echoing, echoing for an absent crowd,
Unheard, unnoticed, unheeded.

Streaks of white against the endless black,
Fading as they speed along;
Swallowed by darkness in their path,
Lost forever to the void.

Literary: Guniguni





Ang nais ko lang sana sa mga bituin,
ika’y makita bago ako’y iyong muling lisanin.
Kahit na di dapat magkita, utos ni Tadhana,
sana ito’y hayaan, kahit isang sulyap sa bintana.

Dahil ikaw ang araw, ako ang buwan,
minsan lang magkita at pagkakataon pa’y napakadalang.
Pili ang oras na tayo’y nagkakasalubong,
isang maikling tingin lang ang puwedeng magkaroon.

Ang hiling ko habang tumatakbo ang oras,
Hindi ka mawalay mula sa aking yakap.
Dahil ayaw kong mawalay sa’yo,
na para bang isa lang akong kalsadang dinadaanan mo.

Dahil ikaw ang tanging pag-ibig na dadalhin ko sa pagtanda,
ang tanging ayaw ipalimot ni Tadhana.
Kung ako ang buwan, ikaw ang araw,
ang mga bituin ang ating mga alaala.

Sinusubukang bilangin ang natitirang mga piso sa bulsa,
pinipitik ang bawat pilikmata.
Hinihiling na tayo’y magkita
para masabi ko sa iyo na mahal na mahal kita.

Hinahaplos ang pulang talulot ng rosas,
hinahawi ang asul na kurtina.
Kaso hindi sapat ang lambot ng mga ito
para maalala ang iyong mga palad na noon ay hawak ko.

Ang mga pintura, papel, sana sapat na
para maguhit ko ang iyong mukha.
Siguro para sa akin ito’y magpapasaya,
pero ang tanong ay: “Ako’y magiging sapat ba?”

Kaso masakit na, ilang beses na akong sinawi ng mga bituin ko,
napapaisip na lang ako kung kaya ko pa ba.
Kasi sa tuwing humihiling ako, parang bigla na lang nanlalabo ang mga mata,
parang umuulan pero ang mga pisngi ko lamang ang nababasa.

Sa tuwing sinasabi ng hangin ang pangalan mo,
lalong dumidilim ang magdamag.
Sa tuwing pagtingin sa mga litrato na ikaw ang laman,
dumarating ang unos at lumalamig ang gabi.

Iniiwasan ko ang pagtingin sa mga bituin,
kasi hindi ko na talaga kaya.
Ayaw ko nang hilingin na sana maulit muli
ang bilang na alaalang iniwan mo sa akin.

Dahil ikaw ang araw, ako ang buwan,
at di ka maaaring manatili sa aking tabi.
Nang ikaw ay umalis, ako’y nanlamig,
nalulunod mag-isa sa masakit na pag-ibig.

Literary: Ay Bastos!






Pagsapit ng kadiliman,
may isang bituin na naghahari sa kalangitan.
Dali-dali ko itong dinadasalan
bago pa ang iba’y maglantaran
dahil kahilingan ko'y baka hindi na maisakatuparan.

Pagsapit ng Pasko,
sa aming kamag-anak ako didiretso.
Ako'y manghihingi ng mga pamasko
palagay ko, ako na'y isang milyonaryo!

Pagsapit ng aking kaarawan,
ako'y pinalilibutan ng mga mahal ko sa buhay,
tinititigan ako hanggang mahipan ang apoy sa harapan
nasa isip ko lamang makuha na ang materyal na bagay.

Minsan ako'y nasa isang paglalakbay,
mata ko'y hinila ng balong malumbay.
Ako'y lumundag sa tubig na parang buwaya
upang tubusin ang hinagis nilang barya.
Wow! Ganoon lang pala kadaling kumita
ngayo'y doble na ang pera sa aking bulsa!

Minsan na akong nangialam ng lampara
upang ikuskos ito sa madudungis kong paa.
Hinintay kong lumabas ang nagkukubling nilalang,
ngunit ang lumabas,
kumukulong mukha ng aking ina!

Minsan, ako'y inutusang magtiklop ng tagak,
ang sabi sa akin, "Sige pa, sige pa,
bilisan mo pa, huminto ka lamang kapag sapat na..."
Naku naman, isang libong papel, inaksaya!

Pagsapit ng Linggo,
iniluluhod ang paa, iniyuyuko ang ulo.
Magdadasal lamang upang humiling,
bilis ng bulong sa hangin
sa takbo ni Usain Bolt, tumataginting!

Sinusunod ko, mga pamahiin sa paghiling
nagbabakasakaling mga mithi ay akin ding kamtin.
Ngunit paglaon, aking binibiro, ginagawang kalokohan,
sapagkat alam ko na hindi sila magkakatotoo, kailanman.

Ang mga minimithi'y ibinubulong sa hangin...




Ang lahat ng puso'y may kinikimkim...