literary,
Hiniling kong maging bahagi ng iyong buhay,
ngunit sa akin, di mo naibigay.
Ako’y nanatili bilang isang anino –
binabalewala mo lamang, wala kang kamalay-malay,
palaging nakabuntot, at sa tabi mo’y hindi nawalay.
Hiniling kong ako’y iyong ibigin,
ngunit alam ko, hindi ka mapapasaakin.
Sapagkat lagi kong nasasaksihan,
tuwing kinakain ka ng dilim,
akong anino’y napapawi, tila ba tinangay ng hangin.
Hiniling kong malimutan ka na,
habang ako'y hindi mo nakikita,
gusto kong malaman mo na nais kong kumawala.
Ngunit nahanap mo muli ang tanglaw,
sa gitna ng dilim, natagpuan ko, aking kaagaw.
Hiniling kong mapalayo na sa iyo
ngunit hindi makahiwalay, kahit anong pilit ko.
Noong ang ilaw, iyong natagpuan,
akong anino'y hindi makayang bumukod,
wala na akong magagawa kundi sumunod.
Hiniling kong lumingon ka,
tumalikod ka sa iyong tanglaw,
nandito lang ako sa bawat mong galaw.
Di ba ang lapit lang natin, pero di mo ako tanaw,
maaari bang minsan, ako’y iyong maaninaw?
Hinihiling kong sa karimlan na lang ako,
sapagkat dito lang ako naglalaho.
Hinihiling ko rin, tuluyan na tayong magkalayo,
dahil marami pang ilaw ang iyong maaaring makatagpo,
at may iba pang anino na susunod sa iyo.
At hindi mo na ako magiging anino.
Literary: Anino

0 comments: