feature,
Ganito ang mga naramdaman ng mga manonood sa “Ang Katatawanan at Kalituhan”, isang pagtatanghal ng Dulaang UP bilang pagbubukas ng kanilang 41st season.
Isa itong pag-alaala sa ika-400 taong pagkamatay ni Shakespeare. Naging basehan ng dulang ito ang kanyang “The Comedy of Errors”, na isinalin sa Filipino ni Guelan Varela-Luarca at sa direksyon ni Alexander Corte.
Umani ng maraming papuri ang pagtatanghal. Kinilala ang Arabian design ng entablado nito na pinamunuan naman ni Ohm David. Naging swak dito ang makukulay na kostyum ng mga karakter, na idinisenyo naman ni Gino Gonzales. Lalo pang nabuhay ang dula sa sigla ng koreograpiya ni PJ Rebullida at sa kasiningan ng lights production sa pamumuno ni Melliton Roxas Jr.
Nagsimula ang kuwento sa bayan ng Efeso kung saan ipinagbabawal ang mga taga-Siracusa. Nililitis ang isang taga-Siracusa na si Egeon, na nagpunta noon sa Efeso upang hanapin ang kanyang nawawalang kambal na anak. Kasabay nito, dumating ang isang nagngangalang Antifolo, kasama ang kanyang aliping Dromeo. Nagpanggap silang mga taga-Efeseo gayong taga-Siracusa talaga sila. Lingid sa kanilang kaalaman, may kapangalan at kamukha-kamukha sila sa nasabing lugar. Dahil dito, napapagpalit ng mamamayan, maski na ng asawa ni Antifolo, ang kanilang mga pagkatao na siya namang nagdulot ng matinding kaguluhan at kalituhan sa istorya.
Simula pa lamang, damang-dama na ang pagkakabuhol-buhol ng kuwento at ng ugnayan sa pagitan ng mga tauhan. Pinatingkad pang lalo ng mahusay na pagganap ng mga aktor sa kani-kanilang karakter ang nakaaaliw na banghay ng dula. Kinilala sina Gabo Tolentino at Khen del Prado para sa kanilang katangi-tanging pagganap sa kambal na Dromeo. Napukaw rin ang atensyon ng mga manoonod dahil sa mga matatalinghaga ngunit nakakatawang linya ng mga tauhan. Marahil ito ay dahil sa mahusay pagkakasalin sa Filipino ng istorya sapagkat napanatili nito ang estilo sa pagsulat ni Shakespeare.
Mag-iiwan ng ngiti sa inyong mga mukha ang nakalilitong banghay , mga rebelasyon nito at maging ang paraan ng paglutas sa mga suliranin sa dula. At Kung inaakala mong alam mo na ang buong kuwento, mabibigo ka ng iyong maling akala. Lilituhin at patatawanin kang lalo ng pagtatanghal hanggang sa dulo. Sa paglabas mo ng dulaan, siguradong magbabaon ka ng isang malaking ngiti, sabayan mo pa ng masakit na panga sa iyong kakahalakhak.
// nina Rachel T. Siringan at Fiel Delos Reyes
FEATURE: “Ang Katatawanan at Kalituhan”: Tawanan, Hagikhikan sa Labo-labong Tanghalan
Kasiyahan. Kalituhan. Pagkamangha.Ganito ang mga naramdaman ng mga manonood sa “Ang Katatawanan at Kalituhan”, isang pagtatanghal ng Dulaang UP bilang pagbubukas ng kanilang 41st season.

0 comments: