elora,
Sana hindi na lang kita nakilala,
bakit ba kasi sa dinami-rami ng tao, ikaw pa?
Tadhana yata ay nagkamali,
oras at tao ay mali ako ng pagpili.
Sana hindi na lang tayo nagkita,
dahil pagtingin sa ‘yo’y lalong lumalim pa.
Nang ang mga mata natin ay nagtagpo,
biglang bumilis ang tibok ng aking puso.
Sana hindi na lang kita nilapitan,
napigilan pa sana ang paglalim ng nararamdaman.
Hindi na dapat umasa,
lalong hindi na rin sana nagmukha pang katawa-tawa.
Sana hindi na lang tayo naging magkaibigan,
kung alam ko lang na ‘yon na ang hangganan.
Naiwasan pa sana ang sakit at pighati
ng ating mga pusong nagdadalamhati.
Pero sana, hindi ka na malungkot
kahit ang puso ko’y punong-puno pa ng poot.
Masaya na ako kung masaya ka na
kahit minamahal mo man ay iba.
Ito lamang ang mga hiling ko para sa ‘yo,
mula sa nagdaramdam kong puso!
Ngayon sana ika’y masaya na,
mga hiling ko’y binitiwan ko na.
Literary: Mga Binitiwang Hiling

0 comments: