beyondMC,

Literary: Ikaw

9/23/2016 07:36:00 PM Media Center 0 Comments





Nang makita kita, ako’y natulala.
Tila may isang bagay na sayo’y kakaiba.

Ngiting walang kasintamis, hubog mong matipuno.
Mahuhulog na nga ba sa’yo ang puso?

Ika'y aking iniisip sa bawat sandali
Nababaliw na yata, hindi mapakali.

Isang araw, ikaw saki’y lumapit, ako’y natulala na
Sa labis kong saya’y parang sa langit lumulutang pa.

Tinanaw ang mga bituin na ikaw ang kapiling.
Sa pagtitig ko sa’yo, mga mata mo’y talang maningning.

Para akong kalawakan na walang planeta, buwan at araw ay wala pa
Dahil ang bumubuo sa kalawakan ko’y ikaw na.

You Might Also Like

0 comments: