beyondMC,
‘Wag.
‘Wag mo akong iisipin.
‘Wag mo akong babatiin, ayaw kitang kilalanin.
‘Wag mo akong ngingitian.
‘Wag mo ‘kong titignan sa mata at maalala ko lang ang mga tala.
‘Wag mo ‘kong kakausapin ‘pagkat naaalala ko
Ang paglinya ng mga planeta
Sa bawat sambit mo ng mga letra.
‘Wag.
'Wag mong nanaisin ang paglubog ng araw
Ayaw kong kamuhian ang pagsikat nito.
'Wag kang mangakong mananatili
‘Pagkat ayaw kong mabigo ng paglisan mo.
'Wag kang mangakong hindi ako lilimutin;
sa bawat minutong kasama ako,
ang bawat araw na masaya tayo.
‘Wag mong hahanap-hanapin ang liwanag ng buwan
Pagkat masisinagan lang ang aking damdamin
Sa dilim:
Doon kita pagmamasdan.
Doon kukunan ng larawan,
Doon kita itatago sa maliit kong mundo.
Kung saan malinaw ang kalawakan,
At ang kalawakan ay ikaw.
Nang sa bawat galaw ay ang pagsabog ng mga tala –
Nang sa bawat ngiti ay ang pagsayaw ng mga planeta –
Mula roo’y pagmamasdan kita.
‘Pagkat doon nananatili ang payak,
At nasa malayo ang katahimikan –
Hindi kita pariringgan.
‘Di ko ipapaalala ang ganda ng iyong
Pagtawa, pagtingin, pagngiti–
Hindi.
Ayokong magkaroon ng dahilan
Para malimot kang tuluyan.
'Wag mo akong mamahalin.
Hindi ako lalapit.
Ngunit
Sa milyun-milyong milya ng ating distansya,
Mamahalin ko
ang bawat kilometrong lumalapit ka.
Hahayaang lumago ang kung ano man ito –
Sa kabila ng distansiyang namagitan sa ating dalawa
Literary: Hindi

0 comments: