literary,
Naaalala ko pa ang kahapon kong makulay
Pinuno ito ng pagmamahal ng aking Lolay
Ngunit panandalian lang pala ang ligayang ito
Di ko naisip, ang oras pala'y tumatakbo
Payak lang ang pamumuhay ng aking kamusmusan
Mainit na yakap, kokoa, at kakanin lang ang sagot sa ulan
At pagtapos kumai'y sasamahan ko si Lolay maggantsilyo
Habang ako'y nahihimbing sa huni niya ng “Paruparo”
Pero tulad ng isang paruparo, siya'y mabilis na pumagaspas
Ang dumapo sa kanyang sakit, mabilis kumalat, kumaripas
Tadhana, kalawakan, bakit ganito?
Binawi niyo sa ‘kin ang aking paruparo
Di ko man lang nagawang magpasalamat sa lahat ng ginawa niya para sa ‘kin
Tanging luha lang ang pabaon, nasambit ko lang ay paumanhin
Umaalingawngaw pa rin sa aking isipan
Ang sabi niyang "Huwag na huwag mo akong kalilimutan"
Tadhana, kalawakan, bakit kay pait ng hinagpis?
Tila nasanay ako sa kokoa at kakanin niyang matamis
Tadhana, kalawakan, kung mayroon man akong isang hiling
Kahit isang araw lang, ibalik mo si Lolay sa ‘king piling
Nais ko lang kumain muli ng kokoa at kakanin
O sumayaw sa tunog ng radyo, o tumawa sa mga magasin
Alaala naming dal’wa'y nais kong sariwain
Kahapong di malilimutan, iaasa na lang sa isang hiling
Literary: Paruparo

0 comments: