feature,

Feature: MCTraditions

9/02/2016 08:25:00 PM Media Center 0 Comments

Nakaugalian na ng mga nagiging Media Center Staff ang magpakilala ng mga bagong publishing themes taun-taon. Di nagtagal, nakilala ang mga ito bilang publishing traditions na inaabangan at tinatangkilik ng mga masugid na mambabasa ng Ang Aninag Online. Ilang sa mga ito ay ang:


#MCPakisabi
Ang Pagsilang ng Isang Manunulat

Sa MCPakisabi nagsimulang makilala ang karamihan sa mga tinatangkilik na writers kagaya nina Faber Castell 0.7, Dimples, Noisetier at Saviour of the Broken! Pinasimulan ito ng MC 1 Batch 2015 noong Agosto 21, 2014 upang makapagpahayag ng damdamin ang mga mag-aaral ng UPIS.

Ang teaser na ito ay likha ni MC2 2015 Art Director Aemel De Leon
para sa ikatlong edisyon ng MCPakisabi.

Maliban dito, nagsilbi rin itong paraan upang madiskubre ng MC Staff ang mga estudyanteng may taglay na talento sa pagsusulat. Hinihikayat namin ang mga estudyante na magpasa ng kanilang mga akda na maaari naming mailathala sa Ang Aninag Online tuwing pub tradition na ito.

O, ano pa ang hinihintay ninyo? Magpasa na at sumama sa MC Family! Sa pub na ito, kayong mga mambabasa namin ang bida! // by Fiel Delos Reyes


#MCAnniversary
#everythingisaboutMC



Itinatag noong Agosto 27, 2011 ang Ang Aninag Online kaya naman espesyal sa lahat ng naging bahagi MC ang buwan ng Agosto. Tradisyon na ang pub day na ito dahil hindi lamang ito nagpapaalala sa pagkakabuo ng online site, nagsisilbi rin itong reunion ng MC Alumni dahil naiimbitahan silang muli na magsulat ng mga artikulo na mailalathala sa gabi ng selebrasyon.

Sa MCAnniversary nila masayang binabalik-balikan ang mga hindi nila mallilimutang karanasan sa work program na ito. Madarama mo rin ang patuloy na suporta ng alumni sa pub tradition na ito dahil sabi nga nila,
"Ang MC ay forever."
by Hanna David

#MCSagutan
Inaasahang Kasagutan mula sa ‘di Inaasahang Tao

Kailangan mo ba ng sasagot sa mga tanong mo sa buhay? Aba’y itigil na ang paghahanap dahil maaari mo na ngayong idaan ‘yan sa MC Sagutan!

Ang MC Sagutan ay isang tradisyong nagsimula noong Marso 7, 2015 sa ilalim ng MC2 2015. Sa tradisyong ito, nagpapasa ang MC staff (at ilang non-staff) ng mga kathang sasagutin ng ibang manunulat. Ang MC Learning Coordinators naman ang nagsasabi kung kaninong akda ang sasagutin ng kung sino.

Siyempre, espesyal dito ang palitan ng mga saloobin at damdamin, lalo pa’t hindi mo kilala ang taong sasagot! Kapana-panabik din ito para sa manunulat dahil hindi niya alam kung kaninong gawa ang kaniyang sinasagot. (Uy, malay mo si crush pala! Sulat na ‘yan!) Sa tradisyong ito, hindi imposibleng mahanap mo ang tamang tao na makasasagot sa puso.. este, sa mga tanong mo. // by Layla Wadi


#DiMaAninag
Halo halo. Gulo gulo. Labo labo.

Malungkot ka ba? Gusto mo bang malimutan ang iyong mga problema? Idaan mo na lang iyan sa kasiyahan na dala ng aming DiMaAninag! Kung hindi pa ninyo narinig, ang Di MaAninag ay isang kakatuwang pub tradition ng MC dahil ito ay ang spoof edition ng Ang Aninag Online.

Isa ito sa pinaka-inaabangang pub dahil sa mga nakakatuwang artikulo na nagbibigay kasiyahan sa mga tagasubaybay ng MC. Binubuo ito ng spoof news, spoof feature articles, at spoof literary works. Spoof lahat at bawal ang sawi! Isang beses kada semestre ginaganap ang pub, madalas tuwing Oktubre at Marso, at ito ang nagiging pangalawa sa huling pub ng MC.

Ang Spoof Edition Ed Board ng MC 2013, sa pangunguna ni Eric Madriaga,
ang kauna-unahang nakapaglathala ng Di MaAninag Online.

Sinimulan ito ng MC 2013 at unang inilabas noong Oktubre 3, 2012. Ayon sa Feature Article na The MC 2013 Dictionary, nagsimula ito nang may magsulat ng isang balita tungkol sa trending topic ng pagkapanalo ng isang kalahok sa Pinoy Big Brother (PBB). Mula noon, naging tradisyon na sa MC ang Di Maaninag- tradisyong magpapangiti sa lahat ng sawi, at magpapatawa sa lahat ng umaasa! by Zach Jugo

Ang #MCPaps ng MC2 2015 ang isa sa mga pinakasikat na edisyon ng Di MaAninag Online.


#MCValentines
Lahat ay Nag-uugat Sa Pag-ibig

Ito ang pub para sa lahat ng umiibig, iniibig, at di na muli pang iibig!

Sinimulan ito ng MC2 2014 dahil gusto nila ng isang pub na may masasayang akda at nakapokus sa tema ng pag-ibig. Ang kanilang pub ay pinamagatang Tatlong Araw ng mga Puso at inilathala mula Pebrero 12 hanggang 14, 2014.

Dahil sa mga hugot article ng mga manunulat, marami ang nakaka-relate sa mga artikulong nalathala sa pub day na ito kaya naman isa ito sa mga sikat at inaabangang pub tradition ng MC tuwing buwan ng Pebrero.

Kung ikaw ay sawi, masaya sa love life, o naghahanap ka lamang ng magpapakilig sa iyong puso, ang pub na ito ay bagay na bagay para sa iyo! // by Joev Guevarra

You Might Also Like

0 comments: