literary,
Isang araw, may sumulat ng istorya
kung saan ang buhay ng bida’y mala-pantasya:
naisipang iaalay sa kanya ang prinsesa
isang perlas na ningning ay kakaiba,
ipagkakaloob sa kanya isang pangalang dakila
at... ginawa akong kalaban.
Ako lang naman ang patalo sa laro,
kapag may naganap na masama, sa akin ang turo.
Wala akong magagawa kung panira ako ng eksena,
para bang hindi inaasam na dalaw sa itinatanging alaala,
ako lang naman ang nahirang na basura ng istorya.
Maaari ngang ako’y napakasamang nilalang,
nilalang na mali ang pagkalikha kaya isinantabi na lang.
Ngunit, batid niyo ba na ako’y tao rin lamang?
At hindi niyo ba natanto, kahit minsan,
kahit isang saglit ba, sa isip niyo’y napadaan,
kung ano ang aking nararamdaman?
Sana, ako’y inyong pakinggan.
Takdang oras ay sumapit, aaminin ko na ang totoo:
ang buhay ng kalaban ay hindi ko ginusto.
Sa dinami-rami ng isda’y ako ang nahuli,
naakit, nalinlang, wala nang takas sa tali.
Sana iba na lang.
Nagsimula ang lahat sa isang maaliwalas na umaga,
umagang dinaig ang dilag ng isang estrelya.
Pagdilat ng mga mata’y nasilaw sa sumalubong na pag-asa,
pag-asang makalikha ng isang simula,
simula ng aking istorya.
Ngunit biglang dumilim
nang hablutin ang aking hiling,
nang malamang nasimulan na ang kuwento,
at iba ang sumulat, hindi ako.
Kung maaari lang balikan ang panahon at alaala,
kung maaari lang lokohin ang sanlibutan, matagal ko nang ginawa.
Gusto ko sana ng isa pang pagkakataong magsimula muli,
para maayos ang lahat ng gulo, maitama ang pagkakamali.
Ngunit, nasulat na ang katha mula umpisa hanggang huli.
Isang araw, sumulat sila ng munting kuwento,
wala na akong magagawa, maniwala kayo,
puno na ang blangkong papel ng aking pagkatao.
Ang lahat ng ito’y isang pandaraya
pandarayang hindi na mabubura...
Sana alamin niyo muna ang lahat bago basahin ang istorya.
Literary: Munting Kwento

0 comments: